You are on page 1of 22

ISANG PAG-AARAL SA IBA’T-IBANG SALIK AT EPEKTO SA MAGSASAKA NG

PAGBAGSAK PRESYO NG PALAY SA PROBINSYA, TAONG 2019-2020

Isang Pananaliksik na inihanda para kay

Bb. Venus Villeza

Bilang pagtupad sa Pambahaginang Pangangailangan sa Asignaturang


Filipino
Pananaliksik XI

Ni

Erica M. Cabral
Grade 12- St. Scholastica

Disyembre 2020
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Bumagsak sa dose pesos (P12) kada kilo ang benta ng palay ng mga

magsasaka. Ayon kay Butil Party-list Representative Cecilia Chavez,

ito ay maaaring epekto ng “Rice Tariffication Law” kung saan walang

limitasyon sa pag-aangkat ng bigas. Dagdag niya na bukod sa nasabing

batas, maaari din dala ng epekto ng El Niño kaya’t mababa ang

presyuhan sa palay.

Naniniwala naman si National Development and Economic Authority

(NEDA) Assistant Secretary Meroy Sombilla na masyado pang maaga para

masabi na ang pag-aangkat ng bigas ang sanho ng pagbagsak ng presyo ng

palay.

Ayon naman kay Agriculture Secretary William Dar, may mga lugar

na P8 hanggang P10 na lang ang kilo ng palay sa ibang lugar kaya’t

minadali na ng kagawaran ang iba’t-ibang hakbang upang matulungan ang

magsasaka. Sinusuportahan din ng FFF (Federation of Free Farmers) ang

paghihigpit ng pagbabantay sa mga peste at sakit para maawat ang

pagpasok ng imported rice. Masuwerte na kung mabibili ang palay ng

katorse (P14) hanggang kinse (P15) pesos kada kilo.

Sa mga pahayag na nasabi, makikita na sobrang laki ng ibinaba ng

presyo ng palay na dati’y bente-tres (P23) pesos ngayon ay kinse (P15)


pesos pababa na. Maraming mga lugar na ang naapektuhan dito at ang mga

magsasaka ay tila bang hirap na hirap na dahil sa mga pangyayari. Sa

pangyayaring ito, marami ang lalong naghihirap gaya ng wala ng pambili

ng pagkain o ang pantawid pamilya nila. Marami ring magsaaka ang

namamatay dahil sa sobrang pagkayod nilang magtabraho para sa pamliya

ngunit ang kalapit naman nito ay pagbaba ng presyo sa mga kilo ng

palay na nagpapahirap sa kanila. Marami parin sa kanila ang gumagapas

sa lupang hindi nila pag-aari,maraming buhay ang umunlad dahil

nagsisikap ang mga magsasakang hindi nagsawang magtanim anumang

kalagayan ng panahon ang sumapit.Hindi nila alintana ang init ng

araw,hagupit ng bagyo, o maging ang pag-alis ng tahanan bago o maging

liwanag at pagbalik na ay nakalubog na ito.

Mataas na gastos, mababang kita. Ilan lamang iyan sa mga salitang

masasabi. Totoong malaki ang gastos ng mga magsasaka sa palay dahil

marami rin itong kailangan gamit at produkto upang mas maganda ang

palay at ang ani nito ngunit sa taong ito at sa Pagkakataong ito

mababa at kakaunti lamang ang kanilang makukuha dito tila kulang pa,

para sa mga utang at kailangan ng pamilya. Isa pang kasabihan,

magsasaka ang nagtanim ngunit sila ang nagugutom.Hindi purket

magsasaka ay talagang sagana sa palay ngunit iba sa ngayon dahil sa

pagbagsak ng presyo pati magsasaka ay nagugutom na. Wala silang sapat

na puhunan dito, ang iba pa ay imbis na kumain sila ginagawa nilang

doble kayod sa palay kumita man ito.


KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Nilagdaan ni Panulong Duterte para tuluyang maging batas ang

‘Rice Tarrification Bill’ na magtatanggal sa limitasyon sa pag-aangkat

ng bigas mula sa ibang bansa.Inaasahang papasok sa bansa ang mas

maraming imported na bigas na pinaniniwalaang maging daan para

bumagsak ang presyo nito. Nauna nang sinabi ni Fnance Secretary Tony

Lambina na aabot sa Php 2-27 ang mababawas sa presyo ng bigas.

