You are on page 1of 20

,S

8
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1 Popular na
Babasahin (Kontemporaryong Panitikan
tungo sa Kultura at Panitikang Popular)

AIRs - LM
Filipino 8 (Kontemporaryong Panitikan tungo sa Kultura at Panitikang Popular)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin Unang Edisyon,
2021

Karapatang sipi © 2021 La


Union Schools Division Region
I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi


nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rachelle M. Padin


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS Luisito V.

Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D.

Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Isang magandang araw sa iyo kaibigan! Batid kong nakapagpamalas ka ng katalinuhan noong
nakaraang aralin. Ngayon ay papadyak ka muli sa mga pagsubok na lalong ikauunlad ng iyong
kaalaman at ikalilinang ng iyong kaisipan. Bagong aralin at bagong kaalaman.

Kaibigan ngayon ay sasapulin at gagalugarin mo ang mga pagsubok sa mundo ng popular


na babasahing umaangkop sa kontemporaryong panitikan tungo sa kultura at panitikang popular.
Tunay na sa iyong pagbabasa, may bagong kaalaman na lalong lilinang sa iyong kakayahan.

Matutuklasan mo sa Modyul 1 ang mga Popular na Babasahin gaya ng pahayagan, komiks,


magasin, at dagling katha na tiyak kong kinawiwilihan ng kabataang kagaya.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw,
paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata at pagbuo ng pangungusap.
(F8PB-llla-c-29)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia.
(F8PT-111a-c-29)

Kaibigan, handa ka na ba? Kung gayon, maaari mo nang simulan ang mga pagsubok sa aralin.

1
Aralin

1.1 Pahayagan

Simulan

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo


habang pinag-aaralan ang araling ito. Halika na’t simulang pagyamanin ang iyong
kaalaman tungkol sa pahayagan at mga terminong ginagamit sa mundo ng
multimedia.

Gawain 1: Tsek o Ekis?


Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang tsek (  ) kung ito ay tama at ekis ( X ) kung
hindi sa iyong sagutang papel.
1. Ang pangunahing wikang ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay Filipino.
2. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa
malaking papel at nakasulat sa Filipinong wika.
3. Ang anunsyo klasipikado ay bahagi ng pahayagang nakalaan para sa mga taong
naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan.
4. Ang libangan ay bahagi ng pahayagang naglalaman ng mga balitang
naghahatid ng aliw sa mga mambabasa.
5. Ang Balitang Pandaigdig ay uri ng pahayagang naglalaman ng mga balitang may
kaugnayan sa labas ng ating planeta.

Gawain 2: Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa ibaba.
Pagkatapos, isulat mo sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang mga
“Lingo” na ginagamit sa Mundo ng Multimedia.

1.W 2.

B 6.H
E
R
W N
3. U M R
T M
4. C I T IE
5.
S
W C D
A
1. Isang sistema ng magkakabit na mga dokumentong makukuha sa Internet.
2. Agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa sa makina at
buhay na nilalang.
3. Paggamit sa higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon.
4. Taong eksperto sa teknolohiya.
5. Internasyonal na network na pangkompyuter na nag-uugnay sa mga
indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo.
6. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio,
video, graphics, plain text at hyperlinks.

Binabati kita kaibigan sa mahusay na pagsagot. Naumpisahan mo kaya alam


kong matatapos mo. Halika na’t ituloy at payabungin ang iyong kaalaman.

Lakbayin

Alam mo bang…
Pahayagan ang pinagkukunan ng mga balita noong panahong hindi pa uso ang telebisyon, radyo
at internet? Ngayon, atin itong bibigyan ng kahulugan. Atin ding aalamin ang dalawang uri nito at
ang ilan sa mga bahagi ng dyaryo.

Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas,


kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na
interes. Ang iba pang terminolohiya para sa salitang ito ay dyaryo at peryodiko.

Dalawang Uri ng Pahayagan


1. Broadsheet – Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa
malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito.
Bukod sa mga balita sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal
na mga kaganapan. Ang target reader nito ay mga class A at B.
2. Tabloid – Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit at
mas kaunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika na ginagamit sa
Tabloid ng Pilipinas ay Filipino. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang
balbal at sa ibang tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.

