You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON

Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2020 - 2021
Unang Semestre

BANGHAY ARALIN SA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PETSA:

I. PAKSA Pagsipi ng Konsepto Blg. 21 : SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS


II. LAYUNIN  Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa
lipunang Pilipino.
 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas.
 Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon
III. SANGGUNIAN  Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Mutya Publishing House Inc,
 Carpio et.al. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcyzville Publication

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG 1. Pagbati
GAWAIN 2. Pagtsetsek ng liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. BALIK - ARAL Pagbabalik-aral sa naging talakayan sa kasaysayan ng wikang pambansa sa panahong


kasalukuyan.

- Ano-ano ang mga pagbabago sa wikang pambansa noong panahong kasalukuyan?

C. PAGGANYAK Panuto: Kung ikaw ay gagawa ng isang post ano ang lalamanin nito? Isulat sa isang papel at ibahagi
sa klase.

D. PAGLINANG NG
GAWAIN
a. Paglalahad ng Pagsipi ng Konsepto Blg.21 :
Aralin
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

 TELEBISYON
- Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
- Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating
ang malalayong pulo at ibang bansa.
- Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng
mga lokal na channel.

 RADYO AT DYARYO
- Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
- Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung
may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
- Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman
sa tabloid.
- Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila
ang wikang ginagamit dito.
-

 PELIKULA
- Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
- Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
- Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang
sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
- Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan
ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
- Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan
ng propesyonalismo.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

 FLIPTOP
- Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
- Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat
sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.
- Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman
kadalasan ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang
nanlalait.
- Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang
ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle

 PICK-UP LINES
- Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa buhay.
- Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa
wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.

 HUGOT LINES
- Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.
- Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na
nagmarka sa puso’t isipan ng mga mnunuod.
- Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.

 TEXT
- Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi
ng komunikasyon sa bansa.
- Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa
kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
- Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga
salita.
- Walang sinusunod na tuntunin o rule.

 SOCIAL MEDIA AT INTERNET


- Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
- Karaniwang may code switching.
- Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
- Ingles ang pangunahing wika dito.
- Naglalaman ng mga sumusunod

 KALAKALAN
- Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga
dokumentong ginagamit
- Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino,

 PAMAHALAAN
1. DepEd Order No. 74 of 2009
- K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.
- Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at
Ingles)
b. Pagtatalakay Gabay na tanong:
1. Ano ang kasalukuyang sitwasyon ng wikang Filipino?
2. Saang aspeto ng ating pamumuhay ito karaniwan na nakikita?

c. Paglalahat Sagutin ang katanungan:


1. Masasabi ba na nagging matagumpay ang pagtatag sa wikang Filipino bilang wikang
pambansa?
d. Paglalapat / Panuto: Gumawa ng isang video na magpapakita ng sitwasyong pangwika sa Kulturang Popular na
Ebalwasyon Hugot Lines o Pick Up Lines. Binubuo ito ng dalawang katao.

V. TAKDANG - ARALIN Magbalik-aral sa naging talakayan ngayon.

You might also like