You are on page 1of 5

Week : 1 Date: ____________

FILIPINO 8- Quarter 4
Learning Competencies:
A. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda
F8PN-IVa-b-33
B.Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasaF8PS-IVa-b-35
C. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng  lipunan sa panahong nasulat ito
-pagtukoy sa layunin ng  pagsulat ng akda 
F8PB-IVa-b-33
D. Napaghahambing ang  mga pangyayari sa napanood na teleserye at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang 
bahagi ng akda.

I. GUIDE CARD
Leksyon 1: Maikling Talambuhay ni Francisco Balagtas

Talambuhay ni Francisco Balagtas

Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala bilang “Prinsipe ng
Manunulang Tagalog” at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at
impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay
ang kanyang pinakamainam na likha. 
Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang noong Abril 2, 1788 kina Juana
dela Cruz at Juan Balagtas, isang maybahay at isang panday sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang
Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina Felipe,
Concha, at Nicholasa. Mahirap na pamilya ang mag-anak na Balagtas ngunit hindi ito naging sagabal sa pangarap ni
Francisco makapag-aral sa Maynila.
Noon, ang mga paring Kastila ang pumipili ng mga guro na magtuturo sa mga batang lalaki at babae sa
lalawigan.Inilalagay sa silong ng kumbento ang mga paaralan upang masubaybayan ng mga kura ang mga bagay-
bagay na itinuturo sa mga bata. Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya
ang mga panalangin at katekismo, Doctrina Cristiyan, Cartilla, Misterio at Trisagio. Ito ang sitema ng edukasyon na
pinaiiral sa panahon ng Kastila sa mga lalawigan.
Kalaunan, si Francisco ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila kung
saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa degri ng Crown
Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine, Humanities, at Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si
Dr. Mariano Pilapil at José de la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng
mga tula
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat, at noong 1835 ay
natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya
tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang ‘Celia’ at ‘MAR’. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si
Mariano Kapule na nagpakulong sa kanya ng walang dahilan.
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol ay ang dominanteng
wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at
Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga, Bataan noong 1840, at
pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at punong tagasalin ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay nagpakasal noong
Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa
kanila ang nabuhay.
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat katutubong Pilipino ay magkaroon
ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay
nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya
ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.
Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin ay walang sinuman
sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap
na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging
manunulat. 
Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para sa debate gamit ang
ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang balagtasan. Ipinangalan din ang isang paaralang
elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco Balagtas 1 Elementary School (FBES), na matatagpuan sa
kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila.
.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html
Pagbibigay ng Puna

Batay sa isinagawang pag-aara dito sa talambuhay ni Francisco Balagtas, lumilitaw na ipinanganak na


isang makata si Francisco.Nahigitan pa niya si Joseng Sisiw sapagkat hindi lamang pagtutugma-tugma ng mga
salita nagging mahusay si Francisco kundi sa paghahanay-hanay ng mga salita’t pangungusap, sa pagkakaroon
nito ng matayog na kaisipan at pagtataglay ng mga matalinghagang pananalita.Mapapatunayan ito sa kanyang
mga akda na sinulat lalo na sa akda niyang “Florante at Laura. Pinatotohanan ng mga anak ni Francisco sa isang
tagsulat ang nahabi nitong tula na walang pinagbabatayang sanggunian kundi ang talas ng kanyang pag-iisip.

Sa pamamagitan ng akdang” Florante at Laura, naipakita ni Francisco ang kabuktutan ng mga Kastila sa
ating bayan at ang maling pananalampalataya na umiiral noon na binatikos din ni, Burgos, Rizal,Del Pilar at
Lopez Jaena sa kanilang mga isinulat na akda. Sa ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan
ng simbahan at ng pamahalaan, di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang kapangyarihan at kung nagkakairingan,
ang nasususnod ay ang simbahan.

