You are on page 1of 4

Ngunit bakit kailangan ang Rice Tarrification Law (RTL)?

Noong Pebrero 2019 ay tuluyan ng nilagdaan ng Pangulo ang pagsasabatas ng Rice Tariffication
Law (RTL) na layong alisin ang limitasyon sa inaangkat na bigas sa bansa. Maging sang ayon
kaya kayo tulad ng pag sang ayon ko sa batas na ito? O hindi dahil sa mga nababasa ninyong
negatibong balita sa mga pahayagan, napapanood sa telebisyon, at naririning sa radyo. Ang aking
hiling habang ako’y nagbabahagi sa harapan ay inyong lawakan ang inyong kaisipan.

Maganda na ating malaman na ang Rice Tarrification Law (RTL) ay isang pag-amyenda sa
Agricultural Tarrification Act ng 1996 na nagtatangal sa restriksyon sa pag-a-angkat ng bigas mula
sa ibang bansa. Wala ng limitasyon sa pag-angkat ng bigas, pero magkakaroon na ng rice
tarrification na sinasabi ng kasalukuyang pamahalaaan na makakapagpababa ng presyo ng bigas
sa merkado. Sa batas na ito, maraming bigas ang makakapasok sa bansa na syang magbibigay na
mas maraming pagpipipilian sa ating mga mamimili o yung tinatawag nating law of supply and
demand sa makro-ekonomiks. Sa pagtala ng National Economic and Development Authority o
NEDA, bababa ang presyo ng bigas na may katumbas sa 1% ng kasalukuyang inflation rate.

Bago ang implementasyon ng Rice Tarrification Law (RTL), ang produksyon ng unmilled na palay
sa bansa ay nagkakahalaga ng P12.72 per kilo, kumpara sa Vietnam na P6.22, at Thailand na P8.86.
Maganda ito sa magsasaka, pagkat malaki ang kanilang bentahan. Ngunit talo ang ordinaryong
mamayang Pilipino dahil kailangan nating bilhin ang bigas sa mataas na halaga. Ito ang dahilan
kaya marami sa atin ang tumatangkilik sa mga imported na NFA na bigas kahit may amoy ito. Ilan
sa ating mga magulang ang nagta-tiyag na pumila sa mga pamilihang bayan para lamang makabili
ng murang bigas. Nakakalungkot na ang bigas na mula sa ating sariling sakahan ay di natitikman
ng marami sa ating kababayan pagkat ito ay hindi abot kaya. Layuning ng Rice Tarrification Law
(RTL) nag awing abot kaya ang ating bigas at sugpuin ang ganid na pananamantala ng mga
kapitalista.

Makikinabang sa batas na ito ang Pamilyang Pilipino. Makakaipon ang isang pamilya ng 2,362
pesos kada taon dahil sa mababang halaga ng bigas. Samantala, ang ating mga magsasaka naman
ay makikinabang mula sa ayudang ibabahagi ng pamahalaan mula sa dagdag buwis na malilikom
ng rice tarrification law sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ilan sa mga programang nakapaloob sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay ang
RCEF-Seed Program para sa isang dekalidad na binhing palay. Tinatayang ang programang ito ng
Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay magdadag ng humigit kumulang na anim na
metrikong tonelada aning bigas sa bawat ektaryang lupa sa mga probinsyang tinatawag ng
Department of Agriculture bilang “high-yielding” at limang metrikong toneladang aning bigas sa
bawat ektaryang lupa para naman sa “medium-yielding” na mga probinsya sa taong 2024. Sa
implementasyon lamang ng programang ito, inaasahan na ang 30% na pagbaba sa pamumuhunan
sa produksyon, 12% na pagbaba sa pagkalugi, at tuluyang pagbaba ng presyo ng kilo ng bigas ng
piso kada kilo. Nariyan din ang Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice
Farmers (SURE Aid) na nag-umpisa na nuong ika-1 ng Setyembre. Sa programang ito, ang isang
magsasaka na nag-sasaka ng isang ektaryang lupa ay pwedeng humiram sa Landbank ng walang
interes na pautang na hindi lalagpas sa P15,000 na maaring bayaran ng walong taon.

