You are on page 1of 4

ARALIN 5.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Subukin

1. B.
2. D.
3. A.
4. B.
5. A.
6. A.
7. A.
8. D.
9. B.
10. C.
11. Tuwing kaarawan ko o mahalagang okasyon.
12. Pagtuklas sa mga kaganapan sa mundo pati na rin ang mga sinusuportahang idolo.
13. Pagpopost sa mga nakuhanang malikhang larawan.
14. Mga saloobin at opinyong nais ilathala sa publiko.
15. Mga kaalaman at iyong mga pananaw na nais mong ibahagi sa iba.

Balikan
1. Ang wika ay ginagamit ng malaking biang ng mga tao samantalang ang ang diyalekto ay
ginagagamit lamang ng maliit na bilang ng tao. Ang diyalekto rin ay ang barayti ng wika na
ginagamit ng iba’t ibang rehiyon sa isang bansa.
2. Sapagkat ito ang pundasyon ng komunikasyon na ginagamit ng mga mamamayan sa isang
bansa.
3. Ang dayalekto
- ay barayti ng wika na nababatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
- pagkakaiba ng kahulugan ng mga salita.
- nagkakaiba sa tono, bigkas at talasalitaan.
- wikang kinamulatan
- ginagamit ng maliit na bilang na tao kumpara sa wika.
4. Ito’y tinitignan sa iba’t ibang aspekto tulad ng kung paano ito nabibigyang interpretasyon, sa
paanong paraan ito ginagamit, ang pagbabago nito dahil sa isa itong dinamiko, tungkulin nito sa
lipunan at iba pang larangan na nagpapaliwanag ng katangian nito.
5. Kapag ito ay nagkaroon ng progreso at nagkaroon ng interpretasyon sa unang wika na
maaaring gamitin sa pagkokomunikasyon.

Tuklasin

Suriin
1. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang kinamulatan nating wika, ito ang simbolo ng ating
pagkakakilanlan na kung saan madalas nating magamit sa ating tahanan. Ito rin ang
naguugnay sa mga tao at nagsisilbing pundasyon ng komunikasyon. It ay sariling atin na
dapat ay hindi mawala sa paglipas ng panahon.
#sarilingwika#ingatan#mahalaga
2. Mahalaga ito bilang parte ng ating wika at kultura. Mahalagang aralin natin ang
pangalawang wika sapagkat ito’y maaari nating gamitin sa pakikipagkomunikasyon
at pakikipagunayan sa iba’t ibang panig ng mundo na may magkakaibang kultura at
paniniwala.

3.
Unang Wika,
Na kilala rin bilang wika ng ina;
Ay siyang ating namulatan
Magmula ng ating kapanganakan
Ating natutunan sa ating pamilya:
Magulang, Lolo, Lola o ating mga tagapag-alaga.

Samantalang ang pangalawang wika,


Ay karagdagan sa ating katutubong wika;
Maaaring matutunan sa pamamagitan ng
Pagsusumikap at karunungan.
4.
Kilala ang Pilipinas bilang isang bansa na may malaking pagpapahalaga sa kultura at
tradisyong nakasanayan. Ito ay bahagi nasa buhay bawat Pilipino na pinapasa sa bawat
generasyon. Ang kulturang ito ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at
mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop dito noon. Isa na sa mga ugaling
naipasa sa bawat henerasyon ang bayanihan pati na rin ang pagmano at paggamit ng
magalang na pananalita tulad ng po at opo sa mga nakakatanda.

Pagyamanin
1. “Hindi importante ang sobrang dami ng pera. Ang importante ay masayang pamilya.”
2. “Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita; Marapat ding maunawaan
at magamit nito nang tama ang wika”
3. “Sabi ni Jose Rizal, kabataan raw ang siyang pag-asa ng bayan, ngunit bakit ngayo’y unti unti
na itong nakakalimutan at nawawalan ng kabisahan.”

