You are on page 1of 10

Department of Education

9
National Capital Region
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 9:
Paggamit ng mga Angkop na Pang-ugnay
sa Pagsulat ng Isang Maikling Dula

May-akda: Mark Ryan V. Canimo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin 1 – Paggamit ng mga Angkop na Pang-ugnay sa Pagsulat

ng Isang Maikling Dula

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang mga pang-ugnay; at
B. nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling
dula.

Subukin
Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang sumusunod
na tanong na may kaugnayan sa aralin. Isulat ang letra ng pinakawastong sagot sa
isang hiwalay na papel.

1. Anong bahagi ng pananalita ang ginagamit upang magsilbing hudyat sa upang


maipakita ang relasyon sa pagitan ng mga yunit sa loob ng pangungusap at sa
pagitan ng mga pangungusap?
a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-abay d. Pang-ugnay
2. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang naglalahad ng patutunguhan,
sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pang ugnayan ng isang pangngalan o
panghalip sa iba pang salita?
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Pang-ukol

Para sa bilang 3 at 4:

Tisay : Balita ko’y hindi makararating ang kanyang nanay mula sa


ibang bansa dahil sa hindi pinayagan ng kanyang amo.
Susan : Nalulungkot nga ako para sa mga bata. Sabik na sabik na
silang makasama ang kanilang ina ngunit sadyang hindi
iniaadya ng panahon.
Tisay : Mabuti na lamang na may mabait na tiyahin na nag-aalaga sa
kanila.

3. Anong pang-ugnay ang ginamit sa dayalogo na nagpapakita ng mga dahilan at


resulta ng mga pangyayari sa tauhan?
a. dahil sa b. na c. ngunit d. para sa

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Anong uri ng pang-ugnay ang may salungguhit sa dayalogo?
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Pang-ukol

5. Paano ginamit ang pang-ugnay sa pariralang “mabait na tiyahin” sa dayalogo?


a. pagbibigay-diin c. paglalarawan
b. pagdadagdag ng impormasyon d. pagpapakita ng sanhi at bunga

Aralin Paggamit ng mga Angkop na Pang-ugnay


1 sa Pagsulat ng Isang Maikling Dula

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paggamit ng mga angkop na pang-


ugnay sa pagsulat ng isang maikling dula. Upang ito ay malinang, kailangan
mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa pagsulat ng maikling dula. Isulat
mo sa kahon ang elemento at sangkap ng dula na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Itinuturing itong pinakakaluluwa ng dula dahil


isinasalaysay nito ang daloy ng kuwento ng dula.
2. Sila ang gumaganap sa mahalagang papel sa dula
3. Siya ang utak ng dula na gumagabay sa aktor at
nagpapasya sa teknikal na aspeto ng dula.
4. Ito ay bahagi ng iskrip nakatumbas ng kabanata sa
nobela na maaring tagahati ng panahon ng kuwento.
5. Ito ang tawag sa lugar na pinagdarausan ng dula.

Tuklasin
A. Panimula
Isipin mong ikaw ang nasa larawan at ang nasa itaas na bahagi nito ay ang
iyong pangarap. Isa-isahin ang mga dapat mong gawin upang marating ang iyong
pangarap.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pagbasa

Basahin at pag-aralan ang maikling dula. Bigyang-pansin ang mga


salitang ginamit upang pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya at pangyayari upang
mabuo ang dula. Sagutin ang mga tanong sa paraang pasalita.

Ang Sapatos at Pangarap


ni Mark Ryan V. Canimo

Mga Tauhan:
Rico – binatang nagsisimulang buohin ang pangarap sa lungsod
Edna – tiyahing kumukopkop kay Rico
Bong – kaibigang nakilala ni Rico sa inaaplyang trabaho

Makikita si Rico na nakaupo sa tapat ng malaking orasan sa Marikina


Sports Center kasama ang kaibigang si Bong.

Bong : Naku pare! Sana naman tawagan tayo ng kompanya. Talagang


mauubos na ang perang hiniram ko kay nanay para sa paghahanap
ng trabaho.
Rico : Sana nga pare. Tingnan mo naman ito. (Ipinakita sa kaibigan ang
nakabukang suwelas ng kanyang sapatos.) Bago pa tuluyang
bumigay ito, dapat na tayong magkatrabaho.
Bong : Huwag kang mag-aalala pare. Sa galing mong ‘yan kanina,
sandamakmak na bagong sapatos ang mabibili mo. (Tinapik ang
balikat ng kaibigan.) Pansamantala, pahihiramin muna kita ng isa
kong sapatos pero huwag kang maarte, hindi ‘yon bago ha.
Rico : (Napatawa nang malakas.) Aarte pa ba ko pare? Salamat!
Bong : Anong plano mo sakaling matanggap ka sa kompanya?
Rico : Simple lang pare. Makaipon muna para hindi na masyadong
mahirapan kung biglang mangailangan at saka gusto kong tulungan
si Tiya Edna dahil nagkaka-edad na siya.
Bong : Wow! Naniniwala ako matutupad mo yan. Ikaw pa!

