You are on page 1of 21

EPEKTO NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE SA AKADEMIKONG SULATIN NG

MGA MAG-AAARAL SA KOLEHIYO

SANDARA F. ADRIATICO

ROCHELLE ANN HIPSANE ALAMER

MHARIEL ALAURIN

JERICA DERLA ALVAREZ

JENNY ROSE BAÑARES

MARK ANTHONY PAREJA BELMONTE

BEVERLY ANN BOTIN

MARK GLEN HAVERIA CAPUNPUN

CHRISTINE LOUISE N. CARIQUE

EFREN DADO CASTILLON JR.

ISANG TESIS NA INAHARAP BILANG BAHAGI NG MGA PAGPAPATUPAD SA


MGA KAILANGAN SA ASIGNATURANG FILIPINO SA IBAT-IBANG
DISIPLINA

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG SORSOGON

Mayo 3, 2024

KABANATA I
ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang teknolohiya ay isang mahalagang elemnto na


maaaring makapagbago at makaimoluwensya sa isip Ng mga Tao.
Ang Artificial Intelligence(AI) ay tinutukoy bilang mga
computer system na may kakayahang gumawa ng mga kumplikadong
gawain na sa kasaysayan ay tanging tao lamang ang
makagagawa, tulad ng pag-iisip, paggawa ng mga desisyon, o
paglutas ng mga problema. Ang A.I. ay isang pangkalahatang
termino na sumasaklaw sa iba’t ibang mga teknolohiya, Ang
terminong “Artificial Intelligence” ay madalas na ginagamit
sa proyekto ng pag-develop ng mga system na may kakayahang
mag-isip, matuklasan ang kahulugan, mag-generalize, o matuto
mula sa mga nakaraang karanasan (Britannica, 2022.). Ilang
mga tao ang nag-aangkin na ang karamihan sa teknolohiya na
ginagamit sa totoong mundo ngayon ay talagang napakalawak na
machine learning na isang unang hakbang patungo sa tunay na
artificial intelligence, o “general artificial intelligence”
(GAI) Kapag ginagamit ng karamihan ng mga tao ang terminong
AI ngayon, tinutukoy nila ang isang hanay ng mga
teknolohiyang pinapagana ng machine learning, tulad ng Chat
GPT o computer vision, na nagbibigay-kakayahan sa mga makina
na gumawa ng mga gawain na dati ay tanging mga tao lamang
ang makagagawa tulad ng paglikha ng nakasulat na nilalaman,
pagmamaneho ng isang kotse, o pagsusuri ng data. Ang mga
aplikasyon ng artificial intelligence (AI) sa edukasyon ay
tumataas at nakatanggap ng maraming atensyon sa nakalipas na
ilang taon. Ang AI at adaptive learning teknolohiya ay
kitang-kitang itinatampok bilang mahalagang mga pag-unlad
sa teknolohiyang pang-edukasyon.

Ang mga AI aplikasyon na nauugnay sa pagtuturo at pag-


aaral ay inaasahang lalago pa. ang AI ay may malaking epekto
sa proseso ng pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo. ang
mga estudyanteng ngayon ay gumagamit ng mga AI-powered na
mga tool sa kanilang mga takdang aralin, proyekto SA
pananaliksik, pagbuo ng ideya, pagbabaybay sa mga pagsusuri
sa gramatika. ang AI ay ginamit para malaman ang relasyon ng
mga estudyante sa isang partikular na kurso at ang kanilang
panlipunang background, nakaraang tagumpay at ang
akademikong kapaligiran. ang AI ay nagbibigay ng agad at
eksaktong pagsusuri sa performance ng mga estudyante Ang mga
natuklasan sa pagsusuri ng datos ay nagpapakita na may
malaking epekto ang AI sa pagkawala ng paggawa ng desisyon
ng tao at nagiging sanhi ito ng katamaran. Nakakaapekto rin
ito sa seguridad at privacy. sa pagkawala ng kakayahang
magdesisyon ay dahil sa epekto ng artificial intelligence sa
mga estudyante. napansin na ang katamaran ng tao ang pinaka-
apektadong dahil ang teknolohiya ay nagiging kapalit ng mga
tao at ang mga estudyante ay nagiging dependency sa mga
sistema, hindi lamang ito magdudulot ng negatibong epekto sa
mga pag-uugali sa pag-aaral, kundi magiging dependente rin
ang mga estudyante sa sistema kaysa sa pagtatangka na mag-
isa. Maaring maapektuhan din ang kanilang kakayahang
mangarap dahil sa bawat simpleng problema, sila ay
sasangguni sa sistema at dahan-dahan silang magiging adik at
magiging dependente sa teknolohiya.

Ang pangkalahatang problema ng paggaya (o paglikha) ng


katalinuhan ay nahahati sa bilang ng mga spesipikong sangay
na problema. Ang mga ito ay binubuo ng mga partikular na
katangian o kakayahang ninanais ng mga mananaliksik ng AI na
ipamalas ng isang sistemang intelihente. Ang mga sumusunod
na mga katangian ang nakatanggap ng labis na pansin sa
kommunidad ng AI.

