You are on page 1of 5

BUS-PRI-SA Cultural Competition SY 2021-2022

Contest Piece for TULA


Elementary Level 1

PAG-ASA
Ni Regie J. Olaira

Tayong mga Pilipino ay may isang kasabihan,


Bawat tao’y may pag-asa habang siya’y nabubuhay
Totoo ngang may pag-asa kainlanman, kaninuman,
Ito’y makamtan kung naisin ng sangkatauhan.

Ang mga taong pulubi’y palabo’y-laboy sa daan


May pag-asang makakamit kung sila’y tutulungan,
Pagkaing hiningi at limos sa mga taong bayan
Umaasa na balang araw, pag-asa’y makamtan.

Ang pag-asa ay isang inspirasyon ng mga tao


Na siyang naging gabay upang maging matatag tayo,
Matiyaga sa lahat ng gawain upang umunlad
Ang pag-asa’y makamit ng mga taong nangangarap.

Ang mga taong umaasang buhay niya ay umunlad


Nararapat lamang na dagdagan ang tiyaga’t sipag,
Ngunit pag tao’y tamad, at hangarin ay umunlad
Kaunlaran sa kanyang buhay ay di matutupad.

Ang gabi ma’y madilim , ang tao ma’y nahihimbing


Mata’y nakapikit, isip ay may isang hangarin,
Bukas sa pagsinag ng araw, may bagong pag-asa
Pag-asang mananatili habang nariyan ka pa.

BULPRISA ExeCom7.12.17
BULPRISA OFFICIAL CONTEST PIECE
BUS-PRI-SA Cultural Competition SY 2021-2022
Contest Piece for TULA, KINDERGARTEN

Musmos na Pangarap
Ni : Ariel Reyes Inocencio

Ako’y munting bata sa puso at isip


Maglaro magbasa ang tangi kong hilig
Lagi kong dalangin sa ama sa langit
Ako ay gabayan sa aking pag-idlip

Ang turo ni ina ay maging magalang


Ang bilin ni ama sa kapwa’y magmahal
Huwag daw lilimot sa Poong Maykapal
Upang itong buhay ay maging makulay

Kay inang patnubay ako ay nag-aral


Tinanim sa isip diwa ng karunungan
Ito raw ay puhunang hindi mananakaw
Hindi masusunog , hindi malulusaw.

Kaya’t sa paglipas ng mga panahon


Pangaral ni ama sa puso ay baon
Na naging sandalan sa bawat pagsulong
Upang itong buhay gumandat yumabong

BULPRISA ExeCom7.12.17
BULPRISA OFFICIAL CONTEST PIECE
BUS-PRI-SA Cultural Competition SY 2021-2022
Contest Piece for TULA Level 2

KATAPATAN AY KAYAMANAN
Ni : G. Ariel Reyes Inocencio

Salitang katapata’y kay tamis bigkasin


Lalo’t nagmumula sa puso’t damdamin,
Kaya nga’t marapat nating ugaliin
Ang pagiging tapat sa bayang ginigiliw.

Ikaw kabataan , tapat ka’bang tunay?


Sa bayan, sa kapwa maging sa magulang,
Sa’yong paaralan ikaw ba’y huwaran
Sa pagiging tapat bilang mag-aaral.

Tinutupad mo ba ang iyong tungkulin ?


Na galing sa puso at walang panimdim,
Sumusunod ka ba, sa mga tuntunin
Na pinatutupad nitong bayan natin?

Kung tayo nga’y tapat bayan ay uunlad


Bansa ay susulong tungo sa pag-angat,
Ating makakamit pangarap na hangad
Kung ikaw at ako dito ay namulat.

Kaya’t kabataan , halina’t gumising


Tayo’y manindigan sa tama’t magaling,
Katapata’y dapat na panatilihin
Pagka’t ito’y susi sa pag-unlad natin.

BULPRISA ExeCom7.12.17
BULPRISA OFFICIAL CONTEST PIECE
BUS-PRI-SA Cultural Competition SY 2021-2022
Contest Piece for TULA Level 3 (Junior High School)

SALAMIN NG DANGAL
Ni : G. Leomicio Ofemaria Corpuz

Walang higit na makapaglalarawan


Sa iyong sarili kung ‘di ikaw lamang,
Dalisay na puso….mapapatunayan,
Kapag sinubok yaong katapatan.

Itong ating dangal ano ang halaga


Kung haling sa ginto’t kalasing ng barya?
Marupok sa tuksong balakyot suminta,
Sinangla ang bait nitong kaluluwa.

Isang batang paslit na wala pang alam,


Palihim na nangupit….dahil sa laruan.
Sa tingin ay tama ang maling paraan,
Palibhasa’y gawain ng mga magulang.

Saksi s’ya sa inang mayroong bigasan,


‘Di wasto ang sukat, salop at timbangan.
Kulang kung magsukli’t sanay sa dayaan,
Hindi na inisip…. hikahos na kabayan.

At ang kanyang ama’y kilalang opisyal,


Sa pananalita’t bihis na marangal.
Ano ang ginawa sa mga naghalal ?
Sa kaban ng bayan…. nagnakaw ang hangal !

Walang sino pa man ang dapat lumasap


Laksa-laksang yaman kung hindi nagsikap
Makatarungan bang tayo ay umangat,
Samantalang ang iba’y dahop na sa hirap?

Salamin ng dangal iyang katapatan


Pinamarisan ng mga kabataan
Ating pagyabungin, ituro’t ingatan
Tugon sa pag-unlad nitong inang bayan !

BULPRISA ExeCom7.12.17
BULPRISA OFFICIAL CONTEST PIECE

You might also like