You are on page 1of 6

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2022-2023


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
IKALAWANG MARKAHAN

I. Aralin 1: Sitwasyong Pangwika


II. Nilalaman:

MGA SITWASYONG PANGWIKA

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

• Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan.

• Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saanmang
sulok ng bansa sapagkat nararating na nito ang malalayong pulo ng bansa at maging ang mga Pilipino sa
ibang bansa.

• Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na
channel.

• Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye,
mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang
programang pantelebisyon.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo

• Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.

• Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay
karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.
• Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.

• Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang
ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:

a. nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa.

b. Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad

c. Hindi pormal ang mga salita

• Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.

• Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.

• Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga
palabas at programa upang kumita ng malaki.
• Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamamayan ng bansa ang
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

• Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng propesyonalismo.

Sitwasyong Pangwika Ayon sa ibang anyo ng Kulturang Popular

1. Fliptop

• Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

• Pangkaraniwa ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.

• Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay


hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.

• Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga
inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait.

• Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang ingles ay


tinatawag na “Filipino Conference Battle.”

2. PICK-UP LINES

• Itinuturing na makabagong bugtong.

• Karaniwan sa mga nagbibigay ng pick-up lines ang mga taong may mabilis at malikhaing
pag-iisip.

• Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa wikang Ingles o
kaya naman ay Taglish.
3. Hugot Lines

• Tinatawag na love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika ay malikhain.

• Tinatawag na linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsan ay nakakainis.

• Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na nagmarka sa puso’t isipan
ng mga mnunuod.

• Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.

Halimbawa:

Sitwasyong Pangwika sa Text

• Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa
bansa.

• Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap ng ating bansa kaya ito ay kinilala
bilang “Texting Capital of the World”.

• Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng mga salita.

• Walang sinusunod na tuntunin o rule.

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet


• Daan sa pagpapadali ng komunikasyon.

• Code switching ang wikang ginamit.

• Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.

• Karaniwang may code switching.

• Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago i-post.

• Ingles ang pangunahing wika dito.

• Naglalaman ng mga sumusunod

• Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan

• Mga akdang pampanitikan

• Awitin

• Resipe

• Rebyu ng pelikulang Pilipino

• Impormasyong pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

• Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga dokumentong ginagamit

• Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA bilang pagpapakita
ng pagpapahalaga rito.

2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad nahahanapan ng katumbas
sa wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

▪  K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.


▪ Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles)

III. Sanggunian:
● Dayag, Alma M. (2017), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 117-136

You might also like