You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II

ALDEA NATIONAL HIGH SCHOOL


Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal

Filipino 8
Pag-uugnay sa Tema ng Akda sa
mga Programang Pantelebisyon

Kasanayang Pampagkatuto:
• Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa akdang
tinalakay.
PAANO GAMITI

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
N ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptong kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Pag-uugnay ng Tema sa Akda sa
5 mga Programang Pantelebisyon

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

 Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa akdang


tinlakay.

Alam mo bang salamin ng ating buhay ang mga programang madalas nating
napanonood sa telebisyon tulad ng mga akdang madalas din nating binabasa.

Halina’t tuklasin ang inyong mga kaalaman sa pagkilala sa mga mahahalagang


paksang nakapaloob sa modyul na ito sa pagsagot mo sa ating unang pagsubok
bilang paghahanda sa aralin.

UNANG PAGSUBOK

Panuto : Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
kwaderno ang kasagutan.

___ 1. Ito ay isang kwadradong elektronikong kagamitan sa bahay na may iba’t


ibang palabas na kinaaaliwang panoorin ng mga tao.
A. tablet C. cellphone
B. telebisyon D. radyo
___ 2. Tumutukoy ito sa nilalaman o paksang pinag-uusapan sa isang akda.
A. kaisipan B. opinyon C. saloobin D. tema
___ 3. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari
sa buhay ng isang tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. maikling Kuwento B. sanaysay C. tula D. alamat ___ 4. “Umabot
sa 1, 150 ang naiulat na kaso ng Covid 19 noong Hunyo 23, 2020. sa pahayag
na ito, ang tema o paksa nito ay_________________. A. dahilan ng Covid C.
pinanggalingan ng virus
B. epekto ng Covid D. bilang ng maysakit na Covid
___ 5. Ang pahayag sa bilang 4 ay halimbawa ng programang pantelebisyon na
naghahatid ng________________.
A. libangan B. kuwento C. balita D. serbisyo

3
BALIK-TANAW

Panuto: Basahin at unawain ang talataan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Gawin ito sa kwaderno.
Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila na maituturing na ring
pangangailangan sa buhay ng mga mag-aaral ang makabagong teknolohiya. Ito na
rin ang nagsilbing kaaliwan ng maraming kabataan kaya’t naging popular ang iba’t
ibang social media tulad ng FB. Bagamat naging libangan na nila ang paggam it
nito, hindi pa rin maitatanggi ang pagiging popular ng iba’t ibang programang
pantelebisyon kaya masasabing isa din itong mabisang sandigan sa pagpapalawak
ng kaalaman at paghahatid ng makabuluhang kaisipan na magagamit ng mga
magaaral sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Isang midyum
ng komunikasyon ang telebisyon para sa nakararaming kabataan lalo na ang mga
walang internet sa kanilang tahanan. Ito ang mabisang katuwang ng mga
tradisyunal na akda upang lubos na maunawaan ang tema at paksang nais
iparating sa mga mag-aaral.
Sa pagkakataong ito, susubukan nating alamin ang inyong mga kaalaman
sa mga programang pantelebisyon sa pagtukoy sa mga sumusunod na larawan sa
ibaba:

1. Tukuyin kung anong programang pantelebisyon ang mga sumusunod na logo sa


ibaba:

______________ ____________________ ________________

_______________________ __________________
Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang panonood ng mga programang
pantelebisyon gaya ng pagbabasa at pagsusuri sa mga akdang pampanitikang
naipamana sa atin ng ating mga ninuno. Ano ang magagawa mo bilang
kabataan sa paghihikayat sa mga kabataang Pilipino na manood ng mga
programang pantelebisyon

4
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Sa bahaging ito ay humahakbang ka na sa pagsusuri ng paksa na


makatutulong sa’yo upang maunawaan ang kaalamang dapat mong matamo.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jh23uPZeqmkAJilXNyoA;_ylu=X3oDMTB0NjZjZzZhBGNvbG8DZ3ExBHBvcwMxBHZ0aWQDBHNl
YwNwaXZz?p

Batay sa larawan, tukuyin ang paksang


nakapaloob sa isang segment na
pinalalabas sa isang programa sa
telebisyon.

