You are on page 1of 1

Kahalagahan ng wikang ginagamit sa ating pang- araw araw na pamumuhay.

Ano ang wika? Bakit kailangan itong pag aralan at alamin ang gamit nito? Bakit
ito mahalaga sa pang araw araw na pamumuhay? Ang wika ay isang instrumento
na ginagamit upang makipagusap o magkaintindihan ang isang tao gamit ang
salita at tunog.

Ang wika ay ginagamit natin sa araw araw na pakikipagusap o sa


pakikipagkomunikasyon. Kahalagahan ng wika ay nagbibigay ito ng daan upang
ang tao ay magkaunawaan. Mahalaga ito dahil kung wala ang wika hindi tayo
magkakaintindihan at magiging magulo ang isang bansa o isang lugar. Wala ring
pagkakaisa sa isang bansa at walang pagkakasundo kung walang wika. Sa ating
mundo mayroong napakadaming wika tulad ng Ingles, Mandarin, Filipino at iba
pa. Pinagbubuklod ng wika ang mga tao sa isang lugar o isang bansa depende
kung anong wika ang kinagisnan nito. Maraming tao ang nag aaral ng ibang wika
para sumabay sa uso, meron ding nag aaral ng ibang wika upang pag pumunta
siya sa lugar na iyun ay may makakasundo o magkakaintindihan kahit dayo
lamang siya sa lugar na iyun. Mahalaga din ito dahil ito dahilan kung bakit maayos
mong naipaparating ang iyong mga saloobin at damdamin at maayos mong
naipapahayag ang iyong opinyon o saloobin.

Sa kabuoan, ang wika ay napakahalaga sa buhay o pamumuhay ng tao. Kung


wala ito wala ring ugnayan sa pagitan ng tao. Walang magiging interaksyon o
magiging mensahe kung walang wika kaya dapat pahalagahan at mahalin ang
wika lalo nat ang wikang sariling atin.

You might also like