Kinabukasan, maagang nagising si Rico. Nagpasiya siyang maglinis


ng kanilang tahanan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Kapansin-pansin ang biglang paglaki ng kanyang mata at pagkatakas ng
ngiti mula sa kanyang mga labi.

Rico : Salamat po! Maraming Salamat po! Asahan po ninyong


pagbubutihin ko aking trabaho. (Matapos patayin ang cellphone,
napasigaw at talon ang binata sa saya.)
Edna : (Nagmamadaling pumasok sa kanilang tahanan nang marinig ang
sigaw ng pamangkin) Anong nangyari? Natanggap ka? Natanggap ka
ba? (Bakas ang kasiyahan)

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Rico : Opo Tiya Edna! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko
ngayon. Kung buhay pa sana ang nanay at tatay, maibibigay ko na sa
kanila ang maginhawang buhay.
Edna : Rico, sigurado akong masayang masaya sila ngayon para sa iyo.
Pagbutihan mo upang matupad mo lahat ang mga pangarap mo.
Napapaiyak naman ako. (Hinampas ang pamangkin sa balikat
kasabay ng pagtulo ng luha.)
Rico : (Niyakap ang tiyahin.) Ano ka ba tiya? Hindi magiging posible ito
kung hindi mo ako ginabayan nang maayos. Itinuring mo akong sarili
mong anak sa kabila ng malaking responsibilidad na iniwan sa’yo ng
nanay at tatay.
Edna : Hindi naman ako nagkamali di’ba? (Sabay kurot sa pamangkin dahil
sa tuwa.)
Rico : Kapag natanggap ko ang unang sahod ko, ipapasyal kita sa
Riverbanks at kakain tayo sa labas tiya.
Edna : Hay naku! Unahin mo munang bumili ng sapatos. Nakita ko
kaninang nakanganga na ang sapatos mo.
Rico :(Tumawa nang malakas) Oo naman tiya pero huwag kang mag-alala,
pinahiram na muna ako ni Bong. Basta pangako ko sa’yo tutuparin
ko ang pangarap ninyo para sa akin.

Napatitig si Rico sa sira niyang sapatos. Kakikitaan ng kasiyahan ang


kanyang mga mata.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang mga salitang di-pamilyar sa iyong binasa?


2. Paano mo mailalarawan ang katangian ng pangunahing tauhan?
3. Ano-anong katangian ang maaari mong hangaan sa pangunahing tauhan?
4. Ano ang pangunahing ideya ng binasang maikling dula?
5. Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa maikling dula. Isulat sa
angkop na kolumn batay sa uri ng mga ito.

Pangatnig Pang-angkop Pang-ukol

6. Paano nakatulong ang mga pang-ugnay na ito sa pagsulat ng maikling


dula?

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
Malaki ang kontribusyon ng mga Pang-ugnay sa pagsusulat ng mga
dula. Ito ay bahagi ng pananalita na naghuhudyat o nagpapakita ng ugnayan
o relasyon ng mga yunit sa loob ng pangungusap at sa pagitan ng mga
pangungusap.

Sa pagsulat ng dula, makatutulong ang Pang-ugnay sa iba’t ibang


pamamaraan:

1. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


(una, ikalawa, samantala, pagkatapos, sa una, sa huli, habang, nang)
2. Paghahambing
(tulad ng, kaparis ng, gaya ng, sa kabilang banda, sa halip na, kumbaga
sa, di tulad ng)
3. Sanhi at Bunga
(dahil sa, kaya naman, sa gayon, sapagkat, samakatuwid)
4. Pagpapahayag ng Lokasyon at Panahon
(nang, simula noong, tuwing, mula sa, nasa, bago, pagkatapos, patungo
sa, kani-kanina, noon, ngayon
5. Pagdadagdag ng impormasyon
(at, o, at saka)

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa angkop na


paggamit ng pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula. Pag-aralan mo ang mga
larawan sa ibaba. Pumili lamang ng isang larawan at gumawa ng maikling dula o
dayalogo batay sa napili mong larawan.

