You are on page 1of 12

MGA SITWASYONG PANGWIKA AT

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
YUNIT 2

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang
titik na katumbas ng iyong sagot.
1. Ang wikang Filipino ay nananatiling ang wikang nauunawaan ng nakararami. Alin sa mga sumusunod ang
sa tingin mo ang may pinakamalaking ambag dito?
A. Broadsheet B. Radyo C. Tabloid D. Telebisyon
2. Ang dyaryo ay isang anyo ng media na nagpaparating ng balita sa masa. Anong uri ng dyaryo ang kalimitang
gumagamit ng wikang Filipino at ang laman ay karaniwang nakaaaliw sa mga ordinaryong mamamayan?
A. Broadsheet B. Editoryal C. Magasin D. Tabloid
3. Ang radyo ay isang anyo ng media na tulad ng dyaryo ay naghahatid ng impormasyon sa masa. Ano ang
pangunahing wikang ginagamit sa mga nasyonal na istasyon ng radyo?
A. Filipino B. Ingles C. Kolokyal D. Rehiyonal na Wika
4. Ang media na kinabibilangan ng radyo ay isang mainam na anyo ng media na nakapaghahatid ng
impormasyon sa masa. Bagamat may nangungunang wika na ginagamit sa mga istasyon ng radyo sa bansa
ay naiiba naman ang wikang ginagamit ng mga istasyon ng radyo sa mga probinsya. Alin sa mga sumusunod
na wika ang ginagamit ng mga istasyon ng radyo na ito?
A. Filipino B. Ingles C. Kolokyal D. Rehiyonal na Wika
5. Ano ang tawag sa isang anyo ng kulturang popular na isang pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap?
A. Balagtasan B. Debate C. Deklamasyon D. Fliptop
6. Alin sa sumusunod na anyo ng kulturang popular ang maihahalintulad sa isang balagtasan?
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Meme D. Pick-up Lines
7. Alin sa sumusunod na anyo ng kulturang popular ang maihahalintulad sa isang bugtong?
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Meme D. Pick-up Lines
8. "Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw." Alin
sa mga sumusunod na bansag ang ibinigay sa atin kaugnay ng naunang pahayag?
A. Load Capital of the World C. Text Capital of the World
B. Message Capital of the World D. Texters Capital of the World

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 52


PANIMULANG PAGTATAYA

9. Ang hatirang pangmadla o social media ay isang makapangyarihang plataporma ng pagpapalaganap ng


impormasyon kaya naman sa layuning mapalago ang negosyo ng mga malalaking kompanya ay ginagamit
nila ang hatirang pangmadla. Isang halimbawa nito ay ang paggawa ng mga online website. Anong wika
ang karaniwang ginagamit sa mga website ng malalaking kompanya?
A. Filipino C. Kolokyal
B. Ingles D. Rehiyonal na Wika
10. Bagamat may nangungunang wika na ginagamit sa mga istasyon ng radyo ay hindi maikakaila na hindi
lamang iisang wika ang nagagamit dito. Alin sa mga sumusunod na wika ang nagagamit sa mga istasyon
ng radyo?
I. Filipino II. Ingles III. Kolokyal IV. Rehiyonal na Wika
A. I at II C. I, III at IV
B. I, II at III D. I, II, III at IV
11. Ang sosyolek ay isang barayti ng wika na may iba't ibang uri. Sa anong uri ng sosyolek nabibilang ang mga
salitang ginagamit ng mga doktor, guro at iba't ibang propesyon para sa kani-kanilang trabaho?
A. Dayalek C. Jargon
B. Idyolek D. Pagpapalit-Koda
12. Anong anyo ng kulturang popular ang kalimitang nabubuo bunsod ng pinagdadaanan ng isang tao?
A. Fliptop C. Meme
B. Hugot Lines D. Pick-up Lines
13. Ang wika ay bahagi na ng araw-araw nating pamumuhay partikular na sa ating pakikipagtalastasan.
Anong wika ang malimit na ginagamit sa palengle, kainan, mall at mga pagawaan?
A. Balbal C. Ingles
B. Filipino D. Kolokyal
14. Alin sa sumusunod ang HINDI malimit gumamit ng wikang Filipino bilang medyum ng pakikipag
talastasan?
A. Pamahalaan C. Paradahan
B. Pamilihan D. Parlor
15. Ang mga terminong symptom, xray, checkup, diagnosis, therapy ay mga terminong kalimitang ginagamit
ng mga taong nagtatrabaho bilang?
A. Bombero C. Pulis
B. Doktor D. Statistician

