You are on page 1of 24

YUNIT IV

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL


(UNANG BAHAGI)

MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL

Panimula

Ipapakita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng


mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng
Pilipinas sa kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina,
deforestation, basura, baha at iba pa. Sa ganitong paraan, ang aklat na ito ay magsisilbing
daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan
at bansa.

Layunin

1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong


bansa.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng mga impormasyon at
pagsusuri na akma sa iba’t ibang konteksto.

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito paktapos ay magbigay ng kanya-kanyang reyalisasyon tungkol


dito. https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw

Nilalaman

Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot ng maraming suliranin tulad ng pagkawasak


ng kalikasan, paglobo ng populasyom, pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap, paglala ng kriminalidad at iba pa. Lalong tumitindi ang
pangangailangan na maisabalik ang ganitong misyon pagkatapos na sumambulat ang pang-
daigdigang krisis sa ekonomiya noong 2008, habang lalong nararamdaman ang mga epekto ng
pagbabago sa klima na hatid ng pagkawasak ng kalikasan na bunsod naman ng walang rending
modernisasyon.
Mula noong 2008, lalong naging lantad ang mga isyung gaya ng kahirapan, migrasyon, at
kawalan ng trabaho. Hindi rin lahat ng mga mamamayan ay nakikinabang sa paglaki ng kita ng
mga korporasyong nakabasa sa mga mauunlad na bansa.
Dahil sa matinding kahirapan, maraming mamamayan ng bansang mahihirap ang
naghahanap ng trabaho sa mga bansang itinuturing na mas maunlad. Sa kasamaang-palad, dahil
ang unemployment rate sa mauunlad na bansa ay mataas o kayaý tumataas pa, nagiging limitado
ang oportunidad para sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa, mas humigpit ang mga
awtoridad sa mga patakaran sa migrasyon, at sa ilang bansa gaya ng Greece, Great Britain, at
France may ilang grupong racist ang nanawagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Bunsod ng
climate change, lalong naging mapaminsala ang mga bagyo at tagtuyot sa iba’t ibang panig ng
mundo, maging sa mga lugar na dati ratiý hindi binabagyo at hindi rin nakakaranas ng tagtuyot.
Sa gitna ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan ng daigdig, naghahanap ng kasagutan sa mga
tanong at solusyon sa mga problema ang mga mamamayang naghahangad ng magandang bukas.
Sa asignaturang Kontemporaryong Isyu, hindi man maibigay lahat ng sagot at solusyon ay tiyak
na mabubuksan ang iyong mga isipan upang malinang ang iyong interes sa patuloy na
paghahanap ng mas magandang kinabukasan para sa bansa at para sa daigdig ang iyong
henerasyon at mga susunod pang henerasyon. Ang pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu at
suliranin ay makatutulong din sa paglinang sa mga praktikal na kasanayan sa paglutas ng mga
problema, pagsusuri ng datos, paggamit ng estadistika, pananaliksik, paghahambing at iba pa.
Saan mang larangan mapadpad, babaunin mo ang isang malawak na perspektiba ng pag-unawa
sa iyong lipunan at daigdig, isang perspertibang inaasahang makatutulong sa iyo upang maging
mas kapaki-pakinabang ba mamamayan ng bansa at responsableng tagapagpangalaga ng kaisa-
isang planetang tahanan ng mga tao.
Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya
dahil ng pandemyang ito.
CORONA VIRUS
Ang Corona Virus ay isang uri ng sakit na nagdudulot ng
karamdaman sa paghinga (respiratory). kabilang dito ang Middle
East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV), Severe
Respiratory Syndrome Corona Virus (SARS CoV) at ang ang
pinakabago ay ang New Corona Virus 2019 o mas kilala sa tawag
na COVID 19. Ang COVID 19 ay nagmula sa Wuhan, China,
noong December 2019, hanggang sa maging isang pandemya na
kumalat na sa Asya, America, Europe at sa iba pang panig ng
daigdig. Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng sipon, ubo,
pananakit ng lalamunan, hirap sa paghinga at lagnat. Kumakalat
ito sa pamamagitan maliliit na likidong mula sa pag-ubo at
pagbahin na maaring pumasok naman sa ilong at bibig ng ibang
tao. Kapag tinamaan nito ang isang may datihan nang karamdaman (comorbidities) magdudulot
ito ng labis na panghihina ng katawan at kung hindi kakayanin ng pasyente ay mauuwi ito sa
kamatayan. Kung malakas naman ang pangangatawan ng isang tao o ang kanyang imune system
maaari itong gumaling sa pamamagitan ng paglaban ng ating katawan sa mga karamdaman o
anti-bodies. Ayon sa mga eksperto ang pinakamabisang gamot lang sa sakit na ito ay ang
bakuna, na magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aarlan. Sa ngayon isinusulong ng
ating pamahalaan ang pinakamagandang magagawa lamang ng mga tao ay ang pasusuot ng face
mask, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at ang tamang agwat sa isa’t-
isa (social distancing).
ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG PILIPINAS SA KASALUKUYAN
Mahalagang maunawaan ang sitwasyon sa sistemang ekonomiko ng bansa upang makita
ang puno’t dulo ng karamihan sa ating mga problema. Sa kasalukuyan, nananatiling suplayer ng
hilaw na materyales, mga produktong pangkonsumo (consumer goods) na karaniwa’y semi-
manupaktura (semi-processed) lamang, at mga manggagawa ng United States at ang mauunlad
na bansa ang Pilipinas, sa halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong
gamit. Bukod dito, ineeksport din ng bansa ang mga tubo ng mga dayuhang korporasyon dito sa
Pilipinas, gayundin ang bahagi ng mga tubo ng mga lokal na korporasyon na may mga kamay-ari
(stockholder) o kasosyong dayuhan. Kung susuriing mabuti, lugi ang Pilipinas sa ganitong
kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng iniimport ng bansa-lalo na ang
makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas na interes sa pautang-kaysa halaga ng inilulunsad
nito. Dapat tandaan na kahit ang bilyon-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga migranteng
Pilipino sa kaban ng Pilipinas ay tila nakakansela naman ng mga suliraning panlipunan na
idinudulot nito gaya ng pagkakawata-watak ng pamilya at iba pang social costs.
Sa mga nakalipas na taon, mas marami pa ring iniimport kaysa ineeksport ang bansa, at
kapansin pansin na ang mga pangunahing eksport ng bansa ay pawang mga hilaw na materyales
o kaya’y semi-processed goods sa halip na mgakumpletong produkto tulad ng mga kompyuter at
kotse. Kung papansinin, Malaya ring nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng
pinatutunayan ng kanilang pagmamay-ari sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng
Mining act of 1995. Ito’y isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga dayuhang
namumuhunan at kanilang mga local na kasosyo, isang sistemang ekonomiko na
pinakikinabangan lamang ng iilan at nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng
mga mamamayan. Sa kabila ng programa sa reporma sa lupa ng gobyerno, malaking porsyento
ng lupain sa bansa ang pag-aari g iilang pamilya lamang. Maging ang mga lugar na urban na
pinagsulputan ng napakaraming mga condominium ay monopolisado na ng iilang pamilya na
may kontrol sa industriyang real estate.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago ng ekonomiya sa makroekonomikong
antas ay hindi nararamdaman ng napakaraming mamamayan. Ang pinakamayayamang pamilya
lamang na may kontrol sa malalaking negosyo at malalaking parsela ng lupa ang higit na
nakikinabang sa paglago ng ekonomiya. Kung gagamitin naman ang terminolohiya ni Papa
Francisco, maituturing na isang “ekonomiya ng eksklusyon´ang sistemang ekonomiko ng bansa,
sapagkat, hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at paglago ng ekonomiyang ito ang malaking
porsiyento ng mahihirap na mamamayan. Aniya, ito’y tumutukoy sa kawalang-kakayahan sa
isang bansa na”… lilikhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na
makapagbubunsod upang sila’y makalikha ng iba pang produkto…mga kasangkapan na
magagamit sa paggawa ng karayom at gunting…makina…tela…typewriters at xerox
(photocopying) machines.” Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing kaibahan ng Pilipinas sa mga
industriyalisadong bansa sa Asya gaya ng Japan, South Korea, Taiwan, at China. Ganito ang
umiiral na hindi makatuwirang kalakaran sa globalisasyon na isa sa mga dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na umuunlad ang bansa, marami pa rin ang mahihirap sa
arkipelago, at mataas pa rin ang antas ng disempleyo sa Pilipinas.
Katulad ng nabanggit, mahalaga ang pagkakaroon ng masigla at matibay na agrikultura at
industriya sa paglikha ng empleyo, pagtaas ng kakayahang bumili ng masang anakpawis, at
pagpapatatag ng produktibong kapasidad ng lokal na ekonomiya. Samantala, walang matatag at
pambansang industriya ang Pilipinas, at ang manupaktura ay dinodomina ng dayuhang
pamumuhunan at nakatuon sa paglikha ng mga produkto para sa pangangailangan ng
pandaigdigang merkado. 
Ang Php15 bilyon itinaas ng badyet ng Department of Agriculture (DA) para sa taong
2020 mula Php47 bilyon noong 2019 patungong Php62 bilyon ay dahil lamang sa Php10 bilyong
Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng RA 11203 o Rice Liberalization
Law at hindi pa para sa tunay na pagpapaunlad sa sektor. Sa kabilang banda naman, unti-unti
nang numinipis ang bahagi ng manupaktura sa ekonomiya ng bansa sa mga nakalipas na dekada.
Mula sa abereyds na 26% ng GDP noong dekada ‘80, lumiit ito sa 25% noong dekada ’90, 24%
sa unang dekada ng 2000, hanggang maging 23% na lamang nitong 2019. 
Bumagal din ang paglago ng manupaktura na sensitibo sa pagbagal ng pandaigdigang
ekonomiya at gera sa kalakalan’ sa pagitan ng US at China dahil na rin sa katangian nitong
dominado ng dayuhang kapital at oryentasyong pang-eksport.  Sa kawalan ng pag-unlad ng
agrikultura at industriya, hindi lumilikha ng sapat na trabaho ang ekonomiya para sa milyong
pwersa sa paggawa. Lalong nagiging dayukdok sa kahirapan ang karamihan ng mga Pilipino,
samantalang may napakakitid na bahagi ng populasyon na nagkakamal ng labis-labis na tubo.
Isang indikasyon din ng kapalpakan ng ekonomiya na makalikha ng sapat na trabaho ang patuloy
na pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.

