You are on page 1of 3

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa ating mundo, mas napapadali ang

buhay ng bawat tao. Ang paglaganap ng Artificial Intelligence (AI) ay isa sa mga

pangunahing kontribusyon nito sa ating lipunan. Sa kasalukuyan, isang website na

nagngangalang OpenAI ay nagsusulong ng teknolohiyang ito sa pamamagitan ng

kanilang bersyon ng AI na tinatawag na ChatGPT. Ito ay isang advanced na sistema ng

pag-uusap na ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Batay kina Okonkwo at Ade-Ibijola (2020) na nabanggit sa artikulo nina Adiguzel et

al. (2023), isa sa mga karaniwang ginagamit na teknolohiya ng AI sa pagsuporta sa

pagtuturo at mga akademikong gawain ay ang Chatbot. Ito ay isang matalinong ahente

na kayang makipag-ugnayan sa mga gumagamit nito sa pagsagot ng kanilang mga

katanungan at pagbibigay ng tamang tugon, ayon kina Clarizia et al. (2018). Nabanggit

din sa artikulo na ang ChatGPT, isang uri ng AI chatbot, ay ginawa at dinevelop ng

isang AI research company, ang OpenAI.

Ayon kina Shipway et al. (2023), ang ChatGPT ay may maraming benepisyo na

maiibigay sa larangan ng edukasyon. Ito ay maaring gamitin sa pagsasalin ng wika,

pagbubuod ng mga pahayag, pagsagot ng mga katanungan, pagbuo ng pahayag, at

isinapersonal na pagtatasa. Ngunit ito ay bumuo ng ilang mga problema, lalong-lalo na

sa parte ng plagiarism at akademikong katapatan ng mga estudyante. Ito ay maaring

magamit sa pandaraya at maaring mahirapan ang mga guro na malaman kung ito ba ay

gawa ng tao o ng Artificial Intelligence.


Nagpapahiwatig lamang ang pahayag na ito na kahit na maraming benepisyo ang

nakukuha ng mga estudyanyte sa paggamit ng ChatGPT, meron paring mga problema

na maaring kaharapin, tulad na lamang ng paggamit ng mga estudyante dito para sa

pandaraya.

Sa artikulo na ginawa ni Mohanad Halaweh (2023), iminungkahi nya sa mga

tagapagturo na payagan o hayaan na lang ang paggamit sa ChatGPT, ito ay gagamitin

parin ng mga estudyante kahit ano man ang sabihin sa kanila. Ang pagpapahintulot sa

mga mag-aaral na gamitin na gamitin ito ay nagbibigay sa kanila ng pantay na

pagkakataon na bumuo ng mga ideya at pagbutihin ang kanilang pagsulat, dahil ito ay

hinihikayat ng mga guro. Inirekomenda nya na gumamit ang mga guro ng AI detecting

tools na tutulong sa kanila na makita kung gawa ba ng mga estudyante o ng AI ang

isang teksto. Ito ay para maiwasan na rin ang plagiarism.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa pag-aaral na isingawa ni Lo (2023), sya ay sumuri ng 50 na artikulo upang

masuri ang performans ng ChatGPT sa larangang pang-akademiko. Natuklasan nya

ang ibat-ibang benepisyo nito bilang isang assistant para sa mga guro at isang virtual

na tuturuan para sa mga mag-aaral. Gayunpaman, may mga pag-aalala na naitampok

tungkol sa paglikha ng maling o pekeng impormasyon at ang epekto nito sa integridad

ng akademiko. Inirerekomenda nya na ang mga paaralan at pamantasan ay mag-

update ng kanilang mga alituntunin at patakaran para sa integridad ng akademiko at

pag-iwas sa plagiarism. Bukod pa rito, dapat ituro rin sa mga mag-aaral ang paggamit
at mga limitasyon ng ChatGPT at ang potensyal nitong epekto sa integridad ng

akademiko.

Nagbigay din si Firat (2023) ng mga rekomendasyon sa kanyang pag-aaral tungkol

sa paggamit ng ChatGPT sa larangan ng edukasyon. Tulad na lamang ng pagbuo ng

mga patakaran, alituntunin, at pinakamahusay mga kasanayan para sa etikal at

epektibong paggamit ng AI na teknolohiya, tulad ng ChatGPT, sa edukasyon. Ayon sa

kanya, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga rekomendasyong ito, lahat ng

stakeholder maaaring magkatuwang na gamitin ang potensyal ng mga teknolohiya ng

AI, tulad ng ChatGPT, upang mapahusay ang mga karanasan sa pag-aaral at mga

resulta sa mas mataas na edukasyon habang pinapagaan ang potensyal mga panganib

at hindi sinasadyang mga kahihinatnan.

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Kuchemann et al. (2023), kanilang

natuklasan na ang pagiging tama, ang kadalasang pagkakaroon ng mga gawain na

may angkop na antas ng kahirapan, at ang kabuuang kalidad ng mga gawain na nilikha

ng ChatGPT ay kapantay ng mga gawain na nilikha ng mga kalahok na may kakayahan

gumamit ng isang aklat.

You might also like