You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II

ALDEA NATIONAL HIGH SCHOOL


Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal

Filipino 8
Pagpapahayag ng
Pangangatuwiran

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipahahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong
solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong
binasa.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Pagpapahayag ng Pangangatuwiran
4

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipahahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o
proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa.

PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang bawat pahayag, piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng
tamang sagot.

___ 1. Ito ay isang pagsisiwalat ng tao sa kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga
paniniwala, ng lahat ng kanyang mga nalalaman.
A. Pagsusulat C. Pagpapahayag
B. Pangangatuwiran D. Pagsasalaysay

___ 2. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay


upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
A. Paglalarawan C. Paglalahad
B. Pangangatuwiran D. Pagsasalaysay

___ 3. Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain.


A. Pangangatuwirang Pabuod C. Opinyon
B. Pangangatuwirang Pasaklaw D. Palagay

___ 4. Nagsisimula sa pangkalahatan patungo sa partikular o ispesipiko.


A. Pangangatuwirang Pabuod C. Opinyon
B. Pangangatuwirang Pasaklaw D. Palagay

___ 5. Ito ay tumutukoy sa mga ideya ng mga tao, mga ideyang nakabatay, hindi sa
katunayan, kundi sa pinalalagay lamang na totoo. A. Pangangatuwirang
Pabuod C. Opinyon
B. Pangangatuwirang Pasaklaw D. Palagay

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan sa ibaba sa malinis na papel o kwaderno.

3
Pagbasa sa Akda:

Pagpapalawig sa ECQ

Inaprubahan ni Presidente Duterte ang pagpapalawig sa Enhanced


Community Quarantine (ECQ) hanggang Abril 30. Ayon kay Cabinet Secretary Carlo
Nograles ang desisyon ng Presidente ay base sa rekomendasyon ng inter-agency
committee na nangangasiwa para labanan ang COVID-19. Una nang nagsalita ang
Presidente sa televised address noong gabi ng Lunes at sinabing pabor siya na
palawigin pa ang quarantine sa Luzon na magtatapos sana sa Abril 14. Ipinatupad
ang lockdown sa Luzon noong Marso 16.
Tama lang ang desisyon na palawigin pa ang ECQ sapagkat patuloy pa ang pagdami
ng mga nagkaka-infection. Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 3,000 ang
positibo sa COVID-19. Ayon sa Department of Health (DOH) sa Abril 14 pa gagawin
ang mass testing sa mga hinihinalang may COVID-19.
Maski ang World Health Organization (WHO) ay nagpaalala na ang maagang pag-
aalis sa lockdown ay magdudulot nang mas malaking problema sa bansa sapagkat
mas maaaring dumami pa ang kaso ng COVID-19. Ayon sa WHO, pabor sila nang
mas mahabang quarantine hanggang sa masiguro na wala na ang virus. Payo ng
WHO na panatilihin ang pagsusuot ng facemask at ang social distancing para
matiyak na hindi kakalat ang virus.
Mahigit tatlong linggo pa bago matapos ang ECQ sa Luzon at sana, sapat na ang
panahong ito para ganap na mawala ang salot na COVID-19. Pero magkakaroon lang
ito ng kaganapan kung patuloy na maghihigpit ang pamahalaan na huwag palabasin
sa bahay ang mga tao. Ayon sa pag-aaral, kapag wala nang makapitan ang virus,
kusa itong mawawala.
Isang paraan para tumigil sa bahay ang mga tao ay ang pagbibigay sa mga ito
nang makakain at tulong na pinansiyal lalo na ang mga naapektuhang mahihirap.
Kung may sapat na tulong, hindi sila lalabas ng bahay para maghanap
ng ipakakain sa kanilang pamilya.
Hinango sa Balita, Abril 8, 2020
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/04/08/2006160/editoryal-pagpapalawig-sa-ecq

1. Tungkol saan ang binasang teksto?


_____________________________________________
2. Bakit kailangang palawigin pa ang Enhance Community Quarantine (ECQ?
________________________________________________________________________________
3. Paano ipinakita ang pangangatwiran sa binasang teksto?
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang sanaysay ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Sa


pangangatwiran, kinakailangang may patunay upang maging katanggap-tanggap
ang panukala. Ito ay may dalawang uri; pangangatwirang pabuod at
4
pangangatwirang pasaklaw. Sa tulong nito makapagpapahayag ng saloobin,
paniniwala at paninindigan sa makatwirang paraan.

Halina’t tuklasin pa natin ang paksa tungkol sa pagngangatwiran.

Ang Pangangatuwiran ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na


katibayan patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap -tanggap o
kapani -paniwala.
Ang layunin nito ay hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag. Mayroon itong dalawang uri:

A. Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo – nagsisimula sa mga halimbawa o


partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o
katotohanan. Halimbawa:
Magtatayo na rin ako ng karindeya. May karinderya ang kapatid ko at malaki ang
kanyang kinikita at pakinabang.

