You are on page 1of 3

Wikang Filipino sa

Larangan ng Turismo
“Gamitin ang Wikang Filipino para sa Pag-unlad ng Turismo”
Ang Turismo ay maaaring itukoy bilang isang pansamantala o madaliang pagbisita o pagpunta
ng isang tao sa ibang lugar na di niya normal na pinupuntahan. Maaaring ang isang turista ay
dumayo sa ibang bansa o kaya nama’y sa ibang probinsiya lamang. Ang Turismo ay kinikilala
din ng karamihan bilang isang mahalagang sektor na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa dahil
sa patuloy na pagbabayad ng mga dayuhan upang makapaglakbay. Ang pagkakaroon ng wikang
pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mgamamamayan at nagbibigay tulong sa pag-
unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging isang malaking
daan ng komunikasyon upang mapalago at mapagbuti angtakbo ng politikal, sosyolohikal, at
maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan. Ang wika ang ginagamit komunikasyon ng mga
tao sa lipunan bilang instrumento ng komunikasyon. Ito rin ang ginagamit sa paggawa ng mga
transaksiyon, na maituturing na isa sa mahahalagang salik ng isang ekonomiya. Hindi magiging
matagumpay ang alin mang klase ng transaksiyon kung hindi tayo nagkakaintindihan at kung
hindi tayo gagamit ng iisa at sarili nating wika. Sa pag gamit ng ating sariling wika sa mga
tranksaksiyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang
maghikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksiyon sa loob ng ating
ekonomiya.
Napakahalaga ng sariling wika sa isang lipunan. Unang una, ito ay ginagamit ng tao ang wika sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang pambansang
wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamamayan nito. Ang sariling wika
ang isa sa mga bagay na kumikilala sa isang lahi, kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino sila
at ano ang kanilang kaibahan sa ibang lahi. At pangatlo, ayon kay Reynaldo L.Aguilar (1994),
ito ang pinakamahalagang tungkulin ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang
ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay
kinakailangang matatas at maunlad. Importanteng maintindihan natin kung paano nakakaapekto
ang pagpapaunlad ng sariling wika sa ekonomikal na aspeto ng lipunan. Napakahalaga ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao, upang mapaunlad nila ang kanya-kanya nilang gawaing
pang-ekonomiya; gaya na lamang sa gobyerno, mga pribadong negosyo, at iba pa. Ang mga
eskwelahang nagpapatupad ng “English Speaking Campus”, hindi natin kelangang mag-Ingles
upang sumikat ang paaralan or institusyon. Kahit naman sariling wika lang ang gamit natin eh
sumisikat pa rin naman tayo kahit papano. Mga tour guide na gumagamit ng Ingles sa pakikipag
usap sa mga turista, kung maaari eh dapat nagpprovide ang mga kababayan nating mga tour
guide ng isang maliit na libro kung saan makikita ang mga iba’t ibang salitang Ingles katabi ang
kahulugan nito sa Tagalog. At kung napapansin natin sa daan, ibat’ibang establisyemento katulad
ng mga airport, hotel ay ang ginagamit nilang mga sign boards ay pawang mga Ingles lahat, kung
kaya’t dapat nating gawin sa susunod ay lagyan ng translation or kahulugan sa Tagalog ng mga
nakasulat sa iba’t ibang lugar. Napili naming maging iyon an gaming advocacy upang
mabigyang pansin ang kalimitang nagiging problema sa paggamit ng Wikang Filipino. Kalimitan
kasi, nakakalimutan na natin ang sariling wika natin gawa ng Ingles, dahil itinuturing na itong
lenggwahe ng globalisasyon. Isa sa mga problemang sa pilipinas ay ang hindi pag gamit ng
wikang Filipino sa turismo, wikang Ingles ang gamit gamit sa pag dating mga dayuhang turismo
sa ating bansang Pilipinas. Ngunit sinasabi ng iba na ang wikang Ingles ang nag papayaman at
nag papayaman ng ekonomia ay mas iba parin pa ang ginagamit natin sa mga dumadating na
turismo sa ating bansa. At kung wikang Filipino ang gamitin sa ating turismo ay mas makikilala
tayo. Unang solution sa problemang ito ay pag tuturo sa mga dayuhan ng ibat ibang salitang