Ang mga unang mananaliksik ng AI ay lumikha ng mga algoritmo


na gumagaya sa sunod-sunod na hakbang ng pangangatwiran na
ginagamit ng mga tao upang lutasin ang mga puzzle at gumawa
ng mga deduksiyong lohikal.

Ang pagkakatawan ng kaalaman at pag-iinhinyerya ng kaalaman


ay sentral sa pananaliksik AI. Marami sa mga problema ng
makina na inaasahang malutas ay nangangailangan ng malawak
na kaalaman tungkol sa mundo. Kabilang sa mga bagay ikatawan
ng AI ay: mga bagay, mga katangian, mga kategorya at mga
relasyon sa pagitan ng mga bagay; mga sitwasyon, mga
pangyayari, mga estado at panahon; mga sanhi at mga epekto;
kaalaman tungkol sa kaalaman (kung ano alam ko tungkol sa
kung ano alam ng iba); at maraming iba pang hindi
sinasaliksik na sangay. Ang isang representasyon ng “kung
ano ang umiiral” ay isang ontolohiya (paghiram ng isang
salita mula sa tradisyonal na pilosopiya), kung saan ang
pinaka-pangkalahatan ay tinatawag na mataas na mga
ontolohiya.

Kaya't layunin ng pananaliksik a ito pag-aralan ang epekto


ng paggamit ng artificial intelligence sa akademikong
sulatin ng mga mag-aaaral sa kolehiyo ng Pamahalaang
Pamantasan ng Sorsogon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang


epekto ng artificial intelligence sa akademikong sulatin sa
mga piling mag-aaral sa sa unang antas ng kolehiyo ng
Pamahalaang Pamantasan ng Sorsogon sa ilalim ng kolehiyo ng
Teknolohiya, taong panunuran 2023-2024 .

Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng


kasagutan batay sa mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga websites na nagdudulot ng epekto sa


akademikong sulatin ng mga mag-aaral?

2. Ano ang performans lebel ng mga mag-aaral sa kolehiyo?

a.Paunang pagsusulit ( walang gamit na artificial


intelligence app)

b.Panapos na pagsusulit ( merong gamit na artificial


intelligence app)

3. Mayroon bang mahalagang pagkakaiba ang performans lebel


sa paunang at panapos

na pagsusulit?

4.Ano ang epekto ng artificial intelligence sa mga mag-


aaaral sa kolehiyo batay sa resulta ng pag-aaral?
5. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang negatibong
dulot ng artificial intelligence apps sa akademikong
sulatin ng mga mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan dahil


ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay ng


mga mag-aaaral upang malaman nila ang epekto ng artificial
intelligence sa kanilang akademikong sulatin.

Guro. Mapabatid sa mag-aaaral na makagawa sila ng iba't


ibang istratehiya na nagbibigay daan sa pagpapadali ng
pagpapalitan ng kaalaman at ideya sa silid paaralan na
bumabase sa artificial intelligence.

Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing


batayan ng mga sumusunod na mananaliksik sa pagsasagawa ng
pagaaral tungkol sa epekto ng artificial intelligence sa
akademikong sulatin ng mga mag-aaaral sa kolehiyo. Ito’y
magsisilbi ring panghikayat na ipagpatuloy ang pagtuklas ng
iba pang mga pag-aaral na may kinalaman sa paksa ng pag-
aaral na ito.

Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED). Maging


batayan ito sa patuloy na pagrebisa sa kurikulum kung ano
ang maaring kagamitang gagamitin kapag nakitang ang mga mag-
aaaral ay kulang na kulang sa interes sa kanilang pag-aaral.
Maaring gamitin ng CHED ang kinalabasan ng pag-aaral na ito
sa pag l-aanalisa kung saan malakas at mahina sa pag-unawa
ng mga tekstong lunsaran ng mga estudyante.

Guro. Mapabatid sa mag-aaaral na makagawa sila ng iba't


ibang istratehiya na nagbibigay daan sa pagpapadali ng
pagpapalitan ng kaalaman at ideya sa silid paaralan na
bumabase sa artificial intelligence.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Layuning matiyak sa pag-aaral na ito ang epekto ng
artificial intelligence sa akademikong sulatin ng mga mag-
aaaral sa kolehiyo.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral


sa Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon sa ilalim ng
Kolehiyo ng Teknolohiya taong panunuran 2023-2024.

Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ang ang mga


mag-aaaral na nasa unang antas tersarya sa ilalim ng
Kolehiyo ng Teknolohiya na kumukuha ng kursong BET-
Mechanical, BET- Drafting, BET- Automitive, at BET-
Electrical. Ito'y binubuo ng apatnapu (40) na mag-aaaral
mula sa nabanggit na programa. Hindi saklaw ang iba pang
kurso at nililimitahan din ang pangangalap ng datos mula sa
mga guro’t mag-aaral ng anumang paaralan at kolehiyo sa
Sorsogon

Katuturan ng Talakay

Sa ikalilinaw ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ng


salita o lipon ng mga salita ay binigyang katuturan ayon sa
pagkakagamit sa kasalukuyang pag-aaral upang lubos na
maunawaan ng mga mambabasa ang tesis na ito.

Internet. Isang Lugar na "virtual world" kung saan ang mga


kumpyuter sa buong mundo ay magkakakonekta at nagbibigayan
ng impormasyon na bukas sa publiko (Wikipedia, a free
encyclopedia).

Akademikong sulatin. Isang intelektwal na pagsulat.


Makakatulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang
larangan. Ito ay para din sa makabuluhan pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base
sa manunulat. (www.akademikong sulatin.scribd.com)

Artificial intelligence. Ang intelihensyang artipisyal o


artipisyal na katalinuhan ay ang katalinuhan ng mga makina
at sangay ng agham pangkompyuter na naglalayong lumikha
nito. Nagmula ang salita bilang isang paksa ng kumperensya
sa Dartmouth noong 1956 ni John McCarthy. Inilarawan ito ni
McCarthy bilang Isang agham at inhinyera ng oaggawa ng
intelihenyeng mga makina (www.wikipedia.com).

Informative sites. Ito ay tumutukoy sa websites na nagiging


Daan sa pakikipagkomunikasyon tulad ng Skype. Ito'y pangkat
ng bawat sites na naglalaman tulad ng mga impormasyong
mahalaga na kung saan mayroong dalawang magkaibang karakter
upang magkaroon ng palita. Ng
mensahe.(https://dictionary.reference.com/browse/informative
).

Internet. Isang Lugar na "virtual world" kung saan ang mga


kumpyuter sa buong mundo ay magkakakonekta at nagbibigayan
ng impormasyon na bukas sa publiko (Wikipedia, a free
encyclopedia).

Search engine. Ito ay kumpyuter program na naglalayong


mangalap ng mga dokumento lalo na sa world wide wed na kung
saan nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyong nakalap ng
mga tao.
(http://dictionary.referece.com/browse/search+ingine).

KABANATA II
KONSEPTUWAL AT OPERASYONAL NA BATAYAN NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, inilahad ang buod ng mga napiling


literatura at pag-aaral. Inilahad din ang lagom ng pag-
aaral, gap, at bayang konseptwal ng pag-aaral.

Kaugnay na Literatura
Ang mga literatura na nabasa ay may kaugnayan at lubos na
makatutulong sa kasalukuyang pag-aaral.

Ayon sa aklat na “Artificial Intelligence sa


Edukasyon,Promises at Implications para sa Pagtuturo at Pag-
aaral”ni Charles Fadel na inilathalanoong 2019. Ito ang
nagsisilbing balangkas ng pag-aaral upang mas
mapatotohananang pag-aaral na ito. Ang librong Artificial
Intelligence in Education: Promises and Implications for
Teaching and Learning ay naglalayon na ipakita ang
potensiyal ng AI tools sapagpapabuti ng mga kakayahan sa
pagsulat ng mga mag-aaral. Ang pigura na ito ay nagpapakita
ng interaksiyon o koneksiyon ng artificialintelligence
(AI)sa edukasyon at sa mga mag-aaral ng STEM ng Del Monte
National High School. Layunin rin ng pag-aaral na ito na
matukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng AIsa
kakayahan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa STEM.Artificial
Intelligence Edukasyon Mag-aaral ng STEM Negatibong Epekto
Positibong Epekto.

Ayon sa pag-aaral ng Koponan Ng Editoryal Ng Smodin


(2023), ang mga toolsa pagsulat ng AI ay maaaring gumawa ng
malalim na pananaliksik at makagawa ngmaramihang nilalaman
sa loob lamang ng ilang minuto. Gamit ang AI ,
makakatuklasang mga mag-aaral ng mga bagong posibilidad,
makapagsagawa ng mga pagsusuri saliteratura, at makabukas ng
mga bagong hypothesis nang mas mabilis kaysa sa mga
tradisyonal na diskarte. Gayunpaman, mahalagang tandaan na
ang mga kakayahan ng tool ng AI ay dapat gamitin sa
pakikipagtulungan sa katalinuhan ng tao. Dapat itong makita
bilang mga tool na nag-aalok ng suporta at mga mungkahi,
hindi ang mga ganap namaaasahan.Sa pag-aaral naman ng DepEd
Dagupan, ang paggamit ng Artificial Intelligence sa
edukasyon ay nagsisilbing isang makabagong instrumento
namagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa mga mag-aaral
at guro upang maabotang

Ayon sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com


noong 2018, Ang teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang
papel sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng napapanahong mga
kasanayan at napapanahong mga ideya at pagtuklas. Ngunit
ngayon, nakikita natin ang mga inobasyon na hinahamon maging
ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at
mga ratio ng guro-mag-aaral. Dagdag pa nya na ang lahat ng
ito ay mapapakinabangan ng mga mag-aaral ngayon at bukas,
dahil ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis, at
mas madaling ma-access kanilang potensyal at maging
matagumpay sa kanilang larangan.

