You are on page 1of 27

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Popular na Babasahin
(Pahayagan, Magasin, Komiks, at
Kontemporaryong Dagli
MELC: Naihahambing ang tekstong binasa at iba pang teksto sa:
- Paksa - Paraan ng pagkakasulat
- Layon - Pagbuo ng salita
- Tono - Pagbuo ng talata
- Pananaw - Pagbuo ng pangungusap
(F8PB-IIIa-c-29
 Nabibigyang kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia (F8PT-IIIa-c-29)
 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
natalakay na programang pantelebisyon o video clip. (F8PD-IIIa-c-29)
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik
(F8PS-IIIa-c-30)
 Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal
na komunikasyon( balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30)

Inihanda ni:

CELSO D. AGUSTIN
Guro I
Bacarra National Comprehensive High School
Filipino – Ikawalong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin (Pahayagan, Magasin,
Komiks at Kontemporaryong Dagli
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Celso D. Agustin
Editor: Rizalinda D. Ramit
Juliana V. Balantac
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagasuri sa Wika: Juliana V. Balantac
Tagalapat: Ma. Janelle Imee B. Batuac
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Marvin M. Marugay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Popular na Babasahin
(Pahayagan, Magasin, Komiks at
Kontemporaryong Dagli)

(Una at Ikalawang Linggo)


Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Isang malugod na pagbati kaibigan!


Lubos akong nagagalak dahil nakarating ka na sa bahaging ito ng ating aralin.
Sinisiguro kong masisiyahan ka sa mga gawaing narito sa modyul na ito at
mapupukaw ang iyong interes sa mga araling tatalakayin natin nang lubusang
matamo ang mga kaalaman at kasanayang dapat mong matutuhan.

Ang Modyul 1 ay pumapaksa sa Popular na Babasahin. Ang mga popular na


babasahin ay pahayagan, komiks, magasin at kontemporaryong dagli. Kung susuriin
ang mga popular na babasahin sa kasalukuyan ay umiikot din sa parehong paksa
at tema tulad ng mga tradisyunal na panitikan. Makikita lamang ang kanilang
pagkakaiba sa estilo, pamamaraan at mga kaalamang teknikal na taglay ng mga
panitikang popular.

Narito ang mga layunin na inaasahang matatamo mo sa pagtatapos ng ating


aralin.

1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:


- paksa
- layon
- tono
- pananaw
- paraan ng pagkakasulat
- pagbuo ng salita
- pagbuo ng talata
- pagbuo ng pangungusap (F8PB-IIIa-c-29)
-
2. Nabibigyang kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia (F8PT-IIIa-c-29)
3. Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
natalakay na programang pantelebisyon o video clip. (F8PD-IIIa-c-29)
4. Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik
(F8PS-IIIa-c-30)
5. Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon( balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30)

1
Subukin

Bago mo tunguhin ang bagong aralin alamin natin kung gaano na kalawak ang
iyong kaalaman kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong sagutan ang
paunang pagtataya bago ka magsimula sa iyong pag-aaral.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel.

1. Isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba
pa ay nakalimbag at malayang nahahawakan.
A. Print media C. multimedia
B. Broadcast media D. mass media

2. Ito ay isang uri ng babasahin na may hawig sa komiks sa unang tingin.


Karaniwan itong tumutugon sa iba’t ibang hilig ng maraming uri ng
mambabasa.
A. Magasin B. Komiks C. radio D. tabloid

3. Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ang
gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga mambabasa ang kwento.
A. Magasin B. Komiks C. radio D. tabloid

4. Gumagamit ng isang kombinasyon ng iba't ibang mga form ng nilalaman tulad


ng teksto, audio, mga larawan, mga animation, video at interactive na
nilalaman.
A. Print media C. multimedia
B. Broadcast media D. mass media

5. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.


A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. banyaga

6. Ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong


sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na.
A. pananaliksik C. pagsulat
B. pagbabalita D. Pakikinig

7. Ito ay ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Ang target readers ay mga


taong nasa class A at B sa lipunan.
A. tabloid B. magasin C. spreadsheet D. komiks

2
8. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalarawan ng balita, impormasyon at
patalastas.
A. pahayagan C. komiks
B. magasin D. kontemporaryong babasahin

9. Ang ilan ay mga halimbawa ng panitikang popular maliban sa isa


A. pahayagan B. magasin C. komiks D. internet

10. Ito ang pinakadiwa o ang pinag uusapan sa pangungusap.


A. paksa B. tema C. tono D. pananaw

11. Ang taong mayroong kaalaman o magaling sa paggamit ng mga makabagong


teknolohiya katulad ng paggamit ng komputer, gadget at iba pang
makabagong teknolohiya.
A. techie B. hypermedia C. cybernetics D. multimedia

