You are on page 1of 7

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM

COURSE TITLE Retorika COURSE CODE FILI102

PREREQUISITE/ CO None COURSE UNIT 3 units


REQUISITE

COURSE OUTCOME CO 1: Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng retorika at balarila sa


pasalita at pasulat na pagpapahayag.

MODULE 3 Sintaks

LESSON LEARNING After successful completion of this module, you should be able to:
OUTCOME/S

1. Nakasusulat ng mga pangungusap ayon sa kayarian nito.

. 2. MaipaIiwanag ang kahaIagahan ng pangungusap sa pagbuo ng


isang suIatin.
3. Makapagbigay ng sariIing haIimbawa ng mga pangungusap na
naayon sa anyo nito.
4. Matukoy ang pagkakaiba ng mga ayos at anyo ng pangungusap.

TOPICS Ang sintaks at Pangungusap

WEEK / INCLUSIVE 3
DATE August 30 -Sept. 2, 2022

MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral)

LESSON PROPER

Pangkalahatang Ideya

Sa ating pagpapahayag, mapapansin natin na may mga salita sa wikang Filipino na akala natin ay wasto

ang paggamit nito, subalit kung ating susuriing mabuti hindi wasto ang ating paggamit. Kaya sa modyul na

ito tatalakayin ang mga salita sa wikang Filipino na madalas nagagamit nating ng hindi wasto.
______________________________________________________________________

PAGTALAKAY
SINTAKSIS
Sintaksis- ito ang mga sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga paraan
upang bumuo ng pangungusap. Sa payak na payak na paraan ay tatalakayin natin ang iba’t
ibang balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kung papaanong ang mga
ito’y mapapalawak.
PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay binubuo ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa o
kaisipan. Isang sambitlang na may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito
ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
iabot sa kausap.Hal.
Nanay.
Magandang umaga po.
Umuunlad ang bayan.

• Ito ay lipon ng mga salita na may buong diwa. Sa katuturang ito ang isang salita ay
maaaring isang pangungusap kung ito ay may buong diwa.

Mga Bahagi ng Pangungusap

Simuno – ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap na maaaring tao,


hayop, bagay, lugar o pangyayari.

Panag-uri – ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa.

AYOS NG PANGUNGUSAP
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di- karaniwan (tuwid o baligtad)
Dalawang ayos ng pangungusap ang ginagamit ng mga Pilipino,
pasulat man o pasalita.

Kadalasang maririnig ang ganito: “Nag-aaral ako sa UST.”


Pambihirang bigkasin ang “Ako ay nag-aaral sa UST.” Ang una ay karaniwan at ang ikalawa
ay di-karaniwan. Pansining nagsisimula sa panaguri ang pangungusap sa karaniwang ayos
samantalang ang di karaniwan ay kakikitaan o ginagamitan ng ay.
Karaniwan:
Mahalaga ang protina sa katawan.
Higit na maraming kolesterol ang nakukuha sa karne kaysa sa gulay.

Di-karaniwan:
Ag mapagkain ng gulay ay karaniwang balingkinitan lamang.
Ang labis na pagkain ng karne ay nakasasama sa kalusugan ng katawan.
Uri ng Pangungusap ayon sa Anyo

Ayon sa kayarian may apat na uri ang pangungusap: Payak, Tambalan, Hugnayan at

Langkapan.

1.Payak na pangungusap - ito ay nagbibigay ng isa lamang buong pangungusap.

• Ang mga pangungusap na ito ay maaring may payak na paksa o simuno at

payak na panag-uri.

Hal. Si Gil ay nag-aaral.

Maaari namang ang paksa ang pangungusap ay payak at ang panaguri ay tambalan

o kabalikan nito.

Hal. Ang guro ay mabait at masipag.

Maari namang tambalang pareho ang paksa at panaguri.

Hal. Ang bahay at lupa ay malaki at maayos.

2.Tambalang Pangungusap – ito ay nagbibigay ng dalawang malalayang kaisipang pinag-

uugnay sa isa. Ito’y binubuo ng dalawang malalayang sugnay na may kaisipang magkaugnay

Ginagamitan ito ng mga pangatnig na at, saka, pati, ngunit, subalit, datapwat, habang,

samantalang na nagpapahayag ng mga kaisipang magkatimbang.

Hal. Kayo ay saganang-sagana habang kami ay nagdarahop.


3. Hugnayang Pangungusap – ito ay binubuo ng isang sugnay na malaya o nakapag-iisa at

isang sugnay na di nakapag-iisa. Ginagamit sa hugnayang pangungusap ang mga pangatnig

na nang, upang, pag, kapag, kaya, dahil sa, sapagkat, kung, habang at atb.