Pebrero ngayon taon ng pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang

pagsasabatas ng Senate Bill 1998, na naging RA 11203 o mas kilala

bilang Rice Tarrification Law. Sa batas na ito, tinatanggal ang

anumang ‘qualitative restriction’ o bilang ng maaring ipasok na bigas

sa Pilipinas, ngunit lahat ng angkat na bigas ay lalagyan ng taripa na

35-50%. Layunin ng batas na ito na tugunan ang anumang pagkukulang ng

supply ng bigas para sa lumolobong populasyon ng mga Pilipinas,

pababain ang presyo ng bigas sa merkado, at himuking pahusayin ng mga

magsasaka ang kalidad ng kanilang produksyon.Sinasabi din sa batas na

ito na bibigyan ng subsidiyang tinatawag na “Rice Competitivenes

Enhancement Fund” ang mga magsasaka kung saan bibigyan sila ng pondo

ng gobyerno para ipambili ng binhi upang magkaroon sila ng maayos na

kagamitang pansaka.

Dahil sa paglagda ng Presidente sa batas na ito, ang magsasaka ay

talagang nahihirapan sa kalagayan ng palay at bigas ngayon. Nasabi din

dito na binigyan ng pondo ang mga magsasaka para sa kanilang

kagamitang pansasaka ngunit hindi ito sapat para mapunan ang hirap at
sakit na nararamdaman ng mga magsasaka ngayon. May mga taong

nagdadalawang isip kung ipagpapatuloy pa ba nila ang buhay sa

pagsasaka o ipagbili na lang ang mga lupa na sinasaka. Malaking tulong

na rin ang pondo na ibinibigay ngunit paano kung kaagad itong naubos

dahil sa dami ng pangangailangan.Wala ring matitita sa kanila maaring

lugi pa sila.

BALANGKAS TEORITIKAL

Nitong mga nakalipas na linggo may mga nababasa tayong mga

artikulo at balita tungkol sa hinaing ng mga lokal na magsasaka

kaugnay sa pagbaba ng presyo ng palay sa bansa.

Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus lamang sa katatapos

na May 13, 2019 “Midterm Election”. Base sa kanilang reklamo nitong

katatapos na anihan, ang presyo ng palay ay binibili na lamang sa

halagang katorse pesos (P14) kada kilo mula sa dating mataas na presyo

noong hindi pa ipinapatupad ang Rice Tarrification Law o RA 11203.

Ito’y nagpapahintulot sa mga pribadong negosyante mula sa mga kalapit

na bansa sa South East Asia.

Ang pagbagsak ng presyo ng palay ay bunsod ng patuloy na pagpasok

at pagbaha ng suplay ng angkat na bigas sa merkado. Tiyak na lalo pang

iiyak ang ating mga magsasaka dahil pinabilis o pinaiiklian nan g

gobyerno ang pagproseso ng Rice Liberalizaion Act. Ayon sa grupong

National Movement for Food Sovereignty, nasa P1 hanggang P2 lang ang


binaba ng presyo ng bigas sa mga palengke. Mas kaunti pa ito sa P7

bawas na ipinangako ng mga mambabatas.

Ayon naman kay Department of Agriculture (DA) Spokeperson Noel

Reyes, sisiguruhin nilang mabibigay sa mga magsasaka ang pinangakong

P10 bilyong pondo na tulong sa kanila. Nakiusap din ang DA sa mga

magsasaka at mga consumer na bugyan ng pagkakataon ang batas, lalo’t

para naman umano ito sa pagpapalakas ng sector ng agrikultura sa

bansa. Sinasabi ng mga senador na bigyang pansin o pagkakataon ang

batas ngunit marami parin ang hindi sumasang-ayon sa naturang batas na

nilagdaan ng Presidente.

Ayon kay Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao, dahil sa batas

na ito na iniakda nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Sen.

Cynthia Villar, bumabagsak na umano ang may 2.3 milyong magsasaka sa

buong bansa. May parte parin ng bansa na P18.87 kada kilo ang bentahan

kumpara sa mahigit P20 kada kilp noon. Dahil dito may pagkakataon na

tuluyang mawalan na ng gana ang magsasaka.