Kahirapan sa Pilipinas

Lunsaran

Pakinggan ang awitin pagkatapos ay magtalakayan hinggil sa napakaraming suliranin na


“di kayang lutasin ay hindi na pinapansin”.May mga solusyon ba kayong naiisip sa mga
problemang ito. https://www.youtube.com/watch?v=YTMR8fgUQw4
https://www.youtube.com/watch?v=NSii-kt0Psw

Nilalaman

Hindi matapos-tapos ang mga talakayan


hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng
pagtatatwa ng ilang mga nasa pamahalaan, at sa
kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya ng
bansa batay sa makroekonomikong datos tulad
ng GDP at credit ratings, malaking porsiyento
ng populasyon ng bansa ang mahihirap. 22.3%
at 21.6%. Kung tutuusin, mas mataas sa aktuwal
na bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang
opisyal na buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro) na
itinakda ng gobyerno ay napakaliit. Higit na mararamdaman ang suliraning kahirapan kung pag-
uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap makaahon sa hirap gaya ng tinalay ni
Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o salaysay ng mga
maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni Malubay (2017)
sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang Pinoy Weekly.
Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa, lalong
makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations (UN) sa 2017 Human
Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng
188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng
Human Development Index (HDI). Nangangahulugan ito na dumadausdos ang kalagayan o
kaya’y mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag-unlad ng ibang bansa.
Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika hinggil sa
malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng kahirapan
sa bansa. Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa
sariling bansa, halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho
sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), batay sa
development ng OFWs noong 2016. Sa aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang
mga Pilipinong hindi dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.
Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di-karaniwang sukatan ng kahirapan. Kung
pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na
umuumnlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas makroekonomiko man lamang,
sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down bas a mga ordinaryong
mamamayan ang progresong ito), nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad
ng Pilipinas.

Sanhi at Bunga ng Kahirapan


Sa kabila ng saganang likas na yaman ng bansa, tila kataka-taka ang pag-iral ng kahirapan sa
Pilipinas. Gaya ng ulat ng Bertelsmann Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa
Germany, ang kontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang
pangunahing hadlang sa pag-unald nito at sa paglutas sa kahirapan ng mga mamamayan nito.
Marami pa rin itong eksempsiyon at butas na maaaring gamitin ng mga asendero upang
makatakas sa reporma ng lupa ang mga magsasaka. Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa
kamay ng iilang pamilya ang malaking porsiyento ng mga lupain sa Pilipinas. Samakatuwid, ang
ganitong kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa Pilipinas, kumpara sa matagumpay na
reporma sa lupa sa South Korea, Vietnam, at iba pang mga bansa sa Asya, ay isa rin sa mga
sanhi ng kahirapan sa Pilipinas. Isa pa sa mga sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na antas
ng disempleyo o unemployment at mataas na antas ng kakulangan sa trabaho o
underemployment. Sa ngayon ay isa pa rin sa may pinakamalalang antas ng disempleyo sa
Timog-Silangang Asya ang Pilipinas.
Bukod sa disempleyo, ang kawalan ng sapat na access ng mga mamamayan sa edukasyon, lalo
na sa kolehiyo, ang isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa. Bagama’t mula 2018 ay libre na ang
matrikula maging sa publikong unibersidad, nangangamba ang ilang grupo ng mga kabataan na
hindi pa rin makakapag-aral ang lahat ng dapat mag-aral dahil sa kakulangan ng gastos para sa
baon at iba pang pangangailangang kaugnay ng edukasyong tersyarya.
Sa pangkalahatan, trahedya ang idudulot ng ganitong sitwasyon sa bansa dahil kapansin-
pansin na maraming maunlad na bansa ang may matataas na porsiyento ng enrollment sa antas
ng tersyarya. Ang mahihirap na bansa naman ay may mababang porsyento ng enrollment gaya
ng ipinapakita ng World Bank East Asia and Pacific Regional Report (2012) na pinamagatang
“Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia.” Binigyang-
diin sa ulat na ito na walang bansang nagkamit ng papataas na antas ng kita nang hindi muna
nagtala ng pagtaas ng bilang ng mga college enrollee at graduate. Dapat bigyang-diin na ang
mauunlad na bansa ay karaniwang may matataas na bilang ng mga mamamayang nakatapos ng
kolehiyo kaya napapanatili nila ang paglago ng kanilang ekonomiya. Sa mga nakalipas na school
year, dumarami na ang nagkokolehiyo sa Pilipinas ngunit hindi pa rin ito comparable sa mga
nagkokolehiyo at nakakatapos ng kolehiyo sa ibang bansa. Dapat ding tandaan na ang highly-
skilled na propesyunal na mahalaga ang ambag sa pagpapaunlad ng bansa ay pawang college
graduate ay nangangahulugang mas kakaunti ring highly-skilled na propesyunal para sa isang
bansa.
Kung tutuusin, ang kawalan ng sapat na access sa edukasyon ay kapuwa sanhi at bunga ng
edukasyon, Ito ay sanhi ng kahirapan sapagkat ag kawalan ng edukasyon o sapat na eduaksyon
ay isang hadlang sa pagkakamit ng mataas na antas ng kita. Sa PHILIPPINE QUARTERLY
UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investing in Inclusive Growth Amid Global
Uncertainty” (Hulyo 2012), pinatutunayan na mas malaki ang average na kita ng mga graduate
ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul:
Bukod sa paghadlang sa pagkakaroon ng sapat na access sa edukasyon ng mga
mamamayan, ilan pa sa mga bunga ng kahirapan ang pagkakaroon ng mga protesta laban sa
umiiral na kalakaran sa lipunan, pagtaas ng antas kriminalidad (crime rate) gaya ng pandurukot
at pagnanakaw, pagkakaroon o paglakas ng mga rebeldeng grupo, pagdami ng Pilipinong
migrante, malnutrisyon, paglala ng prostitusyon at iba pang gawaing anti-sosyal at kawalan ng
sapat na partisiasyon ng mga mamamayan sa mga prosesong politikal. Nagkakaroon ng
malawakang protesta ang iba’t ibang non-government organization (NGO) laban sa mga umiiral
na kalakaran sa lipunan sapagkat ang mga ito ang sinisisi nila sa pag-iral ng kahirapan sa bansa.
Dalawa ang teorya na may kaugnayan sa kahirapan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
indibidwalistiko at isruktural.
Sa indibidwalistikong pananaw, ang kahirapan ay isinisisi sa indibidwal na kakayahan na
pagbangon sa kahirapan katulad ng:
a) katamaran;
b) kawalan ng sapat na edukasyon
c) kamangmangan
d) mababang pagtingin sa sarili
Sa pananaw naman ng istrukturang panlipunan, nakikita ng tao ang kanilang pagkasadlak
sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa
kanilang kita.
Sa pag-aaral ni Dr. Bartle Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kanyang inisa-isa
ang limang malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
a) kawalan ng kaalaman
b) sakit
c) kawalang pagpapahalaga
d) hindi mapagkakatiwalaan
e) pagiging palaasa
Kanyang binigyang-diin na nag solusyon sa pangkalahtang suliranin sa kahirapan ay ang
pangkalahatang solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