Walang ibang relihiyon na umiiral noon kundi ang Iglesya Katolika Apostolika Romana. Kinontrol ng
simbahan ang mga babasahin na dapat ipalimbag noon at hindi ito maaaring ipalaganap nang hindi muna
magdaraan sa Comision Permenente de Censura.Sa panahong ito, mapapansin na ang paksa o tema ng mga
babasahin ay panay na nauukol sa pananapalataya.Ang sinumang magbasa ng aklat na walang pahintulot sa
Comision ay itinuturing na nakagawa ng isang kasalanang mortal at nagiging isang excomulgado pa.

Ang “Florante at Laura” ni Balagtas, na isang awit ay nakalusot sa Comision Penetente de


censura sapagkat tumatalakay ito sa kasaysayan ng isang binyagan at di-binyagan. Sa akdang ito, ipinakita ni
Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring kalooban at ang mga Kristiyano ay may mga kahinaan din,
nagsisiraan at nagpapatayan din. Lumihis si Balagtas sa karaniwang babasahin noon na ang mga Moro ay
pinalitaw na masama at ang mga Kristiyano ay pawang mabubuti. Kaya mababasa sa “Florante at Laura” na
lahat ng tawo ay nasasaklaw ng Batas ng Langit.

Nagpapakita rin ito ng mga katotohanang pangyayari at higit sa lahat, ito’y nagtuturo sa mga mambabasa
ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila.  Dagdag pa rito upang imulat sa mga Pilipino kung gaano
kalala ang paghahari-harian ng mga mapang-abusong tao at kung gaano kalaganap ang korapsyon noong unang
panahon.

Kahalagahan sa Pagsulat ng akdang Florante at Laura


Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat marami kang mapupulot na aral ditto. Dito mo rin
masasalamin ang mga nangyayari sa mga Pilipino at sa ating bansang Pilipinas noong unang panahon.
Mahalagang pag aralan ang Florante at Laura sapagkat malalaman mo rin dito ang tungkol sa relihiyon na
hindi lahat ng kristiyano at muslim ay magkaaway.Magkaiba man sila sa paniniwala pero nagkakasundo naman
pagdating sa paggawa ng kabutihan. Iyan ay pinatunayan nina Florante at ang morong si Aladin.
Matutunan mo rin sa Florante at Laura ang wastong pagpapalaki sa anak na huwag palakihin sa layaw
ang isang bata.
Alamin ito nang tama, huwag pabayaan na laging nakadepende lamang sila sa magulang. Turuan silang
tumayo sa sarili nilang mga paa, para pagdating ng araw ay kaya nilang mabuhay na mag-isa kahit wala na ang
mga magulang sa tabi nila.
Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga sakripisyo upang ikaw ay matuto,pero
lahat naman ng ito ay iyong pakikinabangan pagdating ng araw,
Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay na kaibigan ay laging nandiyan sa
tabi mo at di ka iiwan kahit anong mangyari.Lagi ka niyang ipagtatanggol.
Matutunan dito ang tunay na pag-ibig na gagawin ang lahat para sa taong iyong pinakamamahal. Handa
kang magsakripisyo masigurado mo lang na ligtas ang taong minamahal mo.  
Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Paghahandog sa babaeng nagpatibok sa puso ni Balagtas na nagbibigay rin ng kasawian.
2. Bahaging patungkol sa mambabasa.
3. Pinaka simula ng awit
Kabilang si Balagtas sa mga manunulat na naghimagsik laban sa mga Kastila.Ayon kay Lope K. Santos, may
Apat na himagsik si Balagtas. Ito ang mga sumusunod:
1. Himagsik laban sa maling kaugalian o maling pagpapasunod sa anak.
2. Himagsik laban sa maling pananampalataya.
2
3. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
4. Himagsik laban sa masamang pamahalaan.
II. ACTIVITY CARD
ACTIVITY 1 Kahalagahan ko, i-tsek mo!
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang sa bawat bilang kung ito ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura ayon sa akda.

