You are on page 1of 2

Mahalaga ang matagumpay na komunikasyon sa iba't ibang aspeto ng ating buhay at ang

paggamit ng Wikang Filipino ay hindi lamang nagiging daan sa mas epektibong komunikasyon

ito rin ay nagiging daan para ito ay mas pagyamanin pa. Isang halimbawa nito ay ang propesyon

ng dyornalismo na tunay nga naman na marami parin ang sumusulat at nagsasalita sa nasabing

larangan ng Wikang Filipino at tayong mga tigapakinig, mambabasa, at manunuod ay

natatanggap ang mansahe na gusto nilang iabot sa atin at ang resposibilidad naman natin na

magkaroon ng tugon ay atin din na nagagawa sa iba't ibang paraan na nagiging daan para

magkaintindihan at magpalitan ng mga ideya at opinion. Ngunit hindi rin natin maipagkakaila

na ang Wikang Filipino ay hindi na mas tinatangkilik o binibigyang halaga tulad noon.Sa ating

panahon ngayon ang Wikang Filipino ay may kaakibat na panghuhusga ng hindi maganda galing

din sa kapwa nating mga Pilipino dahil ang pagsasalita ng puro ng ating wika ay hindi raw

maganda pakinggan at hindi rin daw nakakapagpamalas ng katalinuhan tulad ng ingles na alam

naman nating walang katotohanan pero ito ay nakatanim na sa mga isip ng marami nating

kababayan. Ang House Bill 5619 o mas kilala bilang Gullas Bill na nagsasabing mas patitibayin

ang lenggwaheng ingles bilang lenggwaheng panturo mula sa paaralan sa paunang-elementarya

hanggang sa kolehiyo at nakasaad din dito ang eklusibong paggamit ng ingles sa mga pagsusulit

sa eskwela katulad ng National Elementary Aptitude Test at National Secondary Aptitude Test,

Civil Service Examination at sa iba’t ibang Licensure Exam ng iba’t ibang propesyon napapakita

nito na ang wikang ingles ay mas pinapaboran sa mundo ng mga propresyonal hindi katulad ng

ating wika na tila napagiiwanan na. Ito ang kalagayan ng ating wika sa ating panahon ngayon

kung ako ang tatanungin napakarami pang paraan at dapat gawin upang mas mapagtibay ito

maraming batas ang dapat gawin, sundin, at ipagpatupad at mga programang dapat simulan.
Panghuli, dapat nating simulang mas tangkilikin, mas gamitin, at sirain ang mga maling pananaw

gamit sa pagsalita ng Wikang Filipino.

You might also like