You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 7:
POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO
NG GLOBALISASYON

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sherie Aguilor


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Alamin
Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa
buhay ng tao ay ang globalisasyon. Isa sa mga pangyayaring lubusang
nakapagpabago sa buhay ng tao ay ang globalisasyon. Mula paggising,
pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan
ay mababanaag ang manipestasyong ito.
Ang Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o
paggalaw ng tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon
na nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-
ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural. Bagamat
napakalaki at napakalawak ng daigdig, nagiging mabilis ang pag-uugnay ng
iba’t ibang tao sa iba’t ibang dako nito dahil sa globalisasyon. Dahil sa
globalisasyon, lumalawak ang mga pandaigdigang ugnayan. Bunsod ng
globalisasyon, madaling nakapupunta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
mga tao, ideya, kaalaman at mga produkto.
Ang modyul na ito ay hinati sa dalawa: Unang bahagi ay ang
maihayag ang saloobin tungkol sa positibo at negatibong epekto ng
globalisasyon at ang Ikalawang bahagi ay ang maihayag ang saloobin sa
epekto ng globalisasyon sa mga isyu sa paggawa at migrasyon.
Pagkatapos mabasa at maisagawa ang mga gawain sa unang
modyul na ito, ikaw ay inaasahang :
• Naipahahayag ang saloobin tungkol sa mga epekto
globalisasyon

A. Natatalakay ang mga saloobin tungkol sa positibo at negatibong


epekto ng globalissyon.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang paksang natalakay na.

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pagbabagong lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Globalisasyon C. Ekonomiya
B. Migrasyon D. Paggawa

2 . Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalw ng mga tao, bagay,impormasyon at
produkto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. Malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa Sistema
ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa.
Ano ito?
A. Ekonomikal
B. Teknolohikal
C. Sosyo-kultural
D. Sikolohikal

4. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisayon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga
“perennial “ na institusyon na matagal ng naitatag
B.Patuloy na pababago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikalat pulitikal
na aspekto
D. Naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga malalaking industriya.

5.Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga banta
ng kapinsalaan
C. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig.

MODYUL POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO


7 NG GLOBALISASYON
Tuklasin

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang pagpapaliwanag sa sumusunod:

1. Ang COVID 19 ay pandemyang kumikitil sa milyon-milyong buhay ng


mga tao sa daigdig, ano ang naging epekto nito sa globalisasyon?
2. Nakatutulong ba ang globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng
Pilipinas?
3. Ano ang papel na ginagampanan ng samahan ng United Nations sa
pagsulong ng globalisasyon?
4. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabigat na probemang dulot ng
globalisasyon?
5. Paano malulutas ang problemang dulot ng globalisasyon?

Suriin
PANUTO: Suriin ang nilalaman ng teksto na matutunghayan sa ibaba:
Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nanatili itong
isang kontrobersiyal na isyu. Tunghayan ninyo ang mga positibong epekto
nito:

POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON

1. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig


2. Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
3. Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng pruduksiyon
na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao
4. Pagkakaroon ng pangdaigdigang pamilihan ( world market)
5. Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na
transportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig
6. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa
7. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
pandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN, APEC at
WHO
8. Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng teknolohiya
9. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamut sa
pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya
10. Pag-usbong ng mga korporasyong multinasyonal at pandaigdigang
institusyon na nangangalaga sa kalakalan at pananalaping pandaigdig
11. Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t ibang bansa sa mga
nasalanta ng kalamidad
12. Pagpadali ng pamamahagi sa iba’t ibang lugar ng mga makabagong
gamot
13. Pagtaas ng antas ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng
maraming oportunidad para sa mga trabaho sa ibang bansa

14. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa


15. Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na kompaniya ang presyo at
kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga
banyagang kompaniya o mga multinasyonal.

NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON

1. Pagbaba ng kapital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo


dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mga
ito. Sa ilalim ng malayang kalakalan, hindi mabigyan ng suporta ng
pamahalaan ang lokal na industriya tulad ng diskuwento sa buwis at mga
taripa sa mga produktong banyaga .Dahil walang buwis ang mga produkto
mula sa ibang bansa, o duty free ang mg ito, ito ay naipagbili sa murang
halaga kaysa mga lokal na produkto.
Hal. Ang industriyang pagtatanim ng mga gulay sa ating bansa ay
maaapektuhan ng mas murang gulay na iniangkat mula sa Taiwan dahil
wala itong buwis.
2. Pagtaas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng
kawalan ng trabaho at mataas na antas ng kompetisyon sa trabaho sa
merkado

3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit


na negosyo
4. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa

5. Paghihigpit ng mga patakaran sa paggawa


6. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompaniya at industriya na hindi
makasabay sa pandaigdigang kompetisyon

7. Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa


bansa dahil naakit ang mga tao sa mataas na pasahod sa mga bansang
umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansa sa Europe, Canada at
sa Kanlurang Asya

8. Pagbuo ng maliliit na armadong grupong may basbas at suporta ng ilang


malalakas na armadong grupo sa ibang bansa

9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng


impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng
mga materyales na ginagamit dito

10. Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi maayos na paggamit ng gama


likas na yaman na pinagkukunan ng mga sangkap sa paggawa at sa
polusyong dulot ng paggawa at industriyalisasyon
11. Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa
pagpasok ng mga makabago at iba’t ibang kultura ng ibang bansa at
pagyakap ng mga katutubo sa makabagong kultura upang mabuhay

12. Pagtaas ng dependency rate ng mga bansang may mabagal na


kaunlaran (underdeveloped countries) at papaunlad na bansa (developing
countries) sa mga maunlad na bansa (developed countries) dahil sila ang
nagsisilbing merkado ng duty free na mga produkto at mababang pasahod
sa empleyo (cheap labor)

13. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t ibang panig


ng mundo-
Hal. Noong 2003 – ang nakamamatay na sakit sa paghinga na tinatawag na
severe acute respiratory syndrome(SARS) mula sa Hongkong at China at
kumalat sa 37 na bansa sa iba’t ibang panig ng mundo sa loob lamang ng
ilang linggo. Sa ngayon ang ilan sa mga sakit na nagdala ng malaking takot
at hampas sa ekonomiya at lipunan
ng mundo ay ang Ebola sa mga bansa sa Africa noong 2014 at ang MERS –
COV sa Korea noong 2015
14. Pagkakaroon ng mga suliraning may kaugnayan sa ugnayang
panlabas (International Relations) bunsod ng patuloy na paghahanap ng
likas na yaman na makatutulong sa ekonomiya ng mga tao sa isang bansa.

Pagyamanin

Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng HAPPY EMOJI ang
puwang kapag ang impormasyon ay napabilang sa positibong epekto ng
globalisasyon at SAD EMOJI naman kung ito ay napabilang sa
negatibong epekto ng globalisasyon.

______1. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo


ng mga pandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN,
APEC at WHO.

______2. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa .

______3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang


maliliit na negosyo.

______4. Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na


antas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas sa kompetisyon sa
trabaho sa merkado.

______5. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig.


______6. Paghigpit ng mga patakaran sa paggawa.

______7. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot


sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya.

______8. Pagbuo ng mga ng mga maliliit na armadong grupong my basbas


at suporta ng ilang malalakas na armadong grupo sa iabng bansa.

______9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng


impormasyon sa sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng
mga materyales na ginagamit dito.

_____10. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa.

Isaisip

GAWAIN (MGA EPEKTO….SALOOBIN MO! )

PANUTO: Balikan ang mga impormasyon na inyong binasa. Ibigay ang


inyong saloobin o nadarama sa mga epekto ng globalisasyon na
matutunghayan sa ibaba:
MGA EPEKTO NG MGA SALOOBIN
GLOBALISASYON

(-) *Pagtaas ng antas ng


kahirapan sa ating bans
dahil sa mataas na antas
ng kawalan ng trabaho at
mataas na antas ng
kompetisyon sa trabaho sa
merkado
(+) * Paglago ng iba’t ibang
sangay ng agham na
natutuklas ng gamot sa
pagsugpo ng iba’t ibang
sakit at mga epidemya

(+) * Sinisikap na
mapabuti ng mga lokal na
kompaniya ang presyo at
kalidad ng serbisyo at
produkto upang maging
kompetitibo laban sa mga
banyagang kompaniya o
mga multinasyonal
(+) * Pagbilis ng
pagbibigay-tugon ng iba’t
ibang bansa sa mga
nasalanta ng kalamidad

Tayahin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa puwang bago ang bilang at isulat sa inyong sagutang
papel.

