You are on page 1of 2

Ang Papel ng Wika sa Pakikipagtalastasan

Ang wika ay may napakahalagang papel sa iba’t ibang bansa. Wika ang kasangkapan
ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag niya
ang kanyang kaisipan at damdamin. Wika ang nagbubuklod sa mga tao upang magkaisa sa
pagkilos tungo sa kanilang ikalalaya at ikauunlad. Ito ang gamit sa pagdukal ng karunungan.
Ang isang tao ay may iba’t ibang lengguwahe base sa kanyang na pag-aralan, wika at kultura.
Mayroong monolingguwal, bilingguwal at multilingguwal.

Ang monolingguwalismo ay ang kakayahan ng isang tao na gumamit ng isang wika o


lenggwahe sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita. Sa isang bansa, kung ang umiiral
ay isang wika ito ay isang monolingguwal na bansa. Nakatutulong ito sa ibat’ ibang paraan
bilang wika ng komersiyo, negosyo at pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay ng
mamamayan. Mahalaga ito upang mas mapadali ang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan
sa mga taong nasa kaniyang paligid. Ang tama at wastong paggamit ng wika ay susi para sa
maganda at malinaw na komunikasyon sa pagitan ng mga tao.

Ang bilingguwalismo ay mahalaga rin sa pakikipagtalastasan sa ibang tao. Ito ay ang


paggamit ng dalawang wika. Binibigyan tayo ng pagkakataong matuto ng iba pang
lingguwahe, nagagamit ito sa pakikipag-usap, at pakikisalamuha sa iba dahil hindi lang ito
nakasentro sa iisang wika. Dito pinapakita ang ugnayan ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng
komunikasyon na ginagamitan ng dalawang wika. Malaya ang paggamit ng dalawang wika sa
pakikipagtalastasan sa paraan ng panghihiram ng isang wika dahil dito ito ay nagiging sarili
niyang wika sa paglipas ng panahon.

Ang pagiging multilingguwalismo ay makakatutulong upang maunawaan ang mga nais


sabihin ng ibang taong na hindi galing sa sarili mong bansa. Multilinggwalismo naman ang
tawag sa pakikipag-ugnayan ng tao na gamit ang dalawa o higit pang bilang ng wika sa
pakikipagtalastasan. Bukod sa iyong sariling wika ay may iba pang lengguwahe na maaaring
matutunan ng isang tao. Bukod sa malaya at epektibong pakikipag-usap sa mga taong iba ang
wika, nakatutulong din ito sa pagkakaroon ng maayos at bukas na komunikasyon sa kaniyang
kapwa. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa kakayahan ng isang mamamayan na magsalita ng
isang wika kung hindi sa kakayahan rin nitong makaunawa. Dahil sa maraming kaalaman sa
wika, mas mabilis nating natututunan o nalalaman ang kultura ng ibang bansa at ibang lahi
kaya madali na para sa atin ang makibahagi sa kanila kung sakali man na makapunta o
makarating tayo sa ibang bansa.

Mahalagang matutuhan ng isang tao ang mga wika o wikang ginagamit sa kanyang
paligid upang maayos at nagkakaintindihan ang dalawang panig. Sa karagdagan, kung
matutunan niya ang mga wika sa kanyang paligid hindi na siya mahihirapang makipag-usap at
makipag-ugnayan sa iba at upang may kamalayan siya sa mga pangyayaring nagaganap sa
kanyang paligid. Kung walang alam ang isang tao sa wikang ginagamit ng kanyang paligid ay
mahihirapan siyang makapahayag ng kanyang kaisipan, saloobin at emosyon. Mahalaga rin
ito dahil nagiging mabuti at mahusay ang iyong kritikal na pag-iisip. Ito rin ay kahusayan sa
paglutas ng mga suliranin, mas mahusay na kasanayan sa pakikinig at matalas na memorya.
Mas mapauunlad ang kognitibong kakayahan at mas mapapabilis ang pagkatuto ng iba’t ibang
wika na nakapaligid sa iyo.

Tunay nga na ang wika ay mayroong napakahalagang papel sa iba’t ibang bansa.
Nakatutulong ito sa pakikipagtalastasan sa kapwa, naipapahayag nito ang kanyang isipan at
damdamin. Kahit na ikaw pa ay monolingguwal, bilingguwal at multilingguwal, ang wika pa rin
ang siyang nagbubuklod sa mga tao upang magkaintindihan at magkaisa sa pagkillos tungo sa
ikakalaya at ikauunlad ng isang bansa.

You might also like