You are on page 1of 1

EDITORYAL

KAPAKANAN NG MGA MANGANGALAKAL NA PILIPINO SA


HALIP NG MGA DAYUHANG INVESTORS

Ang pangangalakal dito sa ating bansa ay isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating malaman
lalo na kung nais nating mapaunlad ang pangkabuhayan dito sa bansang Pilipinas. Sa ngayon, maraming
mangangalakal sa bansa local man o nasa dayuhang laranagan ng pagnenegosyo. Sa pangangalakal
importanteng maging masusi sa mga bagay-bagay na maaari nating matuklasan. At lagi dapat tandan ng
bawat isa na wag manloloko at pagpapaloko sa kapuwa tao.

Ang pangangalakal dito sa ating bansa ay tinatawag na barter or palitan na kung saan magpapalitan ng
kani-kanilang mga kagamitan o produkto ang mga mangangalakal. Maraming negosyante ang gumagamit
sa sistemang ito upang kumita sila ng mas malaking halaga. Upang tangkilikin ng mga Pilipino ang
produkto ng ating bansa kaysa sa ibang bansa ay dapat nating mas bigyang halaga ang sariling atin. Ito rin
ay makakatulong sa ating pagtaas ng ekonomiya.

Una, ang ating produkto ay makakatulong sa mga mamamayan ng ating bansa. Mas maraming taong
mabibigyan ng trabaho o kanilang hanap buhay sa gayon hindi na nila kailangang pumunta sa ibang bansa
upang magtrabaho. Mas uunlad tayo kung mas pagtutuunan natin ng pansin ang ating produkto. At
magiging mas kilala na din ang ating produkto sa pagsikat nito.

Pangalawa, tulad nga ng sabi ni Dr. Jose Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda. Katulad din nito sa pagtangkilik sa ating sariling produkto. Isa sa maipapakita natin na
tayo ay isang Pilipino sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling produkto ng ating bansa. Kailangan
nating mahalin ang ating produkto upang mahalin din nito ng mga taga ibang bansa at mas lalo pa tayong
kikita ng malaki.

Pangatlo, lagi nating tandan na mas maganda at mas mura pa rin ang maraming produktong gawang
Pinoy. Tulad na lamang sa mga organic at mga ibang pagkain na binebenta ng ating bansa. Sikat dito ang
mga pagkain at inumin na nagtataglay ng maraming benepisyong makakatulong sa ating mga kalusugan,
hindi tulad sa ibang mga bansa na mga kemikal na ang kanilang mga produkto.

Maraming mga kababayan natin ang hindi tumatangkilik sa produkto ng Pilipinas sa halip mas binibigyan
nilang pansin ang mga imported goods. Hindi pa huli ang lahat upang magbago pa ang kanilang gusto ng
produkto ang bigyang halaga ang ating produkto kaya lagi nating isa-buhay na mahalin natin ang ating
ekonomiya ng ating bansa. Kaya tayong mga Pilipino, tangkilikin nating ang sariling atin.

You might also like