Mga Bahagi ng Pahayagan


Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:
1. Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at headline o ulo ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito
ang petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
2. Balitang Pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t ibang
parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balitang may kaugnayan sa labas ng ating
planeta.
3. Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga
kaganapan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.
4. Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-kuro
ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.
5. Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may
kaugnayan sa industriya, kalakalan at komersyo. Mababasa rin dito ang kasalukuyang estado
ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang
bansa.
6. Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng
trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga
bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.
7. Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagang naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga taong
pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga namayapang tao, kung
saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
8. Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balitang naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon at iba pang maiuugnay sa sining. Naglalaman din
ito ng mga laro na nakakukuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng sudoku at
crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.
9. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay.
Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspekto ng buhay sa
lipunan.
10. Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa
bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t ibang isport sa loob at labas ng
bansa.

Galugarin

Gawain 3: Ihanay Mo!


Panuto: Ihanay sa loob ng kahon ang sumusunod na pahayagan kung saan ito nakauri. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Abante Malaya Manila Philippine The
Bulletin Daily Manila
Inquirer Times
Bulgar Bandera Balita PM The
Philippine Star

TABLOID BROADSHEET
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Magaling! Naisakatauparan mo ang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy natin ang
paglalayag mo upang mapag-ibayo ang iyong kaalaman.
Palalimin

Gawain 4: Suriin Mo!


Panuto: Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista ang bawat bahagi nito. Gumupit ng tig-isang
halimbawa sa bawat bahagi at ilarawan. Idikit ito sa sagutang papel. Pagkatapos suriin ito. Sa
pagsusuri, tukuyin kung bakit inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang inaasahan nitong
mambabasa.
Pangalan ng Tabloid:
Petsa ng Pagkakalathala:
Mga Bahagi at halimbawa:
Deskripsiyon:
Pagsusuri:

Bilib ako sa pagsagot mo! Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang mga
iba’t ibang gawain. Ngayon ay ihanda ang sarili sa susunod na aralin.

Aralin
Magasin
1.2
Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa pahayagan. Ngayon ay magpatuloy
tayo sa magasin. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.
Gawain 1: Akronim
Panuto: Bigyan ng sariling kahulugan ang bawat letra ng salitang magasin. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

M
A
G
A
S
I
N

Mahusay! Naisakatuparan mo ang unang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy


natin ang paglalayag mo upang lalong mapag-ibayo pa lalo ang iyong kaalaman.
Lakbayin

Alam mo bang ang…


Magasin ay peryodikong publikasyong naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, larawan,
anunsyo at iba pa? Ito ay kadalasang pinopondohan ng mga patalastas.
 Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
 Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
 Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na ineendorso ng mga sikat na
tao sa bansa.

Ang Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas


1. Lipang Kalabaw (1907) – ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos.
Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging
kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng
panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni
Jorge Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga
opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa. Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang
panahon: 1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit- ulit na pagpapatigil dito. Ilan sa
mga tinuligsa nitong politiko ay sina Gobernador Leonard Wood. May mga komiks din na
nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga
Amerikano.
2. Telembang (1922-1924) – ay isang satirikong lingguhang magasing nasa
sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing
ito ay si Inigo Ed Regalado. Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga
kuwento mga karikatura at mga kartun. Ayon sa mga historyador, ang mga kartun sa magasing
ito ay likha nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda. Ang magasing ito ay naglalaman ng
mga satirikong kartun na laban sa mga Amerikano at mga pederalista. Mayroong 111 isyu ang
magsing ito.
3. Liwayway (1922) – naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng
mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa at tula, at nasusulat sa tatlong wika. Hindi
mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil
dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Inilunsad ni Ramon
Roces ang mga magasing nasa katutubong wika. Mayroon pa ring magasing Liwayway
hanggang sa kasalukuyan.

Ang kasalukuyang Nangungunang mga Magasin


Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksyon ng
Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin na mula sa ibang bansa. Halika na’t alamin ang mga ito.
1. Candy – Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan.
2. Cosmopolitan – Ito ay isang magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Entrepreneur – Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong
may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
4. FHM (For Him Magazine) – Ito naman ay magasing para sa kalalakihan na naglalaman ng
mga artikulong nais pag-usapan ng kalalakihan tulad ng mga isyung may kinalaman sa buhay,
pag-ibig at iba pa nang walang pag- aalinlangan.
5. Good Housekeeping – Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat
dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging
mabuting maybahay.
6. Men’s Health – Karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad ng
pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan na naging dahilan upang maging paborito ito ng kalalakihan.
7. Metro – Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman nito.
8. T3 – Isang magasin para sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa
pag-aalaga ng mga gadget.
9. Yes! – Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensiyong larawan at malalamang detalye tungkol sa mga pinakasikat na
artista sa bansa.
Galugarin

Gawain 2: Paghambingin Mo!


