You are on page 1of 24

PAGBASA

Layunin ng araling ito na


maunawaan kung paano nagbabasa
at nagbibigay ng kahulugan ang
tao sa tekstong kanyang
nakakaharap at masuri ang
kalikasan, katangian, anyo, at uri
ng iba’t ibang teksto.
ANO ANG MGA BAGAY NA
HINDI NAIIWASANG GAWIN NG
ISANG TAO SA ARAW-ARAW?
Kapag ang tao ay natutong magbasa, ito isang
Gawain na hindi na niya maiiwasang gawin sa araw-
araw. Mula pagmulat sa umaga, pagtingin sa
cellphone, kalendaryo, paglabas ng bahay,
pagsakay sa sasakyan, pagdaan sa mga tindahan,
pagpasok sa paaralan/trabaho, hanggang sa pag-
uwi sa bahay, hindi maiiwasan at hindi napapansin
ng tao na kanyang nababasa ang mga teksto sa
kanyang paligid kahit hindi niya ito sadyain.
Isang paraan sa
pagkuha ng datos at
impormasyon ay ang
pagbabasa.
“Ang pagbasa ay parang isang Psycholinguistic o
Guessing Game.”
- Kenneth Goodman, 1967

“Ang pagbabasa ang pinakapagkain ng utak.”


- James DeeValentine, 2002

“Kung ang ehersisyo ay para sa katawan, ang


pagbabasa ay para sa isip…”
- Joseph Addison, 2006
NAGBABASA TAYO UPANG …

- Makakuha tayo ng datos at impormasyon


- Makapag-isip ng malalim ukol sa sariling
ideya at karanasan at
- Makatiyak sa sariling paniniwala
NAGBABASA TAYO PARA …
- Sa kasiyahan at aliwin ang sarili
- Pampalipas oras
- Mahasa ang kaalaman at kaisipan
- Masuri ang sariling emosyon.
NAGBABASA TAYO SAPAGKAT GUSTO
NATING …

- Lumikha ng mga bagong ideya


- Magsuri at maghambing ng iba’t ibang
pananaw
NAGBABASA TAYO DAHIL
INTERESADO TAYO SA …

- Isang partikular na paksa


- Isang partikular na istilo at ideya ng
manunulat.
Mga Teorya kung paano
nagbabasa ang tao
▪ Teoryang Bottom-up
▪ Teoryang Iskema
▪ Teoryang Top-Down
▪ Teoryang Interaktib
Teoryang Bottoms up
- James Gibson,
1966
Sa teoryang ito isinasaad na ang mga
nagsisimulang mambabasa ay nakatuon
ang atensyon sa mga nakatalang datos.
Mula rito ang kahulugang ibibigay sa
teksto at siyang magiging laman ng
kanilang pang-unawa. Binibigyang-
larawan ang mambabasa sa pagtinging ito
bilang tagatanggap ng kahulugang nasa
teksto.
Teoryang Iskema
- Anderson at Pearson,
1984
Ang teoryang Iskema o Iskemata
ay nagiging salalayan ng mambabasa
upang maging agnap ang kahulugang
ibinibibigay niya sa teksto. Isinasaad
nito na ang tao ay may stock-
knowledge na nagagamit nito upang
maunawaan ang mga bagay at
mabigyan ito ng sariling kahulugan.
Teoryang Top-down
- Richard Gregory,
1970
Kognitibong pagtingin ang teoryang ito ayon kina
Dublin at Bycina (1991) o prosesong knowledge-based
para kay Block (1992). Ito ay ganap na kabaligtaran ng
pagtinging tradisyunal. Sa pagtinging ito, binibigyang
kahulugan ni Goodman (1967) na psycholinguistic
guessing game ang pagbasa. Nangangahulugang bumubuo
muna ang mambabasa ng kanyang kahulugan sa teksto.
Mula rito ay bubuo siya ng kanyang hinuha na maaaring
mabago o mapayaman batay sa mga kikilalanin niyang
pananda mula sa teksto. Kabahagi ng pagtinging ito ang
teoryang iskema o iskemata ng pag-unawa.
Teoryang Interaktib
- David
Rumelhart, 1977
Sa pagtinging Metakognitibo,
hindi kailangang pagtalunan kung
teoryang bottom-up o teoryang top-
down ang sangkot sa pagbabasa. Ang
teoryang Interaktib ay ang
kombinasyon ng teoryang bottom-up
at teoryang top-down. Ginagamit ng
tao ang kanyang kaalaman at
pagkakaintindi sa teksto upang
mabigyan ito ng kanyang sariling
MGA DAPAT IKONSIDERA KAPAG
NAGBABASA:
▪ Maisulong ang pagbabasa na may laya
at kusa,
▪ Mapaunlad ang kasanayan sa pagtugon
sa teksto,
▪ Masanay sa tahimik at angkop na bilis
sa pagbabasa.
ILAN SA MGA BENEPISYO NG PAGBABASA:
▪ Kaalaman at karunungan
▪ Pagpapatalas ng memorya
▪ Pagpaparami ng bokabolaryong nalalaman
▪ Pagkahusay ng pakikipag-usap
▪ Self-confidence
▪ Self-esteem
▪ Kaunlaran at tagumpay sa buhay.
Takdang-aralin: Online Activity

Magbasa ng isang teksto na


maaaring nagbibigay ng bagong
impormasyon para sa marami. Ibahagi
ito sa klase(online)/sa susunod na
talakayan kung ano ang iyong
natutunan at mga nakuha mong
impormasyon.
Magbahagi dalawang Facts na hindi pa
nalalaman ng karamihan sa loob ng klase at
banggitin ito bago magsimula ng talakayan.
Reperensiya:

Castillo, M. A. et al. (2012),


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik, Malabon City,
JIMCYZVILLE Publication

You might also like