You are on page 1of 1

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may malaking bilang ng populasyon ang nakaaalam ng

wikang Ingles. Pakay ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol sa isyu ng Implementasyon
ng English Only Policy sa Paaralan ng Apec. Layunin ng papel na ito na maipabatid ang kahalagahan o
dahilan ng implementasyon ng English Only Policy. Nais rin ng papel na ito na mailahad ang epekto ng
polisiyang ito sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang sa Paaralan ng Apec. At higit sa lahat, pakay ng
papel na ito na alamin kung tunay nga bang nakatutulong ang English Only Policy sa katatasan sa wikang
Ingles ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang sa Paaralan ng Apec.

Sa kasalukuyan, ang wikang Ingles ay "Universal Language". Kaya't mahalaga at kailangan ng tao na pag-
aralan ito para mas mabilis at mas madaling makipag-ugnayan sa mga tao lalo na sa mga ibang lahi. Ang
taong may kaalaman rito at maiiwasan ang panliligaw at panloloko ng sinumang tao. Sabi nga nila ang
mundo natin ay nagbabago na. Hindi lamang tayo ang nabubuhay sa ating bansa. Kung gusto nating
matuto at alamin ang mundo ay dapat matuto sa wikang unibersal, ang wikang Ingles-isang paraan
upang maibagay at mailapat ang ating sarili sa mundo Pilipinas. Alam naman nating maimpluwensya ang
Wikang Ingles dahil sa umiiral na globalisasyon sa mundo. Kapag pumunta ka sa ibang bansa ay Ingles
ang gagamitin mo sa pakikipagtalastasan sa ibang lahi. Gayundin kung may mga dayuhang pumunta dito
sa ating bayan. Sa mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ay kinakailangan din ang kaalaman sa nabanggit
na wika dahil karamihan sa mga kumpanya ay multinational o pag-aari ng dayuhan. Sa pag-iral ng
globalisasyon sa mundo ay pinalakas din nito ang Ingles bilang gamit sa pakikipagkalakalan. Paano na
lang kung tayong mga Pilipino ay hindi marunong magsalita ng Wikang Ingles o bumaba ang kaalaman
pagdating sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa nabanggit na wika? Maaaring maas lalong maghirap
ang ating bansa dahil maapektuhan nito ang ibat-ibang industriya gaya ng industriya ng Business Process
Outsourcing (BPO) o Call Center at mga multinational na kumpanya. Dahil dito, ipinapahayag ng papel na
ito na mahalaga at malaki ang maaaring maitutulong ng Implementasyon ng English Only Policy sa
pagkakaroon ng karunungan at katatasan sa Wikang Ingles na siyang maaaring gamitin upang makamit
ang mga ambisyon sa buhay at mapalawak ang kakayahan sa maraming bagay.

You might also like