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 53


MGA SITWASYONG PANGWIKA
TELEBISYON, RADYO, DYARYO,
PELIKULA AT IBA PANG ANYO NG
KULTURANG POPULAR
ARALIN 2.1

I. KONTEKSTO

LAYUNIN SA PAGKATUTO:
1. Natutukoy ang iba‘t ibang paggamit ng wika sa napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa
radyo at telebisyon [F11PN-IIa-96]
2. Naipaliliwanag nang pasalita ang iba‘t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba‘t
ibang sitwasyon [F11PS-IIb-88]
3. Nakasusulat ng tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino. [F11PU-IIc-87]
Mahalagang Kaisipan: Ang mayaman at makulay na kultura at kasaysayan ng bansa ang nagbubunsod ng
pagbabago sa polisiyang pangwika at iba pang aspekto ng lipunan.
PAGPAPAHALAGA: Kultura

II. KARANASAN

A. Pagtuklas
Panuto: Masdan nang mabuti ang mga larawan na nakapaloob sa sobre. Punan ang mga patlang sa ibaba ng
bawat larawan upang makompleto ang salitang tinutukoy ng bawat larawan.

F_I__O_ _A__O P__K _P _I__

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 54


1
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito. 2

Parehong umiiral ang wikang pormal at conversational sa telebisyon, depende sa


tipo ng palabas o programa sa telebisyon. Sa variety, talk, at game shows, ginagamit ang 3
wikang impormal sapagkat ang target audience ng mga naturang palabas ay ang masang
Pilipino na ang layunin ay magpasaya. Malimit na maluwag sa script ang mga host at

service program, bagamat ang mga tinutulungan sa ganitong klase ng programa ay gumagamit ng kolokyal
o impormal na wika kung minsan. Sa mga teleserye, karaniwang wikang conversational ang ginagamit
sapagkat tunay na buhay rin ang pinaghahanguan ng mga salaysay rito.
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa
na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga
mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito
bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na di Katagalugan. Samantala, walang subtitle o dubbing
ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo


Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang
Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino.
Chava
cano
May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na
wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap. Halimbawa ng mga istasyon na ito ay DXKS sa Surigao na bukod sa

paggamit ng wikang Filipino at Ingles ay gumagamit din ng Surigaonon, ang DXRC AM sa Zamboanga na
gumagamit ng Chavacano, at DXKO sa Davao na gumagamit din ng Davawenyo.
Dahil maraming programa sa FM Station ay pangkaraniwang tumatalakay sa pag-ibig, showbiz, at
pang-araw-araw na pangyayari at iba pang popular na isyu, mas nakakiling sa paggamit ng wikang
impormal ang mga programang FM sa radyo. Halimbawa, ang programa ni Papa Jack sa Love Radio (90.7)
na tinatangkilik ng mga humihingi ng payo tungkol sa pag-ibig ay wikang conversational ang ginagamit. Sa
naturang programa, ang isang caller ay naglalahad ng kaniyang karanasan at problemang kinakaharap
tungkol sa pag-ibig, na bibigyan naman ng payo ni Papa Jack. Sa programa naman sa AM stations, higit na
namamayani ang wikang pormal ngunit pana-panahon ding ginagamit ang wikang conversational lalo na sa
mga drama sa radyo tulad ng sa popular na programa ni Priscilla Raganas sa DYHP na Handumanan sa Usa ka
Awit.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 55


Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo
Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa
broadsheet at wikang Filipino naman sa Tabloid maliban sa iilan.
Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao
tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong manggagawa at iba pa na nakasulat sa wikang higit
nilang nauunawaan.
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay
kadalasang hindi pormal kaysa sa wikang ginagamit sa mga
broadsheet.
Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na ulo ng balita
o headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa.
Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal na lumalabas
ang impormalidad ng mga ito.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay
tinatangkilik pa rin ng mga manonood. Bagamat Ingles ang kadalasang pamagat
ng mga pelikulang Filipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a
Man and a Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, A Second Chance atbp. ay Filipino
ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula.
Ang pangunahing layunin nito ay makaakit ng mas maraming manonood,
tagapakinig o mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas,
programa at babasahin upang kumita nang malaki. Dahil sa malawak na
impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media ay mas maraming
mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita, nakakaunawa at
gumagamit ng wikang Filipino. Itinuturing itong isang mabuting senyales para
sa lalong pag-unlad at paglago ng ating pambansang wika.
Ang nananaig na tono sa mga pelikula ay impormal at wari hindi gaanong
istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Maraming uri ng medya ang tila
nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at
ingay ng kasayahan.
Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at
mga taong tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino
kundi magamit din ito nang mahusay upang higit na maitaas ang antas ng ating
wika.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 56


SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

FLIPTOP PICK-UP LINES


Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Itinuturing na makabagong bugtong kung
Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap
ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na
nakalahad o walang malinaw na paksang madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto
pagtatalunan. Kung ano ang paksang sisimulan ng ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng
unang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali. mga binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpa-ibig sa babaeng nililigawan nito.

