You are on page 1of 6

MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA SA PILIPINAS

PABLO, NOLI C.
LAGERA, ANJELO J.
OBANE, VALLERY A.
MERIÑO, JOHN BRYAN I.
MONARES, KYLE AREL C.
MANIGBAS, CRIS JULIAN A.
LOGRONIO, ZANDREI MIGUEL F.
LAYUGAN, EARL NICK ANDREI D.
LA TORRE, CHRISTIAN PRINCE S.
PADERNILLA, MAXINE YSABEL ROSE M.

Nobyembre 2019

1
MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA SA PILIPINAS

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na bansa dahil bukod sa


pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan ng mga Pilipino
at ginagampanan nito ang isang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.

Sa kabila ng mga ito ang patuloy na paglaki ng populasoyn, paglawak ng


panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para
sa pagsasaka. Dahil dito kinakailangan mapalakas ang pagiging produktibo ng mga
natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon
ng bansa na nasa mahigit 100 milyon. Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit
pang mga suliranin sa kalagayan ng ating kapaligiran.

Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones


(2005) ay ang pagbibigay ng prayoridad at bigat ng pamahalaan sa sektor ng industriya.

Ang kawalan ng prayoridad ng ating gobyerno sa sektor ng agrikultura ang isa sa


nagiging dahilan ng kawalan ng trabaho ng ibang mamamayan lalo na sa lugar kung saan
ito ang pangunahing hanapbuhay. Ang mababang estado ng agrikultura ay nagpapanatili
sa ganitong sitwasyon ng bansa. Ang sektor ng ekonomiya ang mas binibigyan ng
prayoridad ngunit hindi naman bumababa ang kahirapan sa ating bansa. Ang
estratehikong ito ay makikitang hindi epektibo (Benales, Ravina & Zafra, 2019).

Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga


imprastrakturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga Nakita nina Dy
(2005) at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na
kinakailangan matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries
Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng
sektor upang masiguro ang pagpapaunlad nito.

Ayon sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics isa sa bawat tatlong Pilipino ang
magsasaka. Sa Cabanatuan, Iloilo, ilang ektarya ng taniman ang walang irigasyon, kahit
sila pa ang unang natayuan sa labas ng Luzon. Ayon kay Mary Grace Montana, isang

2
magsasaka "malayo ang irigasyon dito, makakarating kapag may pera". Samakatuwid,
mahirap ang magtanim ngunit sa kalagayan nila ngayon ay mas lalong mahirap dahil sa
kawalan ng irigasyon (GMA News, 2013).

Ang kakulangan sa kooperatiba ng mga nagpapahiram ng kapital o puhunan


upang makabili ng mga gamit pang agrikultura at para sa mekanisayon ng mga
magsasaka ay ilan sa mga dahilan ng pagbaba ng ani at balakid sa pagpapasigla ng
agrikultura, ayon kina Brown, Ebora at Decena (2019). Dagdag pa rito ang hindi
pagsuporta ng gobyerno sa "Research and Development".

Marami na ang mga kabataan o anak ng mga magsasaka ang nawawalan ng


interes sa pagsasaka o agrikultura. Sa mga problemang ito, nawawalan ng ganang
ipagpatuloy ang hanapbuhay na sinimulan ng kanilang mga magulang. Sa kadahilanang
kahit anong pagsisikap ang gawin nila ay nananatili pa rin sila sa mahirap na pamumuhay
o "isang kahig, isang tuka". Kaya't marami ang napipilitang mag-ibang bansa o lumuwas
ng Maynila sa paniniwalang mas uunlad o aayos ang kanilang pamumuhay (Pilipino Star
Ngayon, 2018).

Mula sa dokumentaryo ng Reporter’s Notebook (2012), isinasaad na mababa ang


nakukuhang sahod ng mga magsasaka sa loob ng ilang buwan dahil nababawasan pa
ito ng mga ginamit at mga kailangan upang makapagsaka at mahatid sa pagbebentahan
ng mga produkto. Ayon sa sitwasyon mas mataas pa ang nababawas sa sahod ng mga
magsasaka kumpara sa maiiuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Nagtitiis na lamang
sila sa pang araw-araw nilang sitwasyon dahil may panahon ang pamumunga ng bawat
produkto. Dahil dito hindi kinakayang sustentuhan ang pangangailangan ng pamilya ng
mga magsasaka.