Ayon Kay Schmoh, Watanabe, Frolich ( 2020) Sa pag


papabuti ng artipisyal na katalinuhang katulong sa pagsulat,
madaling nauunawaan ng mga mag-aaral na makuwa ang
perspektibo ng kanilang nga propesor. Kung paanong dapat
gawin ang isang akademikong sulatin at mga dapata iwasan sa
pag sulat nito.

Ayon kay (Fui-hoon, 2022) ang ChatGPT ay isang


artipisyal na katalinuhan (AI) chatbot na gumagamit ng
natural na pag proseso ng wika upang lumikha ng pag- uusap
na parang tao o diyalogo . Ang Modelo ng wika ay maaring
tumugon sa mga tanong at bumuo ng ibat`ibang nakasulat na
nilalaman, kabilang ang mga artikulo, mga post sa social
media, sanaysay, code at email. Ang ChatGPT (AI) ay may
talagang napakalaking ambag sa atin sapagkat kahit anong
lengguwahe ang gamitin ay maiintindihan nito. Kadalasan ang
AI na ito ay ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-
aaral, maraming mga estudyante ang inaabuso ang paggamit ng
ChatGPT AI

Ayon kay John Dewey“hindi tayo hinahanda ng


edukasyon sa totoong buhay, ang edukasyon mismo ay ating
buhay.” Kasama ng buhay, ang pagkatuto ay dumadaan
sanapakahabang proseso. Tulad ng buhay, ang pagkatuto ay may
kaunlaran at minsan ay mayanay na sisira nito. Paano ba
nasisira ng AI (artificial intelligence) ang pagkatuto ng
mgaestudyante?Sa kasalukuyan, ang teknolohiya ay naging
malaking bahagi na sa lahat ng aspeto natin sa buhay lalong
lalo na sa edukasyon.
Ayon kay Rambabu Dixit (2022) “ang paggamit ng teknolohiya
sa edukasyon ay nakatutulong upang ang proseso ng pagtuturo
ay magingsiyentipiko, obhetibo, malinaw, simple, madali,
nakawiwili, at epektibo.” Kasabay ng pag-unlad ng
teknolohiya ang malawakang paggamit ng AI (artificial
intelligence).

Ayon kay Pattam (2021) “ang artificial intelligence


ay ang paggamit ng kompyuter sa paggawa ngmga bagay na
nangangailangan ng kaalaman ng tao.” Dagdag niya, “ang
layunin ngartificial intelligenceay makagawa ng mga bagay
tulad ng pagkilala ng mga patterns, makabuo ngdisesyon, at
makapaghusga tulad ng tao. Isa sa AI websayt na ginagamit
ngayon ng mga estudyante ay ang ChatGPT. Ayon sa rappler,
tumatayang umabot ng 100 milyon bawat buwan ang aktibong
gumagamit ng ChatGPT noong Enero, dalawang buwan matapos
itong inilunsad. Ang abusong paggamit ngmga estudyante nito
ay kinababahala ng iilang mga guro. Sa halip na gumawa ng
sariling sulatin o gawain, marami na sa mga estudayante ang
gumagamit nito.

Ayon kay Antivola (2023) ang ilang mga guro ay naging


maingat tungkol sa akademikong panlilinlang, nangnapansin
nila na marami na sa mga estudyante ang gumagamit ng ChatGPT
o iba pang AI tool sa paggawa ng kanilang mga takdang
aralin. Kailanman ang pangongopya ay hindi makatutulong sa
iyong pagkatuto at pag-unlad.

Ayon kay Alicia Smart (2022) “ang mga estudyante na


nasasangkot sa pangongopya ay hindi uunlad dahil hindi nila
matutuhan angmga kasanayan na kanilang magagamit sa
hinaharap maliban na lamang kung magsisimulasila muli.”Ang
teknolohiya ay naging at magiging malaking parte ng
edukasyon at pagkatuto.Huwag natin hayaan na ito ay sisira
sa tunay na esensiya ng pagkatuto. Sa halip, gawin
natinitong matibay na pundasyon na hindi masisira ng

Ayon kay Jenny Rose D. Navarro 2019, tunay na ang


Sistema ng edukasyon sa ngayon ay sumasalamin sa ika
dalawamput-isang siglo, ang pangunahing kagamitan ngmga mag
aaral ay kompyuter at mga makabagong teknolohiya na
nagpapabilis at nagpapadali ng paraan ng pag-aaral. “Sa
edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis
at nagiging organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng
paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang takdang-aralin,
research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y
nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng
kalidad na edukasyon.