PAKSA

Pag-uugnay ng Tema ng Programang Pantelebisyon sa Maikling Kuwento


Kung ating susuriin, ang paksang inihahayag ng segment na “Bawal
Judgemental na napapanood natin sa popular na programang “Eat Bulaga” ay
tumutukoy sa maling panghuhusga sa kapwa na siya ring paksa ng akdang
“Impeng Negro” na kung saan si Impeng ay biktima ng pang-aapi at panghuhusga
ng mga taong nasa paligid niya dahil sa pisikal niyang kaanyuan. Masasabing
madalas na paksang tinatalakay ng mga programang pantelebisyon ang
napapanahong paguugali, gawi at uri ng pamumuhay ng tao sa lipunang kanyang
ginagalawan.

Batay sa iyong pagsusuri, ibahagi mo ang iyong nalalaman tungkol sa mga


napapanahong isyu o paksang laging binibigyang halaga sa mga proagramang

5
pantelebisyon na nagbibigay impormasyon para sa mga kabataang Pilipinong tulad
mo.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain 1

Panuto: Basahin ang buod ng akdang “Mabangis na Lungsod” at sipnosis ng isang


dokumentaryong pantelebisyon sa isang popular na programa sa
telebisyon. Suriin ang pagkakatulad nito sa paksa, layon at mensaheng
nais iparating sa mga kabataang tulad ninyo.

Ulila na at nabubuhay na mag-isa ang batang si Adong. Upang makaraos


sa araw-araw ay pinili ng pobreng bata na mamalimos na lamang sa harap ng
simbahan ng Quiapo. Araw hanggang gabi ang panghihingi tulong ng bata sa mga
naglalabas-pasok na deboto ng sikat na simbahan. Ngunit sa kaniyang murang isip
ay alam na ni Adong ang bangis ng kaniyang paligid dahil sa binatang si Bruno na
laging kinukuha nang sapilitan ang kaniyang mga nalilimos. Gusto ng sigang si
Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong. Kinukuha
ni Bruno ang perang naipon ni Adong at wala siyang nagagawa. Isang araw, batid
na ni Adong na katulad ng mga nakaraang panahon ay kukuhanin na naman ni
Bruno ang kaniyang perang pambili ng pagkain.
Ngunit naisipan niya noong gabi na iyon na magtago kay Bruno. Ngunit
ang panahon ni Adong para tumakas sa mapang-aping si Bruno ay kakaunti na
lamang. Sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa
puwesto sa tapat ng simbahan, ang bruskong si Bruno. Nagtago pa rin itong pilit
ngunit nahabol at natagpuan ni Bruno. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at
pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang pera ay binugbog nila si
Adong hanggang sa manghina.

Dokumentaryo ni Kara David


March 2, 2019

6
Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng Kalye” para silipin ang
buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa masasamang mga gawain. Nakilala noon
ni Kara ang katorse anyos na si “JM” - isang batang hamog. Mula Davao, iniwan siya ng kanyang mga
magulang sa Maynila --- naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan. Pero
ilang linggo lang mula nang umere ang dokumentaryo, namatay si “JM” nang masagasaan siya
habang dumidiskarte sa kalsada. Noong taong 2011 din, pinagdedebatehan na ng mga mambabatas
ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong
2019, muli na namang mainit ang parehong isyu.
Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail. Walong
taon na ang nagdaan pero hindi nakuhang iwan ni “Roy” ang iligal na gawain.At tila nauulit lang ang
isyung kinaharap ng ilang kabataan ngayon. Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si
“Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn.” Pero pagkalabas ng eskuwela, imbis na umuwi, diretso
ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at
pandurukot. Pero hindi raw bisyo ang nagtutulak kay “Nognog” na gumawa ng masama, kundi para
may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni
“Jocelyn”, walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskare ng bata.

Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng “Age of Social Responsibility” para mabawasan ang
mga kabataang gumagawa ng krimen? Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Diskarteng
Bata” ngayong Sabado, March 2, sa I-Witness sa GMA-7.

https://video.search.yahoo.com/search/video;_ylt=AwrT4R_t1vZeB8gArWKJzbkF?p=dokumentaryo+ni+kara+david+tungkol+sa+bat
ang+kalye&fr=mcafee&fr2=p%3As%2Cv%3Ai%2Cm%3Apivot#id=1&vid=a22d8837a3195ccf7de1fe354f52f0ce&action=view

Batay sa nasabing programa at maikling kuwento sa itaas ilahad ang pagkakatulad


ng mga ito ayon sa mga sumusunod:

Paksa Kaisipan

Gawain 2

Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang akdang binasa o dokumentaryong


pantelebisyong nabanggit sa itaas, ilahad ang kaisipang nais iparating nito sa
larangan ng mga sumusunod: Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

Pagiging mabuting- tao? Pamilya? Edukasyon?