12. Gumagamit ng isang kombinasyon ng iba't ibang mga form ng nilalaman tulad
ng teksto, audio, mga larawan, mga animation, mga video at mga interactie
na nilalaman.
A. techie B. hypermedia C. cybernetics D. multimedia

13. Isang magasin para sa mga gadget na kung saan ipinapakita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito.
A. T3 B. Candy C. FHM D. entrepreneur

14. Ito ay magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng Negosyo.
A. Metro B. entrepreneur C. FHM D. Candy
15. Ito ang naglalarawan sa paksa.
A. tema B. paksa C. pananaw D. tono

B. Panuto: Lagyan ng tsek ang mga babasahing popular sa iyo o babasahing


madalas mong basahin.

______1. Abante ______ 6. Candy Magazine


______ 2. The Philippine Star ______ 7. Yes Magazine
______ 3. Manila Times ______ 8. Remate
______ 4. FHM ______ 9. Pedro Penduko
______ 5. T3 ______ 10. Baltic and Co.

C. Panuto: Sagutin nang masinsinan ang mga tanong.

1. Batay sa naging sagot mo, bakit mo madalas basahin ito?


__________________________________________________________________________________
2. Ano ang dulot ng mga ito sa kalagayan ng panahon natin sa kasalukuyan?
Ipaliwanag mo.
__________________________________________________________________________________

Binabati kita! Naisagawa mo nang mahusay ang unang pagtataya. Ngayon ay


ipagpapatuloy nating tuklasin ang mga aralin na nakaloob sa modyul na ito.

3
Panitikan: Popular na
Aralin
Babasahin (Pahayagan,
1 Magasin, Komiks at
Kontemporaryong Dagli

Balikan

Natanto mo na ba kung paano naiba ang panitikan sa kasalukuyan sa mga


tradisyunal na uri ng panitikan na iyo ng natutuhan? Ano- ano kayang pagbabago
ang makikita sa mga tradisyunal na uri ng panitikan sa popular na panitikan na
binabasa sa kasalukuyan? Magbalik tanaw sa mga pantikikang bahagi na ng buhay
mag-aaral tulad mo.
GAWAIN 1. Tukuyin Mo!

Panuto: Anong uri ng panitikan kabilang ang mga larawan sa ibaba? Ipaliwanag.

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4
Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
Tuklasin

Sa kabila ng mabilis na modernisasyon dahil sa pagpasok ng teknolohiya


nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan na kapansin-pansin na nagbago lamang ito
ng mukha. Kung susuriin ang mga popular na babasahin sa kasalukuyan ay umiikot
din sa parehong paksa at tema tulad ng mga tradisyunal na panitikan. Makikita
lamang ang kanilang pagkakaiba sa estilo, pamamaraan at mga kaalamang teknikal
na taglay ng mga panitikang popular.
Tara! iisa –isahin nating talakayin ang mga popular na babasahin sa
kasalukuyan tulad ng pahayagan, magasin, komiks at kontemporaryong dagli na
talaga namang kinawiwilihang basahin ng mga mag-aaral na tulad mo.

GAWAIN 2: Tseklisik
Panuto: Gamit ang tsart ng mga popular na babasahin mangalap ng mga
impormasyon kung anong popular na babasahin sa kasakuluyan ang
kinawiwilihang basahin ng katulad mong kabataan.

Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat


____ Broadsheet ____ Pantasik ____ Yes ____ Katipunan ng
mga Dagling katha
____ Inquirer ____ Aliwan ____ FHM ____ Bibliya
____ Manila Bulletin ____ Halakhak ____ Candy ____ teksbuk
____ Philippine Star ____ Pugad baboy ____ T3 ____ Walang sugat
____ Business Mirror ____ Korean Komiks ____ Mens Health ____ Aklat ni Bob
Ong
____ Manila Times ____ Japanese ____ Cosmopolitan ____ Florante at
Mangga Laura
____ Abante ____ Captain ____ Good ____ Mga aklat ni
America Housekeeping Eros Atalia
____ Taliba ____ Darna
____ Tiktik ____ Captain Barbel
____ Tonite ____ Dyesebel
____ Ngayon ____ Super Mario

Panuto: Base sa naging resulta ng iyong pananaliksik, alin sa mga popular na


babasahin ang pinaka-kawiliwiling basahin ngt tulad mong mag-aaral. Lagyan ng
bilang 1-4 ang patlang. Isulat ang 1 kung ito ang pinakamataas at 4 naman ang
pinakamababa. Gawin ito sa papel.