______1. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit bumaba ang kapital
ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo maliban sa isa. Ano ito?
A. Dahil walang sapat na pondo ang mga lokal na industirya
B. Dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa
mga lokal na industriya
C. Dahil hindi mabigyan ng suporta ng pamahalaan ang mga lokal na
industriya tulad ng diskwento sa buwis at mga taripa sa ma produktong
banyaga.
D. Dahil walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa o duty free
ang mga ito at naipagbibili sa murang halaga kaysa lokal na mga produkto

______2. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa pag-usbong ng mundo?


A. Nakatutulong dahil ang mga mayayamang bansa ay lalong nagpatingkad
ng kanilang mga gawaing pang-ekonomiya .
B. Nakatutulong dahil ang mahihirap na mga bansa ay nakapagtataguyod
sa iba’t ibang larangan upang umunlad.
C. Nakatutulong dahil kapwa ang mahihirap at mayayamang bansa ay
nagtutulungan sa pagkamit pandaigdigang kaunlaran.
D. Nakatutulong dahil lumawak ang pandaigdigang gawaing pangkultura,
pang-ekonomiko at pampulitika at makikita ang mga senyales ng
globalisasyon sa iba’t ibang larangan kabilang na ang komunikasyon
,popular na kultura,paglalakbay at ekonomiya.

______3. Ang Word Trade Organization (WTO) ay isang pandaigdigang


organisasyon na may kaugnayan sa Globalisasyon, ano ang layunin nito?
A. Layunin nitong maging matatag at pinaka sentrong organisasyon sa
buong mundo.
B. Layunin nitong maging tanyag at mas kilala kaysa ibang organisasyon
na namamahala sa mga patakaran ng mga kasapi.
C. Layunin nitong bumuo ng mga patakaran sa kalakalan, magpapasigla at
magsasaayos ng malayang kalakalan kasaping bansa .
D. Layunin nitong makalikom ng mga pundo upang mapasigla ang
pakikipagkalakan sa mga bansang may maraming produkto at maibenta sa
pandaigdigang merkado.

_____4. Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang


globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga banta
ng kapinsalaan
D. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.

_____5. Bakit maituturing na Panlipunang Isyu ang globalisasyon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng
mga perennial na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal
na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga
malalakin industriya.
Karagdagang Gawain

PANUTO: Gumawa ng Photo-Essay tungkol sa positibo at negatibong


epekto ng globalisasyon sa kasalukuyan. Gabay ang rubriks sa ibaba.

RUBRIKS

Nilalaman at kaangkupan sa paksa - 50 puntos

Taglay nito ang positibo at negatibong epekto


ng globalisasyon - 30 puntos

Orihinalidad - 20 puntos
KABUUAN: 100 puntos
Susi sa Pagwawasto

BALIKAN PAGTATAYA
1. A 1. A
2. A 2. D
3. D 3. C
4. A 4. D
5. C 5. A

SUBUKIN

1. ( ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)

2. Simula ng pag-usbong ng kabihasnan, kinakitaan ang mga tao


mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang kanilang disposisyong “
maglakbay” patungo sa mga lugar na makapagbibigay sa kanila ng maayos
na pamumuhay.

TUKLASIN

1. Ang naging epekto nito ay ang paglago ng iba’t ibang sangay ng agham
na nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga
epidemya.

2. Oo, dahil sa globalisasyon napabilang tayo sa United Nation s at iba


pang malalaking organisasyon at nakatatanggap tayo ng iba’t ibang uri ng
tulong at benepisyo.

3. Ito ay organisasyon ng mga bansang nagtutulungan para at dahil sa


globalisasyon.

PAGYAMANIN
1. Happy Emoji 6. Sad Emoji
2. Happy Emoji 7. Happy Emoji
3. Sad Emoji 8. Sad Emoji
4. Sad Emoji 9. Sad Emoji
5. Happy Emoji 10.Happy Emoji
Sanggunian:

Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan ( Set


1) DRAFT
Pahina: 173-185

Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Set1)


DRAFT
Pahina: 184-191

KAYAMANAN- Mga Kontemporaryong Isyu - Batayan at Sanayang Aklat sa


Araling Panlipunan
May- akda:

Evangeline M. Dallo
Eleonor D. Antonio
Consuelo M. Imperial
Maria Carmelita B. Samson
Celia D. Soriano

Pahina 103-105
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like