You are on page 1of 5

Bagamat sinabi ng Pangulo ng bansa sa kanyang pinakabagong State of

the Nation Address na mas tumaas ang katayuan ng bansa sa larangan ng


ekonomiya ay hindi pa rin ito nadarama ng karamihan sa ating mga
Pilipino. Sa katotohanan, ang ekonomiya ng bansa ay kalmado,
nangangahulugang hindi ito tumataas o hindi rin naman bumababa.
Subalit isang katanungan ang nais iparating:

Mga Pilipino: “Nasaan ang Kaunlaran?”

Inang Bayan: “Nasa inyong mga palad ang kasagutan.”

✅ Huwag maging banyaga sa sariling bansa.

Inihanda nina:




PANIMULA

Karaniwan sa mga Pilipino ang humanga sa mga kapwa Pilipinong bihasa sa


paggamit ng wikang banyaga ngunit hindi ba mas kahanga-hanga kung ang
isang Pilipino sa kasalukuyang panahon ay nanatiling tunay na magaling
gumamit ng mga malalim na termino sa kabila ng modernisadong panahon?
Ang pag-unlad ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa mga mamamayan nito,
kaya naman napagdesisyunan ng mga mag-aaral na ibahagi ang adbokasiya
ng “Pagpasok ng Wikang Filipino sa Mundo ng Komersyo”. Oo, ang wikang
Ingles ang global na wikang pangkomersyo, subalit upang makamit ng bansa
ang progresyon, kailangan muna nating makamit ang ating mga sari-sariling
wikang pangkaunlaran.
Ayon sa pag-aaral ng Social Weather Station, noong una ay 6 sa 10 Pilipino
ang bihasa o fluent sa wikang Ingles. Smantala, pagkalipas ng ilang taon,
tinatayang 3 sa 10 Pilipino na lamang ang pumipili ng pagsasalita ng salitang
Ingles. Tanda ito ng magandang simulain ng wikang Filipino sa mundo ng
kaunlaran ng komersyo. Subalit 32.4% o 9, 725, 155 ektarya ng bansa ay
pang-agrikultura, pinamumuhayan ng mga magsasaka at mangingisda na
karaniwang walang gaanong dunong sa wikang banyaga. Nakakalimutan ng
bansa na ang mga magsasaka at mangingisdang ito ang nagkakaloob ng
malaking kontribusyon sa pagpapataas ng GDP at per capita ng bansa. Kaya
naman, nararapat lamang na bigyang-pansin ang pakikipagtalastasan at
pakikipagnegosyo gamit ang ating sariling wika sa sariling bansa.

MUNGKAHING TITULO

Ninais ng mga mag-aaral na gamitin ang adbokasiyang: Pagpasok ng Wikang


Filipino sa Mundo ng Komersyo ay bunsod ng lumalaganap na pagsasantabi
ng paggamit wikang Filipino sa mga iba’t ibang larangan ng industriya at
komersyo. Bukod dito, ang paglawak ng impluwensya ng paggamit ng
Kanluraning wika sa mga negosyo at establisyimento na dapat sana ay hindi
na mangyari.

RASYUNAL

Sa patuloy na paglawak ng ekonomiya ng bansa, patuloy ring nadaragdagan


ang mga kabuhayan at negosyona lumalago dahil sa suportang ibinibigay ng
masang Pilipino. Datapwat, marami sa mga negosying ito ay pagmamay-ari ng
mga banyagang mamumuhunan na nagdudulot ng malimit na paggamit ng
banyagang lenggwahe. Dahil dito, unti-unti ng nakakalimutan o naiisantabi
ang paggamit ng ating wikang pambansa.

MITHIIN

Maipakita at maipaalam sa mga mambabasa ang kahalagahan ng gamit ng


wikang Filipino sa tuwing tayo ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Maipahayag
din na ang wikang Filipino ay may ginaganapang malaking tungkulin sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay, kung kaya’t ito ay nararapat na gamitin
kahit sa mga sitwasyong ang nakasanayang gamitin ay ibang wika.

MGA LAYUNIN

Layunin ng mga mag-aaral na maiparating sa mga makakabasa ang dapat na


katayuan ng wikang Filipino sa bansa. Bukod ditto, ang kumbinsihin ang mga
pagawaan, pabrika at iba pang mamumuhunang Pilipino na ang wikang
Filipino ang pinakamainam na lenggwaheng maaring gamitin sa
pakikipagnegosyo. At higit sa lahat, ang patuloy na mapagyaman ang sariling
wika sa moderno at kasalukuyang mundo ng komersyo sa bansa.

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

✅ Sa pamamagitan ng ibinahaging adbokasiya, inaasahan ng mga mag-aaral


na mas mapadali para sa mga kapwa Pilipino ang paghahanap at pagkakaroon
ng sariling trabaho. Idagdag pa dito ang mga sitwasyon tulad ng
pakikipagnegosasyon sa kapwa Pilipinong mamumuhunan, mas magiging
palakaibigan , magalang at magiliw ang dating at daloy ng pakikipag-usap
kung sariling wika ang gagamtin. Sa ganitong paraan ng pagkakaintindihan,
higit na malalim na pagkakaibigan at pagkakaunawaan ang mabubuo sa mga
magkakasapi sa negosyo. At panghuli, sa pagtatayo ng mga negosyo, mas
malakas at mas patok ang pakikipag-ugnayang pampubliko ng mga kainan na
kilala at pamilyar na sa mga Pilipino, na nasusulat sa wikang Filipino.

KOMERSYO

 serbisyo
 produkto
 pamumuhunan (investment)

Ano nga ba ang magagawa ng paggamit ng Wikang Filipino sa Mundo ng


Komersyo?

Sa Larangan ng Negosyo…

Mga Rasyunal na Dahilan

 Pagdating sa pakikipag-ugnayang pampubliko, mas patok ang mga kainan


na kilala at pamilyar na sa mga Pilipino.
 Sa produkto, madaling mababatid ng mga mamimili(maging sa ibang bansa)
ang isang sikat na produkto, magkakaroon ng mas mainam pagkakakilanlan
ang isang produkto na mula sa Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.

Sa Larangan ng Trabaho..

..sa halip na “Why should we hire you?” ay “Bakit ka namin kailangang


tanggapin?”

Mga Rasyunal na Dahilan:

 Naiiwasan ang pagkalito sa pagsagot ng mga komplikadong tanong sa


panahon ng pag-aaplay ng trabahao.
 Tumataas ang kumpiyansa sa sarili ng isang Pilipino dahil sa pagkakaroon
ng pamilyarisasyon sa wikang ginagamit.

You might also like