Hal. Kung ako ay mayaman, hindi na ako magtuturo.

Isama mo ako, kung ikaw ay pupunta sa Manila.

4. Pangungusap na Langkapan – ito ay binubuo ng pinagsamang dalawang malayang

sugnay at isang di-malayang sugnay.

Hal. Ang nanay at tatay ay nagluluto at kami ay naglilinis ng bahay dahil sa darating sina Lolo

at Lola mula sa Maynila.


OLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Mga Gawain ng Pagtataya

Panuto: Palawakin ang mga sumusunod na pahayag:

Gawain 1. Panuto: Kilalaning mabuti ang uri ng pangungusap. Isulat ang P sa


payak, T tambalan at H sa hugnayan at L sa langkapan
Hugnayan 1. Pangarap ko ang makatapos sa aking pag-aral
upang makatulong sa bayan.

Tambalan 2. Ang mga bata ay nagsusulat habang ang guro ay nagtuturo.

Payak 3. Napakabait ng kaibigan ko.

Hugnayan 4. Magbabakasyon ako sa Cebu kung sasama ka.

Payak 5. Pinagpala ng Diyos ang mga taong isinasabuhay ang kanyang


mga salita.

Gawain 2.
1. SumuIat ng isang sanaysay, ikaw biIang isang mag-aaraI ano ang dapat mong
gawin upang makaiwas sa corona virus. Pakilagyan ng angkop na pamagat. (15 puntos)
Alam naman nating lahat na ang Corona Virus o Covid 19 ay naging isang
malaking problema o sakit sa ating bansa at dahil dito ay maraming tao ang namatay, nag
kasakit, nawalan ng hanap buhay at higit sa lahat ay nawalan ng mahal sa buhay
Bilang isang mag aaral ang mga dapat gawin o matutunan upang makaiwas sa
Corona Virus ay ang pag papanatiling pag hugas ng ating mga kamay,dahil alam naman
natin na tayo ay humahawak ng mga gamit na kontaminado at dahil dito ay hindi natin
namamalayan na nailipat na natin sa ating mukha ang mga virus na nakuha sa mga
gamit na ating nahawakan, at ang panagalawang paraan upang maiwasan ang virus ay
ang pag takip ng ilong at bibig tuwing umuubo gamit ang tissue at hindi ang iyong kamay at
ugaliin natin na itapon ang tissue na ating ginamit sa pag bahing ubo para hindi na tayo
maka pinsala sa ibang tao, at ang pangatlong parran upang makaiwas sa virus na ito ay
ang pag iwas sa matatao na lugar at sa taong may lagnat at ubo, panatilihin o ugaliin natin
na tayo ay may 1 metrong layo sa taong may lagnat o ubo upang maiwasan ang pag
kahawa sa virus na dala nito,at ang pang apat na paraan ay ang pag iwas sa pakikipag hati
o pag inom sa pag mamay ari ng isang indibidwal na may sakit o lagnat dahil ang pag inom
sa kanilang personal na gamit at isa sa dahilan kung paano nalilipat ang virus,at ang
sumunod dito ay ang pag suot ng face mask dahil ito ay isang mabisang paraan para tayo
ay makaiwas savirsu na dala ng ibang tao, at lagi nating tandaan na wag tayong
makakalimot na mag pabakuna dahil ito ay isa sa paraan upang tayo ay mapanatiling ligtas
at maprotektahan sa sakit na covid19, at ang huli ay ang pag papanatili sa iyong tahan
kung ikaw ay may lagnat, dahil alam naman natin na ang pag papanatili sa bahay kapag
may sakit ay ang pag iwas na rin sa virus na dala ng hangin o ibang tao at ito ay
kakaapekto lamang sa iyo at maaring ika lala ng iyong sakit at para rin maiwasan ang pag
kalat ng iyong sakit sa ibang tao.
Ito ay ilan lamang sa paraan upang makaiwas sa virus na kumakalat sa ating bansa
maaring maraming paraan ang ibat-ibang individual upang sila ay makaiwas sa virus na ito,
ang pag papaalaala sa bawat indibidwal ng ilan sa mga paraan na ito ito ay kaligtasan ng
lahat ang patuloy na pag iingat sa ating sarili ay ay kaligtasan nating lahat.

MGA SANGGUNIAN:

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila:


Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro Manila:


National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila:


Wiseman’s Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro Manila,


Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino


3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater Publications and Research Corporation.
San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

Elektronikong sanggunian

You might also like