You are on page 1of 2

Ann Lhyn Mae E.

Arujado FIL 002

Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa

Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa

pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon at sa institusyon. Sa pamamagitan ng wika

kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao. Sa

pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. At higit sa lahat

nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at

nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya

mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa

bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas o

drowing sa anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga

katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika dahil ayon nga sa sinabi ni Constantino

“ang wika ang pangunahing instrument ng komumunikasyong panlipunan.

May tatlong mahalagang ugnayang function ang wikang Filipino ito ay ang Wikang Filipino

bilang Wikang Pambansa, Wikang Filipino bilang Wika ng Bayan, Wikang Filipino bilang Wika

ng Pananaliksik. Ito pinaka mahalagang ugnayan ng wika sapagkat dito pinaiiral ang
malikhaing pagyayabong ng mga makabagong pamamaraan sa pagkilala ng ating wika. Dahil

kung walang wika walang mainam na komunikasyon at magigigng malabo ang pagkakaisa at

pagkakawanggawa ng isang bansa.

You might also like