You are on page 1of 7

SHS

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA IBA’T IBANG


MIDYA
KUWARTER 2 – MODYUL 1
MELC: Learning Competency here, Times New Roman, regular, size 16
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang
pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula
sa mga blog, social media posts at iba pa.
Layunin: (Times New Roman Bold, size 13)

1. Naipapakita ang mga iba’t ibang sitwasyong pangwika ng mga iba’t ibang midya.
2. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng wikang nagagamit sa iba’t ibang midya at sa kulturang popular.
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wika sa lahat ng midya.

Inihanda ni:

JEROLL C. BRAGANZA
SHS Teacher II
San Nicolas National High School
A. Panimula
Ang midya (Ingles: media) ay mga pinagsamang mga pagpapalabas o kagamitan na ginagamit
sa pagtala at paghatid ng impormasyon o datos. Naiiugnay ito sa midyang pang-komunikasyon, o sa
naka-espesyalistang negosyong pang-komunikasyon katulad ng: midyang limbag at pahayagan,
potograpiya, advertising, sine, pamamahayag (radyo at telebisyon), at/o paglilimbag.
Sa araling ito matatalakay kung ano ang mga iba’t ibang uri ng midya. Maiisa-isa ang mga
sitwasyong pangwika ng mga iba’t ibang midya. Makikita rin dito pagkakaiba-iba ng mga angkop na
salitang nagagamit sa bawat midya.
Halika at pag-aralan natin ang mga ito.

B. Alamin Natin
Telebisyon
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mga mamamayang naaabot nito. Wikang Filipino ang ang nangungunang midyum sa
telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.Mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga teleserye, mga pangtanghaling mga
palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at mga programang pantelebisyon.
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong manonood ang dahilan kung bakit
halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa
wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na di-Katagalugan.
Radyo
Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. May mga programa
rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbrobroadcast subalit
nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na
gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang
Filipino sila nakikipag-usap.
Dyaryo
Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa
tabloid maliban sa iilan. Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga
drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa atbp. Na nakasulat sa
wikang higit nilang nauunawaan. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasan ay
hindi pormal na wikang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw
na headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding
senseysyonal na lumalabas ang impormalidad ng mga ito.

C. Iba pang kaalaman


MGA SITWASYONG PANGWIKA SA KULTURANG POPULAR
Fliptop
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-
rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan. Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang
mga salitang binabato ay balbal at impormal.
Pick-up Lines
Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Kung may mga salitang
makapaglalarawan sa mga pick-up lines masasabing ito ay nakakatuwa, nakapagpapangiti,
nakakakilig, cute, cheesy at masasabi ring corny. Ang wikang ginagamit dito ay karaniwan Filipino
subalit may pagkakataon na nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang kadalasang
nagpapalitan ng mga ito.
Hugot Lines
Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t
isipan ng mga manonood. May mga pagkakataon na nakakagawa rin ang isang tao ng hugot line
depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan. Minsan ay nakasulat sa
Filipino subalit madalas ay Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles ang gamit ng salita sa mga ito.

D. HALIMBAWA

Narito ang halimbawa ng tabloid at broadsheet na pahayagan. Pag-aralang mabuti ang


kaanyuan ng dalawa.

Broadsheet Tabloid

Narito naman ang mga halimbawa ng mga pick-up lines.

Narito naman ang mga halimbawa ng mga hugot lines.

Narito naman ang isang link para sa halimbawa ng fliptop.

https://www.youtube.com/watch?v=AgHfHICZrDc
PART II. MGA GAWAIN
Gawain 1. NAKALIMBAG O DI-NAKALIMBAG NA MIDYA.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na midya kung ito ay nakalimbag o di-nakalimbag na midya. Isulat
ang letrang L kung ito nakalimbag at D naman kung hindi.
___1. Daily Inquirer 6. Pahayagan
___2. 24 Oras 7. Kapuso Mo, Jessica Soho
___3. DZMM 8. AM station
___4. Bulgar 9. Philippine Star
___5. MOR 10. Its Showtime

Gawain 2. MGA PICK-UP LINES


Panuto: Magbigay ng anim na pick-up lines.
1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________
6. _______________________________________________

Gawain 3. HUGOT LINES


Panuto: Magbigay ng anim na hugot lines.
1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________
6. _______________________________________________
MGA SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. L 6. L
2. D 7. D
3. D 8. D
4. L 9. L
5. D 10. D
Gawain 2
* Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot.
Gawain 3
* Ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot.
PART III. SUMMATIVE EVALUATION

A. Panuto: Maramihag Pagpipili. Isulat ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.
____1. Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang midya.
a. Radyo b. Pahayagan c. Telebisyon
____2. Ito ay uri ng pahayagan na nagpapakita ng pormal na gamit ng mga salita.
a. Broadsheet b. Morning Rush c. Tabloid
____3. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng Tablod?
a. Daily Inquirer b. Manila Bulletin c. Bulgar
____4. Ito ay itinuturing na makabagong bugtong.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
____5. Ito ay isang pagtatalong oral na pa-rap.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
____6. Ito ay tumutukoy sa mga linyang sumasalamin sa buhay ng isang tao.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines
____7. Isang midya na may pangunahing estasyon ang AM at FM.
a. Radyo b. Pahayagan c. Telebisyon
____8. Ito ay naglalaman ng nagsusumigaw na headline upang makupakaw ng atensyon sa
mambabasa.
a. Tabloid b. Broadsheet c. Magazine
____9. Isang pahayagan na pormal na salita ang ginagamit at kadalasang nasa wikang Ingles.
a. Tabloid b. Broadsheet c. Magazine
____10. Mga linyang masasabing cheesy at nakakakilig.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines

B. Panuto: Gamit ang Venn Diagram, suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid at broadsheet.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Pahayagan pang-masa pormal na salita sensasyonal wikang Ingles

1. ________ 3. ________ 4. ________


2. ________ 5. ________

Tabloid Broadsheet

C. Panuto: Sumulat ng isang talata na naglalahad ng iyong opinyon at saloobin Kung bakit sinasabing
ang “Telebisyon ang pinakamakapangyarihang midya”.
MGA SUSI SA PAGWAWASTO
Easy
1. C 6. B
2. A 7. A
3. C 8. A
4. C 9. B
5. A 10. C
Moderate

1. pang-masa 3. pahayagan 4. pormal na


2. sensasyonal salita________
5. wikang Ingles

Difficult
Rubrik:
Mahusay na natatalakay ang opinyon at saloobin sa paksa - 6 pts.
Maayos ang pagkakasulat (tamang bantas/grammar) - 4 pts
_______________
Kabuuan – 10 pts.
References:
(Use Times New Roman, regular, size 12 for the details)

A. Books
Magdalena O. Jocson.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino .Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group Inc.
B. Government Publications

K to 12 MELC
Curriculum Guide, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

C. Online and Other Sources

https://etech511ckp20172018.wordpress.com/2017/08/15/first-blog-post/
https://www.scribd.com/document/434896031/Mga-Sitwasyong-Pangwika-Sa-Telebisyon
Google Image

You might also like