Gumagamit ng di pormal na wika at walang


nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga Kung may mga salitang makapaglalarawan
salitang binabato ay balbal at impormal. sa mga pick-up lines masasabing ito ay
Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute,
nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. Laganap cheesy at masasabi ring corny. Madalas na marinig
sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking
sa mga kabataang m agkakaibigan at
samahan na nagsasagawa ng kompetisyon na
tinatawag na ―Battle League‖. nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga Facebook
wall, Twitter at iba pang social networking sites.

Ang wikang ginagamit dito ay karaniwan


Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng Filipino subalit may pagkakataon na nagagamit
dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang
ay dinedesisyunan ng mga hurado. Ito ay kadalasang nagpapalitan ng mga ito. Kailangang
isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang ang taong nagbibigay ng pick up line ay mabilis
karamihan ay sa wikang Filipino lalo na sa mag-isip at malikhain para sa ilang sandali lang ay
tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Sa maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa
ngayon maraming paaralan na ang nagsasagawa ng isang nakapagpapakilig na sagot.
fliptop lalo na sa paggunita sa Buwan ng Wika.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 57


SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

HUGOT LINES
Tawag sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o
minsa‘y nakakainis. Tinatawag ding love
lines o love quotes na nagpapatunay na
ang wika nga ay malikhain. Karaniwang
nagmula sa linya ng ilang tauhan sa
pelikula o telebisyon na nagmarka sa
puso‘t isipan ng mga manonood.

M ay m g a p ag kak at aon n a
nakakagawa rin ang isang tao ng hugot
line depende sa damdamin o karanasang
pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.
Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit
madalas ay Taglish o pinaghalong
Filipino at Ingles ang gamit ng salita sa
mga ito.

C. Gawain sa Pagkatuto
Ang sumusunod ay mga gawain na may kinalaman sa iyong binasang konsepto. Pumili lamang ng isa sa
dalawa. Kung pipiliin ang isahan na gawain, hindi na kailangang gawin ang pangkatang gawain, kung
pangkatan na gawain naman ang pipiliin ay hindi na gagawin ang isahan, kayo ang pipili ng inyong kapangkat.
Pagpipilian #1: Isahang Gawain
Panuto: Ang fliptop, hugot lines at pick-up lines ay ilan lamang sa mga anyo ng kulturang popular. Ang bawat
isa ay may kanya-kanyang katangian. Sa ibaba, suriin ang paraan ng paggamit ng mga salita ng fliptop,
hugot lines at pick-up lines, at kung paano ito nagkakaiba.

FLIPTOP HUGOT LINES PICK-UP LINES


____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________
____________________________ ____________________________
___________________________
___________________________ ___________________________

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 58


Pagpipilian #2: Pangkatang Gawain (3 miyembro) Link: https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4
Panuto: Panoorin ang palabas na nasa link sa itaas. Maglista ng mga salitang ginamit sa panayam at uriin
ang mga ito (halimbawa: kolokyal, wikang bernakular, Taglish, popular na ekspresyon, at iba pa).
Batay sa mga naitala, pag-isipan kung ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na masasalamin
sa ating lipunan.
Pamagat ng Programa: __________________________________ Pangalan ng Host: ______________________________
Pangalan ng mga Bisita: ____________________________, ___________________________, _________________________
Mga salitang ginamit: Anong ipinapahiwatig ng mga salita?
1.___________________________ __________________________________
2. ___________________________ __________________________________
3. ___________________________ __________________________________
4. ___________________________ __________________________________
5. ___________________________ __________________________________
__________________________________
__________________________________

Paano mo mailalarawana ng sitwasyong pangwika sa napiling programa? Paano


ang paraan ng kanilang pag-uusap?

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

D. Paglalagom sa Natutuhan
Magaling! Natapos mo na ang mga gawain sa pagkatuto. Ngayon naman ay tingnan natin kung
ano-ano ang iyong natutuhan mula sa binasang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
tanong:

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 59


III. REPLEKSYON

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Bigyan ng pagpapaliwanag.

#1 May pagkakaiba ba ang sitwasyong pangwika sa radyo, telebisyon, dyaryo at sa


mga kulturang popular mula sa sitwasyong pangwika sa ating lipunan? Bakit oo,
bakit hindi? ___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

#2 Mula sa aralin, anong mahalagang natutuhan mo na magagamit mo sa susunod na


tatlong taon mula ngayon? Paano?______________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

IV. AKSIYON

A. Sitwasyong pangwika sa radyo, telebisyon, at diyaryo


Panuto: Mula sa sagot mo sa repleksyon bilang isa, itala sa venn diagram ang pagkakaiba at pagkakapareho
ng sitwasyong pangwika sa radyo, telebisyon, at dyaryo mula sa sitwasyong pangwika sa ating
lipunan.
Sitwasyong pangwika sa Pagkakapareho Sitwasyong pangwika sa
radyo, telebisyon, at diaryo
lipunan

