Repleksiyon: Ugnayan at Epekto ng Wika sa iba’t-ibang Domain.
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga
mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Kahit na ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang wika, mayron naman ang mga Pilipino na tinatawag na pambansang wika, at ito ay ang Filipino. Ito ang wika na ginagamit ng lahat. Dahil dito nagkakaisa ang bawat Pilipino. Dahil sa wika , ang mga bawat mamamayan ay nagkakaintindihan. Wika ang siyang ginagamit sa pang-araw na pakikipagtalasan ng bawat Pilipino, di lamang Pilipino, kung hindi lahat ng mga tao sa mundo. Kung atin isaisip, wika ay konektado sa lahat ng bagay sa mundo. Simula bata pa lamang ay meron tayong isang wika na ating natutunan, na yun ang tinuro ng ating mga magulang. Dahil sa wikang ito, natutunan nating umanawa ng ibang wika, at dahil dito tayo ay nagkakaroon na tinatawag natin ikalawang wika. Dahil dito ay nagkakaroon tayo ng mas malalim na koneksyon sa iba pang tao na may ibang kultura. Dito masasabi natin na ang wika ang isa sa dahilan kung kaya tayo mga tao ay nagkakaintindihan at nagkakaisa. Hindi lamang sa pagkatuto magagamit ang wika kung hindi magagamit din ang wika sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon, at pagbabahagi ng mga Ideolohiya. Ang wika ay isa sa dahilan kung kayat nakakagawa tayo ng batas, at nauunawaan natin ito. Dahil dito, mas matiwasay ang daloy ng ating lipunan. Wika ang siyang nagsisilbi para maiwasan ang mga kaguluhan, dahil gamit ang wika tayo ay nagkakaunawaan. Kung ang pag-uusapan naman atin ang modernisasyon at teknolohiya, hindi parin mawawala ang wika. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Kaya dapat pahalagahan ang ating wika sapagkat ito ang nagbubuklod-buklod at sumasalamin sa ating mga Pilipino.