POPULAR NA BABASAHIN
_____ Pahayagan
_____ Komiks
_____ Magasin
_____ Kontemporaryong babasahin

6
Panuto: Sagutin nang masinsinan ang mg tanong.
1. Base sa naging resulta bakit kaya mas kinagigiliwang basahin ng kabataang
tulad mo ang na nasa rank 1?
2. Alin sa mga popular na babasahin ang nasa ikapat na bilang? Bakit kaya itoy
nasa pang- apat lamang?Ipaliwanag
3. Ano ang kahalagahan ng iyong ginawang pananaliksik?

Alam Mo Ba?
Ang pagsasaliksik ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung
ano ang nalalaman o napag-alaman na.

Suriin

Ngayon, basahin na antin ang mga popular na babasahin. Alam kong


nakabasa ka na ng mga ito ngunit masinsinan natin pag-aarala ang mga uri nito.

Mga Popular na Babasahin

1. PAHAYAGAN – tinatawag ding diyaryo, peryodiko, ito ay isang uri ng


paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Kadalasang
naimpreta ito sa mababang halaga. Maaari itong ilathala ng araw-araw o
lingguhan. Malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa araw-araw
nating pamumuhay. Ang balita ay hindi namamatay at bahagi na ito hindi
lang sa ating buhay kundi na rin sa ating kultura.
A. Broadsheet
- ito ay ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Ang target
readers nito ay mga taong nasa Class A at B o mga taong may pinag-
aralan o nakatataas sa lipunan.
- nailalarawan sa pamamagitan ng mahabang patayong mga pahina
(karaniwang 22 pulgada o 560 mm.)
- ilan sa mga halimabawa nito ay Philippine Daily Inquirer, Manila
times, Philippine Star at iba pa.

B. Tabloid
- ay maituturing na diyaryong pang masa dahil sa tagalog ito
nakasulat imbes na.
- tinagurian itong sensationalized journalism dahil masyadong
binibigyang diin ang karahasan at sex.
- ilan sa mga halimbawa nito ay Remate, Tiktik, Bulgar, Abante,
Bandera, Hataw at iba pa.

7
2. KOMIKS - ito ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaring
maglaman ang paksa ng komiks ng kaunting dayalogo sapagkat binubuo ito
ng isa o higit pang mga larawan na maaring maglarawan o maghambing.
- isa itong makulay at popular na babasahing nagbibigay aliw sa mga
mambabasa, hindi lang magturo ng ibat-ibang kaalaman kundi magsulong
rin ng kulturang Pilipino.

Narito ang isang halimbawa ng Komiks at mga bahagi nito

Pamagat ng
Kuwento

Kuwadro-
larawan ng
tagpo ng sa
kuwento

Lobo ng
usapan-
pinagsusulata
Kahong ng n ng usapan
salayasay- ng mga
guhit ng tauhan
pinagsusulata
tauhan. Larawan ng
maikling
salaysay

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

Mga Lobo ng Usapan

Usapang Pasigaw Karaniwang usapan

Dayalogo ng sarili ng Tauhan Usapang Pabulon

8
3. MAGASIN - kung magasin ang pag-uusapan ang Liwayaway ay ang magasin sa
Pilipino, naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito naging paraan ito para mapalago ang mga kamalayan ng mga
Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga tirahan ng maraming Pilipino.
- Dala ng mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksyonng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino noong
magpasukanna ang ibat-ibang magasin mula sa ibang bansa. Narito ang
nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
a. Cosmopolitan- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanag sa kababaihan ang tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kasalukuyan, kagandahan, aliwan at kultura.
b. FHM (For Him Magazine) ang magasing ito ay puno ng mga impormasyon na
nagiging instrumento upang mapag-usapan ng mga kalalakihan ang
anumang bahay tulad ng buhay pag-ibig, at iba pa nang walang pag-
aalinlangan.
c. Good Housekeeping- isang magasin para sa mga abalang ilaw ng tahanan.
Nakasulat dito ang ibat-ibang paraan na tulungang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
d. Yes- ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago puno ng mga nakaw atensiyonna larawan at malalaman na detalye
tungkol sa sikat na artista sa bansa.
e. Metro- magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinngil sa kagandahan.
f. Candy- binibigyang ng pansin ang mga interes at suliraninng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
g. T3- isang magasin para sa mga gadget. Ipinapakita rito ang mga pinakalatest
na pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Pumapaksa din dito ang mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
h. Entrepreneur- magasin para sa mga taong nasa pagnegosyo o nais magtayo
ng negosyo.
i. Mens Health- magasin na nakatutulong tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
Naglalman ito ng mga pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri pisikal at mental na kalusugan, ito ay naging
paborito ng mga kababaihan.

