You are on page 1of 1

Isang mapagpalang umaga po sa ating mahal na principal, mga guro, at kapwa ko

estudyante na narito ngayon. Bago po ako magsimula, hayaan po ninyo na ipakilala ko po ang
aking sarili. Ako po si MAR ANGELO MANGULABNAN TANGCANGCO, labintatlong taong gulang,
mula sa grade 9 Rizal. BOOM BOOM po ang nakagisnang kong palayaw.
Ang bawat estudyante ay may simpleng pangarap na nais matupad. Tulad po ninyo ako
rin ay may pangarap. Isa na po rito ang makatulong at makapaglingkod sa kapwa ko estudyante
dito sa Mangga High School. Sa mga sandaling ito ang pangarap ko po ay maging grade 9
representative.
Ano nga po ba ang duties and responsibilities ng isang class representative? Isa na po
rito ang pagiging tulay, (oo tulay!) sa mga kapwa ko estudyante na may nais iparating na
mensahe, hinaing, concerns o impormasyon sa nakatataas ngunit walang boses o nahihiya
upang ito ay kanilang magawa o masabi.
Halos 2 taon tayong nakulong sa pandemya lalo na ang ating mga karapatan. Isa na rito
ang karapatang maging malaya at magawa ang nais natin. Ito na ang pagkakataon upang
magamit natin ang karapatang ito. Makapili at makaboto ng malaya.
Isang malaking karangalan na kayo po ay aking mapaglingkuran. Kaya naman po hayaan
ninyo na ako ang inyong maging boses. Subalit hindi ko po ito magagawang mag-isa. Kung
kaya’t akin pong hihingin ang inyong tiwala at suporta sa nalalapit na halalan para sa SUPREME
STUDENT GOVERNMENT bilang Grade 9 representative upang ito po ay aking maisakatuparan
para sa ikabubuti ng nakararami. . At syempre po, huwag din po ninyong kalimutan ang aking
mga kapartido sa R.U.L.E.R.S. partylist.
Maraming salamat po. Muli po ako si MAR ANGELO ‘BOOM-BOOM’ TANGCANGCO, ang
inyo pong lingkod.

You might also like