B. Pangangatuwirang Pasaklaw o Deduktibo – nagsisimula ang


pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw
na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga
tiyak na pangyayari o katotohanan
Halimbawa:
Lahat ng mag-aaral sa PUP ay matalino Si
Ryan ay isang mag-aaral sa PUP
Si Ryan ay matalino
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/pangangatwiran-grade-9

Gawain 1

Panuto : Basahin at unawain ang sumusunod na akda pagkatapos ay sagutin ang


katanungan tungkol dito. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangan


magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong
wika .
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin
ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng
isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang
pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na
Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit
sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng

5
Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang
ginagamit ng lahat.
-mula sa “Wikang Pambansa”
ni Manuel L. Quezon
1. Ano ang makikitang katangian ni Pangulong
Manuel L. Quezon sa kanyang pahayag na:

“Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng


pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang
Pilipinas”

2. Ibigay ang iyong saloobin sa naging pahayag ni


Manuel L. Quezon sa talata bilang 1.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ikaw bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa


sariling wika? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________
______________________________________________________

Gawain 2

______________________________________________________

Sumulat ng sanaysay na nagpapakita ng pangangatuwiran (pabuod at pasaklaw), kung


paano mapatataas ang kalidad ng wikang pambansa.

6
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/old-scroll-paper-isolated-onwhite-vintage-paper-

vector-7663971

TANDAAN

Ang pangangatuwiran ay paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay


pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katuwiran o rason kalakip ang mga
ebidensya. Ang pangangatuwiran tulad ng pabuod ay sinisimulan sa partikular na
pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang
pangkalahatan; samantala ang pasaklaw naman ay nagsisimula ang pangangatuwiran
sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o
katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na
pangyayari o katotohanan.

Panuto : Basahin at unawain ang balita at pagkatapos ay sagutin ang katanungan sa


ibaba. Bumuo ng maiking talata na nagpapakita ng pagpapahayag na
pangangatuwiran. Gawin ito sa kwaderno.

Mga Batang Kalye

Sa totoo lang, maraming palaboy ngayon na nagkalat sa mga lansangan. Mga


kabataan na dapat sana’y nagsisipagpasok sa paaralan. Nasaan ang mga magulang
ng mga batang ito? Kung hindi sana kayo pabaya sa inyong mga anak ay maiiwasan
sana ang mga karumal-dumal na krimen na nagyayari ngayon sa mga kabataan.
Habang mahimbing na natutulog ang mga magulang hindi nila alam na ang kanilang
mga anak ay napapasali na sa isang “gang” at itong grupong ito madalas napapasama
sa iba’t ibang klase ng krimen.
Kasalanan ng mga pabayang mga magulang kung bakit nalilihis sa tamang
landas ang kanilang mga anak. Tayong mga magulang ang dapat maging modelo sa
ating mga anak. Tayo ang unang tao na nakagisnan nila sa mundo. Tayo ang
huhubog at mag-aakay sa kanila patungo sa tamang landas ng buhay.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maraming kabataan ngayon ang
napapariwara ang buhay. Kung ano ang gawain ng magulang ay ginagawa rin ito ng
kanyang anak kaya kung ang magulang ay nagnanakaw, malamang paglaki ng anak
magnanakaw din ito kaya bilib ako sa mga magulang na hindi iniinda ang hirap para
lang maigapang ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Sana maging aral sa mga katulad kong mga magulang ang nangyari sa mga
kabataang napatay noong nakaraang buwan. Ingatan niyo ang inyong mga anak,
alamin n’yo ang kanilang mga ginagawa, kung sila’y sangkot sa mga illegal na
gawain habang maaga suwayin ang mga ito. Maraming programa ang gobyerno
ngayon para
s
a mga kabataan. Dalhin n’yo sila sa paaralan upang magkaroon ng edukasyon.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2017/09/13/1738944/mga-batang-kalye

Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang malutas ang ganitong suliranin?

________________________________________
Pamagat
Talata:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
7
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
PAG-AANALISA

Sa pagkakataong ito, nais kong sumulat ka ng sanaysay na nagpapakita ng


pangangatuwiran. Ang paksa ay “Sa Tahanan Nagmumula ang Pagmamahal sa
Sariling Wika”. Gawin mong gabay ang mga pamantayan sa pagbuo ng sanaysay na
nasa ibaba.

https://image.shutterstock.com/image-illustration/old-paper-scroll-parchment-pen-260nw-1220654065.jpg

Pamantayan sa Pagbuo ng Sanaysay


Orihinalidad 30%
Angkop na pamagat 20%
Magkakaugnay ang mga ideya 20%
Wastong gamit ng pangangatwiran 30%
(pabuod at pasaklaw)
Kabuuan 100%

PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang teksto pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Isulat ang titik lamang ng tamang sa iyong kwaderno.
Ang lakas ng isang bansa ay nasasalig sa mga mamamayan. Ang isang bansa
ay hindi maaaring humigit o kumulang sa kanyang mga mamamayan. Ang mga
mamamayan ang siyang bumubuo ng isang bansa kaya ito’y hindi maaaring lumikas

pa sa mga bahaging bumubuo nito…Ituro ninyo sa akin ang isang bansang binubuo
ng matatag at matitipunong mamamayan; mga taong malulusog ang pangangatawan
at isipan; magalang, matapang, masisipag at may pagtitiwala sa sarili, makabuluhan

ang iniisip gayundin ang ginagawa; nag -aangkin ng makatwirang kabayanihan at


matatag na pagkilala sa katarungan; may mabuting asal, at ituturo ko naman sa
inyo ang isang bansang tatagal sa habang panahon at makikihati sa pananagutan, sa
8
pagpapaunlad at pagpapaligaya ng sangkatauhan. Tunay na uunlad ang bansang ito.
…Ako’y may matibay na pagtitiwala sa ating mga kababayan. Alam kong taglay nila
ang lahat ng mga kakayahang kailangan upang maging isang matatag at bihasang
bansa. Ang Pilipino ay hindi nahuhuli sa kaninumang lahi.
-mula sa “Ang Pilipino Noon at Ngayon”
ni Manuel L. Quezon

_____ 1. Ang nakasalungguhit ay nasa uri ng pagpapahayag na __________________


A. Pangangatwiran C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Paglalahad
_____ 2. Ang damdamin ng may-akda ay __________________
A. Nanghihinayang C. Nag-aasam
B. Nagmamalaki D. Nagmamakaawa
_____ 3. Batay sa binasa, ang pagpapasya ni Manuel L. Quezon ay _______________
A. Ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa ibang bansa
B. Ang mga Pilipino ay may sariling kakayahan
C. Ang Pilipino ay dapat magsumikap
D. Ang Pilipinas ay kayang maging maunlad
_____ 4. Ang kulturang Pilipinong masasalamin sa akda ay _________________________
A. Matatag C. Mapagmahal
B. Masayahin D. Matulungin
_____ 5. “Ang isang bansa ay hindi maaaring humigit o kumulang sa kanyang mga
mamamayan”. Ang nakasalungguhit ay
A. Magkaisa C. Magkaugnay B.
Magkasalungat D. Magkasingkahulugan
_____ 6. Ang pangunahing kaisipan ay nasa aling bahagi ng talata?
A. Unahan C. Hulihan
B. Gitna D. Wala sa nabanggit
_____7. Ang paksa ng sanaysay ay _________________
A. Kaginhawahan ng bansa C. Kakayahan ng bansa
B. Kahinaan ng bansa D. Kalakasan ng bansa
_____ 8. Ang layunin ng manunulat ay ____________________
A. Mag-ulat C. Magbigay-inspirasyon
B. Magbigay-tugon D. Manlibang
_____ 9. Ang binasa ay nasa uri ng panitikang __________________
A. Dula C. Sarswela
B. Maikling kuwento D. Sanaysay
_____ 10. Ang tema ng binasa ay _________________________
A. Ang lakas ng mamamayan ay lakas ng bansa
B. Ang Pilipinas ay maaaring ipagmalaki
C. Ang inaasahang pag-unlad ay maaaring makamtan
D. Ang Pilipinas ay hindi mapagpapahuli sa ibang bansa

REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Buuin ang pahayag batay sa


binibigyang-diin sa aralin.

Nalaman ko sa aralin na …
9
Matapos ang mga gawain naramdaman ko na …

Nabago sa akin ay ….

SANGGUNIAN

http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html
http://delfinomenchie.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/pangangatwiran-grade-9
https://www.scribd.com/doc/77539125/PANGANGATWIRAN
https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/04/08/2006160/editoryal-pagpapalawig-sa-ecq
http://filipinolibrarian.blogspot.com/2009/08/talumpati-manuel-l-quezon-wikang.html
http://filipinolibrarian.blogspot.com/2009/08/talumpati-manuel-l-quezon-wikang.html
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2017/09/13/1738944/mga-batangkalye

F ILIPINO 8
Susi sa
Pagwawasto
Unang Pagsubok Pangwakas na Balik tanaw
1. C Pagsusulit 1. Pagpapalawig sa ECQ
2. A 1. A 2. Sa kadahilanang patuloy pa ang
3. A 2. B pagdami ng mga nagkaka-infection
4. B 3. A 3. Gumamit ng mga ekspresyon upang
5. C 4. A makilala ang pagsang-ayon at
pagsalungat
5. B
Maikling Pagpapakilala sa aralin
6. A
Gawain 1
7. C
• Malayang pagsagot mula sa mag-
8. B
aaral Gawain 2
9. D
• Malayang pagsagot mula sa mag-
10. A
aaral Pag-alam sa Natutuhan
• Malayang pagsagot mula sa mag-
aaral

10

You might also like