You are on page 1of 2

Ako'y Makabago

ni Rufino Alejandro

Mga kakahapunin, alam ba ninyo? Ako'y makabago. Ako'y makabago sa


lahat ng paraan, sapagkat kung hindi'y . . . magiging sinungaling ako.
Ako'y makabago; samakatwid, ako'y mapag-alinlangan. Pinag-aalinlangan ko
ang lahat, maliban sa akng pag-aalinlangan. Ayoko ng dogma, maliban sa
dogma ng palatimbangan at palasukatan kung ako ang kinauukulan.
Ayokong ako'y magapos ng batas o anumang mga tuntunin. Ang ibig ko'y
kalayaan, ayokong ako'y alipinin, maliban kung ako'y alipinin ng sarili kong
mga kapritso at pagkabantilaw. Sa akin, ang ano amang paniniwala ay
tanikala, maliban sa paniniwala kong ito. Ito lamang ang tanikalang
mapagpalaya.
Ako'y makabago; samakatwid, ako'y isa sa mga tagapagpasuob ng
kamanyang sa dambana ng siyensya. siyensya ang tanging pag-asa ng
daigdig, wala ng iba pa. Siyensya lamang ang tanging makapangyarihan.
Ano mang bagay na walang basbas ng siyensya ay walang halaga, walang
bisa.
ako'y makabago; samakatwid ang mahalaga lamang sa akin ay ang
kasalukuyan at ang pakikinbangan "hit enc nunc." Sa akin, ang nakalipas ay
'di na sapat balingan ng tingin sapagkat nakaraan na. Ang tradisyon ay
tanda ng paninikit ng diwa sa kahapon, at ang kahapon ay nakalibing.
Ako'y makabago; samakatwid ako'y progresibo. Ang progreso ay batay
lamang sa panahon sa pagmalas ko. Bawat "kahapon" ay masama, bawat
"ngayon" ay mabuti. Ang Martes ay nakhihigit sa Lunes; ang Miyerkules sa
Martes; ang Huwebes sa Miyerkules, at iba pa.
Ako'y makabago samakatwid ako'y sibilisado. Sapagkat ako'y sibilisado,
ako'y dalubhasa. sa mga kamay ko ang klasika ay naluluray, nadudurog
hanggang sa ganap na maglaho. Sa aking kadalabhasaa'y mapapahiya ang
lalong atrasadong lipi sa kalagitnaan ng Aprika. Sa sayaw at sa musika, sa
katakawan at sa kalupitan, sa pagkakagahaman at sa marami pang bagay,
ang maiilap na lipi sa Aprika at sa Nuweba Selandiya ay alangang iagapay sa
akin.
Ako'y makabago; kaya't kung ako ma'y isang bungkos ng magkakasalungat
na paninindigan at malalabong kuru-kuro, huwag kayong magtaka. Sa aming

mga makabago, ang kalabuan ng kuru-kuro ay tanda ng katayugan nito; ang


kawalan ng tiyak na paninindigan sa alin mang bagay ay tanda ng
kalawakan ng abot ng tanaw.
Mga kakahapunin, alam ba ninyo? Ako'y makabago . . .

You might also like