Ayon kay (Ingewizard, 2023) ang ChatGPT ay isang uri


ng generative AI- isang tool nanagbibigay-daan sa mga
gumagamit na magpasok ng mga prompt para makatanggap ng mga
larawan, teksto o video na katulad ng tao na nilikha ng AI.
Ang ChatGPT (A.I) ay napakataas na teknolohiya (High Tech)
dahil may kakayahan itong makipag usap sa tao gamit ang,
boses, larawan, teksto o video na katulad ng tao na nilikha
ng AI kaya napapadali ang pagsagot sa ating mga tanong.

Kaugnay na Pag-aaral

Muling pinag-aralan ng mananaliksik ang ilan sa mga di-


limbag na tesis. Mga pananaliksik na may kaugnayan at ang
ilan ay may pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ng Koponan Ng Editoryal Ng Smodin (2023),


ang mga toolsa pagsulat ng AI ay maaaring gumawa ng malalim
na pananaliksik at makagawa ngmaramihang nilalaman sa loob
lamang ng ilang minuto. Gamit ang AI , makakatuklasang mga
mag-aaral ng mga bagong posibilidad, makapagsagawa ng mga
pagsusuri saliteratura, at makabukas ng mga bagong
hypothesis nang mas mabilis kaysa sa mga tradisyonal na
diskarte. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga
kakayahan ng tool ng AI ay dapat gamitin sa
pakikipagtulungan sa katalinuhan ng tao. Dapat itong makita
bilang mga tool na nag-aalok ng suporta at mga mungkahi,
hindi ang mga ganap namaaasahan.Sa pag-aaral naman ng DepEd
Dagupan, ang paggamit ng Artificial Intelligence sa
edukasyon ay nagsisilbing isang makabagong instrumento
namagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa mga mag-aaral
at guro upang maabotang kanilang potensyal at maging
matagumpay sa kanilang larangan.

Sa pag-aaral na isingawa ni Lo (2023), sya ay sumuri ng 50


na artikulo upangmasuri ang performans ng ChatGPT sa
larangang pang-akademiko. Natuklasan nyaang ibat-ibang
benepisyo nito bilang isang assistant para sa mga guro at
isang virtualna tuturuan para sa mga mag-aaral. Gayunpaman,
may mga pag-aalala na naitampok tungkol sa paglikha ng mali
o pekeng impormasyon at ang epekto nito sa integridadng
akademiko. Inirerekomenda nya na ang mga paaralan at
pamantasan ay mag-update ng kanilang mga alituntunin at
patakaran para sa integridad ng akademiko atpag-iwas sa
plagiarism.

Nagbigay diin si Firat (2023) ng mga rekomendasyon sa


kanyang pag-aaral tungkol sa paggamit ng ChatGPT sa larangan
ng edukasyon. Tulad na lamang ng pagbuo ng mga patakaran,
alituntunin, at pinakamahusay mga kasanayan para sa etikal
atepektibong paggamit ng AI na teknolohiya, tulad ng
ChatGPT, sa edukasyon. Ayon sakanya, sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mga rekomendasyong ito, lahat ngstakeholder
maaaring magkatuwang na gamitin ang potensyal ng mga
teknolohiya ng AI, tulad ng ChatGPT, upang mapahusay ang mga
karanasan sa pag-aaral at mgaresulta sa mas mataas na
edukasyon habang pinapagaan ang potensyal mga panganibat
hindi sinasadyang mga kahihinatnan.

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Kuchemann et al.


(2023), kanilang natuklasan na ang pagiging tama, ang
kadalasang pagkakaroon ng mga gawain namay angkop na antas
ng kahirapan, at ang kabuuang kalidad ng mga gawain na
nilikhang ChatGPT ay kapantay ng mga gawain na nilikha ng
mga kalahok na may kakayahangumamit ng isang aklat.

Ayon sa pag-aaral ni Lannnao, Mich Ysabel (2019) sinabi rin


nya na may maganda at hindi magandang naidudulot ang
makabagong teknolohiya sap ag-aaral ngunit kailangan lang
kontrolin ngmag-aaral ang kanyang sarili sa paggamit ng mga
ito. Ang pampublikong edukasyon at teknolohiya ay mahirap
ibigay, lalo na kung saan [ang] karamihan ng mga tao ay
nabubuhay nang higit sa pang-araw-araw na paraan.

Ayon sa pag-aaral ni Donna McGeorge, na kung saan ang


kanyang pag-aaral ay nagpapakita na ang ChatGPT AI ay lubos
na makakatulong sa atin sa ating pang-araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng pagpapasimple ng nakakaubos ng oras at
nakaka-stress na mga gawain. Halimbawa, maaari itong bumuo
ng mga plano, gumawa ng mga sanaysay, at magbigay ng mga
sagot sa iba't ibang tanong.