Larawan A Larawan B

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka:
5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos
Mahusay at Mahusay at Mahusay at Mahusay ngunit 1
angkop na angkop na Angkop ang o 2 lamang ang
gumamit ng 5 o paggamit ng 4 na paggamit 3 na ginamit na pang-
higit pang Pang- pang-ugnay sa Pang-ugnay sa ugnay sa dayalogo
ugnay sa dayalogo dayalogo dayalogo
Mahusay na Mahusay ngunit 4 Mahusay ngunit 3 Mahusay ngunit 1
nagamit ang 5 lamang ang lamang ang o 2 lamang ang
pamamaraan ng ginamit na ginamit na ginamit na
paggamit ng pang- pamamaraan sa pamamaraan sa pamamaraan sa
ugnay sa dula paggamit ng pang- paggamit ng pang- paggamit ng pang-
ugnay sa dula ugnay sa dula ugnay sa dula
Mahusay at Mahusay ngunit Mahusay ngunit Mahusay ngunit
malinaw na may 1 may 2 may 3 o higit pang
pagkakasulat ng nawawalang nawawalang nawawalang
maikling dula elemento ng elemento ng elemento ng
maikling dula maikling dula maikling dula

Isaisip

Ang paggamit ng angkop na Pang-


ugnay sa pagsusulat ng maikling
dula ay nakatutulong upang maging
epektibo at mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari, paghahambing,
pagkilala sa sanhi at bunga,
pagpapahayag ng panahon at
lokasyon at ang pagdadagdag ng
impormasyon sa isinusulat na dula.

Isagawa
Pag-usapan sa inyong tahanan ang inyong karanasan at kaalaman
tungkol sa “Rehiyon-Rehiyon Festival” ng Marikina. Maaaring Panoorin ang
ilan sa selebrasyon ng “Rehiyon-Rehiyon Festival” sa mga link na ito upang

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
magkaroon ka ng ideya:
https://www.youtube.com/watch?v=fnjdRtKckq8

https://www.youtube.com/watch?v=OWpmSfvtx3Y

Mula sa pinanoood, sumulat ng isang maikling dayalogo na


naglalahad ng inyong karanasan at kaalaman tungkol sa pagdiriwang gamit
ang mga angkop na pang-ugnay. Gawing pamantayan ang rubrik sa
bahaging “Pagyamanin”.

Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang
iyong natutuhan. Basahin mong mabuti ang dayalogo sa ibaba. Punan ng
angkop na pang-ugnay ang dayalogo upang mabuo ang mensahe at ideya
nito.

Kris : Napanood mo ba ‘yung bidyo ni Cindy sa Youtube?


Gary : Oo naman! Palagi kong sinusubaybayan ang mga vlogs niya
_________ (1)magaganda nitong tinatalakay.
Kris : Ako rin! Simula ______ (2) mapanood ko ‘yung bidyo niya
___________ (3)kabutihang ipinapakita ng mga pangkaraniwang
tao, palagi ko na rin siyang inaabangan.
Gary : Kahanga-hanga talaga siya _______(4) napakapositibo _____
(5)kawali-wili niyang content.
Kris : ______ (6)naman ang dami-dami na niyang subscribers.
Subukan din kaya natin?
Gary : Maganda__(7) ideya ‘yan Kris! Malay mo maging kasing sikat din
tayo ni Cindy.
Kris : Hahaha! Simulan na nating mag-isip ng magandang gagawin
_______(8) gusto nating maging katulad niya.
Gary : Aba! Oo naman! May naisip na nga ako eh ______(9) saka ko na
sasabihin sa’yo. Sorpresa muna!
Kris : Naku Gary! Basta unahin mo muna ‘yung modyul na pinag-
aaralan natin _______(10) mo pagkabalahan iyan.
Gary : S’yempre naman!

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang maikling dula tungkol sa wastong paggamit ng
Pang-ugnay sa pagsusulat ng maikling dula o dayalogo. Gamitin ang rubrik
sa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8 City of Good Character
https://pixabay.com/illustrations/career-job-opportunity-distance-3396374/
girls-as-children-students-the-classroom
https://www.needpix.com/photo/1165583/teacher-paper-woman-brainerd-kids-
https://pixabay.com/illustrations/mom-mum-daughter-mother-family-3273202/
5247434
https://pixabay.com/illustrations/myanmar-burma-young-students-walk-
Mga Larawan
Peralta, Romulo et al., 9 Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino)
Subukin Balikan
1. d 1. skript
2. c 2. Tauhan
3. a 3. direktor
4. a 4. tagpo
5. c 5. Tanghalan
Pag-unawa sa Binasa
1-4 Mula sa matapat at matalinong paghusga ng mga mag-aaral
5.
Pangatnig Pang-angkop Pang-ukol
Pero, kung, dahil, dahil Sandamakmak na Para sa
sa, kung, at, at saka, bagong sapatos
kapag Magandang buhay
Maagang gumising
6. Nakatutulong ang pang-ugnay upang maging epektibo at mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari, paghahambing, pagkilala sa sanhi at
bunga, pagpapahayag ng panahon at lokasyon at ang pagdadagdag ng
impormasyon sa isinusulat na dula.
Tayahin
1. Dahil sa 2. Nang 3. Tungkol sa 4. Sapagkat
5. at 6. Kaya 7. Ng 8. Kung 9. Pero 10. bago
Susi ng Pagwawasto
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas: Nina Christina Zamora (Prop. PNU, Mindanao)
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like