You are on page 1of 34

KABANATA XXVII:

ANG PRAYLE AT
ANG PILIPINO.
PAHAYAG
KABANATA XXVII.
PAHAYAG.
◦ANG PAGBABAGO NG
ATING BANSA AY NASA
KAMAY NG BAWAT
PILIPINO.
MGA
TALASALITAAN
KABANATA XXVII.
TALASALITAAN:
◦Pinangingimian – May takot sa kanyang
ginagawa.
◦Pakalimiin – Isipin o isipan ng mabuti.
◦Subasta – Isang bidding o auction.
◦Huwes – Hukom .
◦Sapantha – Hula, Akala , Pagpapalagay.
MGA TAUHAN
KABANATA XXVII.
PADRE FERNANDEZ.
◦“ Alam mo, hangang – hanga ako sa mga
kabataang malayang nagpapahayag ng
kanilang saloobin. Hindi mahalaga sa akin kung
ang mga kaisipan nila ay taliwas sa aking mga
paniniwala. Nabalitaan kong nagkatpon-tipon
daw kayo sa pansiteria kagabi. Hindi, hindi ka
dapat humingi ng paumanhin.”
ISAGANI:
◦ ” Hindi lang sa kabataan dapat ibunton ang sisi . ang malaking
kasalanan ay nasa kamay ng mga nagturo sa kanila upang
maging ipokrito. Sa mga kaluluwang umalipin sa kanilang
malayang isipan upang tumahimik lang. Dito, oo, dito padre
fernandez sa bansang hinuhusgahan ng marami sa inyo na ang
malayang kaisipang sinasalita ng kabataan ay pag-aalsa na raw
sa pamahalaan at sa simbahan. Lagi at laging nabibingit sa
panganib at paguusig na abot hanggang langit ang sinumang
magpahayag ng kaniyang malayang kaisipang walang
pinangingimian.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“Hindi ba kita ginanyak na malayang
malayang magsalita sa klase? Isa ka sa
iilan na maaaring pahayagang bigyan
ng sapat na kalayaan upag
magpahayag ng malayang kaisipan.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“.. Huwag na tayong
magpaligoy-ligoy pa.
Sabihin mo kung ano ba
talaga ang gusto ng mga
estudyante?”
ISAGANI.
◦“ Simpleng – simple lang padre
fernandez. Hangad ng mga
estudyante tumupad sana kayo sa
inyong obligasyon.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“ Mga obligasyon? Bakit, hindi ba kami
tumutupad sa dapat naming gawin?
Anu-ano bang obligasyon ang
maidaragdag pa ninyo upang
balikatin namin?”
ISAGANI.
◦ “..Bilang tagapagtaguyod ng edukasyon, obligasyon
ng mga kurang katulad ninyo na..
(1) paunlarin ang mga kabataan sa mga larangang
pisikal, intelektwal at moral.

◦ (2) Dapat lang na akayin ninyo kami upang marating


namin ang tagumpay. Ang tagumpay namin ay
tagumpay din ninyo , pero ginawa ba ninyo ang mga
obligasyon ninyo?”
ISAGANI.
◦ ”..masakit na katotohanan ang kawalang motibasyon
ng mga kasamahan ninyo sa pagpapalawak ng talino
ng mga kabataang kinakatawan ko. Sa halip na
mapaunld ang aming isipan, ang mga kura pa ang
nagbabaon sa amin sa kumunoy ng kamangmangan.
Yang ang nagaganap sa kasalukuyan. May hinuha
akong gusto ng mga kasamahan ninyong lumaki kami
sa kadiliman, upang hindi namin makita ang liwanag
na daan patungo sa kaunlaaran.”
ISAGANI.
◦“.. Dapat ninyong pakalimiin na kung sapat
na pagkain ay dapat ihain upang
mapalusog ang mga bilanggo, ang sapat
na karunungan ay dapat ding ibigay sa
mga kabataang uhaw sa katalinuhan.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“ Dapat mong isiping ang paaralan ay hindi
para sa lahat ng kabataan. Dapat lang itong
buksan sa mga piling estudyante sa mga
lungsod at lalawigan. Mabuting kaasalan at
mataas na moralidad ang dapat taglayin ng
kabataan upang mapaunlakang makapasok sa
isang eskwela.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“ Isang bagay na hinding – hindi
mo mapapasubalian ang
katotohanan mula sanggol pa lang
ay laging ina na ang kasa-kasama
ng mga kabataan sa kani –
kanilang tahanan.”
ISAGANI.
◦“.. kung ano kami ngayon ay kung paano nyo
kami hinubog noon. Inalipin ninyo kami kaya
heto at sumisikad at nag-aalma. Ipinagkai ninyo
sa amin ang katotohanan kaya heto’t abot
langit ang pagsisinungaling namin. Tatlong daan
at limampung taon napailalim niyo kami sa
inyong lakas at naging sunod-sunuran. Binusabos
niyo ang aming pagkapilipino.”
PADRE FERNANDEZ.