Ayon kay Rozal (2023), ang ChatGPT AI ay lubhang kapaki-


pakinabang sa parehong mga mag-aaral at guro, dahil
nagbibigay ito ng mga malinaw na paliwanag at mga halimbawa
na nagpapadali na mas mabilis na maunawaan ng lahat. Ayon
kay Mohammad Ali, Abrar (2023), na ang interbensyon ng
ChatGPT AI ay napatunayang epektibong nakakabawas sa mga
error sa gramatika sa pagsulat ng mga mag-aaral dahil
nagtataglay ito ng kakayahang iwasto ang parehong grammar at
spelling.

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Julien Papadopulos,


Christiansen(2023), iminungkahi na ang pagsasama ng ChatGPT
AI sa iba't ibang industriya ay nagdudulot ng pagbabago sa
mga tungkulin sa trabaho at sa pangkalahatang istruktura ng
trabaho. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng pag- automate ng
parehong nakagawian at hindi nakagawiang mga gawain, na
nagreresulta sa pinahusay na kahusayan at pagtitipid sa
gastos. Bilang kinahinatnan, ang ilang mga posisyon at
kasanayan ay nagiging lipas na at hindi na kailangan. Ang
paggamit ng teknolohiyang ito ay nagdudulot ng ilang hamon
para sa mga organisasyon, kabilang ang pangangailangang
sanayin ang mga empleyado sa paggamit at pag-angkop sa
bagong teknolohiya, pati na rin ang mga alalahanin tungkol
sa mga potensyal na pagkawala ng trabaho.

Sa pag-aaral ni Glorin Sebastian(2023), na binago ng ChatGPT


AI ang ilang larangan, gaya ng natural na pagproseso ng
wika. Gayunpaman, ang paggamit ng ChatGPT AI na ito ay
nagpapakita rin ng malaking panganib sa cyber na kailangang
harapin, dahil ang data na nakukuha nito mula sa amin ay
maaaring samantalahin anuman ang laki nito.

Ayun Kay (Deano, 2021) ang pagbabasa ng aklat, diksyunaryo,


diyaryo, at mga artikulo ang tanging pinagkukunan ng
impormasyon ng mga kabataan noon. Ngunit sa paglipas ng
panahonng mundo at sa pag-usbongng makabagong teknolohiya.
Ang pagbabagong ito ang nagpakilala sa makabagong
mapagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral. Kung saan ito
ang ChatGPT Artificial Intelligence.

Sa pag-aaral nina Janine Berg, Gmyrek(2023), ang


teknolohiyang AI na ito ay may kakayahang magsagawa ng iba't
ibang gawain na makabuluhang nakakaapekto sa pang-araw- araw
na buhay ng mga manggagawa. Hindi lamang ito may kakayahang
kumpletuhin ang lahat ng kinakailangang gawain, ngunit
nakakaapekto rin ito sa mga manggagawa sa pamamagitan ng
potensyal na pagpapalit sa kanila ng teknolohiya. Bilang
karagdagan, ang kalidad ng trabaho na ginawa ng ChatGPT AI
ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa epekto na ito.

Sintesis ng Pag-aaral

Ang mga nailahad na literatura at pag-aaral ay


makatutulong sa mananaliksik upang makakalap ng mga
mahahalagang kaalaman na may kaugnayan at kabuluhan sa
kasalukuyang pag-aaral na tumatalakay sa epekto ng
artificial intelligence sa akademikong sulatin ng mga mag-
aaaral sa kolehiyo.

Ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa edukasyon ay


isang modernong estratehiya na nagbibigay daan sa pag-unlad
ng paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa iba't ibang antas ng
edukasyon. Sa pamamagitan ng AI, maaaring malutas ang iba't
ibang hamon sa edukasyon tulad ng pangangailangan sa
masusing pagsusuri ng malalaking datasets. Ang AI ay may
kakayahang magproseso ng impormasyon nang mas mabilis at mas
detalyado kaysa sa tradisyunal na pamamaraan, nagbibigay
daan para sa mas epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng
mga estratehiya sa pagtuturo Sa tulong ng AI, maaaring ma-
identify ang mga indibidwal na pangangailangan at kakayahan
ng bawat mag-aaral, na nagbubukas ng pintuan para sa
paglikha ng kakaibang kurikulum at pagtutok na mas akma sa
kanilang mga pangangailangan. Sa pangakalahatan, ang
paggamit ng AI sa edukasyon ay nagreresulta sa isang
masinopat mas maayos na sistema ng pagtuturo, nagbubukas ng
mga bagong posibilidad at oportunidad para sa modernong at
epektibong paraan ng pag-aaral.