4. KONTEMPORARYONG DAGLI - napagkakamalang katumbas ng flash fiction o


sudden fiction sa ingles. Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila naunang nagkaroon
ng dagli sa Pilipinas (19000s ) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990.

9
ALAMIN….
Di pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang
bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maikli lamang. Tinatanggap dito
ang tonong kombensyunal at ang paggamit ng panghalip na ako at mo. Hindi ito
magipit sa paggamit ng din at rin, daw-raw, kaunti-konti at iba pa. Ang artikulo at
koluum sa diyaryo ay parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay gumagamit
ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

HALIMBAWA:

1. Balbal- isang di mapantayang paggamit ng mga salita sa isang wika sa isang


partikular na grupo ng lipunan, tinatawag din itong salitang kanto o salitang
kalye.
Halimbawa:
erap-pare parak- pulis
erpat- ama tiboli- tomboy
dehins- hindi epal- mapapel
tsiks- magandang babae ermat- ina

2. Kolokyal- pagpaikli ng mga salita o grupo ng mga salita.


Halimbawa:
Kumusta- musta Walang pakialam –lampake
Sa akin- sakin Sa akin- sakin
At saka-tsaka Mayroon-meron
Nasaan-saan Hindi ba?-diba

3. Banyaga- mga salitang ginagamit ng mga dayuhan. Madalas hinihiram natin


dahil minsan wala itong katumbas sa wika natin.
Toothbrush-pangaso Mestizo-tisoy
Airplaine- salipawpaw Enough-tama na
Window-durungawan Jeep-dyip
Compass-paraluman Calesa- kalesa

Talaga namang napakalayo na ang narating ng magasin sa ating bansa mula


sa Liwayway hanggang sa mga nabanggit ng mga popular na magasin sa
kasalukuyan. Batid kong marami kang natutahan sa mga popular na babasahin sa
kasalukuyan.

10
GAWAIN 3A: Sagutan Mo!
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang sumusunod na balita. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

Kaso ng COVID-19 sa PH, umabot na sa 383,113


Sunday 1st November 2020 at 6:26pm

Lumubo pa sa 383, 113 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso


ng coronavirus disease (COVD-19) sa Pilipinas, matapos makapagtala ang DOH
ng 2,396 bagong kumpirmadong kaso.
Sa bagong ulat, ang Davao City ang may pinakamaraming bagong kaso
ngayong Linggo, na nasa 148, sinundan ng Quezon City na 146 at Laguna na
may 122 kaso.
Sa ilalim naman ng lingguhang “Oplan Recovery,” nakapagtala ang DOH
ng 17,727 na gumaling sa COVID-19 para sa kabuuang recoveries na 348, 760.
May 17 bagong namatay naman dahil sa COVID-19 kaya umakyat ang
death toll sa 7,238, ayon sa DOH.
Sa Ngayon, nasa 27,115 pa ang active cases o patuloy na nagpapagaling
mula sa naturang sakit.
- Abs-cbn news.com

1. Ano ang paksa ng ng binasang balita?


A. Ang paglobo ng kaso ng mga biktima ng COVID 19.
B. Ang bagong ulat ng Davao City
C. Tungkol sa Oplan Recovery
D. Bilang ng mga namatay dahil sa Covid 19
2. Ano ang layon ng binasang balita.
A. magbigay ng impormasyon C. magbigay ng babala
B. manghikayat D. magbalita
3. Ano ang tono sa akdang isinulat ng tagapagbalita
A. nang-uuyam C. neutral
B. nagpapatawa D. seryoso
4. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagkakasulat sa binasang balita maliban sa
isa
A. Ginamitan ng mga pormal na salita
B. May mga di pormal na salitang ginamit.
C. Ang pahayag ay makatotohanan dahil may pinag-ugatan.
D. Ang tono ay nanghihikayat lamang.
5. Ibigay ang pananaw sa binasang balita.
A. Mataas pa ang bilang ng mga nagpapagaling mula sa sakit.
B. Tumaas ang bilang ng mga nahawa sa sakit dahil ‘di nag-iingat.
C. Ang bilang ng mga namamatay sa Covid 19 ay mas marami kaysa sa mga
gumagaling.
D. Wala ng gumagaling sa sakit dulot ng COVID 19.