Sa lahat ng pagpapakahulugan ng iba’t-ibang mambabatas,

mapapansin na lahat sila ay pabor na pabor dito sa batas kahit pa

nahihirapan na ang mga mamamayan. Hindi alam ng mga mambabatas kung

gaano kahirap ang dinaranas ng magsasaka. Ang kanilang kaisa-isahang

panghanapbuhay ay tila na nawawalan nan g halaga dahil sa mga angkat

na bigas mula sa ibang bansa. Marapat lamang na bigyan ng pansin ng

mga mambabatas ang nasabing problema sa bansa, ito ay dapat bigyan ng

halaga at hindi sinasawalang bahala lamang. Ang mga iba’t-ibang

problema na hindi gaano malalim ay nakakaabot sa Presidente at sa iba


pang namamahala at ito ay talagang tinutugunan nila ngunit itong

pagbaba ng presyo ng palay ay wala silang magawang solusyon na

ikababangon ng mga magsasaka.

BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT PROSESO AWPUT


Isang Pag-aaral Ang mananaliksik ay  Mga salik at
tungkol sa Iba’t- magsasagawa ng isang epekto kung
ibang Salik at surbey na mamama bakit bumababa
Epekto sa mga hagi ng talatanungan ang presyo ng
Magsasaka ng sa anak ng mga palay.
Pagbagsak Presyo ng magsasaka.  Mga posibleng
Palay sa Probinsya, solusyon para
taong 2019-2020 makabangon at
makabawi ang
magsasaka.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Isang Pag-aaral tungkol

sa Iba’t-ibang Salik at Epekto sa mga Magsasaka ng Pagbagsak Presyo ng

Palay sa Probinsya, taong 2019-2020”, nais malaman ng mananaliksik

kung ano ang epekto ng pagbagsak ng palay sa mga magsasaka. Ang

layunin ng pag-aaral na ito ay masagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang dahilan ng pagbagsak presyo ng palay?


2. Ano ang mga posibleng paraan upang mabawasan o maiwasan ang

pagbagsak presyo ng palay na nakaka-apekto sa mga magsasaka?

3. Bakit mahalaga ang pagsasaka sa mga mamamayan?

4. Paano nakakatulong ang pagsasaka sa pangkabuhayan?

5. Gaano kahirap ang pagiging isang magsasaka?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay tinukoy lamang ang salik at epekto ng

pagbagsak presyo ng palay sa mga magsasaka, dahil ngayon marami ng mga

magsasaka ang naaapektuhan at nahihirapan kaya’t napasang-ayunan ng

mga mananaliksik na ipakita ang salik at epekto sa mga magsasaka ang

pagbagsak presyo ng palay sa Probinsya upang makatulong sa kanila na

dapat magpatuloy parin sila sa gitna ng hamon.

Ang respondent ay angg mga anak ng magsasaka sa Naujan Academy na

may total na tatlumpu (30).

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makakapagbigay

benepisyo sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral, makakatuloy ang pag-aaral na ito dahil

malalaman nila kung paano naghihirap at patuloy na lumalaban ang mga

magsasaka sa kabila ng daming problema na kani-kanilang dala.

Magkakaroon din sila ng sapat na ideya kung ano ang nararamdaman ng

bawat magsasaka at kung ano ang epekto nito sa kanila.


Para sa mga mambabatas, makakatulong itp upang malaman nila ang

mga hinaing ng bawat magsasaka at upang makabuo sila ng plano upang

solusyunan ito at maibalik muli ang dating presyo ng palay.

Para sa mga magulang, makapagbibigay ito ng kaalaman upang mas

maintindihan nila ang magsasaka at malaman nila kung ano ang kanilang

maitutulong.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

 Rice Tarrification Bill- nagtatanggal sa limitaon sa pag-aangkat

ng bigas mula sa ibang bansa.

 Qualitative Restriction- bilang ng mga maaaring ipasok na angkat

sa Pilipinas.
KABANAT II

KAUGNAYAN SA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa librong “A Comprehensive History of Irrigation in the

Philippines”, ang mga sinaunang naninirahan sa Pilipinas ay sumabak sa

iridong paraan ng pagsasaka. Ayon kay Robert B. Fpx, naging pinuno ng

Anthropology Division of the National Museum of the Philippines sa

loob ng maraming taon, sinimulang isagawa ang pagsasaka noong

“Neolithic Age” o Panahon ng Bagong Bato. Ayon sa mga dalubhasa sa

kasaysayan ng pagsasaka, noong 1500 B.C ay dumating ang unang

mandarayuhan at ito ay kilala bilang photo-Malay.