Nagkakaroon ng suliranin ang mga magsasaka dahil sa hindi magandang epekto


ng Rice Tariffication Law. Sinasabing hindi lamang sa bigasan makakabili ng bigas kundi
pati na rin sa mga hardware at sa iba pa ay makakabili na rin dahil bukas na sa lahat ang
pag-angkat ng mga ito. Sila ay nagkakaproblema dahil hindi nila alam kung saan
mapupunta ang mga palay na kanilang inani at baka hindi ito maibenta. Ayon kay Siberio
na isang magsasaka ay halos 70% ang mawawala sa kanila at kung sa 100 na kaban ng
bigas ay may 7 piso kada kilo may 30,500 piso silang kita ngunit may 50,000 piso pa
3
silang utang. Ayon naman sa kapwa niyang magsasaka na si Quijano, galit daw siya sa
sistema na nararanasan nila ngayon bilang magsasaka at hindi raw sila nararamdaman
ng pamahalaan. Isa rin sa mga pinagiisipan ng mga magsasaka ang pagtalikod sa
pagpapalay at mag-iba ng kabuhayan (TV Patrol, 2019).

Ayon sa naibalita ng ABS-CBN News (2019), maraming magsasaka ang patuloy


na nawawalan ng trabaho sa Pilipinas. Malaki ang nagagastos sa pagsasaka ngunit maliit
ang kanilang kinikita dahil narin sa pag usbong ng mga modernong makinarya. "As we
modernize Philippine Agriculture, the decline in the labor force is expected because
mechanization is an inherent element of the modernization process. A single machine
displaces several laborers," pahayag ng Department of Agriculture. Bilang karagdagang
impormasyon, nakaka apekto rin sa pagsasaka ang pagsalanta ng mga bagyo sa ating
bansa dahil sinisira nito ang mga palayan.

Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng


pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang
makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa, Bunga ito ng
pagpasok ng pamahalan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling
makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito maraming
magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang
kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

Ayon sa Philippine Food Processors and Exporters Organization Inc. (2019),


bababa ang porsyento ng ineexport na agrikultura ngayong 2019 sa kadahilanang, labis
na pagbaba ng suplay at pagbagsak ng presyo ng mga produkto sa world market. Malaki
rin ang epekto ng climate change, peste at sakit ng mga halaman sa pagbaba ng mga
bilang ng ineexport na produkto.

Kung mabibigyan ng prayoridad ang sektor ng agrikultura, maraming magiging


pagbabago sa ating bansa at isa na dito ang pagbaba ng kahirapan. Kaya nararapat
lamang na bigyan ito ng importansya (Benales, Ravina & Zafra, 2019).

4
TALAAN NG SANGGUNIAN

MGA HANGUANG NAKALIMBAG

R. Bernales, E. Ravina, R.B. Zafra. 2019. Kontekstwalisadong Komunikasyon

Filipino. Malabon City. Mutya Publishing House Inc.

MGA HANGUANG ELEKTRONIKO

Maisasalba Pa Ba Ang Sektor Ng Agrikultura Sa Pilipinas?


https://patolangpilipina.com/economics-101/maisasalba-pa-ba-ang-
sektor ng agrikultura-sa-pilipinas/. Hunyo 1 ,2019.

Mga nawawalan ng trabaho sa agrikultura tumataas: PSA https://news.abs-


cbn.com/news/04/14/19/mga-nawawalan-ng-trabaho-sa-agrikultura-tumataas-psa.
Abril 14, 2019.

Pagsasaka sa Pilipinas https://www.veritas846.ph/pagsasaka-sa-pilipinas/.


Hulyo 15, 2019.
Estado ng Agrikiltura https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/ opinyon/ 2016/07/
22/1605322/estado-ng-agrikultura. Hunyo 22, 2016.

Problema Sa Agrikultura https://www.philstar.com/pilipino-star ngayon /opinyon/


2018/06/08/1822673/problema-sa-agrikultura#1udMG7KJbLW5dzV8.99. Hunyo 8
,2018.

Exports Ng Produktong Agrikultura, Babagsak Ng 20% Ngayong 2019


https://patolangpilipina.com/economics-101/maisasalba-pa-ba-ang-sektor-ng-
agrikulturasapilipinas/. Hunyo 1, 2019.

Ang Magsasaka: Salamin Ng Kasipagan – At Ng Kahirapan


https://www.rappler.com/move-ph/ispeak/239405-magsasaka kasipagan/.
Setyembre 7, 2019.

5
Agrikultura, Pangingisda at Pangangahoy
https://journal.com.ph/editorial/opinion/agrikultura-pangingisda-pangangahoy.
Hulyo 20,2019.

24 Oras: Bilang ng mga magsasaka sa bansa, paunti na raw nang paunti


https://www.youtube.com/watch?v=sDbgDGQxnT0. Nobyembre 2, 2018.

Ilang magsasaka kabado, galit sa 'masamang epekto' ng rice tariffication law | TV

Patrol https://www.youtube.com/watch?v=I2sUPCgO560. Setyembre 4, 2019.

You might also like