Unemployment: May Solusyon Ba?

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito at pagkatapos ay magbigay ng mga suhestiyon tungkol dito.
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U.

Nilalaman

Dalawang pangunahing reporma ang


maaaring maging gulugod o backbone ng
paglutas sa unemployment at sa pag-unlad ng
bansa: ang tunay na reporma sa lupa at
modernisasyon ng agrikultura at makabansa at
pambansang industriyalisasyon. Matagal ng
suliranin ng bansa ang kawalan ng reporma sa
lupa, ang matibay na kontrol ng iilang pamilya
sa mayorya ng lupa sa Pilipinas, ang sistemang
kahawig ng piyudalismo sa Europea noong
(Middle Ages). Ang ganitong konsentrasyon
ng lupa sa iilang pamilya ang dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng bansa at ng sapat na
trabaho para sa mayorya ng mga mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008). Ang pagliit ng share ng agrikultura sa pambansang
ekonomiya – na bunga ng kawalan ng reporma sa lupa – ay nagreresulta rin ng matinding
kahirapan at kawalan ng oportunidad para sa maraming tagaprobinsya. Ang pagbibigay-
prayoridad lamang sa sektor ng agrikultura at industriya ang makapagliligtas sa bansa, gaya ng
pinatunayan ng Japan, South Korea, China at iba pang karatig-bansa. Naging pangunahing paksa
ng mga obra maestro ng mahuhusay na manunulat sa panitikang Pilipino tulad nina Jose Rizal
( El Filibusterismo), Amado Hernandez (Mga Ibong Mandaragit), at Rogelio Sicat (Tata Selo)
ang mga magsasakang inagawan ng lupa, ang magsasakang alipin ng asendero, ang magsasakang
simbolo ng karukhaan at pagkaalipin ng samabayang Pilipino. Malaking bahagi ng mga
rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist’s Party of the Philippines-New People’s Army
(CPP-NPA) ay mga magsasakang naaakit sa programa ng nasabing grupo na libreng lupa para sa
magsasaka na isinasaad sa “12point Program” ng National Democratic Front of the Philippines
(NDFP), ang political arm ng CPP-NPA. Sa minimum, sa pamamagitan ng reporma sa lupa ay
inaasahang agad na darami ang trabaho sa sektor ng agrikultura.
Pagkatapos ng reproma sa lupa, dapat ding simulan and modernisasyon ng agrikultura
ang magtitiyak sa food self-sufficency ng bansa. Sa kabuuan, ang pagsigla ng agrikultura na dulot
bg reporma sa lupa at modernisasyon ng sektor na ito ay magpapalapad sa pamilihan at
magreresukta sa pagsigla ng ekonomiyang agrikultural na magluluwal ng karagdagang kapital
para sa pagtatayo ng mga industriya. Sa kabilang banda, hindi rin magiging ganap ang kaunlaran
ng Pilipinas kung makukuntento na lamang ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Binigyang-diin ni Lichauco (1998) Sa kaniyang aklat na “Nationalist Economics” (1998) ang
superyoridad ng gobyerno, sa halip na mga korporasyon, bilang tagapagsulong ng
industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong personalidad
ng sambayanan.
Kung gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya (sovereignty) ng
mga mamamayan, Mula sa kapangyarihang mag-imprentang pera, hanggang sa kapangyarihang
linangin (idevelop) at patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa
produktibong negosyo…” Bukod dito, ang pamumuno ng pamahalaan sa pambansang
industriyalisasyon ang makatitiyak na ang mga likas na yaman ng bansa ay magagami nag
maayos para sa kapakanan ng sambayanan nang di-gaanong nakakasira sa kalikasan.

Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay magbigay ng reaksyon tungkol dito


https://www.youtube.com/watch?v=4bN9yimMXro.

Nilalaman

Bunsod ng paghahangad ng mga


dambuhalang korporasyon na palakihin nang
palakihin ang kanilang tubo kahit na mangahulugan
ito ng pagkawasak ng kalikasan sa pamamagitan ng
walang habas na pagmimina, pagkalbo sa mga
kagubatan, overextraction ng tubig, at polusyon sa
hangin, lupa, at tubig, malinaw na dapat limitahan o
kaya’y higpitan ang kanilang mga aktibidad upang
maisalba ang kalikasan. Dati rati, lalo na sa mga
unang dekada ng industriyalisasyon sa Europea, tubo
at paglago lamang ng ekonomiya ang sinusukat ng
mga ekonomista at tagabalangkas ng patakaran. Ang
ganitong pananaw ay ginagamit na rin ng United
Nations sa Human Development Index: sinusukat na
rin ang pagiging sustentableng uri ng pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa, ang epekto ng
mga ekonomikong aktibidad ng tao sa kalikasan, lagpas pa sa pagsusuri sa makroekonomikong
datos na may kaugnayan sa simpleng paglago ng GDP at iba pang estadistika na tao lamang ang
makakaramdam.