11
6. Paano nabuo ang mga salita sa binasang teksto?
A. Gumamit ng di pormal na salita.
B. Lahat ng salitang ginamit ay pawang mga pormal na salita.
C. May mga salitang teknikal na nagamit sa teksto.
D. Gumamit lamang ito ng mga salitang madaling maintindihan.
7. Nangingibaw sa teksto ang paraan sa pagbuo ng pangungusap, ALIN ang
pangungusap na walang buong diwa
A. Lumobo pa sa 383, 113 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong
kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
B. May 17 bagong namatay naman dahil sa COVID-19.
C. Sinundan ng Quezon City sa 146 at Laguna.
D. Kaso ng COVID-19 sa PH, umabot na sa 383,113.
8. Paano nabuo ang talata sa binasang akda?
A. Nailahad ang mga impormasyon sa paraang tuluyan.
B. Nagsalaysay ng mga pangyayaring batay sa mga nakalap at napag-
alaman.
C. Makatotohanan ang nilalaman ng talata
D. Lahat ng mga nabanggit
9. Alin ang maaaring maglarawan sa paraan ng pagkakalahad ng binasang teksto.
A. Ang teksto ay nagpakita ng makatotohanang pangyayari.
B. Ang teksto ay gawa-gawa lamang.
C. Ang teksto ay nailahad sa paraang nangangatwiran.
D. Nailahad ang sariling opinion lamang.
10. Lumobo pa sa 383, 113 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng
coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ay ang
A. paksa B. tono C. layon D. pananaw

12
GAWAIN 3B
Panuto: Basahin ang komiks strip sa ibaba. Ihambing ito sa balitang pinamagatang
Kaso ng COVID-19 sa PH, umabot na sa 383,113 batay sa hinihingi ng tsart.

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

Kaso ng COVID-19 sa Komiks strip


PH, umabot na sa
383,113
paksa

layon

tono

pananaw

paraan ng pagkasulat

pagbuo ng salita

pagbuo ng talata

pagbuo ng pangungusap

13
GAWAIN 4: Sagutin Mo!
PANUTO: Narito ang isang halimbawa ng dagli. Basahin ito nang may pag-unawa at
iugnay mo ang tema nito sa napanood mong programang pantelebisyon o video clip.
Gamitin ang kasunod na tsart sa pagsagot.

BAYAD
Ni Jay-ar G. Romero

“Magandang umaga!”, bati ni Kiel pagkamulat na pagkamulat ng kanyang


mga mata. “Mukhang maganda ang panahon ngayon ah, pagkatapos ko ngang
kumain ng agahan eh makapaglibot nga muna sakay ng aking motor.”, dagdag
pa niya.
Matapos nga niyang kumain ay agad siyang lumisan sa kanilang tahanan
upang ikutin ang kalapit nilang mga lugar sakay ng kanyang bagong-bagong
motor na binili pa sa kanya ng kanyang butihing mga magulang. “Ang daming tao
dito!” sambit niya nang mapagawi siya sa isang Pamilihang-Bayan. Inakala
niyang shortcut ang pinasok niyang eskinita ngunit mali pala. “Excuse po,
padaan po, makikiraan po.”, ika niya sa mga taong nasa harap niya.
Akala niya’y okey na at wala ng gaanong tao sa kanyang daraanan kaya
inalumpihit niya agad ang manibela ng kanyang motor. Biglang may lumipad na
plastik sa kanyang mukha, “naku po!”
Huli na nang mapansin niyang may nabangga siyang di sinasadya o di
inaasahan. Mga limang dipa siguro ang kanyang layo mula sa insidenteng ito.
“Mahabaging langit, ano ang nagawa ko?” bulong ni Kiel sa kanyang sarili.
Natakot siya. Takot na takot mula sa mga taong nakatingin sa kanya na
nakapalibot doon. Kitang-kita ni Kiel ang mapulang likidong dumadaloy sa sahig
ng kalsada na tila may maliliit pang mga buto. Naglabasan. Hiwa-hiwalay. Durog.
“Hoy! Halika nga dito!” sigaw ng isang manong na galit na galit sa kanya.
Akmang susugurin siya ng mga taong naroon kaya humarurot agad siya
ng takbo sakay ng kanyang motor. Tuliro. Di mapakali. Kabado. Hanggang sa
marating niya ang kanyang tinitirhan. Pawis na pawis at parang natutulala.
“Mali ang ginawa ko!” “kailangan kong ayusin ito bago malaman pa nina
mama at papa.” sambit niya sarili na parang kausap niya ito. Palakad-lakad.
Paikot-ikot sa sala. Kinakagat ang mga daliri at mga kuko. Hanggang sa
magdesisyon siyang bumalik doon.
Sakay ng kanyang motor ay alumpihit siyang nagpatakbo nito makarating
lang uli sa insidente. Buo na ang kanyang pasya. Hihingi siya ng kapatawaran.
Mangyari na ang dapat mangyari.
Lakas-loob niyang nilapitan ang isang babaeng tila di maipinta ang sarili.
Susunggaban siya nito pero biglang natigilan nang sabihin ni Kiel na, “ate, ito po
ang bayad ko sa mga kamatis, pasensya na po.”

