You are on page 1of 2

Sabado nang umaga, abala ang buong mag-anak sa gawaing bahay, habang

si nanay ay malungkot dahil kaarawan na niya bukas pero mukhang walang


makakaalala nito sa kaniyang pamilya.

Ang hindi niya alam, patagong naghahanda ang kaniyang pamilya para sa
kaniyang kaarawan.

Linggo, kaarawan ni nanay. Inaya siyang magsimba ng kaniyang


pangalawang anak na si Joy.
“Nanay, magandang umaga po! Linggo po ngayon, maari po ba tayong
magsimba?” anyaya ni Joy sa kaniyang ina.

“Sige anak, tawaging mo ang iyong tatay at mga kapatid,” sagot ni nanay.
“Hindi na po nanay. Tayong dalawa na lang po at madami silang ginagawa,”
sambit ni Joy sa kaniyang ina.
“Nanay, tayo na po! Tawag ni Joy sa kaniyang ina.
“Sige anak,” sagot ni nanay.

Sa simbahan, nagpasalamat si nanay sa mga biyayang ipinagkaloob ng


Panginoong Diyos sa kaniyang buong pamilya.

Nanalangin siya na pahabain pa ang kaniyang buhay at bigyan ng


magandang kalusugan ang kaniyang buong pamilya. “Sapat na sa akin na
kami ay magkakasama.” ang panalangin niya.

Habang si Joy at si nanay ay nasa simbahan,

abala si tatay at ang kaniyang ibang anak para sa paghahanda sa kaarawan


ni nanay.

Pag uwi nila nanay at ni Joy laking gulat niya sa nadatnan niyang inihanda ng
kaniyang pamilya.

?Maligayang kaarawan po nanay!” sabay-sabay na pagbati ng kaniyang


pamilya.

“Salamat tatay at mga anak sa inyong inihanda para sa aking kaarawan.


Sapat na sa akin na tayo ay magkakasama at malusog ang bawat isa”,
masayang pasasalamat ni nanay sa kaniyang pamilya.
Masaya ang buong pamilya na nagsalo-salo sa mga pagkaing inihanda para
sa kaarawan ni nanay.

Nasubukan mo na bang nasorpresa? Ang kuwentong ito ay tungkol sa


pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan
ng pagsorpresa ng anak at ng kaniyang pamilya sa kanilang ina.
Ano kaya ang sorpresa ni Joy at ng kaniyang pamilya sa kanilang ina? Ano
ang naging reaksyon at naramdaman ng kanilang ina?

SHIELA JOY T. GUMPAL

Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information


Technology (BSIT) sa Isabela States University - Cauayan Campus.
Nakapagtapos din ng Bachelor of Elementary Education (BEEd) sa Isabela
Colleges, Cauayan City. At kaniyang tinapos ang Masteral sa parehas na
eskwelahan.
Noong una, siya ay naging Local School Board Teacher sa mababang
paaralan ng San Fermin Elementary School, Cauayan City.
Hindi nagtagal, siya ay naging regular na guro sa mababang paaralan
ng Buduan Elementary School, San Pablo, Cauayan City bilang Teacher I.
Dahil may kalayuan sa bayan, minabuti ni Ginang Sheila Joy na mag-
apply sa mas malapit na eskwelahan at ngayon siya ay nagtuturo sa
mababang paaralan ng Alicaocao Elementary School, Cauayan City. Bilang
Teacher III.
Siya ay masayang ina, kasama ang mapagmahal na asawa at
dalawang malulusog na supling.
“Sa pagtuturo, kailangan maging ina ka upang mas madama at maging
mas epektibo sa ngalan ng edukasyon”, kaniyang pagwawakas.

You might also like