◦” Paano kami makakagawa


ng maganda kung ang mga
putik na ginagamit namin ay
pawang masasama?”
ISAGANI.
◦“..Higit sigurong nakabuti kung
iniwan ninyo kami . Hinayaan sana
ninyong ibang eskultor ang
humugis sa aming katauhan at
kabansaan.”
PADRE FERNANDEZ.
◦“ Maihahalintulad tayo sa dalawang
sumasayaw sa saliw ng musika. Kung
sa isang iglap ay itinaas mo ang paa
mo kasabay ng pagtaas ng binti ko,
hindi mo ako dapat sisihin sapagkat
ang musika ang gumagabay sa ating
mga galaw..”
ISAGANI.

◦“ Nangangahulugan ba
padre fernandez na batas
na ipinaguutos sa inyo ng
pamahalan na ilugmok ang
kabataan?”
PADRE FERNANDEZ.
◦“..Kung inyong aanalisahin, ang
mga kasariaang inyong
binabanggit ay hindi dapat
ibunton sa amin. Hindi rin ito dapat
ibunton sa pamahalaan..”
ISAGANI.
◦“ Inaamin ninyo na hindi kabataang ang may
kasariaan kundi ang inyong lipunan. Bakit
kailangang wasakin muna ninyo ang kabataan
bago ayusin ang lipunan?”

◦“Bakit di ninyo pakasuriin ang lipunang inyong


kinabibilangan at tignan kung saan ang
kakulangan?”
ISAGANI.

◦“ Hinding – hindi dapat


kayo humadlang na kami
ay matuto..”
PADRE FERNANDEZ.
◦“ tandaan mo senyor isagani na
hindi namin sila pinipilit pumasok sa
paaralan. Malawak ang bukiring di
pa nabubungkal.”
ISAGANI.
◦“ Dapat lang na suriin ang anumang
magagawa natin para sa atin , para sa iba
at para sa bansang marapat lang nating
paglingkuran, at tungkol sa mga bukid na
binabanggit ninyo. Kailangan din naming
lubos na matuto. Hindi sa mahabang
panahon ay bukid ang haharapin namin.
May iba pa kaming gutong matutunan.”
MAHAHALAGANG
PANGYAYARI
KABANATA XXVII
 Inimbitahan ni padre fernandez si
isagani sa kaniyang tanggapan upang
makausap ang binata tungkol sa
kagalingan ng nasabing binata.
 napagusapan ang pagaasal ng mga
kabataan tungo sa mga prayle at
nabanggit ni isagani ang kawalang
kalayaan ng mga kabataang magsabi
ng kanilang saloobin at opinyon.
◦ Sinabi ni isagani na ang mga kura ay may obligasyon na
dapat ginagampanan , kaya naman tinanong sya ni
padre fernandez kung anong obligasyon ito..na sinagot
naman ng binata na isa rito ay ang paghubog ng mga
prayle sa mga kabataan kung ano at sino sila ngayon.

◦ ipinaglaban rin ni isagani ang edukasyon na pinagkakait sa


kanila ng pamahalaan at ng simbahan, sinabi rin ni isagani
na nililimitahan ng mga dominikong prayle ang edukasyon
na itinuturo sa mga kabataan at hinambing nya ang
sitwasyon ng kabataan sa mga bilanggong masuwerteng
binibigyan ng pagkain kesa sa kanilang mga kabataan na
ang nais lamang naman ay ang pagaaral.
Naisip ni padre fernandez na wala syang takas sa magaling
na estudyante kaya naman ipinaling nya ang sisi sa
pamahalaan at sinabing sila ay inuutusan lamang ng
pamahalaan sa kung anong dapat gawin.

Sinabi naman ni isagani na kung hindi mga kabataan ang


mali lipunan ba ang masasabing may kasalanan? Tumahik
ang propesor at sinabi ni isagani na kung gusto nilang
umayos ang kabataan ay ayusin muna nila ang
kakulangan sa lipunan.

 at sa huli ay sinabi na ni isagani ang ipinupunto ng


kanyang mga hinaing ang huwag pagtututol ng mga
dominiko at pamahalaan sa nais na pagpapatayo ng
akademya sa wikang kastila.
 natapos ang diskusyon at sinabi ni
padre fernandez ang kanyang
pangamba para sa magaling na
estudyante dahil sa tingin nya ay
hindi sya paniniwalaan ng kapwa
mga prayle na may isang indiong
napakagaling kung magisip at
makipag-usap.
MENSAHE
KABANATA XXVII.
◦HINDI MASAMA NA MAGSABI NG IYONG
SALOOBIN LALO NA’T KUNG ITO’Y MAY
KINALAMAN SA LIBO-LIBONG TAO SA
PALIGID MO AT BILANG ISANG PILIPINO
TUNGKULIN MO NA IPAGTANGGOL AT
NAISIN ANG MAKAKABUTI PARA SA IYONG
BAYAN, MAGING ISANG PILIPINONG MAY
PANININDIGAN AT PAGMAMAHAL SA
BAYAN NA WALANG HINIHINGING KAPALIT.

You might also like