You are on page 1of 4

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino
Ikalabing-apat na Linggo
Departamento ng Filipino

ANG GLOBALISASYON Materyales

Cellphone, Laptop, SAS,
Handawts
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto

Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: Sanggunian

➢ natutukoy ang kahulugan ng globalisasyon 3. Bernales, R. A., Cordero, M. B.,
sa iba’t ibang pananaw; Cabanlong, A. S., Golosinda, M.
➢ napapaliwanag ang iba’t ibang proseso ng L., Mayor, G. L., Lopez, L. M., . .
globalisasyon; at . Gasic, R. M. (n.d.). Malayang
Komunikasyon sa Lokal at
➢ nakagagawa ng schematic diagram sa mga Global na Konteksto. Malabon
aspeto ng globalisasyon City: Mutya Publishing House,
Inc.

Pangalan: ____________________________ Kurso/Taon/Sekyson: ___________________

PANIMULA

Panimulang Tanong:

Kung iyong mapapansin, malayo na ang narating ng teknolohiya sa Pilipinas kahit nagsimula
ang mga ito mula sa iba’t ibang bansa. Natuto rin ang mga Pilipino ng iba’t ibang wika, kultura,
musika at iba’t ibang mga tao dahil sa social media. Hindi lamang Pilipino ang nagkakaroon ng
negosyo sa bansa kundi may mga namumuhunan din ditong mga banyaga sa pamamagitan ng
malayang kalakalan. Ang mga ito ay epekto ng globalisasyon.

Sa iyong pananaw, paano narating bansa ang kaunlaran sa larangan ng teknolohiya,

kalakalan, at pakikipag-ugnayan sa mga karatig at malalayong bansa?

Kilala mo na ang social media apps, nalalaman mo nang mabilis ang mga balita sa buong
bansa at maging sa iba, madali mong nalalaman kung ano pinakabagong trend at memes, at mabilis
mong nakakausap ang mga kaibigan at kakilala. Like, post, share, o retweet man, alam mo ba na
ito ang mukha ng globalisasyon?

PROSESO NG PAGTUTURO

Paghahanda (Preparation)

Ayon sa pagtatangka ni Kenchi Ohmae sa pagbibigay-kahulugan sa globalisasyon, para sa

kaniya, ito ay borderless world. Bigyan natin ng konkretong kahulugan ang konseptong ito
sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa ibaba.

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 85

Punan ng mga halimbawa ang concept map. Kunin ang mga sagot mula sa kahon ng
pagpipilian ang mga sagot.

Cellphone Global stock exchange Foreign language

Philippines-Japan Relations Joint military naval exercises Social media

International trade Covid-19 Vaccine

• __________
Teknolohiya
• __________

• __________
Politika
Borderless • __________
World
(Kenchi Ohmae)

Kalakalan• __________
(business)• __________
Wika at • __________
kultura • __________

Paglalahad (Presentation)

GLOBALISASYON
Hindi lamang tungkol sa teknolohiya o international relations ang globalisasyon.
Nangyayari sa globalisasyon ang pakikipag-ugnayan o interaction ng mga tao sa iba’t ibang
bansa, pagpapalawig ng negosyo tulad ng investments ng ilang kompanya mula sa ibang bansa
dito sa Pilipinas, ang pagbabahagi at paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng
Information and Communications Technology gaya ng mga cellphone, tablets, software at iba
pa.

Habang nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga tao, nakakaapekto din ito sa

paraan ng pamumuhay, kapaligiran, ekonomiya, sistemang political, at social conditions o ang
kalagayan ng lipunan sa bansa at sa labas nito.

Upang mas maging klaro ang konsepto ng globalisasyon, narito ang ilang mga simpleng
halimbawa nito:

• Teknolohiya. Nakadiskubre ang Russia ng Covid-19 vaccine, paano ito nalaman ng

ibang bansa at mga simpleng Pilipino? Sagot: Sa pamamagitan ng social media o mga
balita. Dahil sa globalisasyon, madali nang malaman ang mga pangyayari sa ibang
bansa dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa loob at labas ng bansa sa
pamamagitan ng social media at iba pang uri ng interaksyon.

