You are on page 1of 1

MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS: MAY PAGKAKAISA SA GITNA NG

PAGKAKAIBA

Kilala ang Pilipinas sa katawagang perlas ng silanganan ngunit ang hindi alam ng
ilan ay ang mga natataning pangkat etniko na bumubuo sa bansang Pilipinas. Sila man
ay may pagkakaiba sa kulay ng balat, sa pananalita, sa kasuotan ngunit makikita mo
parin sa kanila ang isang dugong nanalaytay sa dugo nila. Ang dugo ng isang pilipino,
hindi man magkaintindihan, at kilometro man ang distanya ng bawat isa, wala
namang agwat sa puso ng bawat isa. Hindi mabubuo ang perlas ng silanganan kung
wala ang isa sa mga pangkat etniko.

And depinisyon daw ng pangkat etniko ay ang Ang kasapi ng isang grupong
etniko ay may kaugaliang ay kaugnay sa pinasaluhang pamanang kultural, ninuno,
kasaysayan, inang-bayan, wika o diyalekto, ang mga kataga na kultura partikular
kabilang ang mga aspeto tulad ng relihiyon, mitolohiya at ritwal, pagkain,istilo ng
pagsusuot, atbp.

Hindi lamang mayaman ang ating bansa sa mga magagandang tanawin, mga
masasarap na pagkain, at mga ugali nating mga Pilipino, kilala rin tayo dahil sa
pagbubuklod buklod nating mga Pilipino sa gitna ng ating pagkakaiba, Kung minsan
ay nakaklungkot lamang dahil ang ating mga pangkat etniko ay nakararanas ng
diskriminasyon. Iba ang turing nila sa ilan, dahil bihira o ngayon lamang sila nakita
ng ilan sa atin, mabilis din natin silang husgahan kung ano ang gingawa ng katulad
nila sa bayan o saan mang lugar. at kung minsan pa nga ay hindi tanngap ng ilan ang
ilan sa kanila sa kadahilanang, kakaiba sila. Nakakasakit isipin dahil isa rin silan
Pilipino katulad din natin sila, iba nga lang ang kanilang kinabibilangan. Talaga
namang napakayaman ng ating bansang Silanganan na hindi kayang tumbasan ng
ibang bansa, at ito ang ating mga natatanging pangkat etniko na mayt iba’t -ibang
pananaw, tradisyon, at kultura.

You might also like