Mula sa aklat na “Kamtin ang Ahrikulturang MakaMASA” ng

‘Agriculture and Fisheries Information Division’, ang mga kailangan at

karaniwang ginagamit sa pagsasaka ay matatabang lupa, isang bag na

binhi ng palay para sa isang ektaryang lupa, patubig na may dalawa

hanggang tatlong sentimentong lalim, abonong di organiko, pamatay-

damo, insecticides, karit gamit sa paggapas ng palay, makinang may

sariling ‘blower at cleaner’ para sa paggiik, makinang tuyuan ng

palay, ito ay tumutukoy sa pagkolekta ng tangkay na kasama ang mga


uhay. Sa pag-aani, kailangang kalkuhin ang tamang panahon ng pag-aani

upang matiyak ng mataas na kalidad ng binhi, mataas ng presyo ng palay

sa pamilihan at maraming mamimili. Nangangailangan ng 60-80 na oras at

tao upang maani ang isang ektarya at 40 oras-tao upang maikma ang

naaning palay.

Ayon sa mga sector ng ekonomiya-agril=kultura, mahalaga ang

pagsasaka dahil nakapaghahatid ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga

produktong iniluluwas sa iba’t-ibang panig ng daigdig, dito nagmumula

ang pagkain ng lipunan, napapakinabangan ang malaking ektarya ng

lupain sa Pilipinas, at nakatutulong pa ito sa iba pang sector ng

ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.

Batay sa pag-aaral na ito, madaming proseso ang ginagawa upang

makamtan ang bigas o palay na syang kinabubuhay ng lahat dito sa

Pilipinas. Masasabi rin na ito ang pinakamahalagang produkto para sa

mga Pilipino sapagkat ito ang pangunahing pagkain. Maraming produkto

ang kinaiilangan uoang maging maganda at sagana ang palay na aanihin

ngunit sa taon at panahon ngayon kahit gaano pa kaganda ang palay

bagsak presyo parin ito sa batas ngayon.

LOKAL NA LITERATURA

Sa ilalim ng Agreement on Agriculture ng World Trade Organization

na pinirmahan ng mga miyembrong bansa noong 1995, naka-komit ang


Pilipinas na papalitan nito ang mga “qualitative restriction” sa pag-

angkat ng mga produktong agricultural ng buwis o taripa.

Ayon kay Manuel (2012), sa kanyang artikulo na “Solution to

Poverty: Agriculture, Fisheries”, ang gobyerno at iba pang pribadong

sektor ay dapat bigyan ng pansin at pataasin ang porsiyento ng puhunan

sa agrikultura at pangisdaan sa Pilipinas at sa ganoon ay magkakaroon

ng trabaho, seguridad ng suplay ng pagkain at makatulong labanan ang

kahirapaan lalo na sa mga rural na lugar.

Ayon kay Guste (2014), sa kanyang artikulo na “Poverty among

Arbs” na mula sa ‘Ibon Facts and Figure’, ang saklaw ng kahirapaan ay

nananatiling mataas lalo na sa panlalawigan. Kabilang ng kabuhayan sa

pagsasaka, na ang estatika ng kahirapan ay nananatiling hindi

nagbabago mula 1985 hanggang 2009 na mayroong 57 porsiyento. Sinasabi

sa artikulo na ito na ang kahirapan ang pangunahing problema ng bawat

Pilipino sa ating bansa at maging sa ibang bansa.

Bata sa mga ito, ang palay o bigas ang nag-aangat sa kahirapan ng

mga Pilipino. Laganap na sa Pilipinas ang kahirapan kaya’t ang

pinagkukunang hanapbuhay nila ay ang pagsasaka na syang magiging daan

upang umangat sa buhay. Dapat bigyang pansin ang porsiyento ng palay.

Ang mga magsasaka ay dapat bigyan ng pansin at solusyunan ang

problemang ito.
BANYAGA NA PAG-AARAL

Ayon kay Jadhau A.S., Gaikwad C.B., Shaikh AA. and Tumabare A.D

(2007), ang naninira sa organikong produkto at pagsasaka ay may

kaugnayan sa hinaharap at sa kasalukuyang agrikultura, sa pag-aaral na

ito mayroong pag-aalala o pagkabahala sa mga masinsinang kemikal na

magdudulot sa kalusugan at kapaligiran.

Ayon kina Kokate K.D., Kharde P.B and Ahire M.C (2007), ang pag-

aaral na ito ay tumutukoy sa sosyak na speto at makukuhang benepisyo

sa pagsasaka at tumutukoy din sa mga hinaharap na problema ng mga

magsasaka.

