You are on page 1of 9

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM

COURSE TITLE Retorika COURSE CODE FILI102

PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units


CO REQUISITE

COURSE CO 3: Makasulat ng isang talata o komposisyon na


OUTCOME masining/matalinghaga gamit ang mga idyoma at tayutay. Gayundin
ang pagtukoy sa kahulugan ng salawikain at kasabihan.

MODULE 4 Salawikain at Kasabihan

LESSON After successful completion of this module, you should be


LEARNING able to:
OUTCOME/S
1. Nakasulat ng isang talata o komposisyon na
masining/matalinghaga gamit ang mga idyoma at tayutay
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng salawikain at kasabihan.
. 3. NaipaIiwanag ang magandang aral o mensahe na nakapaloob sa
salawikain at kasabihan.

TOPICS Ang Salawikain at Kasabihan

WEEK /
INCLUSIVE
DATE

MODALITY Synchronous, Asynchronous

LESSON PROPER

Pangkalahatang Ideya

Isa sa yamang maipagmamalaki nating mga Pilipino ang mga katutubong anyo ng

panitikan. Kabilang dito ang mga salawikain at kasabihan. Sa pamamagitan ng mga

salawikain at kasabihan ipinakikita ang magandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino

na minana pa natin sa ating mga ninuno.


______________________________________________________________________

PAGTALAKAY

Sa pag-aaral ng masining na pagpapahayag hindi nawawala ang mga salawikain. Ito ay pamana

na muIa pa sa ating mga ninuno.

Ito’y katumbas ng proverbs, maxims at epigrams sa Ingles. Tinatawag ding kawikaan, isang payak na

metaporang nangangaral. Ayon kay Lope K. Santos, ito ay pananalitang nakaugaIian na at

nagpapasalin-salin sa bibig ng madla at nagsisilbing patnubay ng kabutihang-asal at wastong ugali ng

mga tao.

Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang

matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat

kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod,

mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay na-aayon sa

opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.

Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan ay

naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na yong mga sinulat at binigkas ng mga

dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karaniwan na

nating nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga

ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.

Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda

bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng

mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan

natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.


Mga Halimbawa ng Salawikain

1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang mga
kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa pagkakaparehas
ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan ang relasyon.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao
pa rin kung kikilos siya o hindi.

6. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.

Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng kaginhawaan kapag hindi ka
masaya.

7. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.

Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali, minsan naman ay
mahirap.
8. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.

Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo. Sa buhay, kung
nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.

9. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.

Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May kakayahan tayong
magsumikap upang marating natin ang ating nais marating kasama ng panalangin.

10. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang tulog o na-istorbo ang
tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan ang pagbibiro sa mga bagong gising.

11. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa taenga ng tao at
lumalabas na sa mga bibig.

12. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.

Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang mga masama at hindi
kaaya-aya ay huwag gawin.

13. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.

Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa kanilang pagtanda
kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat iwasto.

14. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.


15. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.

Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o magtagumpay, dapat patuloy lang sa
buhay hanggang sa makamit ang inaasam.

Ang Kasabihan

 Mula pa noong unang panahon


 Kadalasang binibigkas ng mga matatanda gayundin ng mga bata
 Binubuo ng mga salitang makahulugan
 May tugma
 Kung minsan ay may himig kung basahin

Halimbawa ng Kasabihan:

Ang kawayan habang tumutubo,


Langit na mataas ang itinuturo;
Pag ito’y lumaki at saka lumago,
Sa lupang mababa doon yumuyuko.

Ang asong ganid na dati,


Huwag pukulin ng karne,
Pagbabawal ma’y malaki,
Likas din ang mangyayari.

Tiririt ng ibon,
Tiririt ng maya,
Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.
Mayaman ka ma’t marikit,
Mabuti sa pananamit,
Kung walang sariling bait,
Walang halagang gahanip.