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 86

• Ekonomiya. Bahagi ng gawaing pang-ekonomiya ng bawat bansa ang pag-utang mula
sa ibang mga bansa upang mapalakas ang sistemang pang-ekonomiya nito.
Magkakaroon ng kasunduan ang Japan at ang Pilipinas tungkol sa hihiramin, upang
lumakas ang eknomiya ng Pilipinas. Sa ganitong interaksyon, nagkakaroon ng
magandang relasyon ang dalawang bansa. Nasubukan na rin ng Pilipinas ang
magpautang sa ibang bansa noon. Maliban sa relasyon ng mga bansa, ang investments
o negosyo sa ibang bansa ay isa rin sa mga gawain ng globalisasyon.
• Politikal. Dahil sa pananalasa ng COVID-19 sa bansa, kinailangang magpatupad ng
temporary travel ban ang Pilipinas sa mga papasok at lalabas sa bansa. Bahagi ng
globalisasyon ang pagkakaroon ng mapayapang pakikipag-usap ng isang bansa sa iba
na ihihinto muna ang pagpapapasok sa mga banyaga.
• Wika at kultura. Natuto ang Pilipino magsalita at magsulat ng iba’t ibang wika, lalo ng
sa Ingles, dahil sa kaniyang pakikipagsalamuha sa mga banyaga. Ang
pakikipagsalamuhang mga ito ay mula sa pisikal na pag-uusap o ang pakikipag-
ugnayan gamit ang social media at ibang communications technology.

Nagkakaroon ng borderless world (ayon kay Kenchi Ohmae) o ang pagbubukas ng iba’t
ibang mga bansa sa pakikipag-ugnayan para sa pagpapalabong ng magandang relasyon at
pagpapalawig ng negosyo. Maliban sa pakikipag-ugnayan ay ang pagbubukas at pagpapalawak
din ng negosyo. Kung iyong mapapansin, hindi lamang sa lokal na tindahan mabibili ang mga
pangangailangan o gusto ng mga tao kundi pwede na rin sa online tulad ng mga online shopping.

Dahil din sa globalisasyon, nakikilala ng mga Pilipino ang iba’t ibang mga wika at kultura.
Nakikilala na rin ang Pilipinas dahil sa mga talento, produkto, pasyalan at iba pa. Ikaw, ilang
banyagang wika ang alam mo? Ilan ring kanta ng ibang bansa ang saulado mo? Paano ka
nakakadiskubre ng mga bagay sa ibang panig ng mundo? Iyan ay dahil sa globalisasyon.

Pagsasanay (Practice)

Base sa iyong napag-alaman at nalalaman, isulat ang iyong mga sariling

halimbawa ng epekto ng globalisasyon sa apat na konspeto nito. Maaaring
magbanggit ng mga tiyak (specific) na mga pangyayari, tao, organisasyon or
negosyo. Halimbawa: Online shopping tulad ng shopee.ph o Lazada.ph

1. Teknolohiya
________________________________________________________________________

2. Ekonomiya

3. Politikal

4. Wika at Kultura
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 87

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pagganap/Performans (Performance)

Para sa iyo, maganda ba ang naidudulot ng globalisasyon sa iyong pamumuhay at ng mga

mamamayan sa bansa? Bakit? Isulat ang iyong kasagutan sa loob ng pitong (7) pangungusap.

EPEKTO NG GLOBALISASYON

________________________________________________________________________________

TAKDANG GAWAIN

Magsulat ng limang magandang naidudulot ang globalisasyon sa wika. Magsulat din ng limang
di-magandang naidudulot nito. Sundin ang format sa ibaba.

GLOBALISASYON SA WIKANG FILIPINO

MAGANDANG NAIDUDULOT MASAMANG NAIDUDULOT

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 88

You might also like