Ayon kay Pattam (2021), “ang artificial intelligence ay ang


paggamit ng kompyuter sa paggawa ng mga bagay na
nangangailangan ng kaalaman ng tao.” Dagdag niya, “ang
layunin ng artificial intelligence ay makagawa ng mga bagay
tulad ng pagkilala ng mga patterns, makabuo ng disesyon, at
makapaghusga tulad ng tao. Isa sa AI websayt na ginagamit
ngayon ng mga estudyante ay ang ChatGPT. Ayon sa Rappler,
tumatayang umabot ng 100 milyon bawat buwan ang aktibong
gumagamit ng ChatGPT noong Enero, dalawang buwan matapos
itong inilunsad. Ang abusong paggamit ng mga estudyante nito
ay kinababahala ng iilang mga guro. Sa halip na gumawa ng
sariling sulatin o gawain, marami na sa mga estudayante ang
gumagamit nito.

Ayon kina Shipway et al. (2023), ang ChatGPT ay may maraming


benepisyo namaiibigay sa larangan ng edukasyon.
Ito ay maaring gamitin sa pagsasalin ng wika,pagbubuod ng
mga pahayag, pagsagot ng mga katanungan, pagbuo ng
pahayag, at isinapersonal na pagtatasa. Ngunit ito ay
bumuo ng ilang mga problema, lalong-lalo nasa parte ng
plagiarism at akademikong katapatan ng mga
estudyante. Ito ay maaringmagamit sa pandaraya
at maaring mahirapan ang mga guro na malaman kung ito ba
ay gawa ng tao o artipisyal intelligence.Nagpapahiwatig
lamang ang pahayag na ito na kahit namaraming
benepisyo ang nakukuha ng mga estudyanyte sa paggamit ng
ChatGPT, meron paring mga problema na maaring kaharapin,
tulad na lamang ng paggamit ng mga estudyante dito
para sa pandaraya.

Ayon sa Abante News (2023) dapat tiyakin ng sektor ng


edukasyon sa bansa, kabilang dito ang sistema ng basic
education, na ang mga kasanayan na nakukuha ng mga mag-aaral
ay magiging angkop sa inaasahang pag-angat ng AI sa bansa.
Maliban sa pagkakaroon ng angkop na kurikulum na
kasalukuyang nirerepaso ng Department of Education (DepEd),
nais bigyang diin ng inyong lingkod na dapat ihanda rin ang
mga guro para magkaroon sila ng competency pagdating sa
pagtuturo ng AI.

Ayon naman sa Koponan Ng Editoryal Ng Smoodin (2023) Isa sa


mga madalas itanong ng mga tagapagturo ay kung ang AI ay
binuo upang palitan ang mga guro. Bagama’t ito ay isang tila
legit na punto ng pag-aalala, makatitiyak ang mga
tagapagturo na ang Artificial Intelligence ay hindi isang
guro o kapalit ng tao kundi isang katulong upang tumulong sa
paghawak ng mga paulit-ulit na gawain habang nagbibigay ng
mga makabagong solusyon sa mga kumplikado.

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik na ito na may paksang Epekto ng artificial


intelligence app sa akademikong sulatin ng mga mag aaral sa
kolehiyo. Ito ay nagprepresenta ng balangkas konseptwal na
nakabatay sa Input-Process-Outtput modelo kung saan nakikita
kung ano ang proseso o daloy ng pag-aaral. Inilalahad ng
input frame ay profyl ng mga tagatugon tulad na lamang ng
kanilang pangalan,kasarian, edad, antas at kursong
kinabibilangan, epekto ng (Al) sa mag aaral sa kolehiyo, mga
website na pinagkukunan ng mga mag aaral.bilang ng mga mag
aaral na gumagamit (AI) sa kolehiyo.Ang process frame ay
tumotukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol
sa pagkuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang
surbey o pag iinterbyu. pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura.paggawa ng listahan ng mga katunungan frame naman
ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at mga
epekto o resulta ng pagaaral alinsunod sa paksang ARTIFICIAL
INTELLIGENCE sa mga piling magaaral sa kolehiyo. Binibigyan
ng balangkas konseptual ang pagsasaliksik na ito upang higit
na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pagaaral na
ito.

Iminungkahi ng mga mananaliksik kung ano ang maaring


magiging epekto ng (AI) app sa akademikong sulatin ng mga
mag aaral, upang mas mapaunlad ng mga mag aaral ang
kanilang akwal na akademikong sulatin laban sa (AI)app.
Input Proseso Awtput

1. Ano-ano ang mga websites


na nagdudulot ng epekto sa
akademikong sulatin ng mga
mag-aaral?

2. Ano ang performans lebel


ng mga mag-aaral sa
kolehiyo?

a.Paunang pagsusulit
( walang gamit na artificial
intelligence app)
Paunang Pagsusulit
b.Panapos na pagsusulit ( (Pre-Test) EPEKTO NG
merong gamit na artificial
ARTIFICIAL
intelligence app) Focus Group
INTELLIGENCE SA
Discussion/
3. Mayroon bang mahalagang AKADEMIKONG
Pakikipanayam
pagkakaiba ang performans SULATIN NG MGA
lebel sa paunang at panapos Panapos na MAG-AAARAL SA
pagsusulit (Post- KOLEHIYO
na pagsusulit? Test)

4.Ano ang epekto ng artificial


intelligence sa mga mag-
aaaral sa kolehiyo batay sa
resulta ng pag-aaral?