Isaisip

8. Wika ang daluyan ng kaisipan, ideya, mensahe, at higit sa lahat ng damdamin o emosyon.

- Sa pamamagitan ng wika, atin nating napapahayag ang nilalaman ng ating saloobin at opinyon
sa iba. Ito ang nagsisilbing pundasyon ng komunikasyon ng ating sarili sa iba.

9. Ang wika rin ang nagsisilbing salamin upang malaman ang pagkakakilanlan ng isang tao o
lahi.
- Ito ang nagbibigay indikasyon kung aling bansa at aling lahi tayo napapabilang. Bawat bansa
ay may pangunahing wikang ginagamit na siyang nagpapahayag ng iyong pinagmulan at
pagkakakilanlan.

10. Isang wika ang namamagitan sa kanila anumang edad o lugar ang pinagmulan at wikang
pambansa.

- Sa kabila ng pagkakaroon ng pagkakaiba ng paniniwala at pangkat na kinabibilangan ng tao,


mayroon pa ring pagkakaunawaan at komunikasyon na namamagitan sa bawat taao dahil sa wika
na gumaganap bilang pundasyon sa pakikipagkapwa tao.

Isagawa

1. 3
2. 3
3. 3
4. 1
5. 3

Tayahin
1. D.
2. C.
3. A.
4. A.
5. B.
6. A.
7. B.
8. B.
9. C.
10.C.
11. Nagbibigay pagkakakilanlan sa bawat indibidwal.
12. Pagbibigay ng impormasyon sa mga taong nabibilang sa kaparehong pangkat na iyong
kinabibilangan,
13. Ito ay ginagamit natin sa pakikipagkomunikasyon at pakikipagkapwa tao.
14. Sa pakikipagugnayan sa mga taong hindi kabilang sa ating pangkat at pinaniniwalaan.
15. Ito ang ginagamit natin upang mapahayag natin an gating salooobin at opinyon.

Karagdagang Gawain

Lingguwistikong Komunidad
- tumutukoy sa pinakasentro ng pag - aaral ng sosyolinggwista na naglalarawan ng
komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang barayti ng
wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag – unawaan
- binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong kabahagi ng tradisyon, paniniwala at
kaugalian, at wika.
- ang nagbibigay kahulugan sa wika bilang gamit ng tao sa lahat ng aspeto ng lipunan.
Maging sa larangan ng propesyon ay mayroong linggwistikong komunidad. Ang ilan sa
mga halimbawa nito ay ang grupo ng mga abogado, doktor, guro, at inhinyero.
Unang WIka
- katutubong wika
- natamo mula pagkasilang hanngang sa maunawaan ito.
- ang wikang madalas nating ginagamit sa komunikasyon sa tahanan

Pangalawang Wika
- anumang wika na natutunan ng tao matapos niyang maunawaan ng lubos ang kanyang
wikang kinalakihan o ang kanyang sariling wika
- maaaring bunga ng pag-aaral o migrasyon
- wikang banyaga

Repleksyon:

Ang social media ay isang platapormang maaari nating gamitin upang ilabas an gating
mga saloobin at paniniwala. Ginagamit an gating wika upang maibahagi sa iba ang mga
kahulugan ng mga pinost mo dito. Maliban sa ating unang wika maaari rin tayong gumamit ng
ating pangalawang wika ng sa gayo’y hindi lamang iisang pangkat ang makaunawa ng iyong
mga ideya.

Ang unang wika ay ang wikang katutubo na iyong natamo mula ng iyong pagkasilang
hanggang sa iyo mo itong maunawaan samantalang ang ikalawang wika naman ay siyang ating
natutunan mula sa paaralan at pakikipagugnayan sa mga may kakayahang gumamit nito. Ang
linggwastikong wika naman ay tumutukoy sa pinakasentro ng pag - aaral ng sosyolinggwista na
naglalarawan ng komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang
barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag – unawaan.

You might also like