Ayon kina Adhikari T. Manna M.C and Biswas A.K (1997), ang mga

organikong produkto sa pagsasaka ay makakatulong sa pagpapataba ng

lupa. Dagdag pa nila may mga hindi ding magandang naidudulot ito at

ang pagpapayabong dito.

Sa mga pag-aaral na nasab, makakatulong talaga ang mga organikong

produkto upang maging maganda ang kalabasang palay ngunit hindi

maiiwasan ang mga peste na umaataki dito kung kaya’t dapat alerto ang

bawat magsasaka sa kanilang palayan. Nasabi rin na may mga panahon na


hindi din nakakatulong ang ibang produkto kaya dapat gamitin o bumili

lang sa paraan na talagang gagamitin ito.

BANYAGA NA LITERATURA

Ayon kay Kent, R. (2010), ang pagsasaka at agrikultura ay

napakaimportanteng hanapbuhay para sa mga magsasaka sa kabila ng

kakulangan sa hanapbuhay at limitadong pagkakataon dito.

Ayon naman kay Sharma, J.L (2011), may mga paghihirap din na

nararanasan sa pagsasaka na kailanan paring gawin upang may pantustos

sa pamilya kaya’t ang gobyerno ay nagsagawa ng polisiya upang

suportahan ang sector sa pagsasaka.

Para naman kay Kumar, A. vol 3(2011), sinubukang pag-aaralan ang

kahirapan at agrikultura sa India at may tulong din ang gobyerno,

‘National and International Agencies and Civil Societies’. Pinag-

aralan din ang kahalagahan ng pagsasaka at pantay na pakikisalamuha.

Sa kabuoan, ang gobyerno at iba pang ahensya sab nag bansa ay

tumutulong sa mga magsasaka o sa pag-aagrikultura upang mas may

pantustos sila sa buhay. Gumagawa talaga sila ng paraan upang umunlad

ang buhay nila at para makatulong sa iba’t-ibang pamilyang naghihirap.


KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik ang naisa gamitin ng

mga mananaliksik upang makuha nag tama at ang nararapat na datos.

Ito ang sangkap na disenyo sa pag-aaral sapagkat ang layunin ng

mananaliksik ay malaman ang resulta ng isang pag-aaral sa iba’t-ibang

salik at epekto sa mga magsasaka ang pagbagsak presyo ng palay sa

probinsya, taong 2019-2020. Maiisagawa ang pagkuha ng datos sa piling

mag-aaral sa paaralan ng Naujan Academy. Paggawa ng talatanungan na

ibibigay sa respondent ng pananaliksik. Ito ang pagkuha ng impormasyon

na pupuno sa pag-aaral.

PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE


Upang makakuha ng impormasyon na maikalap sa pananaliksik gagamit

ng “purposive o judgemental sampling” kung saan ito ay ang may

kakayahan upang sagutan ang mga talatanungan, 30 respondente sa piling

mag-aaral ng Naujan Academy. Ang mga respondent ay makakatulong sa

pagsusuri ng mananaliksik. Ang kanilang sagot ay ang magiging sagot

din sa pag-aaral na ito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o listahan ng mga

gabay na tanong. Ang talatanungan ay naglalaman ng iba’t-ibang pananaw

ng mga respondent sa piling mag-aaral ng Naujan Academy na

makakatulong na magbibigay ng impormasyon upang makompleto ang pag-

aaral.

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) kung OO ekis (x) namna kung HNDI. Basahing

mabuti ang bawat katanungan.

PAHAYAG OO HINDI

1. Ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa ang

dahilan ng pagbaba ng presyo ng palay sa probinsya.

2. Isang dahilan rin ng pagbaba ng presyo ng palay ay nag

EL Niño o ang tag-init.

3. Pagsasaka ang tanging pangunahing hanapbuhay ng mga

mamamayan upang matustusan ang kanilang pangangailangan.


4. Nakakatulong sa mga magsasaka ang ‘Rice Tarrification

Bill’ o ang pagtanggal ng limitasyon sa pag-aangkat ng

bigas mula sa ibang bansa.

5. Mahirap para sa mga magsasaka ang isyu tunkol sa palay

na pinagdadaanan ngayon sa bansa.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Nakasaad dito ang paraan kung paano kumuha ng datos ang

mananaliksik. Gunawa ng talatanungan ang mananaliksik upang malaman

kung ano ang kanilang mga personal ma saloobin ukol sa nasabing paksa.

