You are on page 1of 4

MODYUL 10

Ang Wikang Filipino sa Kabuhayan

1.0 Mga Layunin

1. Mabatid kung papaano nagagamit ang wikang Filipino sa kabuhayan.

2. Matukoy ang demarkasyon ng Filipino sa Ingles sa larangang pangkabuhayan.
3. Mapalakas ang wikang Filipino sa larangang pangkabuhayan.

2.0 Paksa ng Pag-aaral

Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya

Ramon Bermejo
PUMAPASOK na tayo sa daigdig ng cyberworld. Iniluwal sa daigdig na ito ang
website, internet, e-mail, fax machine, at iba pang kagamitan tungo sa mabilis na
daluyan ng makabagong komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Sa
cyberspace, namamayani din sa talastasan sa iba’t ibang panig ng daigdig ang wikang
Ingles. Hindi maikakaila na ganito rin sa kalakalan. Napalitan ang pamamayani ng
wikang Griyego, Latin at Pranses.
Ingles din ang wikang ginagamit ng ating mga mangangalakal sa pakikipag-
ugnayan sa mga banyaga at malalaking negosyante. Monopolyo ng wikang Ingles ang
pakikipag-ugnayang pandaigdig. Kaya ang paksang iniatang sa aking balikat tungkol sa
halaga ng wikang Filipino sa negosyo at industriya ay parang napakahirap talakayin
batay sa mga nasabi ko na. Kabaligtaran yata na talakayin ang wikang Filipino bilang
wika sa negosyo at industrya.
Pero sa sinasabing daigdig ng cyberspace at sa darating na panahon ay
magkakaroon ng global language at isang wika ang gagamitin sa buong mundo.
Inaasahn din ang pagkakaroon ng isa lamang monetary currency.
Sa aklat na Global Paradox, sinabi ni John Naisbitt na totoong magkakaroon ng
iisang wika tungo sa sinasabing global village. Pero pinagtuunan niya ng pansin na
habang umuunlad ang iisang global language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa
ang kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng pansin ang
kahalagahan ng national identity. Sinabi pa niya na hindi magkakaroon ng katuparan
ang pagkakaroon ng iisang global monetary currency dahil sa ang mga salaping
inililimbag o gagawin ng bawat bansa ay maglalaman ng kanilang sariling wika, sariling
bayani, sariling kasaysayan, at kultura. Ang pag-inog ng sariling nilang salapi sa
mga negosyo at industriya sa loob ng bawat bansa ay sinasabing patuloy na
mananatili. Ito ang makabuluhang konsepto ni John Naisbitt sa kanyang
aklat na Global Paradox.
Sa ganitong konsepto, mahalaga parin ang wikang Filipino sa negosyo at
industriya. Kahit sa daigdig ng cyberspace, ang mga babasahin tungkol sa kaalamang
pangkabuhayan, halimbawa na ang Technology and Livelihood Resource Center
(TLRC), na nakapasok na sa internet, ay nasa wikang Filipino pa rin. Sinumang Filipino
na nasa ibang bansa at bahagi ng cyberworld ay mabilis na makakakuha ng
impormasyon para sa nais niyang pasuking negosyo pagbalik sa Pilipinas. Ang
kaalamang pangkabuhayan, pang-agrikultura, at paglilinang-dagat ay matutunghayan
sa wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.
Bukod sa bersiyon nito sa internet, ang programang Negosiyete sa telebisyon ng
GMA 7 at TLRC, ay matutunghayan din sa Filipino. Sa programang ito ay
makakapanood din ng mga kaalamang pantahanan at pangnegosyo para sa mga ginang
ng tahanan, estudyante o yaong mga hindi nakatapos ng pag-aaral. Gayundin ang
Agrisiyete na mapapanood tuwing umaga sa GMA 7. Nagtuturo ito ng mga kaalamang
pang-agrikultura upang mabigyan ang manonood ng gabay kung sakaling pumasok sa
anumang negosyong pang-agrikultura.
Bilang suplemento ng mga programang ito sa telebisyon ay naglilimbag din ang
TLRC ng Gabay na babasahing kaugnay ng naipalabas sa telebisyon. Ang ganitong
“paaralan sa himpapawid” na nagbubukas ng pagkakataon sa maraming Filipino na
magkaroon ng maliit o malaking negosyo ay nasa wikang Filipino.
Bakit wikang Filipino? Napulsuhan marahil ng TLRC na isang korporasyon ng
gobyerno na ang dapat bigyan ng pagkakataong umunlad ay ang maraming kababayang
nangangailangan ng tulong-pangkabuhayan sa wikang naiintindihan nila.
Malakas ang pang-akit o hatak ng telebisyon sa mga bata at matanda. Kaya ang
anumang produkto, lalo na ang pangunahing pangangailangan ng madla, ay
inaanunsiyo sa telebisyon gamit ang wikang Filipino. Sa mga produktong ito ng
malalaking industriya, nakapamimili ang konsumer batay sa kalidad o pang-akit ng
anunsiyo sa telebisyon. Epektibo rin ang wikang Filipino sa mga anunsiyo ng mga
produkto sa radio.
Sa pagdagsa ng itinatayong industriya sa Filipinas, kukuha’t kukuha ng mga
manggagawang Filipino. Karamihan dito ay yaong mga hindi nakatapos ng pag-aaral o
natigil sa pag-aaral sa kolehiyo, ngunit nakakaintindi ng kaunting Ingles. Pero para higit
na mapakinabangan sila sa itatayong industriya sa bansa ay kailangang turuan sila ng
mga bagong kakayahan sa paglikha ng mga produkto.
Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na namumuno at
magtuturo ng kaalaman sa mga manggagawa. Wikang Filipino ang kanilang
gagamitin upang higit silang maintindihan ng mga manggagawa. Mabilis
nilang matututuhan ang kaalamang pakikinabangan ng industriya.
Dahil sa pinagtutuunan ng pansin sa kasalukuyan ng mga itinatayong industriya
sa bansa ang pandaigdigang pamantayan ng anumang prodkutong lilikhain, hindi Ingles
kundi Filipino ang gagamitin upang turuan ang kanilang mga manggagawa ng
dalubhasang katalinuhan sa gagawing produkto.
Sa pag-unlad ng negosyo at industriya, hindi maaaring iwasan ang palaganap at
pag-unlad ng wikang Filipino. Ito ang prinsipyong aking pinaniniwalaan, kaugnay ng
pag-unlad ng negosyo at industriya.
*artikulong nailathala sa SANGFIL source book sa ilalim ng UP Press.

3.0 Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Para sa iyo, aling wika ang maituturing na masigla at aktibo sa larangang

pangkabuhayan? At bakit?
_______________________________________________________

2. Potensiyal na wika baa ng wikang Filipino sa larangan ng negosyo? Paano?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. May mga alam ka bang bansa na mahusay na nagagamit ang sarili nilang wika?
Ano ang naitutulong nito sa kanila?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Anong mga partikular na industriya sa Pilipinas ang maaaring magamit ang

wikang Filipino?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
5. Ano-ano naman ang mga industriya sa Pilipinas na sa iyong palagay ay higit na
kinakailangan ang wikang Ingles? Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

You might also like