Mga Hamon sa Sustentableng Kaunlaran


Isa sa mga pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang mabilis na paglobo ng
populasyon ng daigdig. Sa kasalukuyan, laganap na ang kagutuman sa maraming bahagi ng
daigdig dahil na rin sa hindi magkasunod sa bilis ng paglaki ng populasyon ang bilis ng
paglawak ng ani ng mga magsasaka sa bung mundo, ayon mismo sa Food and Agricultural
Organization (FAO). Ang kahirapan ay nagiging suliranin sa pagkamit sa sustentableng
kaunlaran sapagkat para malutas ito, kinakailangang gamitin ng mga mamamayan ng daigdig
ang likas na yaman sa kani-kanilang mga bansa. Isang hamon sa sangkatauhan ang pagbabalanse
sa pangangailangang lumikha ng trabaho at gamitin ang mga likas na yaman ng mundo sa iang
banda, at ang pangangailangang isalba ang kalikasan sa tuluyang pagkawasak sa isa pang banda.
Kung magiging maayos ang distribusyon ng mapagkukunan-sa pamamagitan ng pagtitiyak na
walang masasayang sa bawat napoprodyus na pagkain at iba pa-marahil ay mababawasan ang
“kakulangan” na dinaranas ng maraming mamamayan sa daigdig. Kaugnay nito, sa mauunlad at
umuunlad na bansa, isa sa mga pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang
konsumerismo. Kaugnay ng konsumerismo sa gadget, isang suliranin din ang pagkakaroon ng
sustentableng enerhiya ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang pinatatakbo ng uling,
petrolyo, at iba pang fossil fuel na nakasisira sa kalikasan kapag sinunog. Samakatuwid, ang
konsumerismo sa gadget at iba pang mga appliance na hindi naman talaga gaanong kailangan ay
nakadaragdag pa sa problema dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na pangangailangan sa
kuryente o enerhiya.
Sapagkat bahagi ng kalikasan ang sangkatauhan, ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay isa
ring suliranin para sa pagkamit sa sustentableng kaunlaran. Sa konteksto naman ng mga
indibiduwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang malaki sa pagkakaroon ng
sustentableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi maayos ang
kanilang kalusugan. Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay
maaaring kasangkutan ng pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit
nangangailangan ng pagbabawas ng konsumo ng kalikasan (Brown 2011). Sinabi ni Dyllic
(2002), na ang mga usaping patuloy na pagpapaunlad (sustainable development) ay nakabatay sa
mga pagpapalagay na kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang talong uri ng pamumuhunan
(ekonomiya, lipunan, at likas na yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang palitan at
ang paggamit dito ay hindi kayang iwasan.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ang buhay ng tao ay paikli na ng paikli, noon ang
isang pangkaraniwang tao ay umeedad ng mahigit na isang daang taon, ngunit sa ngayon ang
isang pangkaraniwang tao ay aabot na lamang sa pitumpung taon (70 y.o.), bakit? Ito daw ay sa
kadahilanang ang mga sinaunang tao ay kuntento na lamang sa kung anong meron sila,
karamihan ay hindi na naghahangad ng mas higit pa. Kumukunsumo lamang sila ayon sa
kanilang mga pangangailangan. Ito ay makikita pa rin sa mga kababayan nating mga katutubo na
naninirahan pa rin sa ating mga kabundukan. Pumapatay lamang sila ng hayop upang makain
ayon lamang sa kanilang pangangailangan. Pumuputol lamang sila ng mga sanga ng puno, ayon
din lamang sa kanilang pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng mga tao, marami sa atin ang
natutuhang maging ganid at sakim. Gusto nating kumuha ng mga bagay na higit pa sa ating mga
pangangailangan. Tulad na lamang ng nangyayari sa urban areas nagsulputan ang mga fast food
chains, na kung saan ay hinihikayat ang mga tao na kumain ng kumain ng higit pa sa
pangangailangan ng kanilang pangangatawan, samantalang sa ibang parte ng mundo ay
maraming namamatay sa nagugutom. Ang mga kumpanyang gumagawa ng mga produktong
sasakyan at mga cellphones na halos buwan buwan ay nagpapalit ng modelo. At para bang
inaakit ang mga taong magpalit ng kanilang mga gamit kahit na ito ay nasa kundisyon pa at hindi
pa kailangang palitan. Ang mga kumpanyang ito ay gumagamit ng mas maraming kuryente na
nagmumula sa mga planta ng kuryente na gumagamit naman ng mga fossil fuels, ng mga natural
resources na sa darating na mga panahon ay maaaring maubos. Samakatuwid ang sustentableng
kaunlaran o sustainable development ay ang paggamit o pagkonsumo ng mga bagay ayon
lamang sa pangangilangan o ang tinatawag nilang “Law of Supply and Demand”.

Ang Hamong Kaugnay ng Climate Change

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay magbigay ng realisasyon tungkol dito.


https://www.youtube.com/watch?v=iOjyCHA_PeA.

