You are on page 1of 1

"Tangkilikin,Sariling Atin"

Mahilig ka ba sa tsokolate? Mahilig ka ba sa sapatos? Inaasam asam mo ba ito lalong lalo na


kung ito ay galing ibang bansa? Gusto mo bang umunlad ang bansa natin? Alam ko na ang sagot
ng karamihan sa inyo ay oo o kaya'y syempre naman, dahil tayong mga Pilipino ay mahilig
kumain at mamili ng mga bagay na gustong gusto talaga natin lalong lalo na kung ito ay
bigay.Alam ko rin na ang pinakainaasam-asam ng bawat pilipino ay umunlad ang ating bansa.
Ang pagbili ng sariling produkto natin ay senyales na ikaw ay tumutulong sa buwis.Ang pag-
endorso na bumili ang kapwa mo pinoy at sa mga banya ng mga produktong tatak pinoy ay tulay
upang ang ating bansa ay umunlad.

Inaanyayahan ko kayong tumangkilik sa ating produkto dahil ang pagtangkilik sa sariling atin ay
nagsisimbolo na tayo ay may katapatan sa ating lahi at sa ating bansa.Hindi mo man namamalayan
ang pagtangkilik mo, pero ramdam naman ang epekto nito sa ekonomiya nang ating bansa.Bukod
sa katapatang ipinapakita mo sa pamamagitan ng pagtangkilik, ikaw ay nakakatulong para
matupad ang pangarap ng bawat pilipino na umunlad ang Pilipinas.

You might also like