14
Bayad ni Jay-R G. Romero Programang Napanood/ Video clip
Tema: Tema:

Napakahusay mo! Talaga namang nakakabilib ang iyong kakayahan sa


pagsagot sa gawain. Limang palakpak ang para iyo!

GAWAIN 5: Basahin Mo!


Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng isang teksto. Sagutan ang mga
hinihinging katanungan sa ibaba.

FDA, ilalabas ang desisyon para sa unang COVID-19


vaccine trial application sa loob ng 2 weeks.
Saturday 31st October 2020 at 12:23pm
Posibleng ilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang
desisyon ng aplikasyon ng COVID-19 vaccine developer Sinovac Biotech Ltd.
sa susunod na dalawang linggo.
Ang naturang Chinese company ang unang magkakaroon ng aplikasyon
para sa clinical trial sa Pilipinas na ni review ng FDA.
Ang Sinovac ay kabilang sa mga frontrunners para sa COVID-19
vaccine.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa kabila na prayuridad
ng gobyerno ang Solidarity Trial ng World Health Organization ay maari naming
unang gawin ang Sinovac trial, sa oras na ito ay maaprubahan.
Samantala, maliban sa Sinovac, may dalawa pang aplikasyon para sa
clinical trial ang ini-evaluate rin ng bansa, kung saan ang isa ay mula sa
Johnson & Johnson’s Janssen Pharmaceutical.

Sagutan:
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang makapal na itim, ano ang tawag
sa mga salitang ito?

15
Pagyamanin

Mahusay ka kaibigan, napag-iiba iba mo ang mga di-pormal na salita. Sa


puntong ito ay sasagutan mo ang sumusunod na gawain upang mapatalas pa lalo
ang iyong kaalaman sa mga di pormal na antas ng wika.

Gawain 5: Wag Pormal Bess!


Panuto: Ang mga salitang may salungguhit ay mga di pormal na salita. Tukuyin
kung balbal, kolokyal o banyaga ang mga ito.

______ 1. Nosi nosi ba lasi, bahagi ng kantang napakinggan ko.


______ 2. Ewan ko ba talaga namang may mga taong ayaw makinig sa babala ng
DOH.
______ 3. Huwag hayaang nakabukas ang ventilador kapag di naman ginagamit.
______ 4. Mas marami ang pumili sa online na paraan ng pag-aaral kaysa sa
modyular.
______ 5. Nakakasama sa kalusugan ang yosi.
______ 6. Maraming mga parak ang nasa checkpoint kaya maituturing din silang
frontliners.
______ 7. Mahalaga ang cellphone sa mga mag-aaral ngayon dahil ginagamit nila ito
sa kanilang pag-aaral.
______ 8. Dehins ako ang nagpakalat na may gamot na ang sakit na COVID 19.
______ 9. Kelan sasagutan ang mga gawaing nasa modyul?
______ 10. Takot si ermat na lumabas dahil ayaw niyang mahawa sa sakit na COVID.

Wow! Limang palapak para sa iyo. Nasagutan mo nang tama ang lahat ng
tanong!

16
Isaisip

Niyakap na ng mundo ang epektong dulot ng mabilis na pag-unlad dahil sa


mga makabagong teknolohiya. Kasama na dito ay ang pag-usbong din ng mga lingo
na ginagamit sa multimedia. Halika at bibigyan natin ng kahulugan ang ilang mga
salitang ginagamit sa mundo ng multimedia.

Gawain 6: Ano Ako!


Panuto: Pillin sa loob ng kahon ang hinihinging sagot ng mga tanong sa bawat
bilang.
techie internet hypermedia
multimedia e-learning world wide web
cybernetics global village social media
facebook

1. Ito _________ ay ang taong mayroong kaalaman o magaling sa paggamit ng mga


makabagong teknolohiya katulad ng paggamit ng komputer, gadget at iba pang
makabagong teknolohiya.
2. Ang __________ay nilalaman na gumagamit ng isang kumbinasyon ng iba't ibang
mga form ng nilalaman tulad ng teksto, audio,
mga larawan, mga animation, video at interactive na nilalaman.
3. __________ ay isang diskarte sa transdisciplinary para tuklasin ang
mga sistema ng regulasyon-ang kanilang mga istruktura, mga hadlang, at mga
posibilidad.
4. __________ ay ang pagsasama-sama ng iba't ibang klase ng teknolohiya katulad
ng audio, video, graphics, plain text at hyperlinks.
5. Ang __________ay isang sistema ng magkakabit ng mga dokumento na makukuha
sa internet. maaaring makita sa web browser ang mga salita, larawan, at mga
tugtog sa tulong ng mga hyperlink. Ito ay ginawa ni Tim Berners-Lee at Robert
Cailliau.
6. Ang __________ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang
mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa
iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono,
satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung
saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng
publiko.
7. __________pag-aaral o pagkatuto na isinasagawa sa pamamagitan ng
elektronikong media, karaniwan sa internet.
8. Ang __________ ay isang metamorpika na nangangahulugan na pagiging isang
maliit na komunidad o village ang ating mundo dahil sa paggamit ng
makabagong teknolohiya.