Filipino o pag bibigay ng libro kung saan nag lalaman ng ibat ibang translasyon ng Ingles sa
Filipino kung saan hahanapin nila ang kahulugan nito. Pangalwang ay pagbibigay ng isang titser
kung saan tuturuan sila at ang kanilang pag tatanungan sa mga bagay at sa mga salitang Filipino.
Ayon sa research na nakita ko ay mas mahalaga pa din na gamitin natin ang sarili nating wika sa
pagkikipag halubilo sa mga dayuhan. Ang mga turista na dayuhan ay ayon sa survey na kinuha
ay gusto nilang matuto ng ibat ibang salita sa wikang Filipino. Pangalwang problema sa isyung
pag gamit ng wika sa turismo ay ang Ingles ang pag aadbertisyo ng mga magagandang tanawin
na makikita sa Pilipinas. Sa aming opinion hindi dapat buong gamitin ang wikang Ingles sa pag
aadbertisyo, pwedeng gamitin pero paunti unti lang ang pag gamit nito at mas lamang ang
salitang atin ang wikang Filipino sap ag aadbertasyo. Dapat wikang Filipino ang gamitin kasi
ang ating wikang ginagamit ay Filipino at kung hindi natin gamitin iyon ano pa ang kasabihan na
“mahalin ang sariling wika at tangkilikin.” At dapat natin ipagmalaki ang ating sariling wika. Isa
sa solution na ito ay pag gamit ng wikang Filipino sa pag aadbertasyo ng mga lugar o kagamitan
at kung ano pa man ang kailangan sap ag unlad ng turismo. Ayon sa aking pag reresearch ay
natuklasan ko na mas lamang ang pag gamit ng ating wika sa pag aadbertasyo kasi di lang tayo
ang mahihikayat pati ang mga dayuhan. Napapaisip sila sa kanilang nakikita at naririnig kaya
kailangan nilang matuto ng konting wikang Filipino. Pangatlong problema na kinahaharap ay
pag gamit ng Ingles sa mga lugar na mapapasyalan at mga pilipinong turismo ng sariling bansa.
Salitang Ingles ang gamit sa pag salubong sa mga pilipinong turismo. Sa pag salubong natin sa
mga kapwa nating Pilipino na turista ay dapat wikang Filipino ang gamitin kasi nakakaintindi
naman sila ng wikang Filipino kasi kapwa natin Filipino. Hindi na kailangan na Ingles ang
pagsalubong at pakikipag halubilo sa kapwa nating Pilipino na isa sa mga turistang Pilipino.
Mas kailangan nating gamitin ang wikang Filipino kasi isa ito sa dahilan ng ating pag unlad sa
turismo tulad ng mas sanay tayong wikang Filipino ang gamit sa pang araw araw. Tulad natin sa
pag punta sa ibang lugar ay gusto rin nating malaman ang mga lenggwaheng ginagamit nila.
Ganto rin dito sa Pilipinas kailangan na gamitin an gating wika pag andito sa Pilipinas. Ayon
naman sa ating natagpuan ay mas natutuwa at mas masaya kung wikang Filipino ang gamit. Iba
kasi sa pakiramdam at mas dama mo ang pinupuntahan mo kung ang nakakahalubilo mo ay
kapwa nag sasalitang wikang Filipino. Kailangan nating gamitin ang wikang Filipino sa ano
mang aspeto ng buhay. Tulad na lang na lang sa pag unlad ng ating Turismo.
Sa kabuuan, kelangan nating gamitin at ipagmalaki ang kinalakhan nating wika. Hindi porket
pumapasok tayo sa napakagandang eskwelahan na nagrerequire na tayo ay dapat makipag usap
ng Ingles sa kapwa estudyante ay kakalimutan na naten ang sariling wika natin. Ang paggamit ng
isang wika ay nangangahulugan na merong pagkakaisa at unawa ang bawat isa. Ang
pagkakaroon ng unawa sa isa’t isa ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng interaksyon at
komunikasyon na mahalaga upang magkaroon ng bigayan ng mga ideya at paraan upang mas
lalo tayong umunlad. Ito rin an gingamit na wika sa Maynila kung saansentro ang transaksyon at
negosyo. Batid man natin na sa mundo ng komersyo at pandaigdigangkalakalan ay mas
ginagamit ang wikang Ingles, hindi parin matatawaran ang tulong at epekto nanaidudulot ng
sarili nating wika sa local na merkado at pain a rin sa pangkalahatang ekonomiyang ating bansa.
Marapat lamang na pag-igtingin pa natin ang pag-gamit at pagpapalaganap ngwikiang Pilipino
bilang maging tulay sa pag unlad n gating ekonomiya nang sa gayon aymakilala pa ito at maging
isang makabuluhang instrument ito maliban sa pagiging isang uri ngpakikipagkomunikasyon at
talastasan.

You might also like