You are on page 1of 4

Division of Marinduque

District of Santa Cruz South

BUYABOD ELEMENTARY SCHOOL

KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Agosto __ 2018, 8:30 AM

Simimulan ang pagpupulong ganap na ika-walo at kalahati ng umaga sa pamamagitan ng


panalangin sa pangunguna ni Gng. Crispin Podaca.

Binasa ni Gng. Mary Ann Cabangbang ang katitikan ng nakaraang pagppulong matapos
magroll call. Unang tinalakay ang paggawa ng hardin para sa ikalawang baitang sa tulong ng
mga magulang.

Sinundan ito ng pagtalakay ng guro sa mga ugali ng mga bata sa paaralan at ginawang
pagsusulit at mga marking nakuha nila. Nagkaroon din ng recognition ng mga batang
nangunguna sa klase at card signing ng mga magulang upang Makita ang marka ng mga batasa
unag markahan.

Natapos ang pagpupulong ganap na ika 9:30 ng umaga.

Inihanda ni:

MARY ANN P. CABANGBANG


Division of Marinduque

District of Santa Cruz South

BUYABOD ELEMENTARY SCHOOL

KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Hunyo __2018

Ang pagpupulong ay ginawa noong Hunyo 2018 ganap na 3:00 ng hapon sa silid ng
ikalawang baitang. Sinimulan ito sa isang panalangin ni Gng. Crispin Podaca.

Unang tinalakay ang paghirang ng pang-silid aralang pamunuan ng mga magulang. Ang
mga nahirang ay ang mga sumusunod: Pangulo-Crispin Podaca; Pangalawang Pangulo-Delma
Pasytana; Kalihim-Mary Ann Cabangbang; Ingat-Yaman-Gianae Lozano; Tagasuri-Delia
Romasanta; Kinatawan; Gng. Amelita Palermo; Tagapamayapa-Corazon R. Guevarra at Teresa
Mendoza; Musa-Babyjane Retardo; at Alakbay-Teody Retardo.

Kasunod na pinag-usapan ang proyekto ng mga magulang na makatutulong sa


pagkakatuto ng mga mag-aaral, ito ay ang pagbili ng Television set na magagamit ng guro para
sa pagtuturo ng mga mga mag-aaral sa ikalawang baitang. Napgkasunduan din na magkaroon ng
donasyon na nagkakahalaga ng dalawang-daang piso (P200.00) upang ibili ng proyekto.

Ipinabatid din ng gurong tagapayo na ang kanilang mga anak ay may mga tungkulin din
na dapat gawin at sundin sa loob ng paaralan. Ipinaalala rin sa mga magulang na dapat ay
masubaybayan din ang mga anak kung sila ay gumagawa ng takdang-aralin.

Natapos ang pagpupulong ganap na ika-4:30 ng hapon.

Inihanda ni:

MARY ANN P. CABANGBANG


Division of Marinduque

District of Santa Cruz South

BUYABOD ELEMENTARY SCHOOL

KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Oktubre__, 2018

Ang pagpupulong ay sinimulan ganap na ikawalo at kalahati ng umaga sa silid-aralan ng


ikalawang baitang sa pamamagitan ng panalangin sa pangunguna ni Gng. Amelita Palmero.

Binasa ang katitikan ng nakaraang pagpupulong matapos magroll-call. Unag tinalakay


ang pag-uulat ng ingat-yaman ng nalikum nap era para sa pagbili ng proyekto na nagkakahalaga
ng limang libo at walongg daang piso. Subalit ito ay kulang pa kung kaya’t pinakiusapan pa ang
ibang magulang na ibigay na ang kanilang kontribusyon.

Kasuod nito ay nagkaroon na ng recognition para sa nangungunang mag-aaral sa


ikalawang baitang at card signing ng mga magulang upang Makita ang nakuha ng kani-kanilang
mga anak.

Natapos ang pagpupulong ganap na ika-9:30 ng umaga.

Inihanda ni:

MARY ANN P. CABANGBANG


Division of Marinduque

District of Santa Cruz South

BUYABOD ELEMENTARY SCHOOL

KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Enero__ 2019

Ang pagpupulong sa ganap na ika-walo ng umaga sa silid paaralan ng ikalawang baitang


sa pamamagitan ng panalangin sa pangunguna ni Gng. Crispin Podaca.

Iniulat ng guro na nakabili nan g Television set para sa mga mag-aaral ng


ikalawang baitang. Kinailangan nito ng lagayan para maikabit at magait ng mga mag-aaral.
Nagpasalamat ang guro sa mga magulang dahil magagamit na ito ng mga mag-aaral.

Kasuod nito ay nagkaroon na ng recognition para sa nangungunang mag-aaral sa


ikalawang baitang at card signing ng mga magulang upang Makita ang nakuha ng kani-kanilang
mga anak.

Natapos ang pagpupulong ganap na ika-siyam ng umaga.

Inihanda ni:

MARY ANN P. CABANGBANG

You might also like