You are on page 1of 2

AI: Anay sa Pagkatuto

Ayon kay John Dewey, “hindi tayo hinahanda ng edukasyon sa totoong buhay, ang
edukasyon mismo ay ating buhay.” Kasama ng buhay, ang pagkatuto ay dumadaan sa
napakahabang proseso. Tulad ng buhay, ang pagkatuto ay may kaunlaran at minsan ay may
anay na sisira nito. Paano ba nasisira ng AI (artificial intelligence) ang pagkatuto ng mga
estudyante?

Sa kasalukuyan, ang teknolohiya ay naging malaking bahagi na sa lahat ng aspeto


natin sa buhay lalong lalo na sa edukasyon. Ayon kay Rambabu Dixit (2022), “ang paggamit
ng teknolohiya sa edukasyon ay nakatutulong upang ang proseso ng pagtuturo ay maging
siyentipiko, obhetibo, malinaw, simple, madali, nakawiwili, at epektibo.” Kasabay ng pag-
unlad ng teknolohiya ang malawakang paggamit ng AI (artificial intelligence). Ayon kay
Pattam (2021), “ang artificial intelligence ay ang paggamit ng kompyuter sa paggawa ng
mga bagay na nangangailangan ng kaalaman ng tao.” Dagdag niya, “ang layunin ng artificial
intelligence ay makagawa ng mga bagay tulad ng pagkilala ng mga patterns, makabuo ng
disesyon, at makapaghusga tulad ng tao.

Isa sa AI websayt na ginagamit ngayon ng mga estudyante ay ang ChatGPT. Ayon sa


Rappler, tumatayang umabot ng 100 milyon bawat buwan ang aktibong gumagamit ng
ChatGPT noong Enero, dalawang buwan matapos itong inilunsad. Ang abusong paggamit ng
mga estudyante nito ay kinababahala ng iilang mga guro. Sa halip na gumawa ng sariling
sulatin o gawain, marami na sa mga estudayante ang gumagamit nito. Ayon kay Antivola
(2023), ang ilang mga guro ay naging maingat tungkol sa akademikong panlilinlang, nang
napansin nila na marami na sa mga estudyante ang gumagamit ng ChatGPT o iba pang AI
tool sa paggawa ng kanilang mga takdang aralin. Kailanman ang pangongopya ay hindi
makatutulong sa iyong pagkatuto at pag-unlad. Ayon kay Alicia Smart (2022), “ang mga
estudyante na nasasangkot sa pangongopya ay hindi uunlad dahil hindi nila matutuhan ang
mga kasanayan na kanilang magagamit sa hinaharap maliban na lamang kung magsisimula
sila muli.”

Ang teknolohiya ay naging at magiging malaking parte ng edukasyon at pagkatuto.


Huwag natin hayaan na ito ay sisira sa tunay na esensiya ng pagkatuto. Sa halip, gawin natin
itong matibay na pundasyon na hindi masisira ng anay.
Education Is A Continuous Lifelong Process Who Made This Statement? - [Exact Answer]
(saradaschool.in)

How Important Is Technology In Education? - eLearning Industry

Artificial Intelligence, In Simple Terms (linkedin.com)

12 Effects of Cheating in College: Examples and Solutions (gradebees.com)

What Filipino students are saying about ChatGPT - BusinessWorld Online (bworldonline.com)

ChatGPT sets record for fastest-growing user base – analyst note (rappler.com)

You might also like