You are on page 1of 2

Pedrosa, Sebastian Vincent P.

MWF 3:00 - 4:00PM

Talumpating Panghikayat

“Pagtangkilik ng Sariling atin”

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain. Isa na dito ang paggawa ng mga
produkto na ginawa ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ngunit, sa
panahon natin ngayon ay tila naglalaho na ang pagkakakilanlan natin sa mga
produktong ito dahil unti-unting lumalago ang mga produktong internasyonal. Kaunti na
lamang ang ating tumatangkilik sa mga produktong lokal. Bakit nga ba mas tangkilikin
natin ang sariling atin?

Sa pagpili ng cellphone natin, bakit mas pinipili nating bilhin ang mga mamahaling
cellphone gaya ng Apple, Samsung, at iba pa, meron naman tayong Cherry Mobile at
MyPhone na mura at pareho lang naman ang tampok ng bawat isa. Sa pagbili ng
bagong sapatos bakit mas pinipili nating bilhin ang mga gawa ng ibang bansa kaysa sa
sapatos ng Marikina na mura lang naman at matibay pa. Sa pagpili ng kakainan bakit
mas pinipili nating kumain sa McDo, Jollibee, KFC, at iba pa, meron naman tayong
Kitchenitos, Janikka Food Center, JC foodspot pareho lang naman silang mga
restawran at masasarap din naman ang mga pagkain. Bakit nga ba ganito tayong mga
Pilipino?. Ang iba sa atin ay sasabihin na “gusto ko lang makasiguro sa tibay ng
produkto na aking bibilhin”. Bakit hindi natin subukan ang mga lokal na produkto natin
na kahit ito ay hindi kaakit-akit sa mga tao. Pwede naman magbigay ng mungkahi ang
publiko kung ano pa ang dapat ayusin sa produkto ayon sa gusto nila. Napakarami ang
paraan para mas tangkilikin natin an gating mga produkto dahil may maganda itong
maidudulot sa ating bansa. Una sa lahat, magkakaroon tayo ng isang kapwa nating
Pilipino na magrerepresenta ng kanyang produktong gawa sa iba’t ibang lupain kung
sakali ito ay lalago. Pangalawa, ay magiging representasyon ito ng pagiging malikhain
ng mga kapwa nating mga Pilipino. At panghuli, lalawak ang ekonomiya ng Pilipinas,
mas magiging mayaman ang ating bansa. Iwasan natin ang maghilaan pababa kundi ay
suportahan natin ang produktong lokal sa pamamagitan ng pagbili at hikayatin ang mga
kakilala na bilhin ang mga ito dahil ito ang isang susi sa pagpapaunlad ng ating bansa
na sa kasalukuyan ay may mababa na GNP o di kaya “Gross National Product”.

Lagi niyong tandaan, ang pagtangkilik ng sariling atin ay malaking ambag sa ating
bansa upang mas umangat pa ang ating mga produkto sa iba’t ibang panig ng mundo
na magiging hakbang ng pagkilala sa mga ito. Dahil dito ikauunlad ito ng ating
ekonomiya at magkakaroon tayo ng kapasidad na makipag-kumpetensya. Alam ko
mahirap itong gawin pero kung sisimulan nating bumili ng mga lokal na produkto
nakakatulong na tayo di lang sa bansa kundi sa kapwa nating mga Pilipino. Hindi lang
naman ang mga binibilhan natin ang makikinabang sa mga maidudulot nito kundi tayo
din. Ika nga ni Dr. Jose Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda. Wala man itong koneksyon, sapagkat ang pinaguusapan ay
produkto at hindi wika. Ngunit, kung alam lang ni Rizal ang sitwasyon ngayon tungkol
sa produkto. Malamang, hindi lang tungkol sa wika ang kanyang sinalaysay kundi sa
produkto din.

You might also like