Nilalaman

Gaya ng sustentableng
kaunlaran, konektado sa
sitwasyon ng kalikasan ang
isyu ng climate change. Ang
pagtaas na ito ng temperature
ay bunga ng pagtaas ng
greenhouse gas emission sa
atmospera sa mga nakalipas na
dekada dahilsa
industriyalisasyon na ngayo’y
mauunlad na bansa sa Kanluran
at umuunlad na bansa sa Silangan. Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa
pagsingaw ng init na dulot ng araw. Sa halip na malayang makasingaw palabas sa atmospera,
natrap o nabitag ang init ng araw sa daigidig dahil sa mataas na konsentrasyon ng greenhouse gas
sa atmospera. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng yelo sa
rehiyong Artiko. Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buing daigdig. Nagdulot ito ng global na pagtaas sa presyo
ng mga karaniwang pagkain o staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais, at iba
pang pagkaing butil. Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na gastusin sa
disaster risk response at mitigation. Halimabwa, bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang ginagasta
ng buing daigdig para sa relokasyon at pagpapakain sa mga biktima ng matitinding baha, bukod
pa sa aktuwal na pinsala ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Samakatuwid,
nakabawas sa pondo para sa iba pang serbisyong panlipunan ang paglalaan ng pondo para sa
disaster risk response at mitigation. Bukod dito, isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng
climate change ay ang posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo kapag ganap
nang ipinatupad ang mga kasunduan sa paglimita sa greenhouse gas emission ng mga bansa.
Kailangang balansehin ang pangangalaga sa kalikasan at ang paglago ng ekonomiya, isang bagay
na napakhirap ipatupad. Dahil sa likas na kahirapan ng pagpapatupad ng mga kasunduang
pandaigdig hinggil sa climate change gaya ng paglimita sa greenhouse gas amission, may
aspektong politikal din ang climate change. Halimbawa, ayon sa isang ulat ng International
Energy Agency (IEA), ang paggamit ng energy resources na mababa sa carbon sa halip na fossil
fuels ay kailangang gastusan ng $44 trilyon mula 2014 hanggang 2050.
Isang pang politikal na usaping kaugnay ng climate change ang paggigiit ng mahihirap na
bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila ang mayayamang
industriyalisadong bansa. Sa kanilang opinion, ang climate change ay direktang bunga ng ilang
dekadang industriyalisasyon ng mauunalad na bansa sa Kanluran na hindi lamang sila ang may
pananagutan sa climate change dahil nga ang mga bansa sa Silangan ay may sarili na ring mga
industriya na nakapagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emission. Tiyak na mapipilitan
silang baguhin ang kanilang sistemang pamumuhay dahil kailangan nilang makiangkop kahit
bahagya sa mga bansang magiging bago nilang tahanan.
Ang init na nangagaling sa araw ay nagbibigay buhay sa ating daigdig at sa mga
naninirahan dito. Sa pamamagitan ng green house gases kinukulong nito ang init na mula sa araw
na siya namang nagbibigay ng tamang temeratura ng daigdig upang mabuhay ang mga
organismo tulad ng mga halaman, hayop at mga tao. Ngunit sa pagsilang ng modernong
indastriyalisasyon. Natuto ang tao na gumamit ng mga gatong na galing sa mga labi ng
sinaunang hayop (fossil fuel). Ang pagsusunog ng mga fossil fuels na ito ay naglalabas ng mga
mapanganib na gas na dumagdag sa sa natural na green houses gases na naging sanhi naman ng
pagkakakulong ng mas maraming init ng araw sa daigdig na naging dahilan sa pagtaas ng
temperatura at mabilisang pag-init ng dagidig (global warming). Ang global warming ay
nagdudulot naman ng mga biglaang pagbabago sa klima ng daigdig. Nariyan ang matagalang
tag-init (El Niño) at malalakas na bagyo, pagtaas ng tubig dagat (sanhi ng pagkatunaw ng mga
yelo sa hilaga at timog na bahagi ng daigdig), paglubog ng ilang mga lugar sa tabing dagat,
pagkasira ng mga produktong pang agrikultura. Ang mga ganitong pangyayari ay nagdudulot ng
dugtong-dugtong mga negatibong pangyayari (negative chain reactions), tulad ng pagtaas ng
mga presyong bilihing pagrikultura tulad ng bigas, mais, at iba pang mga pagkain. Na
nagdudulot naman ng kahirapan, mabagal na pag-usad ng ekonomiya. Ang mga bansa sa iab’t-
ibang panig ng mundo ay nagkakaisa sa layuning bawasan o di kaya at aytuluyan ng itigil ang
paggamit ng fossil fuels. Patuloy din sila sa paghahanap ng iba pang mga alternatibong
pamamaraan upang maipagpatuloy ang modernisasyon na hindi gumagamit ng fossil fuels.
Sa Pilipinas, pahapyaw na makikita ang ganitong pagbabago sa sistema ng pamumuhay
ng mga mamamayan bunsod ng climate change. Sa mga lalawigan sa Cordillera, halimbawa,
unti-unti nang naglalaho ang mga payaw o hagdan-hagdang palayan bunsod ng matinding
pagtaas ng temperatura na hagdudulot ng pagkawasak sa mga likas na sistema ng irigasyon ng
dati-rati’y bumubuhay sa mga payaw. Pinakamasahol, ang ilan sa mga mamamayan ng mga
lalawigan sa Cordillera ay naging mga palaboy na ring pulubi sa Kamaynilaan bunsod ng
kawalan ng sapat na oportunidad sa kanilang mga lugar na maaaring makapag-compensate sa
pagkawala ng kanilang hanapbuhay sa agrikultura (Tan, Michael). Samantala sa mauunlad na
bansa naman, lumalakas ang kampanya para sa paglimita sa pagkonsumo o pagbili ng mga
produktong nililikha sa pamamagitan ng mga proseso na nagdudulot ng mataas na greenhouse
gas emission. Sa pangkalahatan, lumalakas na rin ang kampanya para sa pagtitipid ng kuryente
dahil maraming planta ng enerhiya sa mundo ay pinatatakbo gamit ang mga fossil fuel na
nagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emission. Dahil sa climate change, unti-unting
nauunawaan ng tao na ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat maging bahagi rin ng mga salik
sa kaunlaran, sapagkat walang saysay ang anumang paglagi sa ekonomiya kung wawasakin
lamang ito ang pagiging sustentable ng daigdig.
Tugon ng Pilipinas sa Climate Change
Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang
nagpapainit sa mundo. Sinasabing ito ay nagbubunga ng sakuna katulad ng baha at tagtuyot na
dahilan ng kamatayan ng sakit ng tao.
Itinatadhana ng nasabing batas ang pagtatatag ng Climate Change Commission sa ilalim
ng Tanggapan ng Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno na magtatakda ng mga
patakaran at magsisilbing tagapag-ugnay, tagamonitor, at tagasuri ng mga aktibidad ng
pamahalaan kaugnay ng climate change” at “aktibasyon ng mga local government units (LGUs)
bilang mga ahensya ng pamahaaln na magiging pangunahing tagapagpatupad ng mga planong
hakbang kaugnay ng climate change.” Ang pagbibigay-diin sa gampanin ng mga LGU ay
mahalaga sapagkat ito rin ang mga pangunahing yunit ng pamahalaan na agad makatutugon sa
mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad na dulot o pinalalala ng
climate change. Bahagi ng tungkulin ng Climate Change Commission ang pagbuo ng National
Climate Change Action Plan (NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na nakaangkla sa
mga pangunahing kahinaan ng bansa: seguridad sa pagkain;

Polusyon sa Tubig, Hangin at Lupa

Lunsaran

Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga sanhi at bunga ng mga kaganapan
sa ating kapaligiran. https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM

Nilalaman

Ang polusyon ay ang mga bagay na sumisira


sa ating kalikasan, may tatlong uri ng polusyon:
polusyon sa tubig, polusyon sa hangin, at ang
polusyon sa lupa. Ang tubig ang isa sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao upang
mabuhay. Kailangan ng mga tao ang tubig para
pantawid uhaw, sa pagluluto ng ating mga
pagkain, paglilinis ng ating mga damit at iba pang
mga kagamitan at marami pang iba. Ngunit sa maling gawi ng iba tulad ng pagtatapon ng basura
sa ilog at karagatan, pagtatapon ng mga basura sa kanal na kalaunan ay napupunta rin ating mga
ilog at mga dagat, ang mga duming lumalabas sa mga pabrika, sa mga piggery, at paultry, na
napupunta rin sa mga ilog. Ang mga polusyong ito ay unti-unting pumapatay sa mga isdang
naninirahan sa ating mga yamang tubig, na makakaapekto sa pangunahing pinagkakabuhayan ng
mga magningisda, at pagkawala ng mga sustansyang galing sa yamang tubig.
Ang polusyon sa hangin ay nagmumula sa mga usok na galing sa mga pabrika, usok na
nagmumula sa mga di makinang mga sasakyan, sa pagsusunog ng mga basura, ang lahat ng ito
ay nagpaparumi sa ating nilalanghap na hangin na sa kalaunan ay magdudulot ng pagkakasakit sa
mga mamamayan. Dagdag pa rito ang pagkasira ng ozone layer na siyang sumasala sa mga
mapanganib na radiation mula sa araw.
Ang polusyon naman sa lupa ay dulot ng mga basurang nagmumula sa iresponsableng
mamamayan, na nagtatapon ng kanilang mga basura kung saan-saan. Kabilang din dito ang
pagpuputol natin ng mga puno sa ating mga kagubatan, dulot ng modernisasyon, at paglago ng
populasyon. Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Simula pa lang, maganda na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang
katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat,
walang mga punong pinuputol. Marami sa mga pabrika sa bansa ang walang liquid waste
treatment facilities kaya karaniwang ang mga ilog ang nagiging tapunan ng mga duming
nagmumula sa mga ito. Kapansin-pansin na ang kahabaan ng Ilog Pasig na bumabaybay sa iba’t
ibang lungsod ng Metro Manila gaya ng Pasig, Maynila, Taguig, Makati, Marikina, at Quezon ay
punong-puno ng mga pabrika, lalo na noong dekada ’90. Bukod sa mga pabrikang naglalabas ng
duming likido na hindi isinasailalim sa treatment, pinalalala rin ng paglobo ng populasyon ng
mga naninirahan sa gilid ng Ilog Pasig ang polusyon nito. Ang kawalan ng sentralisadong
pagpaplano sa Metro Manila ang isa sa mga salarin sa walang rending paglobo ng populasyon sa
gilid ng Ilog Pasig.
Sa ibang lugar gaya sa Marinduque, ang pagmimina ay isa ring sanhi ng polusyon sa tubig.
Noong 2005, nagsampa ng kaso sa U.S laban sa may-ari ng Marcopper ang pamahalaang lokal
ng Marinduque uoang papanagutin ang kompanya sa polusyong dulot nito na sumira sa buhay at
kabuhayan ng mga mamamayan doon. Kung ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng
kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng tubig ng mga mamamayan, bukod pa sa
kontaminasyon ng mga anyo ng tubig na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisdang
Pilipino. Ang polusyon naman sa hangin ay sanhi ng pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa
baga at sa puso ng mga Pilipino. Gayunpaman, ayon sa 2006 National Emission Inventory ng
DENR, 65% ng polusyon sa hangin sa bansa ay mula sa mga sasakyan at 21% lamang ang
magmumula sa mga di-natitinag o stationary sources gaya ng mga pabrika at mga planta ng
koryente na gumagamit ng mga fossil fuel gaya ng coal at petrolyo. (Campi) at ng Truck
Manufacturers Association (TMA), patuloy na tumataas ang kabuuang benta ng mga kotse sa
Pilipinas sa mga nakalipas na taon.
Matinding suliranin din ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay tumutukoy sa
kontaminasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at
pagtagas ng mga dumoo o kemikal sa ilalim ng lupa. Ang mga dumi na sanhi ng polusyon sa
lupa ay karaniwang nagmumula sa mga industriyang illegal na nagtatambak ng basura sa iba’t
ibang lugar, mga dumi ng hayop, pagtagas ng nakalalasong likido mula sa mga tambakang
walang pasilidad ng treatment, at paggamit ng mga pestisidyo na may nakalalasong kemikal.
Bukod sa negatibong epekto nito sa sapat na suplay ng pagkain, ang polusyon ng lupa ay sanhi
rin ng mga depekto sa mga sanggol na isinisilang sa mga lugar na kontaminado ang lupa.
Marami ring kaso ng pagkakasakit ng mga tao-tulad ng kanser-na naitatala dahil sa polusyon ng
lupa na nagdudulot din ng kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng tubig at ng mga pananim.

