You are on page 1of 3

Unang Gawain sa Fil161: Pag-uugnay ng Konsepto ng Wikang Filipino batay sa

Dokumentaryong Pinanood.

Pangalan: Nathaniel A. Guianan Petsa: 10/2/2022

Sa panonood ng dokumentaryong pinamagatang “Sa Madaling Salita:


Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa”. Tinalakay ang kasaysayan ng
wikang filipino at mga isyu na kinakaharap nito. Narito ang mga konseptong
pangwika na aking nalaman sa loob ng nasabing dokumentaryo: Konsepto ng
Wikang Katutubo (Unang Wika), Konsepto ng Opisyal na Wika, Konsepto ng Wikang
Panturo, Konsepto ng Wikang Pantulong at Konsepto ng Wikang Pambansa.

Konsepto ng Wikang Katutubo(Unang Wika)


Ang Pilipinas ay isang bansa na ang teritoryo ay binubuo ng maraming mga
isla o arkeopologo, kung kaya sa ating bansa ay maraming umiiral na wika. Ayon
kay Prof. Angelito G. Manalili ang wikang Filipino ay maraming baryasyon at hindi
lamang ito Tagalog, mayroong Filipinong Bisaya, Filipinong Bicol, atbp. Ayon din sa
kanya ay hindi kinakailangan na maging purista pag ang paksa ay Filipino sa
kadahilanan nga na ito ay may maraming baryasyon at nakabatay sa lahat ng
wikang umiiral sa buong bansa.

Konsepto ng Wikang Opisyal


Sa dokumentaryo ay nabanggit ni Bienvenido Lumbera na ang wikang
pambansa ang siyang sumasalamin sa kasaysayan ng mga Pilipino, ito ay isang
wika na nagpapakilala kung ano tayong mga Pilipino. Kung kaya sa kasalukuyan
ang opisyal na wika ng ating bansa ay Filipino sa kadahilanang ito ay nakabatay sa
lahat ng wika na umiiral sa buong Pilipinas at pati narin sa lahat ng mga bansang
sumakop nito. Bagamat ayon kay Prof. Victor Paz na marami sa mga politiko ang
naniniwala na ingles ang dapat na wika natin, bagamat hindi bihasa sa wikang ingles
ang karamihan sa ating mga mamamayang Pilipino.
Konsepto ng Wikang Panturo
Ayon kay Prof. Portia P. Padilla, sa larangan ng pagkatuto ng wika at
edukasyon ay walang kompetisyon at pag-aaway sa mga resulta ng pag-aaral.
Nangangahulugan itong hindi basehan ng talino kung ikaw ay matatas sa iba't ibang
lenggwahe. Dagdag pa niya ay ang sariling wika ay daan papunta sa Pilipino at
papunta pa sa iba pang wika, banyaga man o sa Pilipinas.

Konsepto ng Wikang Pantulong


Ayon sa panayam kay Agustin L. Arcenas, ang wika ay mahalaga sa pagkat
ito ang paraan sa kung papaano ka makakapagturo sa mga estudyante. Dagdag pa
niya na may mga bagay na mas mainam at naiintindihan kapag wikang Filipino ang
gamit at mas nakikinig ang mga estudyante. Dahil kung susumahin kung panay basa
lamang sa ingles na bersyon sa pagtuturo ang aasahan, marami sa mga mag-aaral
ang hindi lubos nakakaintindi ng mga komplikadong mga terminolohiya sa wikang
ingles kung kayat kinakailangan ang wikang Filipino na maging pantulong o
pang-alalay upang mas mabigyan ng kahulugan ang mga salitang ito at mas
maunawaan ng mga mag-aaral.

Konsepto ng Wikang Pambansa


Nabanggit sa dokumentaryo na kung ninanais nating magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan at tunay na pagkakaisa, siang makapangyarihan na instrumento
ang magkaroon ng iisang wika. Upang makamit ito ginawang Filipino ang ating
wikang pambansa sa kadahilanang ito ay naka base sa lahat ng umiiral na mga wika
sa bansa hindi lamang ang wikang Tagalog. Ayon kay Ricardo Ma. D. Nolasco na ito
ay hindi lamang problema sa wika, kundi problema rin sa kung paano tayo mag-isip.
Kung tayo ba ay nag-iisip alinsunod sa kung ano ang kultura ng wika at kultura ng
iba’t ibang grupong etniko dito sa Pilipinas o sa kolonyal na balangkas. Ating
pagka-tandaan na ang kultura at wika ay hindi kailanman maghihiwalay kung wala
ang kultura wala rin ang wika at kung wala ang wika ay wala ring kultura.

Sa panonood sa nasabing dokumentaryo, lubos kong ikinalulungkot na sa


pagdaan ng panahon ayon kay Victor Paz na marami sa mga politiko ang naniniwala
na dapat Ingles ang wika na dapat pagtuunan ng pansin. Isa sa tingin ko na dahilan
nito ay ang pahayag ni Ramon Guillermo na mas tinutugunan ng pansin ang
pagsasakalakal ng edukasyon dahil sa pagkahumaling ng mga administrador sa
kung paano mas maipapataaas ang pagiging kompetitibo ng ating mga
manggagawa sa pandaigdigang pamilihan kaysa sa kung paano makakatulong sa
mga kabataan sa kasalukuyan. Bagamat mabuti ang ninanais para sa ekonomiya ng
ating bansa kapalit nito ay pagkalimot o pagbabalewala sa ating sariling wika. Isang
pang resulta ay ang naibanggit ni Pamela Constantino na ang wika ay pwedeng
i-manipulate na kung saan ang wika ay maaaring magamit upang hindi
makipag-komunikasyon. Isang halimbawa nito ang pag-iingles sa taong hindi
marunong mag-ingles, iyon ay hindi pakikipagkomunikasyon bagamat pinapakita mo
na ikaw ay nakatataas sa kanila sa kadahilanang marunong kang mag salita sa
wikang ingles. Ako ay nabighani sa kanyang binitawan na mga katagang “language
is an ideology, siya ang kumokontrol sa pag-iisip ng tao” na nangangahulugan na
ang wika ay nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang pag-iisip ng isang tao
ginagamit ng iilan ang wika bilang basehan ng talino ngunit ito ay hindi totoo. Hindi
sukatan ang kaalaman sa maraming wika o kahit pagiging bihasa sa Ingles ang
talino ng tao, dahil ang wika ay isa lamang instrumento na ginagamit bilang paraan
ng pakikipag komunika sa ibang tao. Upang mas mapalawig ang ating sariling wika
ayon kay Ricardo Ma. D. Nolasco, kinakailangan ng isang kilusang pang-masa. Sa
atin mismo magsisimula ang pagpapaigting at pagpapayabong ng wikang Filipino
upang ito mawala tulad ng ibang mga wikang namatay sa limot ng mahabang
panahon. Dahil ang ating wika ang siyang sumisimbolo sa ating kasaysayan, kultura
at pagkakakilanlan.

You might also like