17
9. Ang __________ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon
at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
10. Ang __________ (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social networking
website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang
pampublikong kompanya.

Isagawa

Mahusay! Talaga namang nagpapakita ito na malawak ang kaalaman mo sa


mundo ng multimedia.

Binabati kita sa galing mong taglay nasagutan mo ang mga gawain nang
napakahusay. Ngayon bilang panghuling gawain subukan mong ipakita ang galing
mo sa pagsulat.

Gawain 7: Magsulat Ka!


Panuto: Sumulat ng halimbawa ng Komiks o Dagli. Gumamit ng mga salitang balbal,
kolokyal at banyagang salita. Salungguhitan ang mga ito.

Pamagat

Rubriks sa Pagmamarka
Krayteria 4- 3 2- 1-
Napakahusay -Mahusay Katangaptangg Mapaghuhus
ap ay
Paraan ng pagkakasulat
Pagkakabuo ng salita
Pagtatalakay
Kabuuan

18
Tayahin

Binabati kita! Dahil sa husay na iyong ipinamalas nasagutan mo ang bahaging


ito ng modyul. Ngayon ay magkakaroon ka ng maikling pagsusulit na naglalaman sa
kabuuan ng ating aralin. Galingan mo kaibigan.

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa
ay nakalimbag at malayang nahahawakan.
A. Print media C. multimedia
B. Broadcast media D. mass media
2. Isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa
ay nakalimbag at malayang nahahawakan.
A. Magasin B. Komiks C. Radyo D. Tabloid
3. Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ang gamit
upang maipahatid at maisalaysay sa mga mambabasa ang kwento.
A. Magasin B. Komiks C. radio D. Tabloid
4. Gumagamit ng isang kumbinasyon ng iba't ibang mga form ng nilalaman tulad
ng teksto, audio, mga larawan, mga animation, video at interactive na nilalaman.
A. Print media C. multimedia
B. Broadcast media D. mass media
5. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. banyaga
6. Ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong
sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na.
A. pananaliksik B. pagbabalita C. pagsulat D. pakikinig
7. Ito ay ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Ang target readers ay mga
taong nasa class A at B sa lipunan.
A. tabloid B. magasin C. spreadsheet D. komiks
8. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalarawan ng balita, impormasyon at
patalastas.
A. pahayagan C. komiks
B. magasin D. kontemporaryong babasahin
9. Ang ilan ay mga halimbawa ng panitikang popular maliban sa isa
A. pahayagan B. magasin C. komiks D. internet
10. Ito ang pinakadiwa o ang pinag uusapan sa pangungusap.
A. paksa B. tema C. tono D. pananaw

19
11. Ang taong mayroong kaalaman o magaling sa paggamit ng mga makabagong
teknolohiya katulad ng paggamit ng komputer, gadget at iba pang makabagong
teknolohiya.
A. Techie B. hypermedia C. cybernetics D. multimedia
12. Gumagamit ng isang kumbinasyon ng iba't ibang mga form ng nilalaman tulad
ng teksto, audio, mga larawan, mga animation, video at interactive na
nilalaman.
A. Techie B. hypermedia C. cybernetics D. multimedia
13. Isang magasin para sa mga gadget na kung saan makikita ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may napapanahong balita
at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
A. T3 B. Candy C. FHM D. entrepreneur
14. Ito ay magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
A. Metro B. entrepreneur C. FHM D. Candy
15. Ito ang naglalarawan sa paksa.
A. tema B. paksa C. pananaw D. tono

Karagdagang Gawain

Magaling!! Binabati kita! Nakita ko ang determinasyon mong matuto. Handa


ka ng gawin ang magsisilbing huling gawain mo para sa modyul na ito.
Gawain 8: Ang Refleksyon Ko!
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng tsart. Magsisilbi itong repleksyon mo sa araling
natutuhan mo.
Popular na Babasahin
Nalaman ko

Naramdaman ko

Naisip kong

Binabati kita!!Alam kong napagtagumpayan mo nang mahusay ang modyul


na ito sapagkat natapos mo ang lahat ng mga pagsubok sa araling ito.