Sa lipunan, gumagamit
Gumagamit ng wikang
Parehong ang karamihan ng
pormal, kolokyal,
gumagamit ng conversational sa
conversational at
Impormal at pakikipag ugnayan,
impormal ngunit
conversational na impormal kadalasan, at
kadalasan ay impormal
wika upang pormal na pananalita
sapagkat ang layunin
magpahiwatig ng naman kung sa mga
nito ay ang mag
nais na ilahad. establishiments,
pasaya, mang akit ng
Samakatuwiran, paaralan, o opisina.
manonood o
layunin nito na Layunin nito na mag
mambababsa, aliwin,
magkaintindihan pa-intindi at mag
at layunin rin nito mag
ang dalawang pahiwatig ng nais na
pasaya ng mga
panig. ilahad upang
manonood o madla.
magkaintindihan ang
bawat isa sa araw-araw
na basis.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 60


IV. AKSIYON

B. Mga anyo ng Kulturang Popular


Panuto: Tulad ng nabasa natin sa mahalagang konsepto, ang hugot lines at pick-up lines ay iilan lamang sa
mga anyo o uri ng kulturang popular. Sa pamamagitan ng mga ito ay maaari nating maipahayag ang
ating saloobin tulad ng pagsusulat ng kuwento, tula atbp. Bumuo ng tig-iisang hugot line at pick-up
line na may kinalaman sa pinagdaraanan ng ating lipunan ngayon dahil sa COVID19 at ipakita ang
sitwasyong pangwika na umiiral sa anyo ng kulturang popular na ito. Maaaring gumamit ng
pangkulay o mga software o graphic design tool tulad ng ‗Canva‘ sa pagbuo. (sukat 3x5 inch)

HUGOT LINES

PICK-UP LINES

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 61


V. EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan
ang titik na katumbas ng iyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa fliptop?

A. Ang fliptop ay may dalawang kalahok na magtatalo sa pamamagitan ng pagbato ng linya sa


katunggali

B. Sa fliptop, ang mga kalahok ay gumagamit ng impormal na pananalita at bulgar na salita

C. Ang fliptop ay isang panibagong katawagan para sa balagtasan

D. Ang paksa sa pagtutunggali ay hindi tiyak sapagkat nakadepende ito sa paksang sisimulan ng
kalahok na unang sasalang.
2. Maliban sa pangunahing wika na ginagamit sa radyo, kadalasan sa mga lokal na istasyon ng radyo ay
gumagamit ng rehiyonal na wika. Sa anong pagkakataon gumagamit ng wikang Filipino ang mga istasyon
ng radyo na ito?
A. Sa commercial C. Sa mga panayam
B. Sa mga programang pangkabuhayan D. Sa umagang balita

3. Sa lahat ng anyo ng media, ano ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mga mamamayang naaabot nito?
A. Dyaryo B. Hatirang Pangmadla C. Radyo D. Telebisyon

4. Anong wika ang pangunahing ginagamit sa mga radyo?

A. Filipino B. Impormal C. Ingles D. Wikang Rehiyonal


5. Ang dyaryo ay nauuri sa dalawa: broadsheet at tabloid. Alin sa dalawa ang gumagamit ng wikang higit na
nauunawaan ng karamihan?
A. Broadsheet B. Broadsheet at Tabloid C. Tabloid D. Wala sa dalawa

6. Anong anyo ng media ang itinuturing na pangunahing salik kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa
bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino?
A. Dyaryo B. Hatirang Pangmadla C. Radyo D. Telebisyon

7.. Anong anyo ng kulturang popular ang itinuturing na makabagong bugtong?

A. Fliptop B. Hugot Lines C. Pelikula D. Pick-up Lines

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 62


8. Ano ang tawag sa anyo ng kulturang popular na mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute,
cheesy o minsa‘y nakakainis?
A. Fliptop C. Pelikula
B. Hugot Lines D. Pick-up Lines
9. Karaniwan sa mga pelikulang Pinoy ngayon ang magkaroon ng pamagat na nasa Ingles. Ano ang wikang
karaniwang ginagamit sa mga pelikulang Pinoy?
A. Filipino C. Tagalog
B. Ingles D. Wikang Rehiyonal
10. Ano ang nakikitang paraan ng mga producers ng pelikula upang makaakit ng mas maraming manonood
ng kanilang palabas?
A. Gawing mura ang ticket
B. Gawing maganda ang pamagat, Ingles hangga‘t maaari
C. Gumamit ng wika na naiintindihan ng nakararami
D. Pumili ng mga sikat na gaganap upang mas maging patok sa masa

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 63

You might also like