Mas napadali ang pagsasama-sama ng mga datos dahil nakasulat ang

kanilang mga sagot. May pagpipilian ang mga respondent kaya hindi

mahihirapan ang mga ito sa pag-intindi at pagsagot sa mga tanong.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at


pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap tungkol sa Iba’t-Ibang Salik
at Epekto sa mga Magsasaka ng Pagbagsak Presyo ng Palay sa Probinsya.

1. Ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa ang dahilan ng pagbaba


ng presyo ng palay sa probinsya.

OO- 20 HINDI- 10

Batay sa nakuhang datos, 20 mula sa 30 na mag-aaral ang sumang-


ayon na ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa ang dahilan ng
pagbaba ng presyo ng palay sa probinsya.

2. Isang dahilan rin ng pagbaba ng presyo sa palay ay ang El Nino.

OO- 17 HINDI- 13
Batay sa nakuhang datos, 17 mula sa 30 na mag-aaral ang sumang-
ayon na isang dahilan rin ng pagbaba ng presyo sa palay ay ang El
Nino.

3. Pagsasaka ang tanging pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan upang


matustusan ang kanilang pangangailangan.

OO- 27 HINDI- 3

Batay sa nakuhang datos, 27 mula sa 30 na mag-aaral ang sumang-


ayon na ang pagsasaka ang tanging pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan upang matustusan ang kanilang pangangailangan.

4. Nakakatulong sa mga magsasaka ang ‘Rice Tarrification Bill’ o ang


pagtanggal ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

OO- 8 HINDI- 22

Batay sa nakuhang datos, 22 mula sa 30 na mag-aaral ang hindi


sumang-ayon na nakakatulong sa mga magsasaka ang ‘Rice Tarrification
Bill’ o ang pagtanggal ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa
ibang bansa.

5. Mahirap para sa mga magsasaka ang isyu tungkol sa palay na


pinagdadaanan sa bansa.

OO- 25 HINDI- 5

Batay sa nakuhang datos, 25 mula sa 30 na mag-aaral and sumang-


ayon na mahirap para sa mga magsasaka ang isyu tungkol sa palay na
pinagdadaanan sa bansa.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa konkluyon at rekomendasyon


tungkol sa epekto sa mga magsasaka ang pagbagsak presyo ng palay.

LAGOM

Batay sa resulta ng datos, ang mananaliksik ay nakabuo ng mga


sumusunod:

1. Malaking problema sa mga magsasaka ang pagpapatupad ng “Rice


Tarrification Law”.
2. Ang tanging pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay ang
pagsasaka.
3. Ang pabago-bagong panahon o klima ay may masamang dulot sa pag-
aani.
4. Malaki ang gastos ngunit kakaunti ang kita.
KONKLUSYON

Bilang konklusyon, napatunayan na maraming pagsubok ang dinaranas


ng mga magsasakang Pilipino. Tunay ngang napaka-sakit para sa kanila
ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Sa laki ng gastos upang
mapaganda ang palay ay sya namang maganda ang bunga ngunit hindi sa
lahat ng pagkakataon, depende ito sa klima o panahon. Marami pa rin
ang nalulugi dahil sa mga iba’t-ibang dahilan. Ang mga Pilipinong
magsasaka ay tunay na matatag at malakas ang loob na sa bawat dapa ay
kasabay ang pagbangon muli.

REKOMENDASYON

Batay sa resulta at konklusyon ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay


inirerekomenda:

Para sa mga magsasaka: Huwag sumuko sa bawat laban dahil darating din

ang araw na magiging maganda ang ani. Maging matatag at

magpalakas ng katawan upang mapaganda at maisaayos ang palay.

Para sa mga anak: Tulungan ang magulang at isipin ang bawat kilos nila

dahil sa ito’y para sa kinabukasa ng pamilya. Kung walang sapat

na kakayahan, palakasin ang loob ng mga magulang upang sila’y may

mapaghugutan ng lakas at maaari din namang tumulong.


Para sa mga mambabatas: Pakinggan ang bawat hinaing ng mga Pilipinong

magsasaka. Tulungan sila sa bawat gastusin o mapatagtag man lang

ang Rice Tarrification Law ay malaking ginhawa na sa mga

mamamayan. Maging mapagmasid din sa sinasakupang bayan.

Para sa susunod na mananaliksik: Makakatulong ito upang madagdagan ang

impormasyon at ideya ng pag-aaral.

You might also like