5. Ano-ano ang mga paraan


upang maiwasan ang
negatibong dulot ng artificial
intelligence apps sa
akademikong sulatin ng mga
mag-aaral?

FIDBAK
Pigura 1: Batayang Konseptwal

KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito ilalahad ang pamamaraang gagamitin sa


pananaliksik, ang paglalarawan ng mananaliksik, ang
instrumentong gagamitin, paraan ng paglikom at pagsusuri ng
mga datos.
Disenyo ng Pananaliksik

Matitiyak sa pag-aaral na ito ang epekto ng artificial


intelligence sa akademikong sulatin ng mga mag-aaaral sa
antas tersarya ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon,
taong panunuran, 2023-2024. Apatnapung (40) mag-aaaral mula
sa apat (4) programa sa ilalim ng Kolehiyo ng Teknolohiya
ang respondent sa pag-aaral. Deskriptib-kwalitatib at focus
group discussion ang gagamitin ng mananaliksik sa paglikom
ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral.

Sa pagkuha ng epekto ng artificial intelligence sa


akademikong sulatin ng mga mag-aaaral bibigyan ng
talatanungan ang mga respondent at sasailaim sila sa paunang
at panapos na pagsusulit.

Kalahok

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng mga


apatnapung (40)mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo,
pangalawang semestreng taong panuruan 2023-2024 saKolehiyo
ng Teknolohiya ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon.

Talahanayan 1

Mga respondent

Mga respondent f Bahagdan

BET-MECHANICAL 10 25%

BET-DRAFTING 10 25%
BET-AUTOMOTIVE 10 25%

BET- ELECTRICAL 10 25%

Kabuuhang bilang 40 100%

Makikita sa talahanayan 1 ang pagkabaha-bahagi ng mga


repondent ng mga mag-aaaral sa bawat seksyong kalahok.

Instrumento

Ang instrumentong gagamitin ng mananaliksik sa pag-aaral na


ito upang makakalap ng datos ay gabay na tanong (guide
questions) at pagsusulit ( paunang at pangalawang na
pagsusulit) sa paunang pagsusulit walang anumang artificial
intelligence ang gagamitin para sagutin ito at sa
pangalawang pagsusulit ay gagamit ang mga respondent ng
artificial intelligence upang sagutan ito.gabay na tanong
(guide questions). Ang gabay na tanong ay gagamitin sa
pagsasagawang Focus Group Discussion upang malaman ang mga
websites na ginagamit sa paggawa ng akademikong sulatin at
malaman ang mga pamamaraan ng mga mag-aaaral upang maiwasan
ang negatibong dulot ng artificial intelligence sa
akademikong sulatin . Samantalang ang pagsusulit naman ay
gagamitin upang malaman ang epekto ng artificial
intelligence sa akademikong sulatin ng mga mag-aaaral sa
kolehiyo.

Paraan ng Paglikom ng Datos

Ang paraan ng paglikom ng datos na isasagawa ng mga


mananaliksik ay ang mga sumusunod: pagbigay ng liham
pahintulot sa pangulo at mga dekano ng kolehiyo ng
Pampahalaang Pamantasan ng Sorsogon na pahintulutan ang mga
mananaliksik na makalikom ng mahahalagang datos, mula sa mga
mag-aaral ng nasabing pamantasan, paghahanda ng gagamiting
instrumento sa pangangalap Ng Datos, pagsasagawa ng paunang
pagsusulit at panapos na pagsusulit, at pagsasagawa ng
focused group discussion sa pagitan Ng mag-aaral at
mananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay ipapaliwanag Ang layunin ng pag


sasagawa Ng kasalukuyang pag-aaral at ang kahalagahan nito
sa akademikong pagganap Ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Matapos maisagawa Ang mga prosesong ito, Ang mga nakalap na
datos ay iinterpreta at isasaayos upang mabigyang tugon ang
mga inilahad na suliranin.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Ang mga nakalap na datos mula sa sinuring mga awtput at


kasagutan Ng mga kalahok sa pre at post-test at guide
question ay sumailalim sa ibat-ibang estadistika na angkop
sa mga datos. Sinuri, inalisa at binigyan ng interpretasyon
ng mananaliksik.

Ginamit ang T-test upang mabigyan ng interpretasyon at


matukoy Ang mahalagang pagkakaiba ng paggamit Ng artificial
intelligence at di paggamit ng artificial intelligence sa
paggawa ng isang akademikong sulatin.

Pamantayan Walang gamit Merong gamit Iskala


na artificial na artificial
intelligence intelligence

Nilalaman Napakahusay Napakahusay 90-100

Gramatika Mahusay Mahusay 85-89

Organisasyon Katamtaman Katamtaman 80-84


ng mga salita

Kasiningan Magsanay pa Magsanay pa 75-79

You might also like