Ngunit bakit kailangan ang Rice Tarrification Law (RTL)? Bago ang Rice Tarrification Law
(RTL), ang umiiral na polisiya ng bansa sap ag-angkat ng bigas ay Quantitative Restrictions o
yung tinatwag na limitadong pag-angkat ng bigas mula sa ibang bans. Bagamat pinayagan ito ay
taliwas sa ating pag adopt ng mga alituntunin ng World Trade Organization (WTO) kung saan
tayo ay kabahagi simula pa noong 1995. Sa madaling sabi, ang pagsasabatas ng RTL ay di lamang
para maisaayos ang presyuhan sa merkado o mapabuti ang uri ng ating pag ani. Higit dito, ang
pag-sasabatas na ito ay naglalayong tugunan ang panawagan ng World Trade Organization (WTO)
sa ating pagsunod sa Annex 5 ng Agreement on Agriculture na ating nilagdaan sa Uruguay Round
of the General Agreement on Tariffs and Trade.

Ang implementasyon ng Rice Tarrification Law (RTL) ay may mas malalim na dahilan. Ang ilan
sa atin ay nakikita ito bilang isang balakid na kasalukuyang mahirap at mabigat ng buhay ng ating
mga magsasaka. Katulad ng marami sa inyo, batid ko rin ang hirap na dinadanas ng mga
magsasaka dahil ako ay laki sa Batangas kung saan ang sakahan ay malawak. Kita ko ang hirap ng
mga kapitbahay naming maghapong bilad sa init ng araw. Minsan naiisip ko na lang ano kaya ang
pakiramdam nuong kasama mo ang iyong kalabaw nagbubungkal kayo ng ng lupa sa ilalim ng
tirik na tirik na sikat araw. Ngayon habang isinusulat ko ito, napaisip ako….ang Rice Tarrification
Law (RTL) ba ay dagdag pahirap sa magsasakang Pilipno? Ang sagot ko? HINDI PO.

Ang tunay na pahirap sa magsasakang Pilipino ay ang mga ganid na pagmamalabis ng mga
mayayamang may ari ng lupa, na nagpapakasasa sa pinagharapan ng maliliit na mangagagwa. Mga
mayayamang elitista na paiikutin ang batas makamit lamang ang kanilang nais. Ang mapatagal
ang implementasyon ng Agrarian Reform Law. Hindi po pahirap ang Rice Tarrification Law
(RTL) sa ating mga magsasaka. Ito po ay ayuda di lamang para sa kanila kundi pati na rin sa
pamilyang Pilipino. Sa batas na ito hindi dehado ang ordinaryong mamayan. Sa batas na ito
kakabahan ang mga ganid na mayayamang namumuhunan. Tapos na ang mga panahon na pwede
nilang i-imbak sa kanilang mga naglalakihang bodega ang ang mga angkat nilang bigas, na kanila
lamamg ilalabas kapag tuluyan na nilang na-kontrol ang presyuhan nito. Sa lumang sistema ng
pag-aangkat ng bigas, madali para sa mga kapitalista na paikutin ang lokal na merkado.

Mabigat na dagok ang Rice Tarrification Law (RTL) sa ating mga mamayan. Naniniwala din ako
na hindi perpekto ang batas na ito. Masalimuot ang usapin sa agraryo at kailangan ng mga mas
mabibigat pa na batas para maging patas ang labas sa agrikultura. Ngunit, may problema tayong
kailangan ng solusyunan. Ang problema ng inflation, mahal na presyo ng bigas, at ang ating
tungkulin sa World Trade Organization (WTO) ay iilan lamang. Timbangin natin, kapakanan ng
magsasaka o nakakaraming Pamilyang Pilipino? Nakakalungkot na di natin kayang piliin ang
dalawa.

Salamat po.

Sources

Philippine Rice Researcjh Institute. Lokal na pamahalaan, malaki ang maitutulong sa RCEF-
Seed Program. https://www.pinoyrice.com/download/lokal-na-pamahalaan-malaki-ang-
maitutulong-sa-rcef-seed-program/
Abante, Una Sa Balita. Taripa ng bigas itataas sa 75%—100%.
https://www.abante.com.ph/taripa-ng-bigas-itataas-sa-75-100.htm

Philippine Rice Researcjh Institute. Lokal na pamahalaan, malaki ang maitutulong sa RCEF-
Seed Program. https://www.pinoyrice.com/download/lokal-na-pamahalaan-malaki-ang-
maitutulong-sa-rcef-seed-program/

Rice Competitiveness Enhancement Fund – Seed and Extension. Department of Agriculture.


https://www.philrice.gov.ph/rice-competitiveness-enhancement-fund-seed-and-extension/

Rice tariffication improving PHL’s WTO standing. Business World.


https://www.bworldonline.com/rice-tariffication-improving-phls-wto-standing/

Help the farmers now. Philstar Global. Read more at


https://www.philstar.com/business/2019/08/23/1945660/help-farmers-
now#J8ErAMDuGmfY53Az.99

You might also like