Panuto: Paghambingin ang mga magasin noon sa ngayon gamit ang Venn Diagram. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.
NOON NGAYON

Magaling kaibigan! Nagagalak akong iyong nasagutan ang gawain. Ngayon,


humanda sa gawaing lalong hahasa sa iyong isipan.

Palalimin

Gawain 3: Pananaliksik
Panuto: Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ng pananaliksik sa inyong
mga kapitbahay kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa pananaliksik
ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Pamagat:
Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Mga Natuklasan sa Isinagawang
Pananaliksik Pananaliksik

Konklusyon
Aralin
Komiks
1.3
Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan tungkol sa magasin. Ngayon ay
magpatuloy tayo sa magasin. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.

Gawain 1: Wala Kayo sa Lolo Ko!


Panuto: Ayusin ang sumusunod na pangungusap para kompletuhin ang pag-uusap ng tatlong mag-
aaral. Lagyan ng bilang mula isa hanggang lima ayon sa pagkakasunod ng mga pangungusap.

Wala palang binatbat ang mga lolo niyo sa lolo ko! Nakatayo lang sa gitna, walang
harang at hindi tinatamaan ng bala.
Hapon kasi ang lolo ko!
Owss!?
Noong panahon ng hapon, ang lolo ko sa plywood nagtatago pero hindi siya tinamaan ng
bala.
Wala yan sa lolo ko. Sa kurtina nagtago at hindi rin tinatamaan ng bala.

Magaling kaibigan! Natutuwa akong nasagutan mo ang unang gawain. Ihanda


ang sarili sa mga susunod na gawain.
Lakbayin

Alam mo bang ang…


Komiks ay mula sa Ingles na comics, ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita
at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento?
 Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahing ang layunin ay magbigay-aliw
sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman at magsulong ng kulturang Pilipino.
 Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting dayalogo sapagkat binubuo nito ng isa o
higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o magbigay- kahulugan sa teksto upang higit
na mapukaw ang atensiyon ng mga mambabasa.
 Isa ito sa panitikang biswal na naging popular nitong ika-20 siglo sa bansa.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Komiks


 Mauugat ang pagguhit ng komiks noong 1885, nang iguhit ni Jose Rizal sa anyong kartun ang
tanyag na pabulang “Ang Pagong at ang Matsing” sa album ni Paz Pardo de Tavera na
nililigawan pa noon ni Juan Luna sa Paris.
 Inihudyat naman ang pagiging industriya ng komiks nang likhain at ilathala ni Tony
Velasquez ang nakatatawang buhay ni Kenkoy noong 1929. Naging bahagi ito ng lingguhang
magasing Liwayway na naisalin din sa iba pang mga rehiyonal na magasing gaya ng
Bannawag, Hiligaynon, Bisaya, at Bikolnon.
 Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang maging pangunahing
babasahing Filipino ang komiks na hinalaw sa comic book ng mga Amerikano.
 Nailathala ang Halakhak Komiks noong 1946, ang kaunaha-unahang lingguhang serye ng
komiks na nailimbag sa Pilipinas. Sinundan ito ng Pilipino Komiks, Hiwaga Komiks,
Espesyal Komiks at Tagalog Klasiks ng Ace Publications sa pamamahala ni Tony Velasquez
at sinundan pa ng ibang publikasyon.
 Noong mga dekada 1970-1980, umabot sa tatlong milyon kada linggo ang nailalathala at
malaki ang ambag sa pagpapalaganap ng pambansang wika at pagbasa para sa mas
nakararaming mamamayang walang kakayahang bumili ng mga libro.
 Subalit, nanghina ito sa pagbubukas ng dekada ‘90 dahil nagsawa diumano ang mambabasa
sa hindi nagbabago bukod sa sumasamang uri ng kuwento’t guhit, ang palatandaan
ng sobrang komersiyalisasyon.

Mga Bahagi ng Komiks


1. Pamagat ng Kuwento – pamagat ng komiks, pangalan ng komiks.
2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento – mga guhit ng tauhan na binibigyan ng
kuwento.
3. Kuwadro – Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).
4. Kahon ng Salaysay – Pinagsusulatan ng maikling salaysay.
5. Lobo ng Usapan – Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan, may iba’t ibang
anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
Galugarin

Gawain 2: Ayusin Mo!


Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang mga pahayag sa
talata tungkol sa komiks. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang pagiging (akmlinhai) ng mga gumagawa ng komiks ang
nagpapagalaw maging sa mga bagay na walang (huaby). Nakikita nila
ang mga (abagy) na hindi nakikita ng iba. Nakalilikha sila ng mga bagay na
mula sa (aawl). Nakagagawa sila ng mga (kmihaa) o
kababalaghan. At kahit walang teleskopyo, gamit ang kanilang
(iimhyonasan) ay nagagalugad nila ultimong tuldok sa
(klaakaanw). Nakalilikha sila ng (keuwngnto)
bukod sa ating (umdno) ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri
ng mga (nagnilla).

Pak na pak ang iyong galing sa pagsagot kaibigan. Ihanda ang sarili sa
susunod na gawain.

Palalimin

Gawain 3: Komik Strip


Panuto: Gamit ang komik strip na may apat na tauhan, lagyan ito ng angkop na salitaan kung paano
makaiiwas sa COVID-19. Gayahin o gumawa sa sagutang papel.
Pamantayan Puntos
Kaisahan ng mga pangyayari 5
Salitang ginamit 5
Kaangkupan sa paksa 5
Kabuoang Puntos 15
5-Napakahusay 4-Mahusay 3-Katamtaman 2-Di-mahusay 1-Sadyang Di-mahusay

Matalinong pagsagot kaibigan! Humanda muli para sa susunod na aralin.


Aralin
Kontemporaryong Dagli
1.4
Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa komiks. Ngayon ay magpatuloy tayo
sa mga nahanay na gawain Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.
Gawain 1: Paghahanay
Panuto: Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga akda na isinulat ng mga manunulat na nasa
hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. May pagsinta'y walang puso… A. Rosauro Almario
2. Isang punongkahoy B. Francisco Laksamana
3. Ang mananayaw C. Iñigo Ed. Regalado
4. Ang Sampaguita D. Lope K. Santos
5. Renacimiento Filipino E. Jose Corazon de Jesus
6. Banaag at Sikat F. Patricio Mariano

Lakbayin

Alam mo bang ang…


Dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling kuwentong
nagsasalaysay ng iba’t ibang paksa sa buhay ng isang tao?
 Ito rin ay iba sa mga gawang panitikan tulad ng Alamat, Pabula at iba pa dahil ito ay sadyang
maikli. Karaniwan ay nasa isang daang salita o kaya naman ay aabot hanggang apat na raang
salita lamang.
 Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa
angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.
 Subalit sinabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang
sa kilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag na
Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus na tinaguriang “Makata ng Pag-ibig”, Rosauro
Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano na tinaguriang puno ng mandudulang tagalog at
tinawag siya ni G. Artigas y Cuerva na “anak ng pahayagan ng tagalog”, Francisco
Laksamana na kilalang Pilipino na komandante ng hukbo ng mga Español, at Lope K.
Santos na dating senador ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, kilala naman si Eros
S. Atalia sa kaniyang mga kakaiba at natutuwang dagling kontemporaryo.
Halimbawa ng Dagli

Kasabikan
Mahigit treinta pesos ang pinagbilhan niya sa mga boteng inipon niya nang mahigit
dalawang linggo. Dapat nga beinte-otso lang. Mabuti’t kilala niya ang magbobote, pinasakto na
niya. Hindi niya napigilan ang ngumiti nang iabot sa kaniya ng magbobote ang pera. Bakit nga
hindi? Kumpleto na ang dalawandaan niya! Tatlong buwan niya kaya ‘yong inipon. Kahit
minsan hindi na siya mag- recess. Kahit hindi na siya makarenta ng computer para
makapag-Facebook. Kahit hindi na muna niya mabayaran ang inutang na Zest-O kina Aling Mila.
Ang mahalaga, mabibili na niya ang gusto niya! Tinext niya agad si Rachel. Sabi niya, may pera na
siya. Sagot naman nito, magkita na raw sila, para mabili na niya ang gusto niya. Matagal na
niyang pinapangarap ‘yon. Simula pa noong mapanood niya ‘yon sa bahay ng Kuya
Jessie niya. At pamaya-maya, nagkita nga sila ni Rachel. Sa loob ng tatlumpung minuto, ubos ang
dalawandaan.
Kinabukasan, Lunes. May pasok na siya. Ihing-ihi siya nang magising. Ngunit nang
sinubukan niyang umihi ay matinding kirot ang naramdaman niya. At kahit masakit, may lumabas
naman. Hindi nga lang ihi.
Kundi nanà.
philnews.ph by: Ki

Sa kasalukuyan sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature
story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan at telebisyon. Sa kasalukuyan
nagkaroon na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na lang ito tinatawag na dagli kundi nagkaroon na
ito ng ibang lehitimong pangalan at katawagan – anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.