_______1. Naipakita ni Francisco ang kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at ang maling
pananalampalataya
_______2. Ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring kalooban at ang mga Kristiyano ay
may mga kahinaan din, nagsisiraan at nagpapatayan din.
_______3. Mababasa sa “Florante at Laura” na lahat ng tawo ay nasasaklaw ng Batas ng Langit.
_______4. Ang paksa o tema ng mga babasahin ay panay na nauukol sa pananampalataya
_______6. Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay na kaibigan ay laging
nandiyan sa tabi mo at di ka iiwan kahit anong mangyari.Lagi ka niyang ipagtatanggol.
_______7. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si Mariano Kapule na nagpakulong sa kanya ng
walang dahilan.
_______8. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José dela Cruz na isang bantog
na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula
_______9. Sa ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan ng simbahan at ng pamahalaan,
di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang kapangyarihan at kung nagkakairingan, ang nasususnod ay ang
simbahan.
_______10. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral. Kailangan ng mga sakripisyo upang ikaw ay
matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong pakikinabangan pagdating ng araw

ACTIVITY 2

Tanong ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Francisco Baltazar, ipaliwanag ang
iyong sagot sa bawat bilang.

1. Bakit nakulong sa ikalawang pagkakataon si Kiko?


_____________________________________________

2. Ilarawan ang kalagayan sa buhay ng mag-anak na Balagtas.________

3. Ilahad ang sistema ng edukasyon noon na ipinaiiral ng mga paring Kastila?

4. Paano nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Maynila si Kiko?______________

5. Magbigay ng isang mungkahi kung paano maaaring makapagtapos ng pag-aaral ang isang batang
mahirap.
________________________________________________________

III. ASSESSMENT CARD


Independent Assessment 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng iyong sagot mula sa pagpipilian sa
ibaba at isulat ito sa patlang..

3
A. Mariano Kapule J. Maria Asuncion Ramos
B. Pebrero 20, 1862 K. houseboy
C. Juana dela Cruz at Juan Balagtas L. mikaniko
D. Batas ng Langit M. Abril 2, 1788
E. Lopez Jaena N. Masamang pamahalaan
F. Maria Asuncion Rivera O. Francisco Balagtas Baltazar
G. Dalawa P. Hulyo 22, 1842.
H. Joseng Sisiw Q. Pinakasimula ng awit
I. Nagpapakita ang Florante at Laura ng mga R. Humanities, at Philosophy
katotohanang pangyayari at higit sa lahat,
ito’y nagtuturo sa mga mambabasa ng
_______1. Petsa ng
kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
kamatayan ni Francisco.
Kastila.
_______2. Sila ang mga
magulang ni Kiko.
_______3. Isa sa mga bahagi ng Florante at Laura.
_______4. Ito ay isang himagsik ni Balagtas sa mga Kastila.
_______5. Sino ang may-akda ng awit na Florante at Laura?
_______6. Isa siya sa mga bumatikos sa kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at ang maling
pananalampalataya na umiiral noon.
_______7. Mga kursong natapos ni Kiko.
_______8. Ayon ni Balagtas, anong batas nasasaklaw ang lahat ng tao?
_______9. Ilang beses nakulong si Francisco.
_______10. Petsa ng pagsilang kay Balagtas.
_______11. Siya ang karibal ng pagmamahal ni kiko kay Celia na nagpakulong sa kanya.
_______12. Isang makata na nahigitan ni Kiko sa pagsulat ng mga akda dahil kanyang angking talas ng
isipan.
_______13 Ito ay isa sa kahalagahan sa pagsulat ng awit. .
_______14. Ito ang trabaho ni Kiko sa pamilyang Trinidad sa Tondo
_______15. Siya ang tinutukoy na M.A.R.

IV. ENRICHMENT CARD

Kasaysayan noon, isulat ngayon!

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paano ipinakita sa akda ang kawalan ng hustisya noong panahon ng Kastila? May mga pangyayari pa
bang katulad noon sa kalagayan ng lipunan na nangyayari hanggang ngayon? Magsalaysay ng isang
pangyayari at isulat sa sagutang papel.

______________________________________________________________________________________

V. ANSWER KEY
Activity 1

1. / 2.x
3. / 4.x
5. / 7.x
6. / 8.x
10. / 9.x

Assessment
4
5

You might also like