20
21
Paunang Pagtataya/ Pangwakas na Pagtataya
A.
1. a 6. a 11. a
2. a 7. c 12. b
3. b 8. a 13.a
4. c 9. d 14.b
5. a 10. A 15. A
Gawain 1.
1. Maikling kuwento
2. Dula
Gawain 3
1.A 6. B
2. A 7. A
3. D 8. D
4. D 9. A
5. A 10. A
Gawain 4 Gawain 6
1.balbal 1.techie
2 kolokyal 2.multimedia
3.banyaga 3.cybernatics
4.banyaga 4.hypermedia
5.balbal 5.worldwideweb
6.balbal 6.internet
7.banyaga 7.e-learning
8.balbal 8.global village
9.kolokyal 9.social media
10.balbal 10.facebook
Gawain 8: Sariling sagot ng mga mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://www.google.com/search?q=remate+tabloid&tbm=isch&ved=2ahUKEwjb1oOWp
N3sAhVFAd4KHbd8C2sQ2-
cCegQIABAA&oq=remate&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC
CAAyAggAMgIIADIECAAQQzICCAAyAggAOgQIIxAnOgQIABAYOgYIABAIEB46BQ
gAELEDOgcIIxDqAhAnOggIABCxAxCDAVDHTliU_gFg0Y0CaAFwAHgBgAG4B4gB_
SaSAQswLjkuNi4xLjYtMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=
img&ei=j4icX5vTI8WC-Aa3-a3YBg#imgrc=czZC9_O0alGpJM

https://www.google.com/search?q=candy+magazine+philippines&tbm=isch&ved=2ah
UKEwj39P6npN3sAhVIAt4KHZISBlkQ2-
cCegQIABAA&oq=candy+maga&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgII
ADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoHCCMQ6gIQJzoFCAAQsQNQp7gJW
MHmCWCAhwpoAXAAeASAAYQJiAGSOpIBDzAuMS40LjIuMS4xLjQuMZgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=tYicX7fGD8iE-
AaSpZjIBQ#imgrc=-iScUopkeo-XnM

https://www.google.com/search?q=komiks+larawan&tbm=isch&ved=2ahUKEwimlfX3
pN3sAhWMG6YKHecODfUQ2-
cCegQIABAA&oq=komiks+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIHCAA
QsQMQQzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBAgAEEMyBQgAEL
EDMgIIADIFCAAQsQM6BAgjECc6BggAEAgQHjoHCCMQ6gIQJzoICAAQsQMQgwF
Q-
fABWLzNBWCr0AVoBHAAeAOAAYoDiAGyI5IBCDAuMTguNS4ymAEAoAEBqgELZ
3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=XImcX6b3NIy3mAXnnbSoDw

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+mga+dula&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
KoePVweDsAhUVB5QKHXzHDNkQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+mga+dula&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BAgjECc6
BggAEAgQHlCmvgRYk9cEYIj9BGgAcAB4AIAB6wGIAakNkgEFMC45LjGYAQCgA
QGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=JTqeX4r7BpWO0AT8jrPIDQ&b
ih=657&biw=1366#imgrc=IvcEOYPCUGP0bM&imgdii=xIrkEkOvVdw36M

https://www.google.com/search?q=komiks+larawan&sxsrf=ALeKk01Yhrl28SlsG4mSK
4rRlWR_4FiIqg:1604218280196&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=vizSauIWqoo
l2M%252CK8xg749hSnaPNM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTZCq8xKYywVVJzqHDnzkhCS52Adw&sa=X&ved=2ahUKEwjNru7l8uDsAhWzL6
YKHbt4AysQ9QF6BAgQECs&biw=1366&bih=657#imgrc=M3OzScYifiY5PM

https://3.bp.blogspot.com/_QhGGZFzvX7Q/RzpwhEnekWI/AAAAAAAAABU/BYEtYYq7
UA4/s320/inquirer.jpg

https://juanbautistastories.com/reads/mga-dagli/

https://www.google.com/search?q=komiks+larawan&sxsrf=ALeKk015ZR7P0ZEixwSn_
KWFsgxW3HDUgA:1604286018533&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=q2Ct9T2
hqpSQoM%252C-9PT5UxticbsnM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTefBOzaYXkgBqnndp9QwopJPJ64A&sa=X&ved=2ahUKEwiKqYKS7-LsAhWT-
mEKHaw3AgUQ9QF6BAgTECM&biw=1517&bih=730#imgrc=wublySwNnJOWsM

https://news.abs-cbn.com/latest-articles

Guerero Perla et al, Kayumanggi, Leo Ross Publication

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like