7
_______________________ __________________________
_______________________ __________________________
__________________________
_______________________ __________________________
_______________________ __________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________

Gawain 3

Sa bahaging ito ng gawain nais kong suriin mo ang talataan at sagutan ang
mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isusulat sa
papel/kwaderno.
Sa pelikula man o sa telebisyon, iba‘t ibang uri ng dokumentaryo ang ating
napapanood na tumatalakay sa iba‘t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon,
ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang
kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap
sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa
edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig
ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat
maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay
nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw
ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan
mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad
sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

1. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo


upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal?
A. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
B. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
C. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
D. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.

2. Ano ang kahulugan ng pahayag na „hindi mapasusubalian‟ ayon sa


papagkakagamit sa akda? A. walang masyadong iniisip
B. hindi mapasisinungalingan
C. walang katotohanan
D. hindi angkop sa sitwasyon

3. “Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.‟ Ano ang mahihinuha sa pahayag?


A. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
B. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
C. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
D. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.

8
4. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay
upang ___________.
A. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
B. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
C. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
D. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema

5. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng
mga pahayag sa huling talata?
A. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
B. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
C. Maging isang lider upang maging sikat.
D. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.

TANDAAN

Sa bawat programa sa telebisyon o sa bawat akdang pampanitikan na ating


babasahin, mahalaga na suriin muna natin ang paksa nito, layon at mensahe o
kaisipang nais iparating sa inyo kung ito ba’y makatutulong sa pagpapalawak ng
inyong kaalaman at angkop para sa mga kabataang tulad ninyo.

Isang napakahalagang kasanayan sa pagbasa ang pagtukoy sa paksa. Ang


paksa ay ang tema o nilalaman , pinag-uusapan sa anumang teksto o akda. Ito din
ang pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may-akda ng kwento upang
mas maintindihan ng manonood o mambabasa. Ito ang pinakasustansiya ng buong
akda o programa dahil dito umiikot ang gagawing pagsasalaysay, paglalarawan o
paglalahad ng isang manunulat.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

LESSON CLOSURE (Sagutin ito sa inyong kwaderno)

Ang aralin sa modyul na ito ay nauukol sa pag-uugnay ng _____________________ sa


mga ___________________________________________________.
Ang paksa ay ________________________________________________________
Mahalagang maunawaan ang tema maging ang kaisipan ng bawat akda o
programang pantelebisyon sapagkat _____________________________________
___________________________________________________.
Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang pagpili ng mga makabuluhang
_________________________ na dapat panoorin ng mga kabataan ngayon. Mahalaga
ito dahil ___________________________________________________

9
_________________________________________. Magagamit ko ito sa pang-araw araw na
pamumuhay sa pamamagitan ng ___________________________________
___________________________________________________.
Sa kabuuan ng aralin, natutuhan kong maging ______________________
___________________________________________________________________.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang akdang nauukol para sa mga kabatang tulad mo at piliin
lamang ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa kwaderno.
Ako ay Ikaw ni Hans
Roemar T. Salum
―Ako‘y isang Pinoy, sa puso‘t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako‘y di
sanay sa wikang mga banyaga, ako‘y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang
Pambansa, ang gamit kong salita…‖ Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan
ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,
gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay
ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.
Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang
mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako
upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon,
Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay
pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang
kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-
unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig
mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking
patuloy na pag-unlad. (Isulat ang sagot sa iyong kwaderno )

1. Ayon sa binasang akda, isa sa mga naging palatandaan ng modernong takbo ng


pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay _____________________. A.
paggamit ng dayuhang wika ng mga kabataan.
B. pagtangkilik sa mga produkto ng dayuhan
C. paggamit ng Taglish ng mga kabataan sa pagsasalita at pagsulat
D. pagtuturo ng dayuhang wika sa larangan ng edukasyon

2. Ang salawikain na nababagay sa binasang seleksiyon ay____________________.


A. walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin
B. anoman ang gawin, makapitong beses na isipin

10
C. ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.
D. hangga’t makitid ang kumot, matutong mamaluktot

3. Layunin ng may-akda sa akdang ito na_____________________________. A.


hikayatin ang kabataang maging moderno sa pananalita.
B. gisingin ang damdaming makabayan ng mga kabataan.
C. gamitin sa tamang panahon at sitwasyon ang sariling wika.
D. mahalin ang kulturang Pilipino.