Mabalot ka man sa baklad,


Mamamtay din kung palad;
Mahanga pa’y ang tumanyag,
At sa Diyos ka tumawag.
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Mga Gawain ng Pagtataya:


Pangalan:_____________________ Asignatura:____________

Petsa:________________________ Marka:_________________

INTERAKTIBONG PAGSASANAY

Panuto: Palawakin ang mga sumusunod na pahayag:

1. Magsaliksik ng sampung (10) salawikain sa inyong lugar. Banggitin ang Iugar mo na kung saan ang
mga saIawikaing iyon ginagamit. (10 puntos)
1. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
- Huwag natin kalimutan ang mabubuting tao na nag-alay ng kanilang oras at panahon para mabuo ang
ating pagkatao.
2. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
-  Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na
maaaring maging dahilan upang lalo lamang siyang magipit.
3. Kapag may tiyaga, may nilaga.
-  kung magsisikap ka sa iyong buhay kung pilit mong lalampasan ang mga pagsubok sa iyong
buhay lahat ay titiisin mo para maabot lang ang iyong mga pangarap ay tiyak na ikaw ay
magtatagumpay balang araw.  
4. Pag may isinuksok, may madudukot.
-  kapag ikaw ay may itinira o itinabi tulad ng pera, sa panahon ng kagipitan at nangailangan ka,
maari mong makuha at magamit ito.
5. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
- kung wala kang tiyaga sa buhay, hindi ka magsusumikap, wala kang matatanggap na
gantimpala. 
6. Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.
- mahalin at gamitin ang sariling wika natin.
7. Habang may buhay, may pag-asa.
- wag sumuko sa buhay para sa pangarap.
8. Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.
- gagawin nya ang lahat para ito ay mangyari, nagpapakita din ito ng pagiging pursigido na
isang tao. Kabaligtaran naman nito, kapag ayaw nya marami syang sinasabing dahilan
upang maging hadlang para hindi mangyari ito.
9. Bago ka magtanim ng puno, magtanim ka ng kabutihan sa kapwa.
- magpakita ng pagmamalasakit sa kapwa
10. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
- nagpapakita ng halaga ng paghihirap at pagsisikap upang makamit ang mga pangarap sa buhay.

2. Paano ang mga salawikain at kasabihan nakatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.


Ipaliwanag. (5 puntos)
- Ang mga salawikain at kasabihan ay mga pahayag o kasabihan na naglalayong magbigay ng payo,
aral, o gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Mayroon silang malalim na kahulugan
at mga mensahe na makatutulong sa atin upang maging maalam, mabuting mamamayan, at maunlad
sa buhay. Ang mga salawikain at kasabihan ay mga patnubay at gabay sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Sila ay mga aral na nagtuturo sa atin ng mabuting asal

3. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain at kasabihan. Isulat ang iyong sagot sa
pamamagitan ng isang talahanayan. (10 puntos)

Salawikain
 Nagmula sa mga ninuno at kilala sa isang kultura
 Mayroong matagal nang ginagamit at kilala sa isang lugar o kultura
 Naglalaman ng mga aral o payo sa buhay
 Halimbawa: "Pag may tiyaga, may nilaga" at "Kung may isinuksok, may madudukot"
Kasabihan
 Karaniwang nagmula sa isang tao o grupo ng mga tao
 Maaaring bago at hindi pa gaanong kilala sa karamihan
 Nagbibigay ng patalinhagang mga salita o payo sa buhay
 Halimbawa: "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa
paroroonan" at "Ang taong nagigipit ay sa patalim kumak
MGA SANGGUNIAN:

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro Manila: National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila: Wiseman’s Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro Manila, Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino 3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater Publications
and Research Corporation.

San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

Elektronikong sanggunian

https://philnews.ph/2018/12/19/halimbawa-ng-salawikain-15-halimbawa-salawikain/
https://lawrence-makatangpinoy.blogspot.com/2011/02/salawikain.html
http://mga-salawikain.com/

You might also like