You are on page 1of 3

Katitikan ng Unang Pulong

Ng Supreme Student Government ng Banna National High School


Tungkol sa “School Development”

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Ilocos Norte
Bayan ng Banna
KATITIKAN NG UNANG PULONG NG SUPREME STUDENT GOVERNMENT NG BANNA
NATIONAL HIGH SCHOOL NA GINANAP SA ROOM, SENIOR HIGH SCHOOL BLDG. NOONG
IKA-9 NG SETYEMBRE, 2019.

Dumalo:
Janice R. Gajonera
Reziel Rocutan
Jenny Anne Pambid
Nicole Palisoc
Christian Aron Calano
Kyle Eugenio
Lee Angelo Castillo
Kurt Ferrani Faustino
Pryam Flores
Carl Daven Quimoyog
Mark Angelo Marcos
Arden Micoh Dela Cruz

Di Dumalo:

Kevin Soliva

Ang pagpupulong ay itinayo ni Janice Gajonera, ang presidente ng SSG sa oras ng 3:35 ng hapon
at ito ay sinimulan sa pamamagitan ng isang panalangin na pinamunuan ni Jenny Anne Pambid. Kasunod
nito ay ang pag awit ng pambansang awit sa kumpas ni Reziel Rocutan. Pagkatapos, ay ang pag tsek ng
attendance na isinagawa parin ni Janice Gajonera, at matapos nito ay ipinahayag niya na mayroong
quorum.

Sumunod nito ay ang pagpapakilala sa agenda tungkol sa “School Development” na


pinangunahan parin ng tagapagpulong na si Janice Gajonera. Hiningan niya ng suhestiyon ang bawat isa
kung ano ang mga gustong ipatupad o gawin sa pagpapaunlad ng paaralan. Nagbigay naman ng
suhestiyon si Kurt Faustino ng isang programang “Linis ko katumbas ng kalusugan ko program.”
Nagbigay rin ng suhestiyon si Jenny Anne Pambid tungkol sa pagpapatayo ng “Printing House” na may
layuning matulungan ang mga estudyante sa pagpriprint ng kanilang mga proyekto kagaya ng research.
Pagkatapos ng paghingi ng suhestiyon ay ang pagboto o pagpapasiya ng bawat isa kung ano ang kanilang
gagawin. May apat na katao ang sumang-ayon sa suhestiyon ni Kurt Faustino at may walong bumoto sa
“Printing House” ni Jenny Anne Pambid. Kung kaya’t ang napagpasiyahan na kanilang gagawin ay ang
pagpapatayo ng “Printing House.”

Pagkatapos nito ay pagtalakay ni Janice Gajonera sa mga kagamitang kakailanganin. Ayon sa


kanya kailangan ng printer, bond paper at kompyuter. Hiningan niya ang mga tagapakinig ng kanilang
mga suhestiyon kung ilang printer ang kanilang gagamitin. Ayon kay Kyle Eugenio, dalawang printer ang
kakailanganin. Para naman kay Mark Angelo Marcos, isang printer lang muna ang kakailanganin dahil
sila ay nag-uumpisa pa lamang at mahal ang bayad ng printer. Kasunod ng diskusyon ay ang pagboto o
pagpili ng bilang ng printer na gagamitin. May walong katao ang bumoto sa suhestiyon ni Kyle Eugenio
na dalawang printer samantalang may dalawang sumang-yon kay Mark Angelo Marcos na isang printer.
Kung kaya’t napagpasiyahan ng lahat na dalawang printer ang kanilang gagamitin.

Kasunod nito ay kung ilang rim at anong size ng bond paper ang gagamitin. Hiningan ulit ni
Janice Gajonera ng suhestiyon ang bawat isa. Ang suhestiyon ni Carl Daven Quimoyog ay limang rim ng
bond paper. Para kay Christian Aron Calano, isang rim kada size ng bond paper. Nagbigay din ng
suhestiyon si Kurt Faustino na kung pwede ay apat na rim na A4 na size ng bond paper dahil ito daw ang
halos na ginagamit ng estudyante. Ipinaliwanag naman ni Jenny Anne Pambid ang kaniyang nais tungkol
sa bagay na ito. Ang kaniyang suhestiyon ay apat na rim ng A4 na size ng bond paper at isang rim sa
ibang size ng bond paper. Pagkatapos ng mahabang diskusyon, sumang-ayon ang lahat sa suhestiyon ni
Jenny Anne Pambid.

Sumunod dito ang bilang ng Kompyuter na gagamitin. Nagbigay ng suhestiyon si Kurt Faustino
na isang kompyuter lang ang gagamitan. Samantalang, sinabi ni Jenny Anne Pambid ay pwede naman
silang humiram sa mga kompyuter na hindi ginagamit sa office. Sa huli, ito ang napagpasiyahan ng lahat.
Siya ring tinalakay ng tagapagpulong na si Janice Gajonera ang pondong kanilang kakailanganin sa
pagpapatayo ng “Printing House.” Nag donate si Mark Angelo Marcos ng limampung libong piso. Si
Kyle Eugenio naman ay nag donate ng isang printer. Ayon naman kay Jenny Anne Pambid pwede din
naming kumuha sa MOOE.

Pagkatapos nito ay ang petsa kung kalian nila umumpisahan ang pagpapagawa at ang pagbubukas
nito. Sinabi ni Jenny Anne Pambid na sa Setyembre 16 nila uumpisahan ang pagpapatayo ng “Printing
House” at sa Setyembre 23, 2019 ito bubuksan. Kasunod nito ay ang lugar kung saan nila ito ipapatayo.
Nagbigay ng suhestiyon si Christian Aron Calano na sa Library ito ipapatayo at sumang-ayon naman ang
lahat. Ito ay magiging bukas sa oras ng pagsisimula ng klase hanggang ito ay matapos (7:30-5:00) ayon
kay Kurt Faustino. Sumunod naman nilang pinagdesisyunan kung sino ang magbabantay kada araw. Sa
lunes ay sina Carl Daven Quimoyog at Arden Micoh Dela Cruz. Sa Martes naman ay sina Lee Angelo
Castillo at Kyle Eugenio. Sina Kurt Faustino at Mark Angelo Marcos naman sa miyerkules. Samantalang,
sina Jenny Anne Pambid at Reziel Rocutan naman sa Huwebes. Sa biyernes ay sina Janice Gajonera at
Pryam Flores.

Natapos ang pgpupulong sa oras na 4:00 ng hapon sa mungkahi ni Janice Gajonera, ang
tagapagpulong at presidente ng SSG.

Inihanda ni:

JANESSA JANE R, TAROMA


Secretary
Supreme Student Government

You might also like