You are on page 1of 7

KAHALAGAHAN NG WIKA

Biniyayaan ng diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang
kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Tunay nga namang
napakamakapangyarihang elemento ng ating pagkatao ang matuto ng wika. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng
lahat para magkaroon ng kominikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at ‘di
magkakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing sinulid na nagkokonekta sa bawat isa , isang sinulid na hindi maaaring basta
maputol kung ating iingatan at pahahalagahan. Hindi lamang sa pang komunikasyon, ang kahalagahan ng wika ay
makikita at mapapakinggan mo kahit saan.

- Edukasyon

Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito sapagkat sa pamamagitannito, naging malawak ang ating kaalaman. Sa
pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino) naging lalong nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito.

- Pang-araw-araw nating Buhay

Ang wika ay ang pangunahing instrument ng komunikasyon at napakahalaga nito para sa pakikipagtalastasan dahil kung
wala nito, wala tayong maigagamit na kasangkapan para sa pakikipag-usap sa kapwa nating tao

Kahalagahan ng Wika sa Pang-araw-araw nating buhay

Tulad nga ng nabanggit sa itaas, mahalaga ang wika sapagkat ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon.
Mahalaga ito para sa pakikipagtalastasan, kung wala ito, hindi natin magagawang makipag-usap sa ating kapwa. Sa
pamamagitan ng wika, malaya nating naipapahayag ang nga ideya na nasa isipan natin at nasasabi ang ating
nararamdaman.

Kahalagahan ng Wika sa Pamahalaan

Ang wika ay may malaking ginagampanan sa ating lipunan at pamahalaan. Kung mapapansin mo, ang mga batas ay
nakasulat sa papel at ito ay maari nating mabasa. Hindi maipagkakailang kahit Ingles o Filipino pa man ang nakapaloob
dito ay ginagawa parin ito sa pamamagitan ng wika. Mahalaga ang wika sapagkat nagiging gabay natin ito at nagbibigay
ng kaalaman sa atin kung ano ang tama at mali.

You might also like