4. Sa kabuuan, ang paksang nakapaloob sa akda ay________________________.


A. pagmamahal sa bayan C. pagpapahalaga sa kultura
B. pag-ibig sa magulang D. wastong paggamit ng sariling wika

5. Ang kaisipang nais iparating ng akda ay____________________________. A.


lahat ng kabataan ay may pananagutan sa sariling bayan.
B. marapat unahin ang sariling bayan sa lahat ng pagkaaktaon.
C. kaakibat ang tamang paggamit ng sariling wika sa pag-unlad ng bayan.
D. sikaping maging mabuting mamamayan para sa bayan.
Panuto : Tukuyin sa ibaba ang paksa ng mga sumusumod na programang
Pantelebisyon. Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

Hanay A

6 7. 8

9. 10

A. Serbisyo Publiko
B. Pagpapahalaga sa kalikasan
C. Mga Napapanahong Balita
D. Pagmamahal sa Pamilya
E. Pagpapahalaga sa Turismo ng Bansa

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Bumuo ng isang telekomentaryo hinggil sa mga sumusunod na
napapanahong isyu sa lipunang inyong ginagalawan.

11
Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa
iyong kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi
nilang talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa
suliraning kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o
tinatawag na youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang
mungkahi ng pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga
mag-aaral sa hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang
paraan ng pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral. Inaasahan ng
mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod:
Gawin itong isang dokumentaryong pantelebisyon.
(1) makatawag-pansing pamagat
(2) lawak ng pagtalakay sa paksa
(3) paglalahad ng mga datos o estadistika
(4) wastong gamit ng mga salita
(5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob

SANGGUNIAN
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Jh23uPZeqmkAJilXNyoA;_ylu=X3oDMTB0NjZjZzZhB
GNvbG8DZ3ExBHBvcwMxBHZ0aWQDBHNlYwNwaXZz?p
https://video.search.yahoo.com/search/video;_ylt=AwrT4R_t1vZeB8gArWKJzbkF?p=dokumentaryo+ni+kara+d
avid+tungkol+sa+batang+kalye&fr=mcafee&fr2=p%3As%2Cv%3Ai%2Cm%3Apivot#id=1&vid=a22d8837a3195cc
f7de1fe354f52f0ce&action=view
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/24oras/686584/diskarteng-bata-dokumentaryo-ni-karadavid-
ngayong-sabado-sa-i-witness/story/

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Ma. Jeremia D. Nuňez, MT I
Manunulat: Ophelia D. Vael
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HEAD VI

12
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok
1. B
2. D
3. A
4. D
5. C
BALIK Tanaw
1. Ipaglaban Mo
2. Unang Hirit
3. Maalaala MO Kaya
4. Rated K
5. Eat Bulaga
Maikling Pagpapakilala sa Aralin
Gawain 1
Layon : Maiparating sa kinauukulan ang pagsagip sa mga kabataang naliligaw
ng landas sa buhay.
Paksa : Pagdami ng mga batang kalye sa lipunan
Kaisipan : Ang kabataan ay pag-asa ng bayan kayat marapat silang pangalagaan
at hubugin upang maging mabuting mamamayan sa hinaharap.
Gawain 2
Pagiging Mabuting Tao : Malaki ang papel na ginagampanan ng lipunan sa
paghubog ng mabuting kaasalan sa mga kabataan.
Pamilya : Pananagutan ng magulang ang wastong pagpapalaki sa mga anak.
Edukasyon : Isang matibay na pundasyon ang edukasyon upang maging mabuting
mamamayan ang isang kabataan.
Gawain 3 :
1. A
2. B
3. C
4. A
5. A
Pag-alam sa natutuhan
-Pag-uugnay ng tema ng akda sa mga programang pantelebisyon
-Pagtukoy sa mahalagang ideya ng akda o programa
-Paghubog ng mabuting kaasalan at gabay sa pamumuhay
-Pagpili ng mga makabuluhang programa sa telebisyon
-Pagpapahalaga sa mga mabubuting kaasalan sa larangan ng panitikan. Panapos
na Pagsusulit
1. C
2. C
3. C
4. D
5. C
6. B
7. C
8. E

13
9. D
10. A

14

You might also like