Galugarin

Ngayon basahin at unawain mo ang kasunod na teksto.

Brown Out
Eros S. Atalia

Ginising siya ng kaniyang hika. Naliligo pala siya sa pawis dahil sa init.
Madilim. Brown out. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak. Sa simula ay hikbi
hanggang maging sigaw… “Mommy!”
Nasanay na siyang laging si Mommy lang ang katabi sa pagtulog hanggang pagkagising. Sa
Pasko pa uuwi si Daddy.
Bumukas ang pinto. Nasilaw siya sa flashlight na dala ng anino. “Anak…
dito na si Mommy.”
Patakbo niyang niyakap ang ina. Kapwa sila basing-basa ng pawis. Biglang nagsindi ang
ilaw.
Napatigil ang kanyang pag-iyak. Nasa pintuan ang taong tuwang-tuwa siyang makita
tuwing Pasko. Napakaraming regalo kasi ang natatanggap niya dito.
“Ninong!”
Gawain 2: Paghambingin Mo!
Panuto: Ihambing ang dagling “Kasabikan” sa dagling “Brown Out” batay sa katangiang nakatala sa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Brown Out” “Kasabikan”


Paksa
Layon
Tono
Pananaw
Pagkakasulat
Pagbuo ng Salita
Pagbuo ng Talata
Pagbuo ng Pangungusap

Matalinong pagsagot kaibigan! Kahanga-hanga ang ipinakita mong galing.

Palalimin

Gawain 3: Opinyon Mo, Ipahayag Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong na hindi lalagpas sa tatlong pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Paano mo ilalarawan o bibigyang-kahulugan ang kontemporaryong dagli sa kasalukuyan?
Bakit nagkaroon ng pagpapalit-anyo at pagbabago ng kahulugan ang popular na babasahing
ito?

2. Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na popular na babasahin ang higit na


nakaiimpluwensiya sa buhay, pag-uugali at pag-iisip ng mga Pilipino? Bakit?

3. Paano ka makatutulong upang mahikayat ang iyong kapwa kabataan na tangkilikin ang
mga babasahing popular?

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput


Napakahusay Mahusay Katamtamang- Nangangailangan ng
husay gabay
(5) (4) (3) (2)
Paghahayag ng
opinyon.
Maingat na
paggamit ng
wika.
Mabisang
nagamit
Sukatin

Binabati kita dahil nalakbay nang buong talino, nagalugad nang buong
tapang at napalalim nang buong husay ang iyong diwa sa iba’t ibang aralin sa
modyul na ito. Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman sa kabuoan ng modyul
na ito. Galingan mo pa lalo!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin, unawain, at piliin mo sa loob ng kahon ang sagot na inilalarawan o
pinatutungkulan ng bawat pahayag. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

