You are on page 1of 6

Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa kasalukuyang panahon ay tila lahat ng mga impormasyon sa iba’t-ibang bagay mapa-

agham man o matematika ay madali nalang makuha, dahil sa laganap na ang paggamit ng

Artificial Intelligence o mas kilala sa tawag na AI. Ang intelihensiyang artipisyal o artipisyal na

katalinuhan (Ingles: artificial intelligence o AI) ay ang makabagong teknolohiya o makina na

nagtataglay ng katalinuhan na mas higit pa sa tinataglay ng isang tao. Sa pagkakaroon ng

cellphone o iba pang gadget ay mayroon ka nang pribilehiyo na magamit ng madalian ang AI,

ilang pindot at search lang ay makukuha mo na ang ninanais mong impormasyon, dahil sa dali

nitong gamitin at sa taglay nitong katalinuhan ay dito na kumukuha ng iba’t-ibang inpormasyon

ang mga mag-aaral, tulad ng mga mag-aaral ng Senior High School sa paaralan ng STI College

Caloocan.

Ang paggamit ng AI ay itinuturing bilang malaking tulong sa mga mag-aaral, hindi

lamang dahil sa impormasyong ibinibigay nito, dahil din sa madali itong gamitin kaysa sa mga

libro. May mga nagsasabi rin na marami rin itong hindi magandang epekto, ayon kay Jing

Castañeda (2023), Sa pag-aaral, ang pinakalantarang masamang epekto ng AI ay natutukso kang

maging tamad at mandaya. Likas naman sa tao ang humanap ng pinakamadali at mabilis na

paraan. Pero habang napapadali ng teknolohiya ang ating buhay, nag aalala ako na ang AI ang

magdudulot ng pagbagsak ng sangkatauhan.

Isa sa mga isyu ngayon sa lipunan ay ang epekto ng AI sa pagkatuto ng mga mag-aaral,

maraming nagsasaad na ito ay malaking tulong at marami rin ang nagsasabi na

naiimpluwensyahan ng AI na maging tamad ang mga mag-aaral dahil sa madaling paraan ng

pagkuha ng mga inpormasyon. Kadalasang ito ay sadyang inaabuso ng ibang magaaral, dahil sa
paggamit nito ay mas napapadali ang pagsasagot ng kanilang mga takdang aralin o pampaaralang

gawain. Sa pagtitiwala ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI ay hindi na ang kanilang sariling

utak o isip ang kanilang ginagamit sa mga pagsagot ng kanilang mga gawain, bagkus ang

kanilang mga sagot ay nagmumula na lamang sa taglay na talino ng AI.

BATAYANG KONSEPTWAL

Layunin ng pag-aaral na ito ay ang masuri o alamin ang mga epekto sa paggamit ng
artificial intelligence (AI) sa pag-aaral ng mga Senior High school students ng STI College

Caloocan. Sa pag-aaral na ito ay malalaman kung ang paggamit ng artificial intelligence (AI) ng

mga mag-aaral ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral.

INPUT PROSESO AWTPUT

- The impact of artificial - Ang proseso ng pag-aaral - Makabuo ng poster kung

intelligence on learner– na ito ay ang pagsusuri ng saan nakapaloob ditto ang

instructor interaction in teksto batay sa uri ng teksto. mga epekto ng Artificial

online learning Intelligence sa pagkatuto ng

mga Senior High School sa

- Ang Paggamit Ng AI Sa STI College Caloocan.

Paglutas Ng Takdang - Aralin Napapaloob din ditto kung

ano nga ba ang AI .

- Paano ang isang Artipisyal

na Katalinuhan ay maaaring

maging pinakamahusay na

guro para sa mga mag-aaral


- Epekto ng Teknolohiya sa

mga Mag-Aaral ng Ika-11

Baitang sa Asignaturang

Filipino ng Bestlink College

of the Philippines

- Building smarter

classrooms: The benefits and


use cases of AI in education

BALANGKAS KONSEPTWAL

PANKALAHATANG TANONG

Ano - ano ang mga epekto ng Artificial Intelligence (AI) sa pagkatuto ng mga Senior

High School sa STI College Caloocan?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito ay inaasahang maipabatid ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod na layunin ukol sa Epekto ng Artificial Intelligence (AI) sa pagkatuto ng mga Senior

High School sa STI College Caloocan.

PANGKALAHATANG LAYUNIN

Ang layunin ng pagaaral na ito ay upang malaman ang mga Epekto ng Artificial

Intelligence (AI) sa Pagkatuto ng mga ng Senior High School sa STI College Caloocan
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan at epekto ng Artificial Intelligence (AI) bilang isang mag-

aaral.

2. Nakapananaliksik dito ang pinag kaiba o diperensiya ng AI at ng tradisyonal na nakagawiang

paraan ng mga estudyante.

3. Maipapakita rito kung sino-sino ang mga sumasang-ayon o hindi sa gawang AI o Artificial

Intelligence bilang kasangkapan sa pagkatuto.

KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong at magsisilbing instrumento upang mas

mapalawak ang kaalaman tungkol sa mga epekto ng Artificial Intelligence sa pagkatuto ng mga

Senior High School sa STI College Caloocan.

Para sa mga Mag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral upang mas maintindihan nila

ang epekto at dulot ng paggamit ng Artificial Intelligence sa kanilang pagkatuto. Inaasahan din

na sa pag-aaral na ito ay maunawaan ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng Artificial

Intelligence.

Para sa mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang mas maunawaan nila ang mga

epekto ng AI sa pagkatuto ng kanilang mga estudyante. Naglalaman ito ng inpormasyon na

makakatulong upang magabayan ng mga guro ang kanilang mga estudyante ukol sa paggamit ng

AI.

Para sa mga Mananaliksik


Dito ay malalaman ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng paggamit ng AI bilang

kasangkapan sa pagkatuto.

Para sa mga Administrador

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang maipakita sa administrator ang pagbabago ng

teknolohiya sa ating bansa gaya ng mga application o website na ginagamitan na ng mga

artificial intelligence (AI) na teknolohiya na makakatulong sa pag-papadali sa pag-aaral ng mga


mag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang isinasagawang pag-aaral na ito ay ukol lamang sa "Epekto ng Artificial Intelligence

or kilala bilang Ai sa pagkatuto ng mga Senior High School sa STI College Caloocan".

Isinagawa ito sa STI College Caloocan. Simula noong Setyembre taong kasalukuyan at

inaasahang matapos sa Enero 2024.

DEPINISYYON NG MGA TERMINILOHIYA

Artificial Intelligence (AI) – Makabagong teknolohiya o makina na nagtataglay ng katalinuhan,

ito ay ginagamit ng mga mag-aaral para sa kanilang gawaing pang paaralan o sa kanilang

pagkatuto.

You might also like