Pagmimina sa Pilipinas; Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan,


Pakinabang para sa Iilan

Lunsaran

Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga reyalisason at sulosyon sa mga


problemang ito. https://www.youtube.com/watch?v=kAL7yeP4qh0

Nilalaman

Ang tanging sanhi kung bakit mayroong


pagmimina ay isa sa ating kailangan ang pagkuha
ng mga mineral na batong ito upang magamit ng
ating mga kababayan para sa ating kabuhayan.
Dumarami ang mga nagmiminahan dahil
malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at
ginagamit nila ito upang sila'y lalong yumaman.
Bagama’t nakapag-aambag nang kaunti sa
ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapay
bigyang-din na nagdudulot din ito ng maraming
suliraning panlipunan at pangkalikasan, gaya ng dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na
karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang ninuno o ancestral domain at mga aksidente sa
pagmimina. polusyon dahil sa pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan, pagtagas ng
petrolyo mula sa mga makinarya at iba pang aparato, pagtagas ng mga kemikal sa waste
treatment facilities, pagbuga ng usok ng mga makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na
dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at paglabas ng methane mula sa mga minahan. Maraming
pangyayari sa bansa ang nagpapatunay na hidni sapat ang proteksiyong pangkalikasan na
ipinatutupad ng malalaking korporasyong nagmimina. Noong 2011, nagsampa naman ng kaso sa
Korte Suprema ang taga-Surigao upang ipahinto ang mapaminsalang operasyon ng limang
korporasyong nagmimina na pag-aari ng mga Tsino, na nagdulot ng polusyon sa katubiagn
bunsod ng open-pit na pagmimina. Ang matinding pinsala sa kalikasan na dulot ng pagmimina
ay maaari sanang maibsan kung ang mga korporasyong nagmimina ay nagbabayad ng sapat na
buwis na maaaring magamit sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala. Sa kasamaang-palad,
hindi gaanong malaki ang ambag ng mga korporasyong nagmimina sa GDP ng bansa, at maliliit
na porsiyento lamang din ito ng kita sa buwis ng gobyerno.
Bunga nito, matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang nilang
nakatiwangwang. Kalimitan pa ang sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang maskarang
mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang ganid na dambuhalang
korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting pumapatay sa
kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang 'di makatuwirang
aktibidades.
Ang pagmimina ay isang pamamaraan upang makuha sa ilalim ng lupa ang mga bagay na
ginagamit natin sa pang araw-araw, tulad bakal na gamit sa kontruksyon at iba pang bagay,
aluminum, na gamit sa mga lutuan, tanso na gamit sa kuryente, ginto para sa mga alahas at
marami pang iba. May mga batas ang ating pamahalaan ukol sa tamang pamamaraan ng
pagmimina at pangangalaga sa kalikasan. Ngunit kalimitan sa mga batas na ito ay hindi
nasusunod na nagiging sanhi ng pagkakakulong ng mga namamahala. Ngunit ang
pinakamalaking epekto nito ay ang sa kalikasan, ang pagkasira ng mga kagubatan, pagkalason ng
mga mamamayan dulot ng mga kemikal na galing sa minahan, pagkawala ng natural na taba ng
lupa, at pagkamatay ng napakaraming mga minero na nagtatrabaho sa minahan. Sa ngayon ay
ipinatigil na ang ganitong mga gawain at patuloy ang ating pamahalaan katuwang ang mga
pribadong kumpanya sa paghahanap ng mga alternatibong pamamaraan upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mga tao na hindi na dadaan sa paraan ng pagmimina.

Deforestation, Mabilis na Urbanisasyon, at Iba p

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay suriin kung paano inilantad ekonimikong


problemang kinakaharap ng mga Pilipino https://www.youtube.com/watch?v=em1eRDsXD4U.

Nilalaman

Isa pa sa mga suliraning pangkalikasan sa


bansa ay ang pagkakalbo ng mga kagubatan
(deforestation). Sa mga nakalipas na mga taon ay
bumilis ang deforestation sa bansa at lalong
lumawak ang saklaw nito, dahil na rin sa paglaki ng
ng populasyon, mabilis na urbanisasyon, legal at
illegal na pagtotroso, pagkakaingin, pagmimina, at
pagkasunog ng kagubatan (forest fire). Kapansin
pansing malaki na ang nabawas sa ating mga kagubatan mula noong 1950 hanggang 1990 dahil
na rin sa talamak na pagtotroso bilang isa sa pinakamalaking pinagkakakitaan ng karamihan
legal man o hindi. Ang pagkawala ng mga kagubatang ito ay nagdudulot ng malakihang pagbaha
at pagguho ng lupa sa ibang lugar. Dagdag pa rito ang pagkawala ng matitirhan ng iba’t-ibang
uri ng mga hayop na naninirahan sa kagubatan na nagiging sanhi din ng pagkamatay at
pagkaubos ng mga ito. Upang maiwasan ang mga ganitong mga sakuna ay kinakailangan ang
reforestation. O ang pagtatanim ng mga halamang nagiging puno, na siya ring tumutulong upang
patatagin ang mga lupa sa kagubatan at maiwasan ang pagguho ng lupa. May iba namang
pamamaraan ng reforestation na nakasisisra rin sa likas na kalagayan ng mga kagubatan sa
bansa. Tulad ng pagtatanim ng mga halamang nakapagbibigay ng mga biofuels tulad ng jatropha
na nakasisira rin sa likas na kalagayan ng ating mga kagubatan sa bansa. Ayon din sa
pananaliksik ng mga grupong pangkalikasan, ang paagtatanim ng mga species na hindi bahagi ng
natural na ekosistema ng isang lugar ay itinuturing na hindi kapakipakinabang na uri ng
reforestation. Ang dapat na ating itanim ay ang mga halamang tulad ng Narra, Molave, Yakal, at
iba pa, na natural na bahagi ng ekosistema ng ating mga kagubatan.
Kapansin-pansin na malaking-malaki ang nabawas sa kagubatan ng bansa mula noong
1950 hanggang 1990, panahong talamak ang pagtotroso dahil sa mataas na demand sa mga
materyales na pang-eksport. Ang Pilipinas' na maliwanag na panganib sa mga natural na
kalamidad ay dahil sa kanyang lokasyon. Isa ng ang pinaka-nagwawasak bagyo na tumama sa
Pilipinas noong 2013 ay Typhoon Haiyan, o "Yolanda", na pumatay ng higit sa 10,000 mga tao
at nawasak ng higit sa isang trilyong pisong halaga ng mga ari-arian at pinsala sa iba ' t ibang
sektor. Iba pang mga kapaligiran mga problema na ang mga bansa ay nakaharap isama ang
polusyon, ilegal na pagmimina at pagtotroso, deforestation, dinamita sa pangingisda, landslides,
coastal pagguho ng lupa, mga hayop pagkalipol, global warming at pagbabago ng klima. Batay
sa pananaliksik ng grupong Kalikasan, ang pagmimina ay sanhi rin ng deforestation dahil
pinayagan ng Mining Act of 1995 ang mga korporasyong nagmimina na mamutol ng puno sa
mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon. Idinagdag pa ng nasabing grupo na ang pagtatanim
ng mga halamang nakapgpoprodyus ng biofuels tulad ng jatropha ay nakasisira rin sa likas na
kalagayan ng mga kagubatan sa bansa. Upang maging kapaki-pakinabang at epektibo ang
reforestation, kailangang ang itanim sa mga kagubatan ng bansa ay ang species tulad ng narra,
molave, yakal at iba pa, na natural na bahagi ng ekonomista ng mga kagubatan sa bansa. Bunga
ng malawakang pagkawasak ng mga kagubatan, ang maraming lugar sa Pilipinas mula sa
Marikina Valley at Rodriguez, Rizal sa Luzon, hanggang sa Davao City sa Mindanao, ay
nawalan na ng natural na proteksiyon sa bagay at pagbaha.

