You are on page 1of 1

“Introduction”

PROBLEMA pa rin ang kawalan ng trabaho. Sa kabila na ipinagmamalaki ng pamahalaan na umuunlad


ang ekonomiya, ang problema sa unemployment ay nananatili. Nasaan ang mga bagong negosyo na
sinasabing bitbit sa pag-uwi mula sa binisitang bansa?

Pinaka-mataas ang porsiyento ng Pilipinas sa mga bansa sa Asia na problema ang unemployment. Ito ay
ayon sa data na inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB). Ayon sa NSCB, 7 percent
ang unemployment sa Pilipinas. Sa Indonesia ay 6.6 percent, sa China ay 4.1 percent, sa Malaysia ay
3.1 percent, sa Vietnam ay 2 percent at sa Thailand ay 0.7 percent.

Nakakadismaya ang data na ito. Imagine, ang Vietnam na matagal na dinurog ng giyera ay 2 percent ang
unemployment. Nakakahanga ang ginawa ng mga lider doon kung paanong mababa ang kanilang
unemployment. Ganundin ang Thailand na 0.7 percent. Kung tutuusin, nakaungos na ang Pilipinas sa
Thailand noong dekada 60. Karamihan pa nga sa mga magsasaka sa Thailand ay sa mga Pilipino natuto
nang tamang pagtatanim ng palay at iba pang bungangkahoy. Pero ngayon, ang Thailand ang pinaka-
malaking exporter ng bigas sa mundo.

Sa aming paniwala, malaki ang kinalaman nang malaking populasyon ng bansa sa problema ng un-
employment. Patuloy ang paglobo ng mga Pinoy. Tila may pabrika ng bata sa squatters area. Hindi
katulad sa Thailand na maayos ang population rate. Mahusay ang kanilang plano. Dati, magkapareho
ang populasyon ng Pilipinas at Thailand noong dekada 60. Pero ngayon, naiwan na ang Pilipinas dahil
hindi makausad sa laki ng populasyon. Napanatili ng Thailand ang kanilang tamang population kaya wala
silang gaanong problema sa unemployment.

Sabi ni President Aquino, isa sa priority niya ang Reproductive Health Bill. Sana, tuparin niya para
mabawasan ang problema sa unemployment. Maghanap din ng ibang paraan para magkaroon ng
trabaho ang nakararami. Kung may trabaho, may pagkain sa hapag, sariling tirahan at tiyak na mababa
ang krimen.

You might also like