You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 3– MELC 9
Pagbibigay-kahulugan sa mga
Salitang Ginagamit sa Radio
Broadcasting

Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS
REGION VI-KANLURANG
g Kagawa VISAYAS

i
Filipino 8
Gawaing Pampagkatuto Blg. 9
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Mary Claire Q. Ibañez


Editor : Susan J. Quistadio
Tagasuri : Lilibeth D. Meliton
Tagaguhit : Mary Claire Q. Ibañez
Tagalapat : Susan J. Quistadio

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedrp T. Ascabarte,Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 3

Gawaing Pampagkatuto Blg. 9

Pangalan:______________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio


broadcasting (F8PT-IIId-e-30)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Likas sa ating mga Pilipino ang pakikipagkomunikasyon. Maituturing na
malakas ang impluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao ang mass media.
Napupukaw nito ang interes ng mga tao dahil maaari mo itong mapakinggan
at mapanood.

Isa sa mga mabisang komunikasyon ay ang “Radio Broadcasting”. Ito ay


isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga impormasyon o
isyu/balitang nagaganap sa ating lipunan at iba pang makabuluhang
pangyayari.

Isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng


kaganapan ng mundo. Naghahatid ito ng mga napapanahong isyu o mga
talakayan/ pulso ng bayan. Nagbibigay ng opinyon kaugnay sa paksa at
naghahatid din ng musika.
Mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
1. Radio iskrip
2. Audio/ Tunog
3. Bumper
4. Teaser
5. Billboards
6. Story tags

Mga Sanggunian

Most Essential Learning Competencies 2020 (MELC’s) sa Filipino, pahina 232

https://www.slideshare.net/mobile/allanortiz/radio-broadcast-2
https://images.app.goo.gl/VcdTU9SLiuHPsR3m8

1
III.Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Tukuyin sa Hanay B ang mga kahulugan ng mga salitang ginagamit
sa radio broadcasting na nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B

______1. Radio Iskrip a. ginagamit sa pagitan ng balita at ng


patalastas
______2. Teaser b. maririnig matapos ng balita
______3. Bumper c. isang isinulat na material na naglalaman
ng mga salitang kilos (pandiwa ) at di
pandiwang kilos na kailangan sa programa.

_______4. Billboards d. ginagamit upang ma stimulate ang pag


iisip ng mga tagapakinig upang manatili
sa pinakikinggang palatuntunan
_______5. Story Tags e. ang huling bahagi bilang palatandaan na
ang kuwento o balita ay tapos na o may iba
pang mga impormasyon o detalye sa
sumusunod na pahina

Gawain 2.
Panuto: Iguhit sa patlang ang ( ) kung ito ay mga halimbawa ng Iskrip,
( O ) kung ito ay Bumper, ( / ) kung ito ay Teaser, ( ) kung ito ay Tunog at
( ) kung ito ay Billboards.

______1. “ Magbabalik ang ating palatuntunan matapos ang ilang paalala sa ating mga
kaibigan”
2. “ Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Pumpkin Donut, ang pasalubong ng
bayan”
______ 3. “ Reporter 1: Mga biktima ng baha dulot ng Bagyong Ulysses dahan-dahang
bumabangon matapos ang trahedya.
Paliwanag:
Matapos ang malakas na baha sa mga lugar sa Luzon katulad ng Marikina,
Isabela at Cagayan, unti-unti ng bumabalik sa kanilang mga bahay ang mga biktima ng
baha”

______4. “ MSC: THEME INTRO UP AND OUT …..BIZ…..BEAT….


Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZVASNHS, narito ang
inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Ronie Magpantay at Macky Franco at ito
ang Kaberks Mo.”
______5. “Waling-waling ipapalit sa sampaguita bilang pambansang bulaklak?”

2
3. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang ibig sabihin ng radio broadcasting?


2. Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting? Ano-ano ang
kahulugan ng mga salitang ito?

IV. Repleksiyon

Panuto: Dugtungan ang pahayag ng mga natutuhan mo sa araling ito. Isulat sa


inyong sagutang papel.

Natutuhan ko sa araling ito na__________________________________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
4
Gawain
2
Gawain 1
1. O IV. REPLEKSIYON
1. C 2.
2. D Iba-iba ang
3. A 3. posibleng sagot.
4. B 4.
5. E
5. /
V. Susi sa Pagwawasto

You might also like