You are on page 1of 2

1.

) Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan,


ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.
2.) Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang
Griyegong (oikonomia, "pangangasiwa ng isang sambahayan,
administrasyon") mula sa (oikos, "bahay") + (nomos, "kustombre" o
"batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an". Ang larangang ito ay mahahati
sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng
ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang mga ekonomiya ay
gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay
sa pagitan ng mikroekonomika at makroekonomika. Ang mikroekonomika ay
sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa ekonomiya kabilang ang
mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at negosyo o bilang mga
mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito. Ang
makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa mga isyu na
umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at
patakarang piskal at pananalapi. Nagsisimula ang ekonomiya sa premisa (premise) o
proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng
mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng
ekonomika ang mgatradeof. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo,
nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatiboang halaga ng
pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang
tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa
karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong
ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa
pamamagitan ng kaugnay na halaga. Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa
ekonomika ay kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong
ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan
ngteoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan
ng nananaig na ekonomika (mas ortodokso at nakikitungo sa "rasyonalidadindibidwalismo-ekwilibrium nexus") at ekonomikang heterodokso (mas radikal at
nakikitungo sa "mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus").
Ang analis na ekonomiko ay maaaring ilapat sa buong lipunan gaya ng sa negosyong
ekonomika, pinansiyang ekonomika, kalusugang ekonomika at pamahalaan gayundin
din sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, politika, relihiyon, mga institusyong
panlipunan, digmaan at agham. Sa pagliko ng ika-21 siglo, ang lumalawig na sakop
ng ekonomika sa mga agham panlipunan ay inilarawan bilang imperialismong
ekonomiko.

3.)
1. Ano ang iproprodyus?
2. Para kanino ang iproprodyus?
3. Paano iproprodyus?
4.) Ano ang mga suliranin pang ekonomiya?

You might also like