1858 Pahayagan Telembang Mukha ng Pahayagan

1885 Magasin Lipang Kalabaw Editoryal o Pangulong Tudling

1922 Komiks Obitwaryo Balitang Panlalawigan

1946 Dagli Libangan Anunsyo Klasipikado

1964 Liwayway Lifestyle Balitang Komersyo

1. Ito ang taon nang iguhit ni Jose Rizal sa anyong kartun ang tanyag na pabulang Ang
Pagong at ang Matsing sa album ni Paz Pardo de Tavera na nililigawan pa noon ni
Juan Luna sa Paris.
2. Ito ay naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan,
balita, salaysayin, sanaysay, prosa at tula at nasusulat sa tatlong wika.
3. Tumigil ang operasyon ng magasing ito noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga
opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.
4. Ang pahina ng pahayagang naglalaman ng matalinong kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag tungkol sa isang napapanahong isyu o paksa.
5. Ito ang taon na nailathala ang Halakhak Komiks na kauna-unahang lingguhang serye ng
komiks na nailimbag sa Pilipinas.
6. Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling kuwento.
7. Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahing ang layunin ay magbigay-
aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman at magsulong ng
kulturang Pilipino.
8. Kadalasang pinopondohan ng mga patalastas.
9. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas,
kadalasang naimprenta sa mababang halaga.
10. Ito ang pahina ng pahayagang naglalaman ng pangalan ng pahayagan at headline o ulo
ng mga balita.
B. Panuto: Binagong Tama o Mali. Basahin, unawain at tukuyin ang sumusunod na pahayag.
Kung wasto ang payahag isulat ang salitang “Tama”, kung hindi wasto ang pahayag
hanapin, isulat ang salitang hindi angkop at isulat ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media sites gaya
ng Facebook at Twitter, gayondin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa
mga website gaya ng YouTube, ay nagdulot ng kaunting pagbabago sa Kulturang
Pilipino.
2. Ang pagkahilig ng kabataan sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-
udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo.
3. Ang Candy ay halimbawa ng kasalukuyang magasing na gawa ng mga matatandang
manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan.
4. Ang tabloid ay isang bahagi ng pahayagan na maari kang makabasa ng mga salitang
balbal.
5. Karaniwang tinatalakay sa FHM (For Him Magazine) ang tungkol sa mga isyu ng
kalusugan tulad ng pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan na naging dahilan upang maging paborito
ito ng kalalakihan.

Kamangha-mangha, tunay na napakagaling mo!


Binabati kita sa iyong paglalayag sa mundo ng
karunungan. Nakatutulirong paglalakbay ngunit
nakatataba ng utak na siyang magiging sandata
mo upang lalong makapag-imbak ng dunong at
kagandahang-asal. Nawa’y ang natutuhan mo
sa popular na babasahin ay maipunla sa iyong
puso’t isipan. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili
sa susunod na modyul – Modyul 2:
Kontemporaryong Programang Panradyo
Susi sa Pagwawasto

-Men’s Health
5. FHM (For Him Magasin)
4. bahagi - Uri 5. 2
3. matatandang - batang 4. 1
2. Tama 3. 4
1. kungting - marami 2. 5
B.] 1. 3
10. Mukha ng pahayagan Gawain 1
9. Pahayagan ARALIN 1.3: Komiks
8. Magasin
7. Komiks Iba-iba ang sagot
6. Dagli Gawain 1, 2 & 3
5. 1946 ARALIN 1.2: Magasin
4. Editoryal
3. Lipang Kalabaw Iba-iba ang sagot
2. Liwayway Gawain 4
1. 1885
A.] Philippine Daily Inquirer
Pangwakas na Pagtataya Malaya
The Philippine Star
Iba-iba ang sagot The Manila Times
Gawain 2 & 3 Manila Bulletin
(6-10)
6. D PM
5. B Balita
4. F Bandera
3. A Bulgar
2. E Abante
1. C (1-5)
Gawain 1 Gawain 3
ARALIN 1.4: Kontemporaryong Dagli
6. Hypermedia
Iba-iba ang sagot 5. Internet
Gawain 3 4. Techie
3. Multimedia
10. Nilalang 2. Cybernetics
9. Mundo 1. World Wide Web
8. K uwentong Gawain 2
7. Kalawakan
6. Imahinasyon 5. X
5. Mahika 4. 
4. Wala 3. 
3. Bagay 2. X
2. Buhay 1. 
1. Malikhain Gawain 1
Gawain 2 ARALIN 1.1: Pahayagan
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most Essential Learning
Competencies. p. 231-232

Peralta, R. N. et.al. Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. (2013).

Bailsa-Julian, Aileen G. Dayag, Alma M. Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas na


Paaralan. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009

Bailsa-Julian, Aileen G. et.al. Pinagyamang Pluma 8 (K-12). Quezon City, Philippines, Phoenix
Publishing House, Inc., 2015

Enrijo, Willita. et.al. Panitikang Pilipino 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Book Media
Press, Inc. (2013).

Media/websites/Internet Sites Featured image


– Freepik.com
http://lessonproper.blogspot.com/2011/07/bahagi-ng-pahayagan.html
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan/ Brian Carlo May 3, 2019
http://www.aralingpilipino.com/2019/06/ano-ang-magasin.html
https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-dagli-ang-kahulugan-ng-salitang- dagli/ by Ki
https://ar-ar.facebook.com/oplanwifi2035/posts/ang-wikang-filipino-sa- edukasyong-
panteknolohiyaisang-teknolingguwal-na-pagtalak/370071129673095/

You might also like