Basura, Baha, at Iba pang Problema

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay tanungin ang sarili ano ang magagawa
mongsolusyon dito bilang tao. https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-
ng-basura-dapat-magsimula-sa-mga-bahay-denr.

Nilalaman

Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na


ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng
kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin,
hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira
ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao
ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon
mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng
bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari
nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang
hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng
basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-
unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga
produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang
pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong
agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng
tahanan; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong
nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa
sangkatauhan. Kahit ang mga hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang
sisihin sa problemang hindi nila kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung saan-
saan na lang binabato ang mga buto ng prutas pagkatapos itong kainin? Ang mga unggoy sa
gubat na kung saan-saan lang tinatapon ang balat ng saging? Ang mga baboy ramo na kung saan-
saan lang tumatae (pasensya na sa mga kumakain)? Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang
solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung maiintindihan natin kung paano
umusbong ang parami nang paraming basura na nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin
masasangkot sa problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao
sa problemang ito.
Sa mga lugar na urban ay karaniwang malaking problema ang basura, na karaniwang isa
rin sa mga dahilan ng pagbabara ng mga kanal at estero, at nakapagpapalala ng baha kapag tag-
ulan. Maaari itong lutasin sa pamamagitan ng waste management o paglimita, pagbabawas o
kaya’y wastong pagtatapon ng mga basurang likido at solido ng naglalayong panatilihin ang
kalinisan ng kapaligiran, at tiyakin na ang mga likas na yaman ng daigdig ay magiging
sustentable para sa mga susunod na henerasyon. Sa mga lugar na hindi bahagi ng nakagawian ng
mga mamamayan ang segregasyon, nauuna ang koleksiyon at pagkatapos isinasagawa ang
segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng mga basura ayon sa mga sumusunod na kategorya:
nabubulok, di-nabubulok ngunit di-nairerecycle; Samantala, ang mga basurang di-nabubulok at
hindi rin nairerecycle ay karaniwang itinatapon sa mga sanitary landfill o mga kontroladong
tambakan ng basura na pinaiibabawan ng lupa kapag puno na. Ang mga basurang nabubulok at
maaaring irecycle (tulad ng mga sisidlang plastik at technology junk gaya ng mga siranng
kompyuter at cellphone) ay ipinapadala sa mga plantang nagrerecycle. Sa maraming bansa
naman, karaniwang sa sanitary landfill ipinapadala ang mga basurang mula sa ospital. Bukod sa
wastong pagtatapon ng basura, ang paglilimita at pagbabawas ng basura ay bahagi rin ng waste
management. Ang dalawang prosesoong ito’y mabisang naipatutupad sa pamamagitan ng
kampanyang reuse, reduce, recycle o kampanya ng muling paggamit o paghahanap ng
mapaggagamitan sa mga bagay na inaakalang patapon na, pagbabawas ng bassura, at
pagrerecycle o pagpoproseso ng basura upang muli itong magamit.
Ang kaunlaran ay isang bahagi ng buhay na nagdudulot ng masaganang pamumuhay,
mabilis na paggawa, mas malaking pinagkukunan ng pinagkakakitaan. Ngunit kung may
maganda ay may masama ding epekto ang kaunlaran, gaya nga ng kanta ng grupong Asin, “hindi
masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan.” Kung saan may kaunlaran,
katuwang na nito ang paglaki ng populasyon. At sa pag-unlad ng lipunan, dumarami rin ang mga
produktong nililikha ng mga tao, mga produktong mula sa pagpapagaan ng proseso ng
pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng mga pagkain, mga produktong nagpapadali sa
pamumuhay at gawain sa loob ng tahanan, mga produktong nagluluwal ng iba pang mga
produkto, at kung anu-ano pa. Kaakibat ng lahat ng ito ay ang pagdami ng BASURA. Karaniwan
na sa mga kanayunan ang pagsunog mga basura sa paligid ng bahay, matapos itong walisin at
ipunin sa isang tabi. Ang iba naman ay ibinabaon sa lupa upang gawing pataba, ngunit papaano
ang plastic na hindi agad natutunaw. Sa ngayon ay may ipinatutupad na batas sa pagbabawal sa
paggamit ng plastic, at sa halip ay mga recyclable materials o ang mga materyales na pwede pa
uling gamitin ang ginagamit bilang pamalit sa plastic. May batas ding ipinatutupad ang
paghihiwalay ng mga nabubulok at di-nabubulok na mga basura. At hinahakot sa itinilagang
petsa. Ngunit sa kabila ng lahat nariyan pa din ang problema sa basura dulot ng kawalan ng
disiplina at pagtatapon ng basura kung saan-saan, at ang hindi paghihiwalay ng mga nabubulok
at di-nabubulok na basura. Ang problema sa basura ay kalimitang nasasaksihan sa urban na lugar
na nagiging sanhi ng pagbabara ng mga kanal at estero, na nagdudulot naman ng pagbaha sa
panahon ng tag-ulan. Masosolusyunan ang lahat ito sa pamamagitan ng proper waste
management , recycling at pagsunod sa itinalagang mga batas ukol sa pagtatapon ng basura.
Hindi lamang nasesentro ang basura sa mga material na bagay. Isa sa mga dapat na
pagtuunan ng pansin ay ang komunikasyon. Mahalaga ang komunikasyon sa pang araw-araw na
buhay ng tao. Mula sa pakikipagtalastasan upang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin.
Susi rin ang komunikasyon sa pagpapalaganap hinggil sa mga bagong patakaran ng gobyerno
kaugnay sa isyung panlipunan. Sa lebel naman ng akademiya na kinabibilangan ng mga
estudyante at guro, walang pananaliksik ang maisasagawa ng maayos at mabisa kung wala ang
komunikasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito nariyan pa rin ang pagkalat ng mga maling
impormasyon sa social media sa pamamagitan ng facebook, youtube, messenger at kung anu-ano
pa. Ang mga maling impormasyong ito ay maitututring na basurang lumalason sa kaisipan ng
ating mga kabataan.
Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal
Bilang mga mag-aaral ng komunikasyon sa Filipino, isang kahingian na maunawaan ang
mga tinatalakay sa suliraning lokal at nasyonal. Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng
pakikipagtalastasan sa paglalarawan, pagtalakay, at paghahanap ng mga solusyon sa mga
problema n gating mga komunidad at ng buong bansa. Sa antas ng lokal at nasyonal na
gobyerno, mahalaga ang komunikasyon upang matiyak na matitipon ang input mula sa mga
komunidad para sa pagpaplano ng mga patakaran at aksiyon ng pamahalaan hinggil sa mga
nabanggit na suliraning lokal at nasyonal. Susi rin ang komunikasyon sa iba’t ibang paraan
upang maipalaganap ang impormasyon hinggil sa mga bagong patakaran ng gobyerno kaugnay
ng mga isyung panlipunan. Sa lebel naman ng akademiya o unibersidad na kinabibilangan ng
mga estudyante ng komunikasyon, walang pananaliksik na maisasagawa nang maayos at mabisa
kung walang pagmamasid, pagtatanong, pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, at
pakikipamuhay sa mga komunidad ng mga kapuwa Pilipino. Samakatuwid, mahalaga ang
kasanayan sa komunikasyong Filipino sa pagbabahaginan ng salaysay at karanasan sa iba’t ibang
pangkat sa mga komunidad na ating kinabibilangan.

