You are on page 1of 2

MARANATHA CHRISTIAN ACADEMY OF IMUS

Imus City, Cavite

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
1st Semester – School Year 2022-2023

WIKA: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN


Quiachon, Jane Clarisse B.
Grade 11 – Gratefulness

Simula pagkasilang pa lamang ay kailangan na ng lahat ng paraan para


maipahiwatig sa iba kung ano ang kanilang gusto o kailangan. Kahit na ang mga
sanggol ay hindi pa marunong magsalita ay marunong sila makipag-komunika gamit
ang ibang istilo. Sa simula’y pag-iyak lang ang kanilang alam, ngunit unti-unti silang
natututo na gamitin ang pagkilos para maintindihan sila ng iba. At kahit na dumating na
ang panahon na marunong at bihasa na sila magsalita’y ginagamit parin nila ang
pagkumpas para lalong mabigyang-diin ang nais sabihin. Ang lahat ng ito ay pare-
parehong mahalaga dahil lahat ng ito’y paraan ng komunikasyon na kilala rin sa
salitang wika.

Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Wika


ang ginagamit ng lahat para magkaintindihan. Kung wala ang wika ay hindi
magkakaintindihan ang kahit na sino man at, kakailanganin natin na hulaan kung ano
ang iniisip ng iba. Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng kaguluhan, halimbawa’y sa
isang tindahan, kung walang wika’y magtititigan lang sila at ang tindera’y
kakailanganing hulaan ang gusto ng bibili, at ang bibili ay kailangan hulaan kung
magkano ang kaniyang kailangang ibayad. Samakatwid ay kung walang wika, ang
isang lipunan ay hindi magkakaintindihan, mahihirapan na magkaisa, at halos imposible
na mag-function ng tama.

Ang wika rin ay parang hininga. Ang paghinga ay isa sa mga pinaka-
importanteng gawain ng mga tao, ito ay ang dahilan kung bakit tumitibok ang ating puso
na siyang dahilan kung bakit tayo’y patuloy paring nabubuhay. Dahil ang wika’y gaya ng
paghinga, hindi rin tayo mabubuhay kung wala ito. Sobrang dami ng mga bagay na
hindi natin magagawa kung walang wika dahil marami sa mga kailangan natin gawin ay
kinakailangan ng ibang tao para magawa ng tama ang isang bagay. Gaya nga ng sabi
ni John Donne, “No man is an island”, hindi tayo mabubuhay ng nag-iisa lamang at ang
kawalan ng kakayahan na makipag-usap kahit kanino ay para na ring pamumuhay ng
walang kasama.

Wika ang dahilan kung bakit tayo nagkakaintindihan at kung bakit kinakaya
nating mabuhay. Ang wika ay ang instrumentong ginagamit ng mga tao para
magkaintindihan. Walang duda na isa ito sa mga pinaka-importanteng kakayahan na
meron ang bawat isa. Pero bakit ng aba ito mahalaga?

Mahalaga ang wika dahil ito ang nag-iingat sa kaalaman at karunungan. Wika
ang ginagamit para mabigyang edukasyon ang mga bagong henerasyon. Hindi lang
iyon ang naituturo kundi pati na rin ang mga kultura ng ating mga ninuno. At gamit ang
wika na may tulong ng teknolohiya, maaari rin nating matutunan ang kultura ng mga
taong iba sa atin. Ang wika ang dahilan ng pagka-preserve ng mga kultura at
pagpapayabong nito.

Isa pang kahalagahan ng wika ay ang pagiging simbolo nito ng kalayaan.


Masasabing tunay na may soberanya ang isang bansa kung may sarili silang wika.
Nang mga panahong sakop pa tayo ng ibang bansa’y wika nila ang ating ginagamit.
Ngayong mayroon na tayong sariling wika, wala nang pwedeng mag-sabi na parte
lang ng bansa nila ang atin. Ang Filipino ang ating wikang ginagamit, ito ay sariling atin
at nagpapatunay na ang Pilipinas ay sarili nating bansa at hindi lamang probinsya o
kolonya ng ibang bansa.

Sa lahat-lahat, ang wika ay isang napaka-importanteng instrumento mayroon


tayo, dahil ito ang ginagamit para makipag-komunika tayo sa iba. Wika ang daan kung
paano tayo nagkakaintindihan at kung paano tayo nakakapag-function bilang isang
lipunan. Mahalaga ito dahil ito’y tumutulong na magpanatili ng mga lumang kultura
habang natututo tayo ng mga kultura ng iba at bumubuo ng bago natin. At ang isa sa
pinakamalaking kahalagahan ng wika ay ang pagiging simbolo nito ng kalayaan.

You might also like