Mga Gawain
Gawain 1:
1. Ano -ano ang sanhi at bunga ng kahirapan sa bansa? Paano malulutas ang
matinding kahirapan, sa iyong opinyon?
2. Posible bang maisakatuparan sa Pilipinas ang sustentableng kaunlaran? Paano o
bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, ano sa mga tinalakay na suliranin ang pinakamahalagang
problema na dapat unang lutasin? Ipaliwanag.
Gawain 2: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng vlog na ilalagay sa FB Closed Group ng klase. Ang
vlog ay iikot sa kanilang mga reyalisasyon sa panahong ito na may krisis na
kinakaharap ang mundo. Ang nasabing vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3
minuto. Inaasahang ang vlog na ito ay gagawin lamang sa kani-kanilang tahanan
bilang pagtugon sa mandato ng General Community Quarantine.

Rubrik sa Vlog
Kulang sa
Napakahusay Mahusay
Kategorya Kasanayan Iskor
(5) (3)
(1)
Nilalaman Komprehensibo ang Malinaw ang Naging mahaba ang
ginawang pagtalakay pagkakalahad ng pagtalakay sa vlog at
sa paksa, malinaw na paksa, nagtataglay hindi kakikitaan ng
nailahad ang mga ng mga mga mahahalagang
impormasyon, importanteng detalye impormasyon na
kompleto ang mga subalit hindi nito magpapatibay sa
detalye at kakikitaan napatibay ang ang paksang tinatalakay.
na dumaan sa mga impormasyong
masusing pag-iisip tinalakay sa vlog.
ang vlog.
Kombensyon Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal Nagtataglay ng
ng nilalaman lohikal ang ang pagkakahanay kompletong
pagkakahanay ng mga ng impormasyon, impormasyon subalit
impormasyon, naiorganisa ang mga hindi naihanay ng
naiorganisa ang mga detalye, nagamit ang lohikal ang mga
detalye, maayos ang mga pang-ugnay detalye na
pagkakagamit ng mga para mailahad tindig. magpapatibay sa
pang-ugnay para Ang paliwanag ay ideyang tinatalakay.
mailahad ng buong malinaw at May bahagi ng FB
husay ang tindig, may makabuluhan subalit post na nakapagdulot
kaisahan ang mga kinakulangan ng ng kalituhan sa
ideya, at naging mga salitang mambabasa dahil sa
malinaw, mahusay at magpapaigting ng ilang pahayag na
makabuluhan ang pagkaunawa ng hindi kaugnay ng
pagtalakay sa mambabasa sa paksa. Lumabis o
paliwanag. Sumunod paliwanag. kumulang sa
sa tinalagang haba ng tinalagang haba ang
vlog. vlog.
Kaakmaan sa Komprehensibo ang Malinaw ang Naging mahaba ang
paksa ng ginawang pagtalakay pagkakalahad ng pagtalakay sa paksa
gawain sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay at hindi kakikitaan
akma ang larawang ng mga ng mga
ginamit, kompleto ang importanteng detalye mahahalagang
mga detalye at subalit hindi nito impormasyon na
kakikitaan na dumaan napatibay ang ang magpapatibay sa
sa masusing pagiisip. mga impormasyong paksang tinatalakay.
tinalakay sa paksa.
Kasanayan sa Magaling at angkop Angkop ang kilos, Madalas ang mga
Pagsasalita ang kilos, galaw at galaw at kumpas na pagkakataon na
kumpas sa nilalaman kinakailangan sa hindi angkop ang
ng vlog; kumikilos ng talumpati, ngunit kilos at galaw sa
naaayon sa paraang may mga nilalaman ng vlog, o
mabibigyang-diin ang pagkakataong blanko may kakulangan sa
sinasabi. ang emosyon na kinakailangang
hindi tumutugon sa emesyon.
pinapahayag.
Kabuuang
Iskor

Gawain 3: Gagawa ang mga mag-aaral ng FB post sa FB Closed Group ng klase na may larawan
at paliwanag (caption) na sumasalamin o nag-uulat ng kanilang kalagayan sa gitna ng
sitwasyong ito. Isasaalang-alang sa paggawa ng FB post ang paglalagay ng mga tiyak
na impormasyon at ang pag-iwas sa mga fake news. Ang mga larawan na gagamitin
ay inaasahang kuha sa sariling tahanan bilang pagtugon sa mga napapanahong isyu.

Rubrik sa FB Post
Kulang sa
Napakahusay Mahusay
Kategorya Kasanayan Iskor
(5) (3)
(1)

Kaugnayan Maayos ang Maayos ang Hindi naipaliwanag


ng larawan pagkakahabi ng pagkakahabi ng ng maayos ang
sa paliwanag paliwanag at may paliwanag subalit larawang ginamit.
direktang kaugnayan hindi direktang
sa larawan na ginamit. naipakita ang
kaugnayan nito sa
larawang ginamit.
Kombensyon Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal Nagtataglay ng
ng nilalaman lohikal ang ang pagkakahanay kompletong
ng pagkakahanay ng mga ng impormasyon, impormasyon
paliwanag impormasyon, naiorganisa ang mga subalit hindi
naiorganisa ang mga detalye, nagamit naihanay ng lohikal
detalye, maayos ang ang mga pang- ang mga detalye na
pagkakagamit ng mga ugnay para magpapatibay sa
pang-ugnay para mailahad tindig. ideyang tinatalakay.
mailahad ng buong Ang paliwanag ay May bahagi ng FB
husay ang tindig, may malinaw at post na
kaisahan ang mga makabuluhan nakapagdulot ng
ideya, at naging subalit kalituhan sa
malinaw, mahusay at kinakulangan ng mambabasa dahil sa
makabuluhan ang mga salitang ilang pahayag na
pagtalakay sa magpapaigting ng hindi kaugnay ng
paliwanag. pagkaunawa ng paksa.
mambabasa sa
paliwanag.
Kaakmaan Komprehensibo ang Malinaw ang Naging mahaba ang
sa paksa ng ginawang pagtalakay pagkakalahad ng pagtalakay sa paksa
gawain sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay at hindi kakikitaan
akma ang larawang ng mga ng mga
ginamit, kompleto ang importanteng mahahalagang
mga detalye at detalye subalit hindi impormasyon na
kakikitaan na dumaan nito napatibay ang magpapatibay sa
sa masusing pagiisip. ang mga paksang tinatalakay.
impormasyong
tinalakay sa paksa.
Kabuuang
Iskor

You might also like